"Ahh!!! Fuck! God damn it!” The sound of the glass shattering on the floor was died down by the loud music blasting on the dance floor. Tracy did not mind it at all, just letting the waiter clean after her mess. She was sitting on a chair in the middle of the bar counter while holding a bottle of brandy with her face covered in tears. The club was full of laughter and the band singing on stage made her head spin around. She was drunk because she was hurt. Ilang araw na rin na ganito ang ginagawa niya. Kung hindi siya umiinom sa bahay nila ay lagi siyang nasa mga sikat na club, mag-isa. Pero dahil sa halos lahat ng VIP club na pinupuntahan niya ay mayroon na siyang bad record ay hindi na siya nakakabalik doon lalo pa at ayaw siya samahan ng mga kaibigan niya na iniwan na rin yata siya sa ere matapos malaman na hindi tuloy ang kasal nila ni Louie. Kaya ngayon, Tracy settled in a middle-class club and she was glad that it suited her high-class taste. If clubbing and drinking could
Sumimangot si Elyssa nang mabasa ang mensahe ni Louie na nagsasabing hindi siya nito maihahatid sa campus. Ang dahilan nito ay may tatapusin itong trabaho sa opisina sa Partas Tower. Ano'ng trabaho pa ba ang gagawin mo sa ganitong oras ng gabi? Nagtatampo si Elyssa dahil iba ang inaasahan niyang mensahe galing sa nobyo. Ayos lang sa kanya na hindi siya nito masusundo pero ang hindi siya nito batiin ay ikinasama ng loob niya. Mukhang siya lang yata ang nakakaalala o baka nababaduyan ang kasintahan sa mga monthsaries. Pasadlak siyang umupo sa upuan sa bus stop habang hinihintay ang bus na dumating. She breathed out a deep and irritated sigh saka muling tiningnan ang cellphone nang tumunog iyon. "Haist... " aniya nang makita sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag. Iba iyon sa inaasahan niya. "Yes, cousin? Napatawag ka?" Walang kalatoy-latoy niyang sagot. "Insan, nasaan ka na?" Bahagya niyang nailayo ang cellphone sa tainga nang marinig ang malakas na boses ng pinsan. "Ano'
Luminga-linga ang dalaga para tingnan kung saan na ang mga kidnappers pero parang mga bula itong naglaho. “Ang bibilis naman magsipulasan ng mga gagong iyon? Ano’ng trip nila? Kidnapin ako para ihatid sa school?” Ang kaba at takot na namahayan sa puso ng dalaga ay bahagyang humupa. Nasa hallway siya papunta sa stadium ng university dahil doon siya iniwan ng mga kidnapper. Tumalikod siya para bumalik sana sa room niya. Pero sa pag-ikot niya ng katawan ay nahagip ng mata kanyang paningin ang papel na nakadikit sa isang pader. Dalawang puso na magkadikit at may pana ni kupido ang style niyon. Lumapit siya at dahil nabuksan ang kuryusidad niya ay binasa niya kung ano ang nakasulat doon. "Follow the arrow and you will find the key to your heart." Malakas na bigkas niya. Napangiti siya nang mabasa iyon. "Huh? Sino naman ang may pakana nito? Cheesy…" Dahil na-curios ay sinundan niya ang direksyong tinuturo ng arrow. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muling may nakitang nakadikit na
Matapos ang klase ni Elyssa ay sinundo siya ni Louie at sabay ang dalawa na umalis ng campus. Tinukso pa sila ng kaibigan ni Minho na ikinapula ng mukha ng dalaga. Pagkagaling sa campus, tulad nga ng sinabi ni Louie, ay nag-dinner ang dalawa. Pero imbes na sa labas ay umorder ng take-out si Louie. They ate at Louie's condominium at sa buong sandali na magkasabay silang kumakain ni Louie ay hindi mapakali si Elyssa. Mukhang determinado nga si Louie na siya ang gawin nitong dessert. "Want to take a shower with me?" Tumayo si Louie sa tabi niya habang nakaupo pa rin siya sa upuan. Yumuko ito upang magtama ang mata nila. Matiim ang titig nito at medyo namamaos ang boses. Tapos na silang kumain parehas. Napalunok si Elyssa habang nakatingin sa kasintahan. Pakiramdam niya, anumang oras ay kakainin siya nang buhay ni Louie. Her dry throat heaved and she breathed heavy air. "I-i don't have clothes with me." Tumayo siya upang magpantay ang mukha nila pero sa pagtayo niya ay agad na sinak
Masayang nag-uusap sina Elyssa at Ellen habang palabas ng trabaho nang biglang huminto ang red ferrari sa harap niya. Malapit na sila sa bus stop pero bago makadiretso roon ay may humarang sa kanila. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Elyssa nang mamukhaan ang sasakyan. Dahil sa nangyari sa kanila kagabi ay na-late si Elyssa at dahil kasama naman niya ang boss niya ay sabay na silang pumasok ng trabaho kanina. Elyssa bit her lips as she walked towards Louie's car. Her heart pounded fast when she saw her boyfriend handsomely waiting for her in the driver’s seat. Nakangiti ito sa kanya. She leaned against the window."Hi, honey. Ang aga mo yata," bati niya. Nanatili siyang nakatungo sa bintana. May mangilan-ngilang kasamahan nila ang malapit sa kanila pero dahil nakaharang ang katawan ni Elyssa sa bintana ay hindi ng mga ito nakikita si Louie sa loob. Kaya’t malakas ang loob niyang kausapin ito."Ano’ng magagawa ko? Na-miss ko ang girlfriend ko, e!" Tumaas ang sulok ng labi nito
As soon as the car stopped in front of a large and imposing mansion, Elyssa's heart became more erratic. Her nervousness skyrocketed that anytime soon, she would shiver in fear. Eto ang unang beses na a-attend siya sa isang magarbong pagtitipon. Hindi niya alam kung paano kumilos sa harap ng mayayamang bisita ng tita ni Louie. "Hon, I'm scared," namutawi sa bibig niya nang pinagbuksan siya ng pintuan ni Louie. "It's alright, honey. Like what i've told you, ako ang bahala sa 'yo." Inalalayan siya ng kasintahan na makababa. Dahil ika-limampung kaarawan ng Tita ni Louie ay marami-raming bisita ang dumating. Halos karamihan sa mga ito ay sa sikat na mga negosyante at ang iba ay mga socialite na mga kaibigan nito. May ilang sikat ding artista at modelo na model ng mga damit na gawa nila. Bahagya pang nanginginig ang palad ni Elyssa habang akay siya ni Louie papasok sa loob. Kakapasok pa lang nila sa hardin kung saan ginanap ang party ay agad nang sumentro sa kanila ang atensyon ng mga
Matapos magpaalam ay sandaling iniwan ni Louie si Elyssa para kuhaan ito ng pagkain. Boffet style ang party kaya isa-isang kumukuha ng pagkain ang mga guest. Eto ay para maiwasan ang pagsasayang ng pagkain. Habang ang mga waiter at waitress ay abala naman sa pagseserve ng alak at kung anuman ang importanteng kailangan ng bisita. Panay ang linga ng binata sa nobya dahil alam niyang naaasiwa ito. Lihim siyang napangiti nang lingunin ito habang nakaupo itong mag-sa sa mesa nila at halos mabale-bali ang leeg sa kakatingin sa palibot. "You’re so beautiful, honey." Sumupil ang ngiti sa labi niya saka muling ibinalik ang atensyon sa pagkuha ng pagkain. May waiter na nagse-serve and he only pointed to the food that he knew Elyysa would like. Hindi niya pinansin ang mga taong nais na kumausap sa kanya o ang mga babaeng nais kunin ang atensyon niya. He was in a hurry to go back to their table. Ayaw niyang iwan nang matagal ang nobya. Matapos masigurado na tama na ang pagkain na nakuha niya ay
Napangisi si Tracy nang makita na nag-iisa na si Louie sa wakas at hindi kasama ang bruhildang babae na si Elyssa. Inayos niya ang suot na gown na pinagawa pa niya sa isang kilalang gown designer at sigurado siyang mapapansin siya ni Louie dahil dito. Dahil sa biglaang pagsulpot niya at hindi nakahuma si Louie. Lalo na nang hinawakan niya ito sa braso. Sinigurado niyang nakatingin sa kanila si Elyssa para pagselosin ito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil nagtagumpay ang binabalak niya. Sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya kung paano manibugho ang babae. "Hi, sweetie." Kontodo ang ngiti na bati niya kay Louie. In-expect na ni Tracy na ang magiging reaksyon nito ang magalit pero nasaktan pa rin siya nang iyon nga ipinakita nito. Pinapamukha na talaga ni Louie sa kanya na balewala na siya rito. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkus lalo lamang niyang nilambingan ang pakikipag-usap dito nang maglapitan sa kanila ang mga negosyanteng bisita ni Tita Beatrice. "Hmm... Huwag po kay