Tinitigan kong mabuti ang singsing na hawak niya at naalala ko ang araw na nag-propsed din sa akin si Marcelo."Nagkakamali ka Lynx, siguro ay hindi ka pa namulat sa reyalidad," maikiling sabi ko sabay tinalikuran siya at lumakad papuntang kusina."Alam ko ang ginagawa ko Yvonne, hindi na ako bata para sa ganitong bagay. Mahal kita at alam mo iyan," pasigaw na sabi niya dahilan upang ako'y mapahinto sa paglakad."Marami pa akong misyon sa buhay Lynx at pinagpaliban ko na muna sa ngayon ang tungkol sa pag-ibig," ani ko pa habang palihim na nasasaktan lalo pa at alam ko sa aking sarili na mahal ko siya."Ito na lang ba? Hanggang dito na alang ba ako para sa iyo?" Nagsimula nang maging emosyonal si Lynx ng mga oras na iyon."Lynx, alam kong nasaksaktan ka at nasasaktan din ako. Ayoko lang na madamay ka pa sa gulong papasukan ko. At tama ka, na may malalim na dahilan kung bakit ako magpa-plastic surgery. Alam mo ba kung bakit ha? Dahil gusto kong maghiganti sa ex-fiance at ex best friend
It was Thursday night, pauwi na ako galing trabaho ng may nangyaring hindi ko inaasahan. Bago pa man ako umalis sa aking trabaho ay nag-usap muna kami ni Lynx sa telepono. Sa katunayan ay susunduin niya sana ako subalit ninais ko na lang na huwag na lalo pa at may trabaho pa siya.Sakay na ako ng kotsing minamaniho ko and I'm about to drove papuntang Carol St. nang biglang mabangga ng isang SUV van ang kotsing sinasakyan ko. Sa tindi nang pagsalpok ng SUV van sa akin ay matinding aksidente ang aking natamo kung saan umabot sa puntong hindi na ako makilala sa tindi ng tinamong gasgas at sugat sa aking mukha. Agad naman akong isinugod sa hospital at huli na nang malaman ni Lynx gayon din ni Abby ang nangyaring aksidente sa akin.Nang malaman nila ang nangyari ay agad silang sumugod sa akin sa hospital lalo na si Lynx na siyang iniwan ang trabaho para lamang mapuntahan ako at malaman ang aking kalagayan."Oh God! Please don't do this to me. Huwag niyo po hayaang may masamang mangyari kay
At patungkol sa pagbabago ng aking mukha ay ninais ko na munang hindi ipagbigay alam sa aking mga magulang. Hindi pa ito panahon para malaman nila at upang sa ganoon ay maging matagumpay ang aking plano at para na rin hindi sila madamay sa gagawin kong paghihiganti laban sa kanila.Sa pagbabago ng aking mukha ay tila nanumbalik sa aking isipan ang matagal kong plano noon. Tila ito na ang panimula na magaganap ang lahat-lahat na noon ay sinasabi ko lang.Nanatili muna ako nang mahigit isang buwan dito sa Amerika bago ko simulan ang aking pag-uwi sa Pilipinas. Napag-usapan na rin namin ito ni Lynx ang patungkol sa aking pag-uwi at iyon nga ay hindi naman naging labag sa kaniyang kalooban. Sa katunayan ay dalawa kaming uuwi ng Pilipinas sa susunod na buwan.At bago ang lahat ay inasikaso ko muna ang lahat ng mga papers at dokumento para sa pagpapalit ko ng aking pangalan.Siniguro kong walang may makakabisto sa totoo kong pagkatao kung sakaling may nais na alamin ang background life ko. T
Matapos ang unang pagkikita at pag-uusap namin ni Marcelo ay tila bakas na sa kaniyang isipan ang aking mukha. Tila hindi na ako mawala wala sa kaniyang isipan bagkus ay pati sa kaniyang panaginip ay isinasama pa ako. Isang beses ay tila nagtaka si Colleen nang mapansin niyang panay ang tutok ni Marcelo sa kaniyang cellphone kahit nasa hapag kainan ito."Marcelo? Tila yata tutok na tutok ka diyan sa iyong cellphone at kahit pagkain ay nakakalimutan mo na. Lumamig na ang pagkaing nasa harap mo, huwag mo nang hintayin pa na dapuan iyan ng langaw," wika pa ni Colleen habang napapaisip ng husto.Agad naman na ipinasok ni Marcelo ang kaniyang cellphone sa bulsa sabay na umigham. "Ah, may natanggap kasi akong mensahi galing sa mga empleyado ko. Tila parang may kunting problema ngayon sa opisina," pagkukunwari pa niya sabay inom ng tubig."Problema? Ano naman iyon? Huwag mong sabihin na aalis ka?" Pagtatakang tanong pa niya sabay pahid ng napkin sa kaniyang bibig.Napapaisip naman ng husto
Matapos ang mga sandaling iyon ay nag-dinner kami sa tabi ng dagat na kung saan ang kaming dalawa lamang. Nang mga oras din na iyon ay panay na ang txt at calls ni Colleen sa kanya lalo pa at gabi na subalit hindi pa siya umuuwi. Ngunit dahil kasama niya ako kung kayat nire-reject at binaliwala niya lamang ang mg txt at tawag nito sa kanya, hindi lang maistorbo sng oras naming dalawa."Are you busy?" Tanong ko pa ssa kanya sabay inom ng red wine.Agad niya naman na ibinaba at inilapag sa mesa ang kaniyang cellphone. "No, I'm not," maikling sagot niya sabay inom din ng wine."Wala ka bang pupuntahan ngayon? Or hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo sa inyo?" Ani ko pa sabay titig sa kanya."Of course not. Alam naman nila kung saan ako pupunta," wika pa niya sabay napatawa."Ganoon ba at bakit ka naman tumatawa diyan?""HAHA wala, masaya lang ako kasi kasama kita. You know isang beses pa lang kitang nakita noong isang araw sa reception subalit hindi kana mawala wala sa aking isipan. Parang
Tila naisip niya na simula nang magpakasal silang dalawa ni Marcelo ay parang nagbago siya. Kung noon ay hindi siya magawang pagbuhatan ng kamay, subalit ngayon ay nagawa na nito.Isang araw kung saan ay abala si Colleen sa pag-aayos ng mga damit ni Marcelo nang may natuklasan siyang labis niyang ipinagtaka. Ipapasok niya na sana sa aparador ang kulay itim na polong damit ni Marcelo ng may nakita siyang hibla ng buhok na siyang dahilan upang magduda.Dahan-dahan niyang kinuha ang isang hibla ng buhok at matiim na tinignan. "Kulay itim na buhok at maikli pa subalit mahaba ay at kulay pula naman ang aking buhok," bulong pa niya sa kaniyang sarili habang napapaisip ng husto.Agad siyang nagtaka sa kaniyang nakita lalo pa at alam niyang hindi sa kanya ang buhok na ito. Kaya ang ginawa niya ay mabilis na lumbas ng kwarto at pinatawag ang kaniyang mga katulong upang ikumpara sa kanilang mga hubok ang buhok na kaniyang nakuha sa damit ng kaniyang asawang si Marcelo.Matapos niyang ikumpara a
Umalis at hindi na lamang nakialam sa away mag-asa si Senyora. Habang naiwan naman ang dalawa na kung saan ay panay pa rin sa pakikipagtalo sa isat-isa."How could you do this to me Marcelo? You bastard!" pasigaw at galit na sabi ni Colleen sabay umalis patungong kwarto."Can you please shut up!" Ani pa ni Marcelo habang naguguluhan na sa nangyari.Mabilis niya naman na sinundan si Colleen sa kanilang kwarto habang nag-iimpaki na ito ng iba niyang kagamitan."Where are you going?" Pagtatakang tanong niya kay Colleen."I am going to somewhere na ako lang ang nakakaalam dahil nakakadiri ka!"Mabilis naman siyang pinigilan ni arcelo upang siya'y hindi makaalis ng tuluyan."Dito ka lang pag sinabi kong dito ka,""Do you think you can stop me? You can't stop me Marcelo."Tila hindi pa rin mapapigil si Colleen kung kaya't mas tinudo pa ni Marcelo ang kaniyang pagpigil rito."Please don't leave. Okay fine, I know it's my fault and I'm really sorry. Nadala lamang ako sa tukso kung kaya't naga
Naghintay kami ulit ng ilan pang minuto subalit parang wala talagang tao kung kaya't pareha naming napagdesisyonan na bumalik na lang sa susunod na araw. Paaalis na sana kami ni Lynnx ng may taxi na huminto sa haraap ng aming bahay kung kaya't biglang hininto ni Lynnx ang pagmamaneho ng makita niya ito."Wait, may sasakyan na huinto sa harap ng bahay niyo. Hindi kaya sila na iyan?" Wika pa ni Lynnx sabay napapaisip.Agad naman akong napatingin sa sasakyan at marahan naming hinintay ang pagbaba ng pasaherong sakay na ito. Ilang sandali pa ay may bumaba at hindi nga nagkamali si Lynnx na sina Nanay at Tatay nga itong sakay ng taxi."Ang Nanay at Tatay ko," galak kong pagsabi habang magkahalong saya at lungkot ang aking nadarama ngayon."Gusto ko silang makita Lynnx, gusto ko silang mayakap," dugtong ko pa habang may luha na tumulo galing sa aking mga mata dahil sa labis na emosyon.Agad naman akong pinigilan ni Lynnx. "Huwag muna sa ngayon," agad nyang hinawakan ang aking nalalamig na