Tila natigilan at nabigla naman si Mr. Arevalo nang marinig niya ang aking mga sinabi lalong lalo na ang malaman niya ang pambubogbog na ginawa ng kaniyang asawa sa akin."Consuelo, is that true? How can you do this to her?" Tanong pa niya kay Senyora habang nadismaya naman ito sa kanya."That's not true. Hayop ka talagang babae ka," mabilis niya akong sinugod at sinampal sa aking mukha.Pareho kaming natigilan lalo na ako matapos niya akong sampalin sa aking mukha."Isinusumpa ko! Ito ang kahuli-hilihang araw na dadapo ang iyong kamay sa aking mukha. At sa sususunod na pagkakataon ay sisikapin kong kamay ko naman ang dadapo sa iyong mukha," sabi ko pa sa kanya habang tinititigan siya nang masama.Mabilis naman na umawat si Mr. Arevalo sa amin upang hindi na lumaki ang aming away."This is enough. Please Yvonne kunin mo na ang iyong mga gamit at umalis na," ani pa ni Mr. Arevalo.Mabilis naman ako na umakyat sa taas at kinuha ang aking magamit at bago ako tuluyan na lumabas ng manyson
Nagsimula na nga akong magtrabaho sa Amerika bilang isang factory worker. Noong una ay mahirap dahil nag-a-adjust pa ako sa lahat, subalit kalaunan at sa tagal din ng panahon ay nasanay ako at natutunan ko rin na ma-adopt ang pamumuhay at kultura nila rito.At time flies so fast nga dahil mahigpit dalawang taon na akong nagtatrabaho dito sa abroad. Naalala ko pa noong bago pa lang ako rito ay halos araw-araw akong umiiyak o naho-home sick dahil sa palagi kong nami-miss ang pamilya ko sa pinas. Mabuti na lang at nagpakaktatag ako kung kaya't nakaya ko ang lahat ng aking pangungulila sa kanila.Araw pala iyon ng sabado kung saan ay day off ko kung kaya't napag-isipan ko na pumasyal at gumala kung saan-saan kasama ang kaibigan kong si Abby na siyang kasama ko rin sa apartment ko gayondin sa trabaho. Sa katunayan ay sabay kami nitong si Abby na lumuwas nang bansa, nagkakilala at kalaunan ay naging matalik kaming magkaibigan.Kapag day off ay nakasanayan talaga namin na i-treat ang aming s
"Oo nga." Anyway, saan kayo pala pupunta?" Tanong pa ni Lynx."Um, sa katunayan ay papunta na kami ng terminal para umuwi,""Nako ihahatid ko na kayo sa inyo. Total ay pauwi na rin ako so, sumabay na lang kayo sa akin, ""Nako huwag na lynx nakakahiya naman at nakakaabala pa sa iyo. Lalo na at kailangan mo nang magpahinga at magpagamot," mabilis naman akong tumanggi sa sinabi niya."No, don't worry ayos lang ako at kaya kong gamutin ang sarili ko. So, please do accept my favor. Ihahatid ko na kayo.""Ano ba naman Yvonne omuo kana kasi nang makauwi na tayo," sambit pa ni Abby sabay tumawa.Matapos nga ang mga sandaling iyon ay inihatid kami ni Lynx papunta sa aming apartment ni Abby. Dahil sa may oras pa naman ng kunti kung kaya't niyaya na namin si Lynx na rito na maghapunan sa amin.Matapos ang hapunan namin tatlo ay ginamot ko naman ang mga pasa sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay nag-usap kami patungkol sa mga buhay namin ngayon.Sa rooftop kung saan doon kami tumambay ni Lynx at nag
Nang matapos akong maligo ay pumunta ako nang kusina upang uminom ng tubig lalo pa at nauuhaw ako. Nakatapis lamang ako ng tuwalya ng mga oras na iyon at sa hindi ko nga inaasahan na pagkakataon ay nakita kong pumunta rin nang kusina si Lynx na kung saan ay wala itong pang-itaas na suot at tanging naka-boxer lamang.Natulala na lamang ako sa aking nakita at dahil dito ay bigla ko na lang nabitawan ang baso na aking hinahawakan lalo pa at nagulat ako sa aking nakita at hindi na rin makapaniwala na matipuno pala itong katawan ni Lynx. Dahil sa lakas nang pagkabagsak ng baso sa semento ay nagulat din siya at napatingin sa akin. Ang masaklap na pangyayari ng mga oras na iyon ay aksidenting nahulog din ang tuwalyang nakatapis sa aking katawan kung kayat laking gulat din niya nang makita niya ang aking hubad na katawan.Tila parehas kami ng naging reaksyon ni Lynx. Tulala, hindi makagalaw at nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.Dali-dali ko naman na kinuha ang tuwalya at mabilis na itinap
Gabe nang mga oras na iyon habang akoy nakatayo sa terrace ng aking apartment. Ako'y abala sa kakaisip sa hakbang na aking gagawin lalo pa at nabalitaan ko kanina ang patungkol sa nalalapit na kasal nina Marcelo at Colleen. Tila hindi ako mapakali sa aking sarili dahil kunting oras na lang ang natitira para maisakatupran ko ang matagal ko nang pinaplano na paghihiganti laban sa kanilang dalawa gayon din sa Ina ni Macelo na siyang nagpahirap sa akin sa loob ng mahabang panahon.Hindi pa naman kami lubos na magkilala ni Lynx simula nang magkita kaming muli rito sa America at tila nahihiya akong magpa-opera sa kanya dahil tiyak na magtataka siya at magtangkang magtanong kung bakit. Subalit disisyon ko naman ito at wala na siya ritong pakialam lalo pa at buhay ko naman ito."Pero kung sakaling magtanong nga siya, ano naman ang sasabihin ko sa kanya?" Bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Huminga ako nang malalim. "Ah bahala na basta't maisakatuparan ko lamang ang aking
''Sa katunayan ay tila hindi ako makapaniwala the way you look at me. I appreciate it pero parang sayang ka kung sa akin ka lang magkakagusto. Marami namang iba diyan na mas better kesa sa akin. Hindi na ako ang babaeng iyan Lynx. Mas mabuti kung ibalin mo na lang sa iba iyang pagtingin at naramramdaman mo sa akin. Ayoko kung madamay o masali ka pa sa mga problema ko," wika ko pa na siyang dahilan upang mapanghinaan siya ng loob."Alam kung masakit ang mga sinabi ko ngunit ginagawa ko lamang ang mas nakakabuti para sa iyo Lynx. Sa totoo lang din ay matagal na akong humahanga sa iyo. Bukod sa pagiging isang magiting na lider sa ating paaralan, sa iyong talino at talinto ay nakitaan ko rin na isa kang mabuting tao. At hindi ka rin mahirap gustuhin at mahalin Lynx. Subalit sa sinabi mo kanina ay mas nakakaabuting maging magkaibigan na lang tayo,""But I love you Yvonne!"Dahan-dahan akong tumingin sa kaniyang mga mata. "Hindi mo pa ako lubos na kilala Lynx at masisira lang ang buhay mo s
Tila bakas sa aking mukha ang saya ng kahapon. Pati ang kaibigan kong si Abby ay tila nagtataka sa kakaibang ikinikilos ko lalo pa at sa tagal na pagsama namin ay ngayon niya pa lang ako nakitang ganito kasaya at dahil lamang ito kay Lynx na siyang hindi ko pa rin lubos na maipaliwanag sa aking sarili lalo pa at wala namang kami o hindi pa pormal na kami subalit basta-basta na lamang may nangyari sa amin na ganoon kadali.Ganoon din sa kalagyan ngayon ni Lynx ay parang katulad din sa akin ang kaniyang nararamdaman dahil panaylang din ang kaniyang pagngiti kahit na sa kalagitnaan pa ng kaniyang operasyon. Tila dito na nga nagsimulang lumalim ang ugnayan o pagitan naming dalawa ni Lynx simula lamang nung gabing may nangyari sa amin. At kahit na sa pagtulog namin ay iniisip namin ang isat-isa na para bang sobrang inlove namin. Dito na rin nag-umpisang umiba ang aking nararamdaman sa kanya. Umabot sa puntong hinahanap hanap ko siya at tila hindi ako mapakali sa tuwing hindi ko siya mak
Tinitigan kong mabuti ang singsing na hawak niya at naalala ko ang araw na nag-propsed din sa akin si Marcelo."Nagkakamali ka Lynx, siguro ay hindi ka pa namulat sa reyalidad," maikiling sabi ko sabay tinalikuran siya at lumakad papuntang kusina."Alam ko ang ginagawa ko Yvonne, hindi na ako bata para sa ganitong bagay. Mahal kita at alam mo iyan," pasigaw na sabi niya dahilan upang ako'y mapahinto sa paglakad."Marami pa akong misyon sa buhay Lynx at pinagpaliban ko na muna sa ngayon ang tungkol sa pag-ibig," ani ko pa habang palihim na nasasaktan lalo pa at alam ko sa aking sarili na mahal ko siya."Ito na lang ba? Hanggang dito na alang ba ako para sa iyo?" Nagsimula nang maging emosyonal si Lynx ng mga oras na iyon."Lynx, alam kong nasaksaktan ka at nasasaktan din ako. Ayoko lang na madamay ka pa sa gulong papasukan ko. At tama ka, na may malalim na dahilan kung bakit ako magpa-plastic surgery. Alam mo ba kung bakit ha? Dahil gusto kong maghiganti sa ex-fiance at ex best friend