Ngumisi si Tracy nang magkasalubong ang mata nila ni Elyssa. Elyssa was jolted by that look. Nanghihina siyang umupo sa upuan na nalaan para sa kanya.Ano na naman ang binabalak nito? Bakit hindi pa ito hinuhuli ng mga pulis ang mamamatay taong ito?Yumuko si Elyssa upang itago ang takot. Nagitla siya nang bigla siyang sikuhin ni Rica. Head ito ng sales department at ka-close niya rin."Ms. Castillo, balita ko ay anak ‘yan ng isa sa mga board ng kumpanyang ito," bulong nito sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa sinabi nito. "And you know what? Siya na ang maghahawak sa HR department."Lalong kinabahan si Elyssa. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit ginawa ni Tracy ‘yon. She is planning on digging into her past. Bago pa siya makasagot kay Rica ay nahagip ng mata niya ang papasok na si Louie. Pero tulad kanina ay madilim pa rin ang mukha nito at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Dumiretso ito ng upo sa upuan
"Sagutin mo ang tanong ko, Elyssa! Totoo ba? Does Tracy telling the truth?" Louie clenched his hand resting on the table.Tumayo si Elyssa.Nanginginig ang tuhod na sinalubong niya ang tingin ng kasintahan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mapigilan ang mapaluha."Louie…" nagsusumamong sabi niya. "I’m sorry kung hindi ko sinabi sa ‘yo. I-I was afraid you would discriminate against me.” Her voice was shaking in despair. She wanted Louie to listen to her pero hindi niyang kayang makipag-usap nang hindi umiiyak."Damn!" Louie punched the hard table. Napapitlag si Elyssa dahil ramdam niya ang sakit ng pagkakasuntok ni Louie sa mesa. "Paano mo nagawang itago sa akin ‘to? I dislike Tracy for being a person who have the guts to hurt others pero all this time, nagmahal din pala ako ng isang kriminal?!" Namumula ang mukha ni Louie dahil sa pinipigilang galit.Nanatiling tahimik si Elyssa at hindi makasagot. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. "I never thought I’d love a murderer
Biglang napaangat ng tingin si Elyssa nang marinig ang sinabi ni Tracy. Sumikdo nang bahagya ang kaba sa dibdib niya. Nag-angat siya nang tingin at magkasalubong ang kilay na tiningnan si Tracy."Ano’ng ibig mong sabihin?" Hindi gusto ni Elyssa ang nararamdaman sa binabalak ni Tracy. Kinuyom niya ang kamao upang pigilan ang sarili na huwag itong sigawan.Tumaas ang sulok ng labi nito at ngumisi na parang isang satanas. Their eyes locked."Alam mo na kayang-kaya kong baliktarin ang istorya. Papatunayan ko kay Louie na wala kang kasalanan. That is, if you bid my will.”"Gagawin ang gusto mo? Sa tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi ng isang kriminal na katulad mo? No way! Kaya kong patunayan kay Louie na wala akong kasalanan!" mariing tanggi ni Elyssa. Nanatili magkatagpo ang mata nila. One was in rage while the other was relaxed but full of contempt."Fine, factory girl." Umangat ang kilay ni Tracy nang marinig ang sagot niya saka
"Nanay? Ano’ng nanay ang pinagsasabi mo pinsan, e, tita nga ni Louie ‘yon?" ang nagtatakang tanong ni Elyssa kay Marra na biglang napabalikwas ng bangon. Natigilan ang pinsan at dumaan ang takot sa mukha nito pagkatapos ay agad siyang tinalikuran upang itago ang naging reaksyon. Bahagyang napatawa si Elyssa dahil sa reaksyon ni Marra saka naiiling na pumikit. "Naku, insan. Dala lamang ‘yan ng break-up niyo ni Minho kaya ka nagkakaganyan!” biro ni Elyssa nang hindi sumagot si Marra. “Minsan kapag masiyado tayong napapadala sa ating emosyon ay hindi natin alam kung ano ang pinagsasabi kaya naiintindihan kita. Alam kong hindi mo iyon sinasadya." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "Ahh… t-tama ka, Issay. Ang ibig ko lang naman talagang sabihin ay magiging nanay. Tama! Magiging nanay mo na si Tita Beatrice kasi nanay siya ni Louie ‘di ba?" Tabingi ang ngiting sagot ni Marra. Nakaupo pa rin ito pero nakaharap na sa kanya. Nagkibit-balikat si Elyssa at malalim na humugot nang hangin at m
"Totoo ba ang sinabi sa akin ni Tracy, pare? Wala na kayo ni Issay?"Naikuyom ni Louie ang kamao sa tanong ni Minho. Katanghaliang tapat ay naglalasing siya sa bar nito. Hindi mawaglit sa isip niya si Elyssa at hindi siya makapagpokus sa trabaho kaya pagkatapos ng usapan nila kanina ay dito siya dumiretso."Yes, we argued, but we didn’t break up. Bakit ka ba naniniwala sa sinasabi ng babaeng ‘yun?” Nilagok niya ang natitirang alak sa baso bago muli iyong sinalinan.Nasa private launch siya sa bar ni Minho at nang malaman ng kaibigan na naglalasing siya rito ke-aga-aga ay agad siya nitong pinuntahan.Nakaupo si Minho sa harap niya at sinamahan siya na mag-inom dahil katulad niya ay bigo rin ito.“What is it, then? Bakit nasabi ni Tracy na hiwalay na kayo? Nakitulad pa kayo sa amin ni Marra samantalang ang saya-saya ng relasyon ninyong dalawa!" Naiiling na ani Minho.Marahas siyang bumuga ng hangin at sumand
"Kampay!" Natatawang itinaas ni Elyssa ang bote ng san mig light upang idikit iyon sa bote na hawak ni Marra. Hindi niya alam kung nakakailan na sila ng pinsan pero dahil sa pagkabigo nilang dalawa ay hindi pa sila nakakaramdam ng kalasingan."Cheers!" Natatawa ring wika ni Marra. Namumula na ang mukha nito sa dami ng alak na nainom dahil kaninang hapon pa sila nag-umpisa. Kahit si Elyssa ay nakaramdam na rin nang pagkahilo pero kaya pa niya ang sarili.Nasa veranda sila ng cottage na inuupahan at kasalukuyang ninanamnam ang malamig na hanging probinsiya. Napagod na sila sa kakalangoy at pagbababad sa kawa hot bath kaya napagpasyahan nilang idiretso ang pag-iinom sa cottage.“Ang sarap ng hangin dito. Ang lamig. Iba talaga ang hanging probinsiya.""Nilalamig ka ba talaga dahil sa hangin? O nilalamig ka dahil wala kang kapiling?" panunudyo ng pinsan. Nakahilig na ang ulo nito sa balustre ng veranda ng cottage.Tumawa si Elyssa pero hindi
Natigilan si Elyssa nang marinig na may nagsalita sa harapan niya. Unti-unti niyang inangat ang ulo upang tingnan ang nagmamay-ari ng baritono at pamilyar na boses na ilang araw na niyang hindi naririnig. She was anticipating and she didn’t expect that her wishes would come true.Parang may paro-paro sa tiyan niya dala ng excitement na muling makita ang lalaki. Pero pinigilan niya ang sarili na magpadala sa nararamdaman at pinatigas ang mukha. Pinahid niya ang luha bago ito hinarap. Hindi siya bumaba para salubungin ito."Ano’ng ginagawa mo rito, Louie?" Malamig ang boses na tanong niya."Issay… I’m sorry.” Louie apologized, but he stood on the ground and only looked up at her.Hindi lumapit sa kanya ang kasintahan dahil sa malamig na pakikitungo niya.Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ang tanging naririnig ni Elyssa ay ang malamyang agos ng tubig sa ilog. At ang palakas na palakas na kabog ng dib
Kinabukasan masayang nag-water tubing ang apat. Masaya silang nagkakatuwaan at dahil apat sila ay pare-pareha sila para magpaligsahan kung sino ang mas mabilis magpatangay sa malakas na agos ng tubig. Pagkatapos noon ay nagbabad silang sa kawa hot bath.Masaya ang naging adventure nila at nakalimutan ang mga hindi pagkakaunawaan nitong nakaraang araw. Ito ang isa sa mga araw na hindi makakalimutan ni Elyssa. Hindi lang dahil sa maganda at romantic na lugar kundi dahil kasama niya si Louie.Matapos ang adventure sa La Escapo ay hindi pinalampas ng apat ang bisitahin ang isa sa pinakasikat na falls sa buong Antique. Ang Bugtong bato falls. Dahil nasa unahan pa ito ng La Escapo and they need to trek their way up ay game na game sina Louie at Minho na laging outdoor activities ang hanap. Manghang-mangha ang dalawa sa ganda ng tanawing iyon samantalang sina Marra at Elyssa ay napapangiti at napapailing na lang habang pinagmamasdan ang dalawang taga Maynila na pa