It was Thursday night, pauwi na ako galing trabaho ng may nangyaring hindi ko inaasahan. Bago pa man ako umalis sa aking trabaho ay nag-usap muna kami ni Lynx sa telepono. Sa katunayan ay susunduin niya sana ako subalit ninais ko na lang na huwag na lalo pa at may trabaho pa siya.Sakay na ako ng kotsing minamaniho ko and I'm about to drove papuntang Carol St. nang biglang mabangga ng isang SUV van ang kotsing sinasakyan ko. Sa tindi nang pagsalpok ng SUV van sa akin ay matinding aksidente ang aking natamo kung saan umabot sa puntong hindi na ako makilala sa tindi ng tinamong gasgas at sugat sa aking mukha. Agad naman akong isinugod sa hospital at huli na nang malaman ni Lynx gayon din ni Abby ang nangyaring aksidente sa akin.Nang malaman nila ang nangyari ay agad silang sumugod sa akin sa hospital lalo na si Lynx na siyang iniwan ang trabaho para lamang mapuntahan ako at malaman ang aking kalagayan."Oh God! Please don't do this to me. Huwag niyo po hayaang may masamang mangyari kay
At patungkol sa pagbabago ng aking mukha ay ninais ko na munang hindi ipagbigay alam sa aking mga magulang. Hindi pa ito panahon para malaman nila at upang sa ganoon ay maging matagumpay ang aking plano at para na rin hindi sila madamay sa gagawin kong paghihiganti laban sa kanila.Sa pagbabago ng aking mukha ay tila nanumbalik sa aking isipan ang matagal kong plano noon. Tila ito na ang panimula na magaganap ang lahat-lahat na noon ay sinasabi ko lang.Nanatili muna ako nang mahigit isang buwan dito sa Amerika bago ko simulan ang aking pag-uwi sa Pilipinas. Napag-usapan na rin namin ito ni Lynx ang patungkol sa aking pag-uwi at iyon nga ay hindi naman naging labag sa kaniyang kalooban. Sa katunayan ay dalawa kaming uuwi ng Pilipinas sa susunod na buwan.At bago ang lahat ay inasikaso ko muna ang lahat ng mga papers at dokumento para sa pagpapalit ko ng aking pangalan.Siniguro kong walang may makakabisto sa totoo kong pagkatao kung sakaling may nais na alamin ang background life ko. T
Matapos ang unang pagkikita at pag-uusap namin ni Marcelo ay tila bakas na sa kaniyang isipan ang aking mukha. Tila hindi na ako mawala wala sa kaniyang isipan bagkus ay pati sa kaniyang panaginip ay isinasama pa ako. Isang beses ay tila nagtaka si Colleen nang mapansin niyang panay ang tutok ni Marcelo sa kaniyang cellphone kahit nasa hapag kainan ito."Marcelo? Tila yata tutok na tutok ka diyan sa iyong cellphone at kahit pagkain ay nakakalimutan mo na. Lumamig na ang pagkaing nasa harap mo, huwag mo nang hintayin pa na dapuan iyan ng langaw," wika pa ni Colleen habang napapaisip ng husto.Agad naman na ipinasok ni Marcelo ang kaniyang cellphone sa bulsa sabay na umigham. "Ah, may natanggap kasi akong mensahi galing sa mga empleyado ko. Tila parang may kunting problema ngayon sa opisina," pagkukunwari pa niya sabay inom ng tubig."Problema? Ano naman iyon? Huwag mong sabihin na aalis ka?" Pagtatakang tanong pa niya sabay pahid ng napkin sa kaniyang bibig.Napapaisip naman ng husto
Matapos ang mga sandaling iyon ay nag-dinner kami sa tabi ng dagat na kung saan ang kaming dalawa lamang. Nang mga oras din na iyon ay panay na ang txt at calls ni Colleen sa kanya lalo pa at gabi na subalit hindi pa siya umuuwi. Ngunit dahil kasama niya ako kung kayat nire-reject at binaliwala niya lamang ang mg txt at tawag nito sa kanya, hindi lang maistorbo sng oras naming dalawa."Are you busy?" Tanong ko pa ssa kanya sabay inom ng red wine.Agad niya naman na ibinaba at inilapag sa mesa ang kaniyang cellphone. "No, I'm not," maikling sagot niya sabay inom din ng wine."Wala ka bang pupuntahan ngayon? Or hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo sa inyo?" Ani ko pa sabay titig sa kanya."Of course not. Alam naman nila kung saan ako pupunta," wika pa niya sabay napatawa."Ganoon ba at bakit ka naman tumatawa diyan?""HAHA wala, masaya lang ako kasi kasama kita. You know isang beses pa lang kitang nakita noong isang araw sa reception subalit hindi kana mawala wala sa aking isipan. Parang
Tila naisip niya na simula nang magpakasal silang dalawa ni Marcelo ay parang nagbago siya. Kung noon ay hindi siya magawang pagbuhatan ng kamay, subalit ngayon ay nagawa na nito.Isang araw kung saan ay abala si Colleen sa pag-aayos ng mga damit ni Marcelo nang may natuklasan siyang labis niyang ipinagtaka. Ipapasok niya na sana sa aparador ang kulay itim na polong damit ni Marcelo ng may nakita siyang hibla ng buhok na siyang dahilan upang magduda.Dahan-dahan niyang kinuha ang isang hibla ng buhok at matiim na tinignan. "Kulay itim na buhok at maikli pa subalit mahaba ay at kulay pula naman ang aking buhok," bulong pa niya sa kaniyang sarili habang napapaisip ng husto.Agad siyang nagtaka sa kaniyang nakita lalo pa at alam niyang hindi sa kanya ang buhok na ito. Kaya ang ginawa niya ay mabilis na lumbas ng kwarto at pinatawag ang kaniyang mga katulong upang ikumpara sa kanilang mga hubok ang buhok na kaniyang nakuha sa damit ng kaniyang asawang si Marcelo.Matapos niyang ikumpara a
Umalis at hindi na lamang nakialam sa away mag-asa si Senyora. Habang naiwan naman ang dalawa na kung saan ay panay pa rin sa pakikipagtalo sa isat-isa."How could you do this to me Marcelo? You bastard!" pasigaw at galit na sabi ni Colleen sabay umalis patungong kwarto."Can you please shut up!" Ani pa ni Marcelo habang naguguluhan na sa nangyari.Mabilis niya naman na sinundan si Colleen sa kanilang kwarto habang nag-iimpaki na ito ng iba niyang kagamitan."Where are you going?" Pagtatakang tanong niya kay Colleen."I am going to somewhere na ako lang ang nakakaalam dahil nakakadiri ka!"Mabilis naman siyang pinigilan ni arcelo upang siya'y hindi makaalis ng tuluyan."Dito ka lang pag sinabi kong dito ka,""Do you think you can stop me? You can't stop me Marcelo."Tila hindi pa rin mapapigil si Colleen kung kaya't mas tinudo pa ni Marcelo ang kaniyang pagpigil rito."Please don't leave. Okay fine, I know it's my fault and I'm really sorry. Nadala lamang ako sa tukso kung kaya't naga
Naghintay kami ulit ng ilan pang minuto subalit parang wala talagang tao kung kaya't pareha naming napagdesisyonan na bumalik na lang sa susunod na araw. Paaalis na sana kami ni Lynnx ng may taxi na huminto sa haraap ng aming bahay kung kaya't biglang hininto ni Lynnx ang pagmamaneho ng makita niya ito."Wait, may sasakyan na huinto sa harap ng bahay niyo. Hindi kaya sila na iyan?" Wika pa ni Lynnx sabay napapaisip.Agad naman akong napatingin sa sasakyan at marahan naming hinintay ang pagbaba ng pasaherong sakay na ito. Ilang sandali pa ay may bumaba at hindi nga nagkamali si Lynnx na sina Nanay at Tatay nga itong sakay ng taxi."Ang Nanay at Tatay ko," galak kong pagsabi habang magkahalong saya at lungkot ang aking nadarama ngayon."Gusto ko silang makita Lynnx, gusto ko silang mayakap," dugtong ko pa habang may luha na tumulo galing sa aking mga mata dahil sa labis na emosyon.Agad naman akong pinigilan ni Lynnx. "Huwag muna sa ngayon," agad nyang hinawakan ang aking nalalamig na
"Just calm down boys I'm okay. Mabuti na lang at hindi ako napaano.""Are you sure with that?" Tanong pa ni Mr. Arevalo habang tinitignan ang kaniyang kalagayan."Ano ba ang nangyari Mom, bakit ka naman nasangkot sa akisidenti, paanong muntik ka ng maaksidenti?" Pag-aalalang tanong pa ni Marcelo sa kanya.Huminga nang malalim si Senyora sabay inom ng tubig. "There's a girl who save my life, kung hindi dahil sa kanya ay malamang pinaglalamayan niyo na ako ngayon. I was calling Myrna that time and I was not aware na na nakapasok na pala ako sa contruction site sa tabi ng mall, I don't even saw the signage kasi nawili ako sa pakikipag-usap sa kanya. Nagulat na lang ako na may mga taong nagsisigawan sa akin kasi may bakal na pala na nahulog galing sa itaas ng building na siyang babagsak sa akin and then, there's a sudden girl who took me away the incident. Ayon nakailag ako at kung hindi nga dahil sa babaeng iyon ay hindi na akko makakauwi rito ng buhay. In fact, magugulat na lang kayo
Matapos nun ay tumawag siya sa mga pulis upang hanapin ang sasakyan na dumukot sa akin gayon din at mailigtas ako sa kapahamakan.Ilang sandali lang ay nakarating na si Colleen sa isang abandonadong gusali na kung saan ay doon niya ako dinala.Nang magkaroon ako ng malay ay unti-unti kong naaninag ang paligid ng gusali hangganng sa tuluyan akong makagising at mapag-alaman na ako'y nasa isang abandonadong gusali habang nakatali ang mga paa at kamay."Oh my God! Ano ito? Anong ginagawa ko rito? Tulong, tulungan niyo ako!' Sigaw ko pa habang hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang nerbyos at kaba na aking nadarama.Makailang beses na ako sa pagsigaw subalit tila parang walang may nakakarinig sa akin. Mayamaya pa ay may nakita akong taong nakasuot ng maskara na siyang papalapit sa akin habang may dala-dala itong baril. Ito naman ay siyang labis kong ikinatakot sa posibling gagawin niya sa akin ngayon."Sino ka, at ano ang kailangan mo sa akin? Anong kasalanan ko sa iyo bakit ginaganito
Tila medyo kabado si mang Pido sa kaniyang sasabihin lalo ppa at wala siyang kasiguraduhan dito subalit iba ang kaniyang hinala at pakiramdam kong kaya't kailangan niyang sabbihin ito sa kanya."Iyan po ang gamot na pinainom ni ma'am Colleen kay Senyora. Nakita ko kasi siya noong isang araw na pumunta ako rito, yung gamot na niresita ng doctor ay itinapon niya sa basurahan at iyang gammot na hawak mo po sir ang kaniyang pinainum kay Senyora. Medyo nagtataka lang kasi ako sir sa kilos niya ng mga araw na iyon kung kaya't ninais kong kunin ang sisidlan ng gamot na iyan upang ipakita sa inyo gayon din at nang malaman natin kung anong klase ng gamot iyan," paliwanag pa ni mang Pido habang napapaisip ng husto gayon din at tila may kunting kaba na nararamdaman.Tila nagtaka at napaisip naman si Marcelo sa sinabi niya."Actuallly, hindi ko alam ang gamot na ito at sa katunayan nga ay parang ngayon ko lamang nakita ito," wika pa niya habang may malaking katanungan sa kaniyang isipan. Ma
Parehas kami ng nadarama ng mga sandaling iyon. Halos hindi namin maipaliwanag sa aming sarili kung gaano kami ka saya at katuwa ng mga oras na iyon. Isa lang ang masasabi namin, ito na ang simula ng aming pagmamahalan na walang hanggan.Ibinahagi na rin pala namin sa aming pamilya, mga kakilala, ka-trabaho at kaibigan ang patungol sa engagement namin ni Lynnx. Halos lahat ay natuwa at binati kami sa magandang nangyari sa aming relasyon. Naibalita na rin sa mga dyaryo at TV ang patungkol sa engagement namin na siya namang nakarating at nabalitaan ni Marcelo. Sa kalagitnaan ng kaniyang panonoood ng balita sa TV patungkol sa amin ni Lynnx ay agad niyang pinatay ito habang may hindi kaaya-aya na reaksyon sa kaniyang mukha na makikita. Mayamaya pa ay itinapon niyan ang remote na ahwak niya at nagsimula na siyang magawala sa kaniyang sarili lalo pa at hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na engage na ako kay Lynnx."Hindi pwedi ito, hindi pweding mangyari ito. Hindi ka pweding magpak
Matapos ang kanilang pag-uusap tatlo ay pumasok sila sa loob kung saan naka-confine si Senyora. Ilang sandali lang din ay dumating si Colleen."Papa, Marcelo?" Wika pa niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Colleen, what happen? Ano ang nangyari at bakit inatake sa puso si Mom?" Tanong pa ni Marcelo habang hindi rin mapakali sa kaniyang sarili.Tila natagalan pa bago makapagsalita si Colleen lalo pa at natatakot siyang malaman nila na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Senyora na siyang muntik na niyang ikamatay."Hindi ko rin alam, nakita ko na lang si mama na nakahandusay na sa sahig. Mabuti na nga lang at insakto ang pagdating ko ng bahay kung kaya't naisugod ko siya agad dito," palusot pa niya habang napapaisip ng husto."Salamat sa iyo Colleen, mabuti na lang at naisugod mo siya rito," ani pa ni Marcelo sabay niyakap siya."Huwag mo nang alalahanin iyan. By the way kamusta na pala ang kalagayan niya ngayon?""So far, okay naman ang kalagayan niya ngayon as wh
Sa kalagitnaan pa lang ng kaniyang byahe papunta ng bangko ay hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili, dagdag pa rito ang mga sari-saring iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kanya lalo pa at nangyari na ang kinakatakutan niya.Nang makarating siya sa kaniyang distinasyon ay agad siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bangko. Makikita ang galit sa kaniyang mukha habang siya'y palakad papuntang counter.Tila hindi lingid sa kanya ang pagbati ng mga empleyado sa kaniyang pagpasok dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon."Ano itong pinanggagawa niyo sa akin? This is against the law. Sasampa ako ng kaso laban sa inyo dahil sa inyong pagsara na wala man lang akong final notice na natanggap galing sa inyo. I'll make sure na mananagot kayong lahat dahil dito," galit na sabi niya sabay pagtaas ng kaniyang dalawang kilay."I'm sorry ma'am . Please huwag po kayong mag-iskandalo rito. You can talk with our manager to all your concerns," wika pa ng staff ng bang
Pagdating sa bahay ni Colleen."Hay finally, kahit papaano ay guminhawa rin ng kunti ang aking pakiramdam ang maraming salamat sa iyo my daughter-in-law. Maashan talaga kkita kahit papaano," wika pa ni Senyoora sabay umupo sa sofa at huminga nang malalim.Hindi na lamang kumibo si Colleen bakus ay nngumiti na lang ng kunti kay Senyora.Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Mr. Arevalo na kung saan ay nagpapasalamat siya sa kaniyang pagkupkop sa kanila, sa kabila ng hindi magandang nangyari sa pagitan niya at sa kanilang pamilya.Nagsimula na din siyang magtanong patungkol sa mga nangyayari ngayon lalo na ang pag-alis nila sa mansyon. Ipinaliwanag naman nila ito ng mabuti sa kanya na siyang labis niyang ikinagulat at hindi lubos na makapaniwala sa nangyari. Nalaman na din niya ang katotohanan kung ano ang kanilang kalagayan ngayon, na sila ay wala nang yaman pa bagkus ay naghihirap na. Mahirap man paniwalaan subalit kailangan tanggapin lalo pa at nangyayari na saa totoong buhay.Matapo
Binigyan ko lamang sila ng ilan pang mga oras upang magligpit ng kanilang mga gamit at mag-impaki nang makaalis ng tuluyan sa mansyon na siyang nakapangalan na sa aking pangalan kagaya ng aming napag-usapan o napagkasunduan noon. Kagaya ng aking binitawang salita kanina ay nagsimula silang maglipit at mag-impaki ng kani-kanilang mga gamit lalo pa at wala na silang ibang choice kun''di ang umalis.Bakas naman sa kani-kanilang mga mukha ang lungkot habang patuloy sa kanilang ginagawa. Hindi maikakaila na sila'y naghihinayang sa kanilang mansyon na basta-basta na lamang mawawala sa kanila sa tagal ng panahon na kanilang pananatili rito."Ayos ka lang ba Mom?" Malungkot na tanong ni Marcelo kay Senyora."I'm okay son," maikling sagot niya sabay pahid ng kaniyang luha sa mata."Umiiyak ka po ba?" Pagtatakang tanong niya sabay hinawakan sa balikat si Senyora."No I'm not, na puwing lang kasi ako," pagkukunwari pa niya.Sa kalagitnaan ng pagliligpit nila ng kanilang mga kagamitan ay nagsila
"And by the way let's go back to the main topic. For you Senyora, parang ang dali mo naman yata makalimot sa ating napag-usapan noon at napagkasunduan. Let me remind you that I have the documents in my hand right now ang siyang pinermahan mo dahil sa perang inutang mo sa akin na nagkakahalagang limangpong milyong peso lang naman kapalit ng iyong mansyon kung sakaling hindi ka makakapagbayad sa takdang panahon," wika ko pa sabay pinukol siya ng masamang tingin habang itinataas ko ang dokumentong hawak ko ngayon."What? 50 Million? Totoo ba ang sinasabi niya Consuelo? Nagkaroon ka ng 50 milyones na utang sa kanya? But how? Anong ginawa mo sa pera na iyan?" Tanong pa ni Mr. Arevalo sa kanya habang may pagkabigla at pagtataka na makikita sa kaniyang mukha."What, is that true Mom and our house ay isinanla muna pala? But how?" Sambit naman ni Marcelo sabay tinitigan siya."I can explain naman but please not now," ani pa ni Senyora habang hindi makadiritsa ang tingin sa kanila."Oh, wait hi
"Hanggang ngayon pa ba ay iyan pa ang inaalala mo. Mas inaalala mo pa ang sasabihin ng ibang tao kesa sa kalagayan natin ngayon Consuelo? Why should you accept na walang wala na tayo upang sa ganoon ay hindi mo na iisipin at ikukumpara iyang sarili mo sa mga kaibgan mong mayayaman. Look, ni hindi ka nga kayang bisitahin o kahit na tawagan man lang ng mga kaibigan mo para kamustahin simula nang mapabalita na wala na tayong pera na naghihirap na tayo. Where are they now? Wala na sila, dahil ang tunay na kaibigan sa hirap man at ginahawa ay hindi ka iiwan," wika pa ni Mr. Arevalo na siyang dahilan upang mamulat sa reyalidad si Consuelo."I hate this life. Bakit nangyayari sa akin ito ngayon? May nagawa ba tayong mali at bakit parang lahat ng problema at kamalasan ay napupunta sa atin!! This is so very unfair," wika pa ni Senyora habang naging emosyonal sa kaniyang sarili."Tigilan mo na iyan Consuelo, wala naman tayong magagawa pa. Mahirap ng ibalik ang dating pamumuhay natin noon. Let'