Gabe nang mga oras na iyon habang akoy nakatayo sa terrace ng aking apartment. Ako'y abala sa kakaisip sa hakbang na aking gagawin lalo pa at nabalitaan ko kanina ang patungkol sa nalalapit na kasal nina Marcelo at Colleen. Tila hindi ako mapakali sa aking sarili dahil kunting oras na lang ang natitira para maisakatupran ko ang matagal ko nang pinaplano na paghihiganti laban sa kanilang dalawa gayon din sa Ina ni Macelo na siyang nagpahirap sa akin sa loob ng mahabang panahon.Hindi pa naman kami lubos na magkilala ni Lynx simula nang magkita kaming muli rito sa America at tila nahihiya akong magpa-opera sa kanya dahil tiyak na magtataka siya at magtangkang magtanong kung bakit. Subalit disisyon ko naman ito at wala na siya ritong pakialam lalo pa at buhay ko naman ito."Pero kung sakaling magtanong nga siya, ano naman ang sasabihin ko sa kanya?" Bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Huminga ako nang malalim. "Ah bahala na basta't maisakatuparan ko lamang ang aking
''Sa katunayan ay tila hindi ako makapaniwala the way you look at me. I appreciate it pero parang sayang ka kung sa akin ka lang magkakagusto. Marami namang iba diyan na mas better kesa sa akin. Hindi na ako ang babaeng iyan Lynx. Mas mabuti kung ibalin mo na lang sa iba iyang pagtingin at naramramdaman mo sa akin. Ayoko kung madamay o masali ka pa sa mga problema ko," wika ko pa na siyang dahilan upang mapanghinaan siya ng loob."Alam kung masakit ang mga sinabi ko ngunit ginagawa ko lamang ang mas nakakabuti para sa iyo Lynx. Sa totoo lang din ay matagal na akong humahanga sa iyo. Bukod sa pagiging isang magiting na lider sa ating paaralan, sa iyong talino at talinto ay nakitaan ko rin na isa kang mabuting tao. At hindi ka rin mahirap gustuhin at mahalin Lynx. Subalit sa sinabi mo kanina ay mas nakakaabuting maging magkaibigan na lang tayo,""But I love you Yvonne!"Dahan-dahan akong tumingin sa kaniyang mga mata. "Hindi mo pa ako lubos na kilala Lynx at masisira lang ang buhay mo s
Tila bakas sa aking mukha ang saya ng kahapon. Pati ang kaibigan kong si Abby ay tila nagtataka sa kakaibang ikinikilos ko lalo pa at sa tagal na pagsama namin ay ngayon niya pa lang ako nakitang ganito kasaya at dahil lamang ito kay Lynx na siyang hindi ko pa rin lubos na maipaliwanag sa aking sarili lalo pa at wala namang kami o hindi pa pormal na kami subalit basta-basta na lamang may nangyari sa amin na ganoon kadali.Ganoon din sa kalagyan ngayon ni Lynx ay parang katulad din sa akin ang kaniyang nararamdaman dahil panaylang din ang kaniyang pagngiti kahit na sa kalagitnaan pa ng kaniyang operasyon. Tila dito na nga nagsimulang lumalim ang ugnayan o pagitan naming dalawa ni Lynx simula lamang nung gabing may nangyari sa amin. At kahit na sa pagtulog namin ay iniisip namin ang isat-isa na para bang sobrang inlove namin. Dito na rin nag-umpisang umiba ang aking nararamdaman sa kanya. Umabot sa puntong hinahanap hanap ko siya at tila hindi ako mapakali sa tuwing hindi ko siya mak
Tinitigan kong mabuti ang singsing na hawak niya at naalala ko ang araw na nag-propsed din sa akin si Marcelo."Nagkakamali ka Lynx, siguro ay hindi ka pa namulat sa reyalidad," maikiling sabi ko sabay tinalikuran siya at lumakad papuntang kusina."Alam ko ang ginagawa ko Yvonne, hindi na ako bata para sa ganitong bagay. Mahal kita at alam mo iyan," pasigaw na sabi niya dahilan upang ako'y mapahinto sa paglakad."Marami pa akong misyon sa buhay Lynx at pinagpaliban ko na muna sa ngayon ang tungkol sa pag-ibig," ani ko pa habang palihim na nasasaktan lalo pa at alam ko sa aking sarili na mahal ko siya."Ito na lang ba? Hanggang dito na alang ba ako para sa iyo?" Nagsimula nang maging emosyonal si Lynx ng mga oras na iyon."Lynx, alam kong nasaksaktan ka at nasasaktan din ako. Ayoko lang na madamay ka pa sa gulong papasukan ko. At tama ka, na may malalim na dahilan kung bakit ako magpa-plastic surgery. Alam mo ba kung bakit ha? Dahil gusto kong maghiganti sa ex-fiance at ex best friend
It was Thursday night, pauwi na ako galing trabaho ng may nangyaring hindi ko inaasahan. Bago pa man ako umalis sa aking trabaho ay nag-usap muna kami ni Lynx sa telepono. Sa katunayan ay susunduin niya sana ako subalit ninais ko na lang na huwag na lalo pa at may trabaho pa siya.Sakay na ako ng kotsing minamaniho ko and I'm about to drove papuntang Carol St. nang biglang mabangga ng isang SUV van ang kotsing sinasakyan ko. Sa tindi nang pagsalpok ng SUV van sa akin ay matinding aksidente ang aking natamo kung saan umabot sa puntong hindi na ako makilala sa tindi ng tinamong gasgas at sugat sa aking mukha. Agad naman akong isinugod sa hospital at huli na nang malaman ni Lynx gayon din ni Abby ang nangyaring aksidente sa akin.Nang malaman nila ang nangyari ay agad silang sumugod sa akin sa hospital lalo na si Lynx na siyang iniwan ang trabaho para lamang mapuntahan ako at malaman ang aking kalagayan."Oh God! Please don't do this to me. Huwag niyo po hayaang may masamang mangyari kay
At patungkol sa pagbabago ng aking mukha ay ninais ko na munang hindi ipagbigay alam sa aking mga magulang. Hindi pa ito panahon para malaman nila at upang sa ganoon ay maging matagumpay ang aking plano at para na rin hindi sila madamay sa gagawin kong paghihiganti laban sa kanila.Sa pagbabago ng aking mukha ay tila nanumbalik sa aking isipan ang matagal kong plano noon. Tila ito na ang panimula na magaganap ang lahat-lahat na noon ay sinasabi ko lang.Nanatili muna ako nang mahigit isang buwan dito sa Amerika bago ko simulan ang aking pag-uwi sa Pilipinas. Napag-usapan na rin namin ito ni Lynx ang patungkol sa aking pag-uwi at iyon nga ay hindi naman naging labag sa kaniyang kalooban. Sa katunayan ay dalawa kaming uuwi ng Pilipinas sa susunod na buwan.At bago ang lahat ay inasikaso ko muna ang lahat ng mga papers at dokumento para sa pagpapalit ko ng aking pangalan.Siniguro kong walang may makakabisto sa totoo kong pagkatao kung sakaling may nais na alamin ang background life ko. T
Matapos ang unang pagkikita at pag-uusap namin ni Marcelo ay tila bakas na sa kaniyang isipan ang aking mukha. Tila hindi na ako mawala wala sa kaniyang isipan bagkus ay pati sa kaniyang panaginip ay isinasama pa ako. Isang beses ay tila nagtaka si Colleen nang mapansin niyang panay ang tutok ni Marcelo sa kaniyang cellphone kahit nasa hapag kainan ito."Marcelo? Tila yata tutok na tutok ka diyan sa iyong cellphone at kahit pagkain ay nakakalimutan mo na. Lumamig na ang pagkaing nasa harap mo, huwag mo nang hintayin pa na dapuan iyan ng langaw," wika pa ni Colleen habang napapaisip ng husto.Agad naman na ipinasok ni Marcelo ang kaniyang cellphone sa bulsa sabay na umigham. "Ah, may natanggap kasi akong mensahi galing sa mga empleyado ko. Tila parang may kunting problema ngayon sa opisina," pagkukunwari pa niya sabay inom ng tubig."Problema? Ano naman iyon? Huwag mong sabihin na aalis ka?" Pagtatakang tanong pa niya sabay pahid ng napkin sa kaniyang bibig.Napapaisip naman ng husto
Matapos ang mga sandaling iyon ay nag-dinner kami sa tabi ng dagat na kung saan ang kaming dalawa lamang. Nang mga oras din na iyon ay panay na ang txt at calls ni Colleen sa kanya lalo pa at gabi na subalit hindi pa siya umuuwi. Ngunit dahil kasama niya ako kung kayat nire-reject at binaliwala niya lamang ang mg txt at tawag nito sa kanya, hindi lang maistorbo sng oras naming dalawa."Are you busy?" Tanong ko pa ssa kanya sabay inom ng red wine.Agad niya naman na ibinaba at inilapag sa mesa ang kaniyang cellphone. "No, I'm not," maikling sagot niya sabay inom din ng wine."Wala ka bang pupuntahan ngayon? Or hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo sa inyo?" Ani ko pa sabay titig sa kanya."Of course not. Alam naman nila kung saan ako pupunta," wika pa niya sabay napatawa."Ganoon ba at bakit ka naman tumatawa diyan?""HAHA wala, masaya lang ako kasi kasama kita. You know isang beses pa lang kitang nakita noong isang araw sa reception subalit hindi kana mawala wala sa aking isipan. Parang