"Excuse me, Ms. Castillo. Pinapatawag po kayo sa conference room ni Sir Louie. May meeting po kayo."Napatigil sa pagso-sort ng items si Elyssa nang marinig ang sinabi ni Ms. Leny na hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya dahil sa sobrang abala niya sa ginagawa. Umayos siya ng tayo at tuluyang tumigil sa ginagawa saka binalingan ang sekretarya ni Louie. "Sige po, Miss Len. Salamat sa pag-i-inform. Susunod na po ako." Nakangiting sagot niya sa sekretarya. Mabait ito kaya magaan ang loob ni Elyssa rito at kahit may ideya ito sa relasyon nila ni Louie ay hindi siya nababahala. Hinintay siyang matapos ni Ms. Leny at hindi naman ito naghintay nang matagal saka sabay silang naglakad patungo sa conference room. Habang nasa hallway kung saan walang tao ay hindi mapigilan ng sekretarya na tanungin si Elyssa tungkol sa nangyari sa kanya kagabi."Miss Castillo,” tawag nito.Huminto sa paglalakad si Elyssa at binalingan ang sekretarya na huminto rin sa paglalakad.“Yes po?”“Totoo ba na
"Wow! Daebak!" Hindi mapigilan ni Elyssa ang mapamangha nang makita ang loob ng kuwarto ng hotel na kinuha ng kumpanya para sa kanya. Mabilis niyang binitawan ang hawak na luggage at nagagalak na dumiretso sa kuwarto at humiga sa malapad na kama. Napakalambot niyon at napakakomportableng higaan. Napakalaki ng kuwarto. She had no idea why the company got her an expensive suite. Ni siya lang mag-isa ang umuukupa noon dahil may ibang kuwarto si Marra. “Ahh!!!” Hindi niya mapigilang kuhain ang unan at sumigaw doon. “This bed is so good! It’s so wide,” malapad siyang napangiti. Ilang minuto siyang nagpabiling-biling sa kama hanggang sa tuluyang humupa ang excitement niya.Tumayo siya upang sipatin ang buong kuwarto. There was a 42” interactive flatscreen TV outside the room and the receiving room was also expansive. Luxurious and spacious. The kind of place that only rich people can afford.Itinulak niya sa isang tabi ang maleta na iniwan niya kanina at naglakad palapit sa bintana. "Wo
Maagang nagising si Louie kahit pagod siya sa magdamagan nilang pagniniig ni Elyssa. Dahan-dahan siyang nag-inat upang hindi magising ang katabi na nakasiksik sa katawan niya. Alam niyang pagod din ito dahil aktibong-aktibo ito kagabi. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Last night was a buzz and he felt that it was not enough. Pero gustuhin man niyang galawin ang kasintahan ay alam niyang hindi pwede dahil kailangan nito ng pahinga. Isa pa, pareho silang may dadaluhang meeting mamaya. Tahimik niyang pinagmasdan ang mala-anghel nitong mukha habang mahimbing pa rin itong natutulog."Just sleep, honey. I know you're tired!" Marahan niyang hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha nito at inipit sa tainga. "I’m sorry kung may nangyaring masama sa ‘yo. Alam kong pakana iyon ni Tracy, but don’t worry dahil hindi kita pababayaan. I will always be beside you to protect you. Coz I love you and no one could ever replace you in my heart. I’ll accept ev
Elyssa was enjoying sipping her drinks when nature called her. Dahil nasa loob lang din ng cafe ang banyo ay nagpaalam siya kay Louie at Marra. Minho was out to do something. Kasalukuyan silang nasa Hardrock cafe at nagpapahinga matapos ang halos maghapon nilang paglilibot. "Gusto mo bang samahan na kita?" tanong ni Marra. May concern sa boses nito pero tumanggi siya. "Huwag na, insan. The toilet is just near and babalik ako agad.” Tumayo siya. Iniwan niya ang handbag kay Louie. "Ingat, hon. Balik ka agad bago kita ma-miss." Hinawakan ni Louie ang kamay niya at hinalikan. "Okay, sige. Don’t worry, honey. Babalik ako kaagad," aniya. Saka siya naglakad papunta sa toilet pero ang daan patungo roon ay medyo tago sa puwesto nina Louie. Kakalabas lang ni Elyssa sa cubicle ng isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya sa reflection ng salamin. Nakangisi ito habang nakatitig sa kanya. Agad itong nilingon ng
"Ba't ang tagal naman yata ni Issay sa banyo?" Nagtatakang tanong ni Louie nang mapansin na hindi pa rin bumabalik si Elyssa matapos ang halos kinse minuto. Napahinto sa paglalambingan sina Marra at Minho saka sabay na lumingon sa kanya nang magtanong siya. "Wait! Where is she? Bakit hindi pa bumabalik ang babaing ‘yon?" may kaba sa boses ni Marra. Mabilis itong tumayo. “Susundan ko siya."Tumango si Louie bilang pagsang-ayon pero nag-uumpisa na siyang kabahan at hindi mapakali. Alam niya kasin na may maaaring mangyaring masama kay Elyssa.Ilang minuto lang ang nakalipas ay humahangos na bumalik si Marra. Namumutla ang pawisan nitong mukha. Bahagyang nanginginig ang katawan nito sa takot. Bukod sa kaniya ay alam din ni Minho na narito si Tracy at may masamang binabalak kay Elyssa. Pero walang alam si Marra. Louie’s face turned pallid as he clenched his fist tightly trying to control his panicking emotions. Natulos siya sa kinauupuan at hindi agad matanong si Marra."I’m sorry, Loui
"Sweetie?" Sabay-sabay na napalingon ang apat mula sa pinanggalingan ng boses na kasingtamis ng asukal na bagong gawa. Isa iyong hindi pamilyar na babae pero nasentro ang mata rito ni Marra nang makitang matiim nitong tinititigan si Minho. Hindi alam ni Marra pero bahagyang kumabog nang malakas ang dibdib niya."Kilala mo siya, babe?" mahinang tanong niya sa kasintahan pero inaatake na ng kaunting kirot ang puso niya. Maganda ito at sopistikada. Katulad ni Minho ay malakas din ang dating nito at mukhang bagay sila…Hindi akalain ni Marra na aabot siya sa isiping iyon. "Minho, sweetie? Ikaw ba 'yan?" Muling nagtanong ang babaeng bagong dating. Malambing pa rin ang boses nito.Sweetie? Sino naman kaya ang babaeng ito? Nagngingitngit na hiyaw ng utak ni Marra nang marinig kung paano nito tawagin si Minho. Nilingon niya si Minho na patuloy pa ring nakatitig sa babae. He looked dumbfounded. Lalong lumalakas ang hinala niya sa babae na maaring konektado ito sa kasintahan niya. Siniko ni
Natameme si Marra sa narinig. Hindi niya akalaing tahasang aminin sa kanya ni Louie na may ibang girlfriend si Minho.“So it’s true…” mahinang sambit niya pero nakaabot iyon sa pandinig ng dalawa."Girlfriend ni Minho si Fiona noong nandito pa si Minho sa Singapore. Pero magmula nang umuwi si Minho ng Pilipinas nagkakalabuan na ang dalawa. They had no communication and I didn't even know that they were still an item.”Nasa loob na sila ng hotel room na tinutuluyan ni Elyssa at Louie. Dito binalak ni Marra na matulog. "Louie?" Nanlalaki ang matang bulalas ni Elyssa. "Bakit mo itinago sa 'min ang katotohanang iyan? Bakit 'di mo sinabi ang totoo?" "Hindi ko kayang pangunahan ang desisyon ni Minho. He was waiting for the right time to tell you." Sinulyapan siya ni Louie. Napayuko si Marra at tahimik na umiyak. "All this time, niloloko lang pala niya ako. Pinaglaruan ang damdamin ko!" Puno ng hinanakit na sambit ni Marra. Mahapdi na ang lalamunan niya sa impit na pag-iyak at ang isipin
Masayang-masaya na pumasok sa factory si Elyssa kinabukasan. Kahit may nangyaring hindi maganda sa Singapore ay hindi pa rin naman niya malimutan ang masasayang sandaling pinagsaluhan nila ni Louie. Pero hindi niya alam na ang kaligayahang iyon ay agad palang mapapalitan ng masakit na katotohanan."Insan, hindi ka ba papasok? Bakit ‘di ka pa nakabihis?" Maang na tanong ni Elyssa sa pinsan nang madaanan itong nakasalampak sa sofa at hindi nakasuot ng uniform. Alam niyang masama pa rin ang loob nito kay Minho dahil kahit na ilang beses tumawag ang lalaki kagabi pagdating nila sa condo ay hindi ito sinagot ni Marra."Dadaan ako mamaya sa opisina para mag-file ng leave. I have not used up all my holiday leave kaya sigurado akong papayagan ako. I need space, Elyssa. Being in the city stabs my pain again and again.”Marahang nagpakawala ng hangin si Elyssa at tipid na ngumiti saka umupo sa tabi ng pinsan at inakbayan ito. When her cousin needs comfort, she will be there, and vice versa."Ka