Napahinto ako sa paghahanap dahil sa sinabi niya." Um, alam ko mahal. May iba pa rin kasi akong hinahanap," pagkukunwari ko pa hanggang sa isang beses na nahanap ko rin ang susuotin niyang damit. "Ay ito na nahanap ko na rin sa wakas," malakas na boses na sabi ko habang napangiti ng kunti.Sabay napalingon sa akin si Marcelo."Parang naninibago ako sa iyo mahal kasi parang kapapasok mo lang dito kung kaya't parang hindi mo alam ang pasikot sikot dito haha," sabi pa niya dahilan upang ako'y mapatigil. "Haha biro lang. Hoy! Ayos ka lang ba mahal ko?""Ah, haha oo naman mahal ayos lang ako," maikling sagot ko sa kanya sabay umigham.Tama nga naman siya dahil sa ngayon lang ulit ako napasok sa kwartong ito. Babalik din naman ako sa kabilang kwarto kasama ang mga kasambahay nila kapag wala na siya rito o kapag babalik na siya nang Batangas.Magiging isang kasambahay na ulit ako kapag wala na siya rito.Matapos ang mga oras na iyon ay dumiritso agad kami ni Marcelo sa simbahan. Pagkatapos a
Magbasa pa