Elyssa was enjoying sipping her drinks when nature called her. Dahil nasa loob lang din ng cafe ang banyo ay nagpaalam siya kay Louie at Marra. Minho was out to do something. Kasalukuyan silang nasa Hardrock cafe at nagpapahinga matapos ang halos maghapon nilang paglilibot. "Gusto mo bang samahan na kita?" tanong ni Marra. May concern sa boses nito pero tumanggi siya. "Huwag na, insan. The toilet is just near and babalik ako agad.” Tumayo siya. Iniwan niya ang handbag kay Louie. "Ingat, hon. Balik ka agad bago kita ma-miss." Hinawakan ni Louie ang kamay niya at hinalikan. "Okay, sige. Don’t worry, honey. Babalik ako kaagad," aniya. Saka siya naglakad papunta sa toilet pero ang daan patungo roon ay medyo tago sa puwesto nina Louie. Kakalabas lang ni Elyssa sa cubicle ng isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya sa reflection ng salamin. Nakangisi ito habang nakatitig sa kanya. Agad itong nilingon ng
"Ba't ang tagal naman yata ni Issay sa banyo?" Nagtatakang tanong ni Louie nang mapansin na hindi pa rin bumabalik si Elyssa matapos ang halos kinse minuto. Napahinto sa paglalambingan sina Marra at Minho saka sabay na lumingon sa kanya nang magtanong siya. "Wait! Where is she? Bakit hindi pa bumabalik ang babaing ‘yon?" may kaba sa boses ni Marra. Mabilis itong tumayo. “Susundan ko siya."Tumango si Louie bilang pagsang-ayon pero nag-uumpisa na siyang kabahan at hindi mapakali. Alam niya kasin na may maaaring mangyaring masama kay Elyssa.Ilang minuto lang ang nakalipas ay humahangos na bumalik si Marra. Namumutla ang pawisan nitong mukha. Bahagyang nanginginig ang katawan nito sa takot. Bukod sa kaniya ay alam din ni Minho na narito si Tracy at may masamang binabalak kay Elyssa. Pero walang alam si Marra. Louie’s face turned pallid as he clenched his fist tightly trying to control his panicking emotions. Natulos siya sa kinauupuan at hindi agad matanong si Marra."I’m sorry, Loui
"Sweetie?" Sabay-sabay na napalingon ang apat mula sa pinanggalingan ng boses na kasingtamis ng asukal na bagong gawa. Isa iyong hindi pamilyar na babae pero nasentro ang mata rito ni Marra nang makitang matiim nitong tinititigan si Minho. Hindi alam ni Marra pero bahagyang kumabog nang malakas ang dibdib niya."Kilala mo siya, babe?" mahinang tanong niya sa kasintahan pero inaatake na ng kaunting kirot ang puso niya. Maganda ito at sopistikada. Katulad ni Minho ay malakas din ang dating nito at mukhang bagay sila…Hindi akalain ni Marra na aabot siya sa isiping iyon. "Minho, sweetie? Ikaw ba 'yan?" Muling nagtanong ang babaeng bagong dating. Malambing pa rin ang boses nito.Sweetie? Sino naman kaya ang babaeng ito? Nagngingitngit na hiyaw ng utak ni Marra nang marinig kung paano nito tawagin si Minho. Nilingon niya si Minho na patuloy pa ring nakatitig sa babae. He looked dumbfounded. Lalong lumalakas ang hinala niya sa babae na maaring konektado ito sa kasintahan niya. Siniko ni
Natameme si Marra sa narinig. Hindi niya akalaing tahasang aminin sa kanya ni Louie na may ibang girlfriend si Minho.“So it’s true…” mahinang sambit niya pero nakaabot iyon sa pandinig ng dalawa."Girlfriend ni Minho si Fiona noong nandito pa si Minho sa Singapore. Pero magmula nang umuwi si Minho ng Pilipinas nagkakalabuan na ang dalawa. They had no communication and I didn't even know that they were still an item.”Nasa loob na sila ng hotel room na tinutuluyan ni Elyssa at Louie. Dito binalak ni Marra na matulog. "Louie?" Nanlalaki ang matang bulalas ni Elyssa. "Bakit mo itinago sa 'min ang katotohanang iyan? Bakit 'di mo sinabi ang totoo?" "Hindi ko kayang pangunahan ang desisyon ni Minho. He was waiting for the right time to tell you." Sinulyapan siya ni Louie. Napayuko si Marra at tahimik na umiyak. "All this time, niloloko lang pala niya ako. Pinaglaruan ang damdamin ko!" Puno ng hinanakit na sambit ni Marra. Mahapdi na ang lalamunan niya sa impit na pag-iyak at ang isipin
Masayang-masaya na pumasok sa factory si Elyssa kinabukasan. Kahit may nangyaring hindi maganda sa Singapore ay hindi pa rin naman niya malimutan ang masasayang sandaling pinagsaluhan nila ni Louie. Pero hindi niya alam na ang kaligayahang iyon ay agad palang mapapalitan ng masakit na katotohanan."Insan, hindi ka ba papasok? Bakit ‘di ka pa nakabihis?" Maang na tanong ni Elyssa sa pinsan nang madaanan itong nakasalampak sa sofa at hindi nakasuot ng uniform. Alam niyang masama pa rin ang loob nito kay Minho dahil kahit na ilang beses tumawag ang lalaki kagabi pagdating nila sa condo ay hindi ito sinagot ni Marra."Dadaan ako mamaya sa opisina para mag-file ng leave. I have not used up all my holiday leave kaya sigurado akong papayagan ako. I need space, Elyssa. Being in the city stabs my pain again and again.”Marahang nagpakawala ng hangin si Elyssa at tipid na ngumiti saka umupo sa tabi ng pinsan at inakbayan ito. When her cousin needs comfort, she will be there, and vice versa."Ka
Ngumisi si Tracy nang magkasalubong ang mata nila ni Elyssa. Elyssa was jolted by that look. Nanghihina siyang umupo sa upuan na nalaan para sa kanya.Ano na naman ang binabalak nito? Bakit hindi pa ito hinuhuli ng mga pulis ang mamamatay taong ito?Yumuko si Elyssa upang itago ang takot. Nagitla siya nang bigla siyang sikuhin ni Rica. Head ito ng sales department at ka-close niya rin."Ms. Castillo, balita ko ay anak ‘yan ng isa sa mga board ng kumpanyang ito," bulong nito sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa sinabi nito. "And you know what? Siya na ang maghahawak sa HR department."Lalong kinabahan si Elyssa. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit ginawa ni Tracy ‘yon. She is planning on digging into her past. Bago pa siya makasagot kay Rica ay nahagip ng mata niya ang papasok na si Louie. Pero tulad kanina ay madilim pa rin ang mukha nito at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Dumiretso ito ng upo sa upuan
"Sagutin mo ang tanong ko, Elyssa! Totoo ba? Does Tracy telling the truth?" Louie clenched his hand resting on the table.Tumayo si Elyssa.Nanginginig ang tuhod na sinalubong niya ang tingin ng kasintahan. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mapigilan ang mapaluha."Louie…" nagsusumamong sabi niya. "I’m sorry kung hindi ko sinabi sa ‘yo. I-I was afraid you would discriminate against me.” Her voice was shaking in despair. She wanted Louie to listen to her pero hindi niyang kayang makipag-usap nang hindi umiiyak."Damn!" Louie punched the hard table. Napapitlag si Elyssa dahil ramdam niya ang sakit ng pagkakasuntok ni Louie sa mesa. "Paano mo nagawang itago sa akin ‘to? I dislike Tracy for being a person who have the guts to hurt others pero all this time, nagmahal din pala ako ng isang kriminal?!" Namumula ang mukha ni Louie dahil sa pinipigilang galit.Nanatiling tahimik si Elyssa at hindi makasagot. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. "I never thought I’d love a murderer
Biglang napaangat ng tingin si Elyssa nang marinig ang sinabi ni Tracy. Sumikdo nang bahagya ang kaba sa dibdib niya. Nag-angat siya nang tingin at magkasalubong ang kilay na tiningnan si Tracy."Ano’ng ibig mong sabihin?" Hindi gusto ni Elyssa ang nararamdaman sa binabalak ni Tracy. Kinuyom niya ang kamao upang pigilan ang sarili na huwag itong sigawan.Tumaas ang sulok ng labi nito at ngumisi na parang isang satanas. Their eyes locked."Alam mo na kayang-kaya kong baliktarin ang istorya. Papatunayan ko kay Louie na wala kang kasalanan. That is, if you bid my will.”"Gagawin ang gusto mo? Sa tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi ng isang kriminal na katulad mo? No way! Kaya kong patunayan kay Louie na wala akong kasalanan!" mariing tanggi ni Elyssa. Nanatili magkatagpo ang mata nila. One was in rage while the other was relaxed but full of contempt."Fine, factory girl." Umangat ang kilay ni Tracy nang marinig ang sagot niya saka
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui