Share

Chapter 66

Sa mga araw na lumipas ay walang humpay na kasiyahan ang nadarama ni Elyssa magmula nang maging magkasintahan sila ni Louie. Kapag nagkakasalubong sila nito sa factory ay pasimple lang siyang nginingitian. Pero kapag walang tao ay hinihila siya nito sa isang tabi at ninanakawan ng halik.

Masaya siya kahit patago ang relasyon nila ni Louie. Ang mahalaga sa kanya ay araw-araw sila nitong nagkikita at magkakasama kahit sa maikling oras. Lagi rin silang sabay pumasok sa unibersidad. At kapag sa Partas ito pumapasok ay sinusundo siya nito sa factory kapag oras na nang labasan sa trabaho.

Kasalukuyang nasa canteen ng factory si Elyssa kasama ang pinsan niya nang biglang lumapit si Diego sa kanila.

"Hi, Issay! Would you mind if I join you?" nakangiting bati nito. Bitbit nito ang tray ng pagkain nito habang nakatayo at naghihintay sa sagot niya.

Elyssa hesitated at first, pero nagpumilit ang lalaki kaya wala na siyang nagawa kundi ang paupuin ito sa mesa nila. Nagkibit-balikat na lamang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status