Pasakay pa lang kami ng elevator kasama ang isa sa mga staff ng hotel patungong 47th floor unit 169 kung saan doon naka checked-in si Marcelo ay kinakabahan na ako sa resulta ng ginagawa kong ito. Ilang minuto lang din ay narating na namin ang 47th floor at hanggang sa mapuntahan namin ang unit 169. Ibinilin na lamang sa akin ng staff ang susi at pinaalis ko muna siya bago ko buksan ang pintuan. Nakatayo ako sa harapan ng pintuan, kabado, kinakabahan, nanginginig, hindi mapakali sa sarili, nanlalamig ang buong katawan ang kung ano-ano pa ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Halos lahat na yata ay naramdaman ko na dagdag pa rito ang sobrang pagbilis ng tibok ng aking puso na tila sasabog sa sobrang kaba na aking naramdaman ngayon.Mayamaya lang din ang marahan kong binuksan ang pintuan hanggang sa makapasok ako sa loob. Sa una ay sobrang tahimik lamang na tila napapaisip pa ako na baka walang tao rito at baka mali ang aking iniisip kanina na dito ang punta ni Marcelo. Hanggang
Palagay ko ay ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo kung bakit lahat ng kamalasan ay sakin pa pumunta. Iniisip ko at tinatanong sa aking sarili kung karapat dapat ba na maghirap ako subalit hindi ko naman maisip kung anong nagawa kong mali at bakit parang pinaparusahan ako ng ganito. Panay lamang ako sa paghihinagpis habang hindi mawala wala sa aking isipan ang kanilang kahayopang ginawa kanina. Habang ako'y durog na durog at awang awa, sarap na sarap naman sila sa kanilang ginagawa. Lumalalim na ang gabi ng mga oras na iyon subalit ako'y nasa isang tabi lamang, walang tigil sa kakaiyak habang litong lito ang isipan. Hindi ko alam ang aking gagawin lalo na at hinahamon talaga ako ng isang pagsubok.Bukas na ang araw ng kasal namin ni Marcelo subalit ito pa ang nangyari. Gusto ko man na tanungin ang aking sarili kung bakit ako pinagtaksilan ng lalaking mahal ko subalit hindi ko magawang makuha ang sagot lalo pa at naging tapat at mabuti naman akong kasintahan sa kanya. Hindi k
"So, Marcelo my only son. Excited kana na talaga sa inyong kasal bukas ni Yvonne? Siguro bago iyon ay aayusin ko na muna ang lahat ng mga papeles ng ating negosyo upang pormal ko itong maipasa sa iyong pangalan kagaya ng aking ipinangako sa iyo noon," sabi pa ni papa sabay ngumiti sa kanya. " Total naman ay magkakapamilya kana, magkakaroon nang asawa at anak. Siguro panahon na upang ikaw na mismo ang humawak ng iba kong negosyo, hindi lang basta hawak sapagkat nakapangalan na talaga sa iyo," dugtong pa niya sabay uminom ng wine.Tila natigilan naman sa pag-inom ng wine si Marcelo matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Papa sa kanya." Wait dad, you mean ngayon na ba? I mean, are you sure with that?" Galak na tanong niya na habang bakas sa kaniyang mukha ang sobrang pagkatuwa."Yes of course, ano pa ang silbi na naging anak kita kung hindi ko man lang ipapamana sa iyo ang aking negosyo. Malaki kana Marcelo at sa tagal nang panahon na pagmamasid ko sa iyo on how you handle the business
Naghihingalo naman sa pagod si Nanay "Si Marcelo ay wala pa at kanina pa namin siya hinihintay. Mas nauna ka pang dumating kaysa sa kanya" wika pa niya habang may kaba at lungkot sa paraan ng kaniyang pananalita.Nabigla naman ako sa sinabi niya subalit iniisip ko na baka na traffic lamang si Marcelo. "Kalma lang po kayo Nay, siguro ay na traffic lang 'yun si Marcelo," ani ko pa habang ngumingiti lang sa kanya at panay ang pagtingin sa mga tao sa labas nang simbahan.Mayamaya pa ay may dumating na isang sasakyan na kulay itim at huminto malapit sa pinaghintuan ng Bridal Car na sinasakyan ko.Agad naman nabalin ang aking tingin sa humintong sasakyan dahil sa aking pag-aakala ay si Marcelo na iyon."Oh ayan, baka si Marcelo na po iyan Inay," maikling sabi ko sa kanya sabay binuksan ang pintuan at bumaba ng Bridal Car.Pagbaba ko ng Bridal Car ay pinukol ko agad ng isang masayang ngiti ang sasakyang itim. Hindi maikakaila sa aking mukha ang pagkagalak sa paglabas ng taong nakasakay sa s
Hindi ko lubos na matanggap ang lahat-lahat lalo na at nagpaka-martyr ako. Sa aking pag-aakala ay magaganap na nga ang aking matagal nang hinihintay na ikasal kami. Subalit hanggang pangarap lang pala iyon at siyang hindi na mangyayari o magaganap pa kailanman.Sa isang iglap lamang ay maglalaho ang lahat at magbabago ang lahat dahil lamang sa aking matalik na kaibigan na si Colleen Matapang na siyang trinaidor ako, inahas at inagaw sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.Itinuring kong parang tunay kong kapatid at tinanggap pa nang maluwag ng aking pamilya. Subalit sinaksak niya lamang kami nang patalikod at walang ka alam-alam sa matagal niyang masamang binabalak.Inagaw niya na sa akin ang lahat, sinira pa ang aming magiging kasal, pati ang aking buhay at inagaw pa sa akin ang lalaking pinakakamahal ko na siyang hindi ko matanggap sa aking kalooban.Wala akong magawa ng araw na iyon kun'di ang umiyak na lang nang umiyak. Ang dapat sana saya at tuwa ang aking makakamtan ngayong ara
Tila natigilan at nabigla naman si Mr. Arevalo nang marinig niya ang aking mga sinabi lalong lalo na ang malaman niya ang pambubogbog na ginawa ng kaniyang asawa sa akin."Consuelo, is that true? How can you do this to her?" Tanong pa niya kay Senyora habang nadismaya naman ito sa kanya."That's not true. Hayop ka talagang babae ka," mabilis niya akong sinugod at sinampal sa aking mukha.Pareho kaming natigilan lalo na ako matapos niya akong sampalin sa aking mukha."Isinusumpa ko! Ito ang kahuli-hilihang araw na dadapo ang iyong kamay sa aking mukha. At sa sususunod na pagkakataon ay sisikapin kong kamay ko naman ang dadapo sa iyong mukha," sabi ko pa sa kanya habang tinititigan siya nang masama.Mabilis naman na umawat si Mr. Arevalo sa amin upang hindi na lumaki ang aming away."This is enough. Please Yvonne kunin mo na ang iyong mga gamit at umalis na," ani pa ni Mr. Arevalo.Mabilis naman ako na umakyat sa taas at kinuha ang aking magamit at bago ako tuluyan na lumabas ng manyson
Nagsimula na nga akong magtrabaho sa Amerika bilang isang factory worker. Noong una ay mahirap dahil nag-a-adjust pa ako sa lahat, subalit kalaunan at sa tagal din ng panahon ay nasanay ako at natutunan ko rin na ma-adopt ang pamumuhay at kultura nila rito.At time flies so fast nga dahil mahigpit dalawang taon na akong nagtatrabaho dito sa abroad. Naalala ko pa noong bago pa lang ako rito ay halos araw-araw akong umiiyak o naho-home sick dahil sa palagi kong nami-miss ang pamilya ko sa pinas. Mabuti na lang at nagpakaktatag ako kung kaya't nakaya ko ang lahat ng aking pangungulila sa kanila.Araw pala iyon ng sabado kung saan ay day off ko kung kaya't napag-isipan ko na pumasyal at gumala kung saan-saan kasama ang kaibigan kong si Abby na siyang kasama ko rin sa apartment ko gayondin sa trabaho. Sa katunayan ay sabay kami nitong si Abby na lumuwas nang bansa, nagkakilala at kalaunan ay naging matalik kaming magkaibigan.Kapag day off ay nakasanayan talaga namin na i-treat ang aming s
"Oo nga." Anyway, saan kayo pala pupunta?" Tanong pa ni Lynx."Um, sa katunayan ay papunta na kami ng terminal para umuwi,""Nako ihahatid ko na kayo sa inyo. Total ay pauwi na rin ako so, sumabay na lang kayo sa akin, ""Nako huwag na lynx nakakahiya naman at nakakaabala pa sa iyo. Lalo na at kailangan mo nang magpahinga at magpagamot," mabilis naman akong tumanggi sa sinabi niya."No, don't worry ayos lang ako at kaya kong gamutin ang sarili ko. So, please do accept my favor. Ihahatid ko na kayo.""Ano ba naman Yvonne omuo kana kasi nang makauwi na tayo," sambit pa ni Abby sabay tumawa.Matapos nga ang mga sandaling iyon ay inihatid kami ni Lynx papunta sa aming apartment ni Abby. Dahil sa may oras pa naman ng kunti kung kaya't niyaya na namin si Lynx na rito na maghapunan sa amin.Matapos ang hapunan namin tatlo ay ginamot ko naman ang mga pasa sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay nag-usap kami patungkol sa mga buhay namin ngayon.Sa rooftop kung saan doon kami tumambay ni Lynx at nag