I would like to thank my brother for that wonderful poem.
Matapos ang klase ni Elyssa ay sinundo siya ni Louie at sabay ang dalawa na umalis ng campus. Tinukso pa sila ng kaibigan ni Minho na ikinapula ng mukha ng dalaga. Pagkagaling sa campus, tulad nga ng sinabi ni Louie, ay nag-dinner ang dalawa. Pero imbes na sa labas ay umorder ng take-out si Louie. They ate at Louie's condominium at sa buong sandali na magkasabay silang kumakain ni Louie ay hindi mapakali si Elyssa. Mukhang determinado nga si Louie na siya ang gawin nitong dessert. "Want to take a shower with me?" Tumayo si Louie sa tabi niya habang nakaupo pa rin siya sa upuan. Yumuko ito upang magtama ang mata nila. Matiim ang titig nito at medyo namamaos ang boses. Tapos na silang kumain parehas. Napalunok si Elyssa habang nakatingin sa kasintahan. Pakiramdam niya, anumang oras ay kakainin siya nang buhay ni Louie. Her dry throat heaved and she breathed heavy air. "I-i don't have clothes with me." Tumayo siya upang magpantay ang mukha nila pero sa pagtayo niya ay agad na sinak
Masayang nag-uusap sina Elyssa at Ellen habang palabas ng trabaho nang biglang huminto ang red ferrari sa harap niya. Malapit na sila sa bus stop pero bago makadiretso roon ay may humarang sa kanila. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Elyssa nang mamukhaan ang sasakyan. Dahil sa nangyari sa kanila kagabi ay na-late si Elyssa at dahil kasama naman niya ang boss niya ay sabay na silang pumasok ng trabaho kanina. Elyssa bit her lips as she walked towards Louie's car. Her heart pounded fast when she saw her boyfriend handsomely waiting for her in the driver’s seat. Nakangiti ito sa kanya. She leaned against the window."Hi, honey. Ang aga mo yata," bati niya. Nanatili siyang nakatungo sa bintana. May mangilan-ngilang kasamahan nila ang malapit sa kanila pero dahil nakaharang ang katawan ni Elyssa sa bintana ay hindi ng mga ito nakikita si Louie sa loob. Kaya’t malakas ang loob niyang kausapin ito."Ano’ng magagawa ko? Na-miss ko ang girlfriend ko, e!" Tumaas ang sulok ng labi nito
As soon as the car stopped in front of a large and imposing mansion, Elyssa's heart became more erratic. Her nervousness skyrocketed that anytime soon, she would shiver in fear. Eto ang unang beses na a-attend siya sa isang magarbong pagtitipon. Hindi niya alam kung paano kumilos sa harap ng mayayamang bisita ng tita ni Louie. "Hon, I'm scared," namutawi sa bibig niya nang pinagbuksan siya ng pintuan ni Louie. "It's alright, honey. Like what i've told you, ako ang bahala sa 'yo." Inalalayan siya ng kasintahan na makababa. Dahil ika-limampung kaarawan ng Tita ni Louie ay marami-raming bisita ang dumating. Halos karamihan sa mga ito ay sa sikat na mga negosyante at ang iba ay mga socialite na mga kaibigan nito. May ilang sikat ding artista at modelo na model ng mga damit na gawa nila. Bahagya pang nanginginig ang palad ni Elyssa habang akay siya ni Louie papasok sa loob. Kakapasok pa lang nila sa hardin kung saan ginanap ang party ay agad nang sumentro sa kanila ang atensyon ng mga
Matapos magpaalam ay sandaling iniwan ni Louie si Elyssa para kuhaan ito ng pagkain. Boffet style ang party kaya isa-isang kumukuha ng pagkain ang mga guest. Eto ay para maiwasan ang pagsasayang ng pagkain. Habang ang mga waiter at waitress ay abala naman sa pagseserve ng alak at kung anuman ang importanteng kailangan ng bisita. Panay ang linga ng binata sa nobya dahil alam niyang naaasiwa ito. Lihim siyang napangiti nang lingunin ito habang nakaupo itong mag-sa sa mesa nila at halos mabale-bali ang leeg sa kakatingin sa palibot. "You’re so beautiful, honey." Sumupil ang ngiti sa labi niya saka muling ibinalik ang atensyon sa pagkuha ng pagkain. May waiter na nagse-serve and he only pointed to the food that he knew Elyysa would like. Hindi niya pinansin ang mga taong nais na kumausap sa kanya o ang mga babaeng nais kunin ang atensyon niya. He was in a hurry to go back to their table. Ayaw niyang iwan nang matagal ang nobya. Matapos masigurado na tama na ang pagkain na nakuha niya ay
Napangisi si Tracy nang makita na nag-iisa na si Louie sa wakas at hindi kasama ang bruhildang babae na si Elyssa. Inayos niya ang suot na gown na pinagawa pa niya sa isang kilalang gown designer at sigurado siyang mapapansin siya ni Louie dahil dito. Dahil sa biglaang pagsulpot niya at hindi nakahuma si Louie. Lalo na nang hinawakan niya ito sa braso. Sinigurado niyang nakatingin sa kanila si Elyssa para pagselosin ito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil nagtagumpay ang binabalak niya. Sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya kung paano manibugho ang babae. "Hi, sweetie." Kontodo ang ngiti na bati niya kay Louie. In-expect na ni Tracy na ang magiging reaksyon nito ang magalit pero nasaktan pa rin siya nang iyon nga ipinakita nito. Pinapamukha na talaga ni Louie sa kanya na balewala na siya rito. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkus lalo lamang niyang nilambingan ang pakikipag-usap dito nang maglapitan sa kanila ang mga negosyanteng bisita ni Tita Beatrice. "Hmm... Huwag po kay
Nang magmulat ng mata si Elyssa ay wala siyang ibang nakikita kundi purong kadiliman. Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Wala siyang ideya kung ano ang sitwasyon niya ngayon. Tandang-tanda pa niya ang nangyari kung bakit siya naririto ngayon kung saan man siyang lupalop ng mundo. Sinubukan niyang tumayo pero muntikan na siyang matumba nang ma-realize na nakatali ang paa at kamay niya sa upuan. Nagpumiglas siya at malakas na sumigaw. Walang tigil sa malakas na pagkabog ang dibdib niya. She could only cry silently when no one answered her calling. Her voice broke the silence of the night, but no one came to her aid. She felt hopeless. Mukhang nasa kamay nga siya ng kumidnap sa kanya. "Help!" Halos mamamaos na sa kakasigaw si Elyssa ay wala pa ring lumalapit sa kinaroroonan niya. Ni isa ay walang nakakarinig sa kanya. Nanlulumong muli siyang napasandal sa upuan. Kahit ano’ng pag-iisip ang gawin niya wala siyang makitang dahilan kung bakit siya na-kidnap. Louie, please…help m
"No! Please don't!!!" Napapikit si Elyssa at malakas ang kabog ng dibdib habang hinihintay na lumapat sa mukha ang asido. If she was scarred by this acid, she was done. What would Louie say if he saw her like that? Tulo ang luha niya habang naghihintay pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring nangyayari. Magbilis siyang nagmulat ng mata at sa nanlalabong paningin dulot ng luha ay nakita niya kung sino ang dumating para saklolohan siya. Sumingaw ang pag-asa sa mukha ni Elyssa nang makita si Louie na pilit inaagaw ang bote kay Althea. "Louie…" lalong umagos ang luha ni Elyssa nang makita ang nobyo. Sa wakas nagawa nitong makuha sa babae ang bote ng asido at bumaling sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Samantalang si Althea ay mabilis na tumakbo palabas nang marinig ang tunog ng sirena ng paparating na pulis. "Issay, are you okay? I'm so worried about you. Sorry if I was late.” Kinabig siya ng binata at mahigpit na niyakap saka hinalikan sa noo. "I'm sorry, napabay
"Good morning, sleepy head..."Dahan-dahang nagmulat ng mata si Elyssa nang maramdaman ang mainit na hininga ni Louie na umiihip sa kanyang tainga. Napangiti siya nang makita ang nakangiting mukha ng kasintahan na nakatunghay sa kanya. Tila matagal na itong gising at kanina pa siya tinititigan."Good morning…” ganting bati ng dalaga. Pilyo siyang kinindatan ni Louie. Bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil nalala niya kung gaano siya ka-wild kagabi habang umuungol siya sa ilalim ni Louie at malakas siyang binabayo. Mabilis niyang hinila ang kumot at nagtalukbong upang takpan ang hiya. "Hey!” tawag ni Louie. “Ngayon ka pa ba mahihiya? You were shameless underneath me last night, honey." He teased her while pulling the blanket away from her. When her face was exposed, Elyssa could see Louie’s face smiling seductively."Honey..." Itinabing niyang muli ang kumot sa katawan na pilit nakuha sa kasintahan. "What time is it? I need to go." Louie glanced at the digital clock on the bedside