HOPE "Nakakapagod ang araw na 'to ano? Okay, ka lang ba?" bumaba ang tingin ni Manay Deng sa tiyan ko. Tumango ako at tipid na ngumiti kahit sobrang pagod. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ganitong pamumuhay. 'Di bali, kahit medyo nakakapagod minsan, pero masaya naman. Pasalamat din ako dahil sa kalagayan kong ito, inalok pa ako ng trabaho. "Huwag po kayong mag-alala okay lang po ako." Malumanay kong sabi. Alam ko, nag-aalala siya. Madaling araw kami nagigising para tumulong sa paghihiwa ng mga gulay. Pag hahanda ng rekado at pagtulong sa pagluluto. Then, maghapon na puno ng tao ang kainan. Masakit ang mga binti ko pero okay lang, alam ko masasanay rin ako. "Hinay hinay ka lang ha, huwag kang makipagsabayan d'yan kila Esay at Nora, mga baog ang mga 'yan kaya walang mawawala.""Grabe naman talaga sa amin si Manay Deng. Wala lang jowa baog na?" agad na react ni Nora. " Manay Deng, hindi naman ako baog mahilig lang talaga ang jowa kong maglagay ng kapote!" " 'Yang bun
Read more