Sabado iyon nang gabe na kung saan ay naisipan ko siyang tawagan sa kaniyang cellphone lalo pa at buong araw na hindi man lang siya tumawag o nagtext sa akin."Siguro busy lang sa trabaho si Marcelo kung kaya't buong araw siyang hindi natakawag sa akin," mahinang boses na sabi ko sa aking sarili. "Tawagan ko na nga lang siya," dugtong ko pa sabay ngumiti ng kunti.Tinawagan ko na siya at naghihintay na lamang na sagutin niya subalit natapos na lang ang tawag ka subalit hindi niya man lang ito nasagot."Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?" Pagtatakang tanong ko sa aking sarili at sabay na tinawagan siya ulit.Sa aking pangalawang pagtawag sa kanya ay nagawa niya nga itong sagutin at nagkausap kami subalit mamaya lang din ay may narinig akong boses ng isang babae malapit sa kanya, kung kaya't bigla akong nagtataka. "Um, mahal may kasama ka ba diyan?" Pagtataka at pag-aalinlangan na tanong ko sa kanya.Napatigil naman saglit si Marcelo at nagtagalan bago pa makapagsalita."Ha? Wala mahal
Napaniwala niya nga ako lalo pa at wala talaga akong may nakitang kahina-hinala sa kaniyang cellphone.Siyam na araw na lang ay sasapit na talaga ang kasal namin pero bago iyon April 13 ay bumalik siya nang Batangas para daw aanyayahin niya ang kaniyang mga kasosyo sa negosyo na dumalo sa aming kasal subalit ang totoo niyan ay hindi naman pala. Sa katunayan niyan ay pupunta siya roon sa kadahilanan na susunduin niya si Colleen para sa kanilang pagpunta nang Manila para sa isang kasal na siyang dadaluhan din ni Colleen. As usual hindi iyon kasal namin ni Marcelo.April 15 nang umaga ay nagkausap pa kaming dalawa ni Marcelo at nabanggit niya pa na itong araw siya babalik nang Manila o uuwi galing Batangas. Ganitong araw din silang dalawa lumuwas ni Colleen nang Manila para sa kasal na kanilang dadaluhan.Nang matapos ngang pumunta ang dalawa sa isang kasal ay dumiristo sila sa Manila Grand Hotel na kung saan ay doon silang dalawa nag checked in. Ngunit bago pa man iyon ay may nakakita
April 17 nang umuwi si papa galing states para sa kaniyang pagdalo sa nalalapit na kasal namin ng kaniyang anak na si Marcelo. Dahil sa medyo close kami ni papa at naging mabuti rin siyang hipag sa akin kung kaya't madali ko siyang makakausap. Hapon iyon nang magpaalam ako kay papa na umalis dahil ako'y pupunta sa aking mga nalalapit na kaibigan at ka-klase noong college dahil sa aking plano na kukunin silang ninang sa aming kasal ni Marcelo.Medyo huli na ang pagkuha ko ng magiging ninong at ninang sa aming kasal dalawa ni Marcelo lalo pa madalang lang akong makalabas ng mansyon. Kung hindi pa dahil kay papa ay malamang hindi ako makakalabas ngayon.Pinutahan ko na nga ang mga taong napili kong magiging ninang at ninong ng aming kasal sa darating na April 19. Pauwi na ako ng mga oras na iyon nang mapag-isipan ko munang dumaan sa isang mall para bumili ng mga ibang gamit para sa kasal. Habang abala ako sa pamimili ng aking bibilhin ay aksidenting nagkabanggaan kaming dalawa ng dati
Matapos ang mga sandaling iyon ay nagpaalam na rin ako kay Maybelle at umalis. Ako'y palabas na nang mall ng mga sandaling iyon subalit ako'y natigilan dahil sa tila hindi ko maintindihan na sakit at pagkaselos ang aking nararamdaman ngayon.Iginiit ko man at itinago ang aking pagkataranta, sakit at selos na nadarama kanina sa harapan ni Maybelle subalit ngayon ay hindi ko na ito kayang pigilan pa. Ayokong mag-isip ng mali patungkol sa kanilang dalawa subalit hindi rin ako ganoon katanga para hayaan na lamang at baliwalain ang sinabi ni Maybelle."Bakit sobrang bigat ng aking pakiramdam ngayon? Para akong binagsakan ng matigas na bagay kung kaya't parang wala akong lakas sa katawan upang kumilos. Ang puso ko ay parang dinurog sa sobrang sakit at ang aking buong katawan ay nanginginig sa takot. Hindi ko man lubos na alam ang katotohanan sa likod nito lalo na patungkol sa kanilang dalawa pero bakit ito na ang nararamdaman ko," habang naghihinagpis ako sa sakit na aking nadarama ngayon
Pasakay pa lang kami ng elevator kasama ang isa sa mga staff ng hotel patungong 47th floor unit 169 kung saan doon naka checked-in si Marcelo ay kinakabahan na ako sa resulta ng ginagawa kong ito. Ilang minuto lang din ay narating na namin ang 47th floor at hanggang sa mapuntahan namin ang unit 169. Ibinilin na lamang sa akin ng staff ang susi at pinaalis ko muna siya bago ko buksan ang pintuan. Nakatayo ako sa harapan ng pintuan, kabado, kinakabahan, nanginginig, hindi mapakali sa sarili, nanlalamig ang buong katawan ang kung ano-ano pa ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Halos lahat na yata ay naramdaman ko na dagdag pa rito ang sobrang pagbilis ng tibok ng aking puso na tila sasabog sa sobrang kaba na aking naramdaman ngayon.Mayamaya lang din ang marahan kong binuksan ang pintuan hanggang sa makapasok ako sa loob. Sa una ay sobrang tahimik lamang na tila napapaisip pa ako na baka walang tao rito at baka mali ang aking iniisip kanina na dito ang punta ni Marcelo. Hanggang
Palagay ko ay ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo kung bakit lahat ng kamalasan ay sakin pa pumunta. Iniisip ko at tinatanong sa aking sarili kung karapat dapat ba na maghirap ako subalit hindi ko naman maisip kung anong nagawa kong mali at bakit parang pinaparusahan ako ng ganito. Panay lamang ako sa paghihinagpis habang hindi mawala wala sa aking isipan ang kanilang kahayopang ginawa kanina. Habang ako'y durog na durog at awang awa, sarap na sarap naman sila sa kanilang ginagawa. Lumalalim na ang gabi ng mga oras na iyon subalit ako'y nasa isang tabi lamang, walang tigil sa kakaiyak habang litong lito ang isipan. Hindi ko alam ang aking gagawin lalo na at hinahamon talaga ako ng isang pagsubok.Bukas na ang araw ng kasal namin ni Marcelo subalit ito pa ang nangyari. Gusto ko man na tanungin ang aking sarili kung bakit ako pinagtaksilan ng lalaking mahal ko subalit hindi ko magawang makuha ang sagot lalo pa at naging tapat at mabuti naman akong kasintahan sa kanya. Hindi k
"So, Marcelo my only son. Excited kana na talaga sa inyong kasal bukas ni Yvonne? Siguro bago iyon ay aayusin ko na muna ang lahat ng mga papeles ng ating negosyo upang pormal ko itong maipasa sa iyong pangalan kagaya ng aking ipinangako sa iyo noon," sabi pa ni papa sabay ngumiti sa kanya. " Total naman ay magkakapamilya kana, magkakaroon nang asawa at anak. Siguro panahon na upang ikaw na mismo ang humawak ng iba kong negosyo, hindi lang basta hawak sapagkat nakapangalan na talaga sa iyo," dugtong pa niya sabay uminom ng wine.Tila natigilan naman sa pag-inom ng wine si Marcelo matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Papa sa kanya." Wait dad, you mean ngayon na ba? I mean, are you sure with that?" Galak na tanong niya na habang bakas sa kaniyang mukha ang sobrang pagkatuwa."Yes of course, ano pa ang silbi na naging anak kita kung hindi ko man lang ipapamana sa iyo ang aking negosyo. Malaki kana Marcelo at sa tagal nang panahon na pagmamasid ko sa iyo on how you handle the business
Naghihingalo naman sa pagod si Nanay "Si Marcelo ay wala pa at kanina pa namin siya hinihintay. Mas nauna ka pang dumating kaysa sa kanya" wika pa niya habang may kaba at lungkot sa paraan ng kaniyang pananalita.Nabigla naman ako sa sinabi niya subalit iniisip ko na baka na traffic lamang si Marcelo. "Kalma lang po kayo Nay, siguro ay na traffic lang 'yun si Marcelo," ani ko pa habang ngumingiti lang sa kanya at panay ang pagtingin sa mga tao sa labas nang simbahan.Mayamaya pa ay may dumating na isang sasakyan na kulay itim at huminto malapit sa pinaghintuan ng Bridal Car na sinasakyan ko.Agad naman nabalin ang aking tingin sa humintong sasakyan dahil sa aking pag-aakala ay si Marcelo na iyon."Oh ayan, baka si Marcelo na po iyan Inay," maikling sabi ko sa kanya sabay binuksan ang pintuan at bumaba ng Bridal Car.Pagbaba ko ng Bridal Car ay pinukol ko agad ng isang masayang ngiti ang sasakyang itim. Hindi maikakaila sa aking mukha ang pagkagalak sa paglabas ng taong nakasakay sa s