Share

Chapter 85

Natameme si Marra sa narinig. Hindi niya akalaing tahasang aminin sa kanya ni Louie na may ibang girlfriend si Minho.

“So it’s true…” mahinang sambit niya pero nakaabot iyon sa pandinig ng dalawa.

"Girlfriend ni Minho si Fiona noong nandito pa si Minho sa Singapore. Pero magmula nang umuwi si Minho ng Pilipinas nagkakalabuan na ang dalawa. They had no communication and I didn't even know that they were still an item.”

Nasa loob na sila ng hotel room na tinutuluyan ni Elyssa at Louie. Dito binalak ni Marra na matulog.

"Louie?" Nanlalaki ang matang bulalas ni Elyssa. "Bakit mo itinago sa 'min ang katotohanang iyan? Bakit 'di mo sinabi ang totoo?"

"Hindi ko kayang pangunahan ang desisyon ni Minho. He was waiting for the right time to tell you." Sinulyapan siya ni Louie.

Napayuko si Marra at tahimik na umiyak.

"All this time, niloloko lang pala niya ako. Pinaglaruan ang damdamin ko!" Puno ng hinanakit na sambit ni Marra. Mahapdi na ang lalamunan niya sa impit na pag-iyak at ang isipin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status