Semua Bab Better Than Revenge : Bab 61 - Bab 70

122 Bab

Chapter 61

The love that is worth waiting for will last for a lifetime. *** Nanatiling magkatitig sa loob ng sasakyan sina Elyssa at Louie matapos ang kanilang unang halikan bilang magkasintahan. Tanging mga mahihinang hininga nila ang naririnig. Para bang ngayon lang pinagtagpo ang dalawang pusong nagmamahalan. The atmosphere around them was filled with pink bubbles floating with love from their synchronized heartbeat. Maya-maya’y si Louie ang bumasag ng katahimikan. "Magtititigan na lang ba tayo?" Nangingiti nitong tanong at marahang pinisil ang palad niyang gagap nito. "Well, kung isang guwapong katulad mo ang titigan ko buong gabi ay ayos na sa ‘kin. Busog na busog na ang mga mata ko." Abot hanggang tainga ang mga ngiting sagot naman ni Elyssa. She had this foolish smile on her lips, showing how in love she could be. Bahagyang napatawa si Louie sa sagot at mahinang kinurot ang pisngi niya. "Don’t tease me like that, honey. Baka kung ano pang magawa ko sa ‘yo sa loob ng sasakya
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-13
Baca selengkapnya

Chapter 62

Habang nagbabiyahe ay panay ang lingon at ngiti ni Louie kay Elyssa na lalo namang ikinalaglag ng puso ng dalaga. Hindi niya mapigilan na ngumiti at kiligin sa bawat simpleng sulyap ng kasintahan dahil puno iyon ng pagmamahal. Maya-maya'y nagtaka siya nang bigla nitong hininto sa tabi ng kalsada ang sasakyan at tinanggal ang suot nitong seatbelt. "Oh, bakit? May problema ba?" Nagtataka ang mukhang tanong niya. "Naubusan ba ng gas? Flat tire ba?" natutulirong dugtong pa niya. Pilyong ngiti ang isinagot ni Louie habang bahagyang nakadukwang sa kinauupuan niya. "Oh, nothing, honey. Gusto lang kitang halikan!" Mabilis nitong sinarado ang pagitan nilang dalawa at hinawakan siya sa batok upang nakawan siya ng halik sa labi na labis niyang ikinagulat kaya hindi siya nakahuma. Kinindatan pa siya nito matapos ang ginawang panghahalik. "Louie!" Marahang hinampas niya ni Elyssa si Louie sa balikat. Pero lihim siyang napangiti at parang nasa alapaap dahil sa kilig. "I like you so much,
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-17
Baca selengkapnya

Chapter 63

Dinala siya ni Louie sa kusina at lalong napamangha si Elyssa nang makita ang kabuuan niyon. May isang malaking aquarium na nakalagay sa pader na nasa gilid na ang taas ay mula floor to ceiling. Punong-puno iyon ng magaganda at makukulay na mga isda. Elyssa couldn’t even know what kind of fishes there were because they looked exotic and expensive. "Wow!" bulalas ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang excitement na bumakas sa kanyang mukha. Naglakad siya palapit sa aquarium saka marahan iyon hinawakan. Lumapad ang pagkakangiti niya nang makita ang mga isda na naglanguyan palapit sa kanya. "Ang ganda… Mahilig ka talaga sa nature, ah." Nakatingala siya at naaliw na pinagmasdan ang naggagandahang mga isda kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Louie sa kanyang tabi. Napatili si Elyssa nang pasimple nitong ibinuka ang labi sa leeg niya na animoy kakagat pero banayad siya nitong hinalikan. Nakiliti siya sa ginawa ng kasintahan kaya’t bahagya na napaatras dahilan upang maapakan niya ang pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-19
Baca selengkapnya

Chapter 64

Pagkaraan ng ilang sandali ay pinagsaluhan nila ang niluto ni Louie sa terrace garden nito. Nagdala pa ito ng wine. "This is our first date so I want it to be perfect and memorable." Nagsalita ito habang nagsasalin ng alak sa kopita. "Thank you, Louie." "I like it when you call me honey. Is it okay with you if you call me that?” Louie placed the wine on a small table he also brought out. "Honey..." mahina ang boses na ulit niya. "Okay, I like that..." She took the glass of wine and took a sip. The bitter and sweet taste lingered in her throat, giving her a warm feeling. Her bucket was full of love now. Hindi niya alam kung paano iyon ibuhos para kay Louie. Ang alam niya lang ngayon ay masaya siya na naging magkasintahan na sila ni Louie. "That’s better.” Louie grinned. He took a fork full of pasta at sinubo sa kanya. Ibinuka naman ni Elyssa ang bunganga upang tanggapin ang pasta bago binigyan ng komplimenta si Louie. "Hmm…It tastes so good. Ikaw na. Ikaw na talaga, honey. Wal
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 65

The two were in the middle of their way back to Elyssa’s apartment when Louie suddenly asks about her life. "Honey, can I ask you something about yourself? I mean, I was just curious, why did you choose to finish your studies and work here in Manila? Sa pagkakaalam ko ang sabi ni Marra, may malapit daw na college university sa lugar ninyo? And she can help you with the expenses too." Hindi agad nakaimik si Elyssa sa tanong ni Louie. Paano ba niya ito sasagutin nang hindi ito naghihinala? Ramdam niya ang pagbilis ng pintig ng puso at hindi alam kung paano simulan ang isasagot. "Ahm… Ano kasi… I was about to take admission for my last year in college, but something happened to my papa. Kailangan niya ang pera pampaopera kaya imbes na ipang-enroll ay pinagamit ko na lang sa kanya," pagsisinungaling niya. Her head was lowered and couldn’t stare straight at Louie. I’m sorry for my lies. Sasabihin ko rin sa ‘yo ang totoo, but not today. "Kaya ayun, ‘di ako nakapag-enroll. But luckily, M
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-31
Baca selengkapnya

Chapter 66

Sa mga araw na lumipas ay walang humpay na kasiyahan ang nadarama ni Elyssa magmula nang maging magkasintahan sila ni Louie. Kapag nagkakasalubong sila nito sa factory ay pasimple lang siyang nginingitian. Pero kapag walang tao ay hinihila siya nito sa isang tabi at ninanakawan ng halik. Masaya siya kahit patago ang relasyon nila ni Louie. Ang mahalaga sa kanya ay araw-araw sila nitong nagkikita at magkakasama kahit sa maikling oras. Lagi rin silang sabay pumasok sa unibersidad. At kapag sa Partas ito pumapasok ay sinusundo siya nito sa factory kapag oras na nang labasan sa trabaho. Kasalukuyang nasa canteen ng factory si Elyssa kasama ang pinsan niya nang biglang lumapit si Diego sa kanila. "Hi, Issay! Would you mind if I join you?" nakangiting bati nito. Bitbit nito ang tray ng pagkain nito habang nakatayo at naghihintay sa sagot niya. Elyssa hesitated at first, pero nagpumilit ang lalaki kaya wala na siyang nagawa kundi ang paupuin ito sa mesa nila. Nagkibit-balikat na lamang si
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-04-03
Baca selengkapnya

Chapter 67

Nagkatinginan ang dalawa at mabilis pa sa alas-kuwatrong kumalas sila sa isa’t isa. Louie went to his table at nagkunwari itong may binabasa samantalang si Elyssa ay lumapit sa sofa at umupo roon. "Pasok!" Louie shouted when they were ready to face the interrupter. Agad namang iniluwa ng pinto si Ms. Leny. "Yes, Ms. Leny?" tanong dito ni Louie habang kunwari ay may binabasa na folder Ni hindi ito nag-angat ng tingin. Samantalang si Elyssa ay yumuko upang itago ang sinusupil na ngiti. "Ahm, Sir. I just wanted to remind you about your meeting with the representatives of the Gaisano group. It's at three pm. “Yon lang po. I’ll go out now." Saka lang nag-angat ng tingin si Louie at tinanguan ang sekretarya. "Ahm, Miss Castillo,” biglang tawag ni Louie kay Elyssa. “Yes, sir?” “Please review this file." Louie was holding a file and gesturing for her to come closer. Tumayo si Elyssa mula sa pagkakaupo sa sofa at kiyemeng kinuha niya ang file na inabot ng boss slash kasintahan. Bago b
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-04-10
Baca selengkapnya

Chapter 68

"Ahh!!! Fuck! God damn it!” The sound of the glass shattering on the floor was died down by the loud music blasting on the dance floor. Tracy did not mind it at all, just letting the waiter clean after her mess. She was sitting on a chair in the middle of the bar counter while holding a bottle of brandy with her face covered in tears. The club was full of laughter and the band singing on stage made her head spin around. She was drunk because she was hurt. Ilang araw na rin na ganito ang ginagawa niya. Kung hindi siya umiinom sa bahay nila ay lagi siyang nasa mga sikat na club, mag-isa. Pero dahil sa halos lahat ng VIP club na pinupuntahan niya ay mayroon na siyang bad record ay hindi na siya nakakabalik doon lalo pa at ayaw siya samahan ng mga kaibigan niya na iniwan na rin yata siya sa ere matapos malaman na hindi tuloy ang kasal nila ni Louie. Kaya ngayon, Tracy settled in a middle-class club and she was glad that it suited her high-class taste. If clubbing and drinking could
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-04-12
Baca selengkapnya

Chapter 69

Sumimangot si Elyssa nang mabasa ang mensahe ni Louie na nagsasabing hindi siya nito maihahatid sa campus. Ang dahilan nito ay may tatapusin itong trabaho sa opisina sa Partas Tower. Ano'ng trabaho pa ba ang gagawin mo sa ganitong oras ng gabi? Nagtatampo si Elyssa dahil iba ang inaasahan niyang mensahe galing sa nobyo. Ayos lang sa kanya na hindi siya nito masusundo pero ang hindi siya nito batiin ay ikinasama ng loob niya. Mukhang siya lang yata ang nakakaalala o baka nababaduyan ang kasintahan sa mga monthsaries. Pasadlak siyang umupo sa upuan sa bus stop habang hinihintay ang bus na dumating. She breathed out a deep and irritated sigh saka muling tiningnan ang cellphone nang tumunog iyon. "Haist... " aniya nang makita sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag. Iba iyon sa inaasahan niya. "Yes, cousin? Napatawag ka?" Walang kalatoy-latoy niyang sagot. "Insan, nasaan ka na?" Bahagya niyang nailayo ang cellphone sa tainga nang marinig ang malakas na boses ng pinsan. "Ano'
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-04-16
Baca selengkapnya

Chapter 70

Luminga-linga ang dalaga para tingnan kung saan na ang mga kidnappers pero parang mga bula itong naglaho. “Ang bibilis naman magsipulasan ng mga gagong iyon? Ano’ng trip nila? Kidnapin ako para ihatid sa school?” Ang kaba at takot na namahayan sa puso ng dalaga ay bahagyang humupa. Nasa hallway siya papunta sa stadium ng university dahil doon siya iniwan ng mga kidnapper. Tumalikod siya para bumalik sana sa room niya. Pero sa pag-ikot niya ng katawan ay nahagip ng mata kanyang paningin ang papel na nakadikit sa isang pader. Dalawang puso na magkadikit at may pana ni kupido ang style niyon. Lumapit siya at dahil nabuksan ang kuryusidad niya ay binasa niya kung ano ang nakasulat doon. "Follow the arrow and you will find the key to your heart." Malakas na bigkas niya. Napangiti siya nang mabasa iyon. "Huh? Sino naman ang may pakana nito? Cheesy…" Dahil na-curios ay sinundan niya ang direksyong tinuturo ng arrow. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muling may nakitang nakadikit na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-06-13
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
56789
...
13
DMCA.com Protection Status