Huminga ako nang malalim habang dahan-dahan na hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Hayaan mo Nay at darating din ang araw na iyan. Sa ngayon ay pansamantala muna akong titira roon sa kanila alang-alang sa kagustuhan ni Marcelo. Huwag kayong mag-alala Nay dahil maayos naman ang aking lagay doon, hindi ko man kayo makausap at makasama araw-araw subalit palagi naman kayong naririto sa aking puso, " mahinahon na sabi ko pa kay Nanay habang may malalim na iniisip."Sa totoo lang anak, hindi man sa sinisiraan ko 'yung mommy ni Marcelo. Kasi parang wala akong tiwala sa babaeng iyon, kasi parang ang suplada at napakamatapobre pa. Sa katunayan nga nang malaman ko na siya lang pala ang kasama mo roon dahil parating wala si Marcelo ay bigla akong nanghinaan ng loob at parang kinakabahan na lang bigla para sa iyo, " wika pa ni Nanay sabay huminga nang malalim. " Talaga bang okay at maayos lang ang iyong lagay doon anak? Kapag may hindi magandang ginawa ang babaeng iyon sa iyo huwag na huwag kang m
Doon na sila dalawang nagsimulang mag-usap nang masinsinan. Sa table kung saan nag-aayos ng kaniyang suot na pulo si Marcelo ay panay ang tingin ni Colleen sa kanya. Hindi maikakaila na matiim ang kaniyang bawat titig sa kanya na kulang na lang ay halikan niya na itong si Marcelo.Habang patuloy lamang ang kaniyang pagtitig sa kanya ay may sari-sari nang pumasok sa kaniyang isipan na tila ba ay gusto niyang may mangyari sa kanilang dalawa ngayong gabe."What a small world Marcelo, akalain mo nga naman na dito pa tayo magkikita dalawa. Ang swerte ko naman at tila parang pinaglalapit talaga tayong dalawa ng tadhana sa isat-isa. Sa ilang buwan ba naman na hindi tayo muling nagkita ay muli pa tayong magkakatagpo dakawa. Talagang gusto nila na magkalapit pa tayong dalawa sa isat-isa haha. Poor Yvonne walang ka alam-alam na ang kaniyang asawa ay nalalapit sa temptasyon. Hindi ko talaga palalampasin ang gabing ito na walang may mangyari sa ating dalawa Marcelo. Kay tagal kung ginugol ang pa
It was Wednesday nang umaga kung saan nagpulong pulong sina Marcelo kasama ang kaniyang mga business partner sa Batangas Grand Hotel.Habang abala ang lahat sa pagpapalano ng kanilang business na gagawin ay isa sa business partner ni Marcelo ay may ipinakilalang magiging bagong kasoayo nila sa negosyong gagawin. Tila nag-aabang ang lahat sa gagawing pagpapakilala ng kanilang kasamahan gayon din sa Marcelo na tila nag-aabang din na makita at makilala ang kaniyang magiging bagong business partner.Habang nakatayo sa gitna ang isa sa kanilang kasamahan ay sinimulan niya munang isalaysay sa kanila ang katingian, abilidad at talinto meron ang kanilang magiging taong magiging kasosyo nila sa negosyo. Hanggang sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasalita ay tinawag niya na ang pangalan at ipinakilala sa lahat ang kanilang bagong business partner na siya namang ikinabigla ng bawat isa dahil pangalan ng babae ang kanilang narinig o kaya isang babae pala ang kanilang magiging bagong business partner.
Nang maging business partner nga ang dalawa ay tila mas nakilala pa nila ang kani-kanilang mga sarili sa isat-isa. Pagkatapos nang kanilang ginagawang pangangasiwa sa kanilang binuklod na negosyo ay madalas magkasama ang dalawa sa pag-uwi hanggang sa umabot sa puntong madalas na rin silang lumbas o gumala sa labas na sila lamang dalawa ang magkasama. Halos lahat na rin ng kanilang kasosyo sa negosyo ay nahahalata na rin ang kakaibang kinikilos nila. Subalit kahit madalas man ang paglabas ng dalawa na magkasama ay hindi naman iyon naging malisya para kay Marcelo sapagkat normal na lamang sa kanya ang makasama si Colleen lalo pa at mag-business partner silang dalawa. Walang kabuluhan kun'di ay para lamang sa negosyo ang lahat ng iyon. At kahit nga gayon pa man ang nangyari subalit nanatili pa rin naman na tapat ang pag-ibig ni Marcelo sa akin kahit na hindi ko alam ang nagaganap sa kanilang dalawa at kahit na hindi kami magkasama dalawa. At kahit pa man na nakakasama niya parati si Co
Nakatayo lamang sa labas ng mansyon si Marcelo habang hindi ito mapakali dulot ng kaniyang labis na pag-iisip lalo pa at aminado siya sa kaniyang sarili na siya ay makagawa ng mali sa akin."Bago ako pumasok ay kailangan walang may mahahalatang kakaiba si Yvonne sa akin. Hindi ako dapat mag-isip patungkol sa bagay na iyon lalo pa at nandirito na ako sa bahay," bulong pa ni Marcelo sa kaniyang sarili sabay napabuntong hininga dahil sa kaniyang kaba na naramdaman.Ilang saglit pa ay pumasok na nga siya nang mansyon. Habang ako naman ay mag-isang nag-aasikaso ng mga bulaklak sa hardin ay palihim akong pinagmamasdan ni Marcelo para sa kaniyang gagawing pagsurpresa sa akin dahil nga sa wala akong alam na ngayon pala ang araw na uuwi siya rito."Bulaga! Gulat ka ba aking mahal?" Palakas na boses na sabi na Marcelo nang ako'y kaniyang surpresahin.Dahil dito ay laking gulat ko naman subalit agad ko siyang niyakap nang mahigpit dahil sa aking matagal na pangungulila sa kanya. Mahigit din kasi
Sabado iyon nang gabe na kung saan ay naisipan ko siyang tawagan sa kaniyang cellphone lalo pa at buong araw na hindi man lang siya tumawag o nagtext sa akin."Siguro busy lang sa trabaho si Marcelo kung kaya't buong araw siyang hindi natakawag sa akin," mahinang boses na sabi ko sa aking sarili. "Tawagan ko na nga lang siya," dugtong ko pa sabay ngumiti ng kunti.Tinawagan ko na siya at naghihintay na lamang na sagutin niya subalit natapos na lang ang tawag ka subalit hindi niya man lang ito nasagot."Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?" Pagtatakang tanong ko sa aking sarili at sabay na tinawagan siya ulit.Sa aking pangalawang pagtawag sa kanya ay nagawa niya nga itong sagutin at nagkausap kami subalit mamaya lang din ay may narinig akong boses ng isang babae malapit sa kanya, kung kaya't bigla akong nagtataka. "Um, mahal may kasama ka ba diyan?" Pagtataka at pag-aalinlangan na tanong ko sa kanya.Napatigil naman saglit si Marcelo at nagtagalan bago pa makapagsalita."Ha? Wala mahal
Napaniwala niya nga ako lalo pa at wala talaga akong may nakitang kahina-hinala sa kaniyang cellphone.Siyam na araw na lang ay sasapit na talaga ang kasal namin pero bago iyon April 13 ay bumalik siya nang Batangas para daw aanyayahin niya ang kaniyang mga kasosyo sa negosyo na dumalo sa aming kasal subalit ang totoo niyan ay hindi naman pala. Sa katunayan niyan ay pupunta siya roon sa kadahilanan na susunduin niya si Colleen para sa kanilang pagpunta nang Manila para sa isang kasal na siyang dadaluhan din ni Colleen. As usual hindi iyon kasal namin ni Marcelo.April 15 nang umaga ay nagkausap pa kaming dalawa ni Marcelo at nabanggit niya pa na itong araw siya babalik nang Manila o uuwi galing Batangas. Ganitong araw din silang dalawa lumuwas ni Colleen nang Manila para sa kasal na kanilang dadaluhan.Nang matapos ngang pumunta ang dalawa sa isang kasal ay dumiristo sila sa Manila Grand Hotel na kung saan ay doon silang dalawa nag checked in. Ngunit bago pa man iyon ay may nakakita
April 17 nang umuwi si papa galing states para sa kaniyang pagdalo sa nalalapit na kasal namin ng kaniyang anak na si Marcelo. Dahil sa medyo close kami ni papa at naging mabuti rin siyang hipag sa akin kung kaya't madali ko siyang makakausap. Hapon iyon nang magpaalam ako kay papa na umalis dahil ako'y pupunta sa aking mga nalalapit na kaibigan at ka-klase noong college dahil sa aking plano na kukunin silang ninang sa aming kasal ni Marcelo.Medyo huli na ang pagkuha ko ng magiging ninong at ninang sa aming kasal dalawa ni Marcelo lalo pa madalang lang akong makalabas ng mansyon. Kung hindi pa dahil kay papa ay malamang hindi ako makakalabas ngayon.Pinutahan ko na nga ang mga taong napili kong magiging ninang at ninong ng aming kasal sa darating na April 19. Pauwi na ako ng mga oras na iyon nang mapag-isipan ko munang dumaan sa isang mall para bumili ng mga ibang gamit para sa kasal. Habang abala ako sa pamimili ng aking bibilhin ay aksidenting nagkabanggaan kaming dalawa ng dati