Share

Chapter 92

"Kampay!" Natatawang itinaas ni Elyssa ang bote ng san mig light upang idikit iyon sa bote na hawak ni Marra. Hindi niya alam kung nakakailan na sila ng pinsan pero dahil sa pagkabigo nilang dalawa ay hindi pa sila nakakaramdam ng kalasingan.

"Cheers!" Natatawa ring wika ni Marra. Namumula na ang mukha nito sa dami ng alak na nainom dahil kaninang hapon pa sila nag-umpisa. Kahit si Elyssa ay nakaramdam na rin nang pagkahilo pero kaya pa niya ang sarili.

Nasa veranda sila ng cottage na inuupahan at kasalukuyang ninanamnam ang malamig na hanging probinsiya. Napagod na sila sa kakalangoy at pagbababad sa kawa hot bath kaya napagpasyahan nilang idiretso ang pag-iinom sa cottage.

“Ang sarap ng hangin dito. Ang lamig. Iba talaga ang hanging probinsiya." 

"Nilalamig ka ba talaga dahil sa hangin? O nilalamig ka dahil wala kang kapiling?" panunudyo ng pinsan. Nakahilig na ang ulo nito sa balustre ng veranda ng cottage.

Tumawa si Elyssa pero hindi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status