Sagana sa iyot si Hope. Buti pa siya. China oil na lang! :)
THIRD PERSON POV "Matagal pa ba?" inip at iritado niyang tanong sa babaeng doctor na iyon. Tinanggal niya sa pagkakawit ang mamahalin niyang bag mula sa kaniyang balikat at pinatong iyon sa kaniyang kandungan. She crossed her legs as she leaned on the backrest of the comfortable seat but it doesn't help to make her feel comfortable. Kinakabahan siya. At the same time, naiinis at naiirita siya dahil pakiramdam niya napakabagal ang kilos ng doctor na umaasikaso sa kaniya. She did various tests to find out what exactly was the problem and why she hadn't gotten pregnant up until that moment.Hindi mabilang na beses at sunod sunod pa na may nangyari sa kanila ni North pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis?Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang resulta. She was shocked. Parang nagunaw ang mundo niya. All her plans. Her dream to be a devoted wife and mother was suddenly scattered by the test results. Nanlulumo siyang umalis sa kilalang ospital na iyon pagkatapos
DANIEL Napansin ko ang medyo pamamaga ng kaniyang mga mata. She's trying to avoid my gaze. Parang tinatago pa nga niya. Nakalugay kasi ang buhok niya ngayon na kadalasan ay nakatali kapag nasa bahay lamang ito.Obviously, hinayaang niya iyon na nakalalad para bahagyang matakpan ang mga mata niya pero napansin ko pa rin. I prepared her favorite foods for breakfast. Pero para siyang walang buhay at wala sa sarili na kumilos.She was so quiet the whole time.Hindi siya nagtanong kung nasaan ang Young Master Sin. One thing that wasn't unusual. Possible bang nagising ito kagabi at narinig niyang-"A-Are you okay, Young Miss?" Pilit ang ngiti niya sa akin, saka tumango ng marahan. "Okay lang ako Daniel, medyo masakit lang ang ulo ko. Siguro ipapahinga ko na muna."Tumayo na ito. Malamlam ang mata kong sinundan siya ng tingin. Kadalasan, magana itong kumain ngunit ni hindi man lang niya nakalahati ang pagkaing nilagay ko sa kaniyang pinggan. Hinayaan ko itong makapagpahinga pero nan
ROCCO Kinakalabit ako ni Manu habang hindi mapuknat ang tawa nito pero hindi ko siya pinapansin. " Basahin mo reply ni Abno? Galit na galit," humalhak siya. Hinawi ko ang kamay niyang may hawak ng cellphone sa harapan ko. "Grabe seryoso, ah?" aniya pang tinulak ang likod ng balikat ko. Simaan ko siya ng tingin. "Napakasuplado." Aniyang binalik ang mga mata sa hawak nitong cellphone. I roamed my eyes in front of the stage. Tapos na ang performance ni Hope. Ang alam ko bumaba na siya e, pero bigla na lang nawala ito sa aking mga mata. Nakita ko rin ang alarmang naka-rehistro sa mukha ni Daniel. Nilapitan ko siya. "Did you see her? bumaba na siya kanina, ah." Ang sabi ko kay Daniel."Susundan ko," ang aniyang tinungo na ang harapan ng stage. Narinig kong muli ang halakhak ni Manu. "Tingnan mo, galit na galit na naman si Abno! Sigurado inggit na inggit ngayon ang gagu!" Sinaway ko na siya,"You shut the fvck up!" Kung wala lang talagang maraming tao, nasuntok ko na 'to e. Kawa
HOPE Gulat at takot ang agad namayani sa dibdib ko nang kinabukasan ay magising ako sa hindi pamilyar na silid. Agad akong napabangon. Ginala ang paningin sa kabuan ng silid. Saan ako naroon? Ang huling alaala ko'y nasa loob ako ng sasakyan kasama si Manu at Daniel. Agad akong naalarma pero napawi rin bigla nang marinig ko ang mga pamilyar na boses sa labas. "Ang sarap ng mga pagkain sa hotel na 'to. Lalo na 'tong tapa, da best!" Hotel? We are at the hotel then. "Bakit 'yan pinakikialaman mo, binukod ko na nga 'yan e, para 'yan kay Young Miss!" "Grabe ka naman Daniel, tulog pa naman siya e, 'di umorder ka ulit sa baba." I heard a loud tsked from Daniel.Kasunod ang tila pakikipag-usap nito sa telepono ng hotel at umorder ulit ng pagkain. "Bakit ka nakatitig sa akin ng ganiyan? Tang*na mo, nababakla ka ba?" Daniel asked and chuckled. "Curious lang ako Daniel, mula pagkabata ni Hope kasama ka na niya, kahit na kailan ba hindi ka nagkagusto sa kaniya?" nagulat ako sa tanong na
HOPE Robie's presence is like poison to me. I don't know why she visits now the safehouse so often.Kapag nariyan siya, nahihirapan akong huminga. Kapansin-pansin racket and it lagi ang napakarami niyang tauhang dala. And all of them are heavily armed, I could say kasi sa hahaba at lalaki ng mga baril na hawak nila. Mababagsik ang kanilang mga itsura. Matatawag ko pa bang safe house 'to? Hindi na nga safe ang pakiramdam ko e. Madalas pinipisti ni Robie ang araw ko, sila ni Kuya Sin. Madalas ko silang makita at marinig na naglalampungan. Masakit sila sa mata. At parang binabasag, ang eardrums ko ng mga malalanding tawa at tila palaging nang-aakit na boses ni Robie. At hindi mabilang na beses kong sinumpa silang dalawa sa isip ko. Nagpupuyos ako sa galit, pero alam kong wala naman akong magagawa. I tried to avoid her pero minsan may pagkakataon talaga na hindi ka makakaiwas at kailangan mo siyang harapin! Lalo na kung siya mismo ang gumagawa ng dahilan para kayo ay magkabang
ROBIE "You should keep your cool, Robie. Muntik mo nang tamaan ang anak ko!""Lintik na anak na 'yan! Lagi mo na lang pinananggalang para iligtas ang babaeng 'yon!" "Masyado ka nang nabubulag ng selos mo, Robie. Hindi mo ba nakita, sinaktan ko siya! Hinayaan rin kitang saktan siya pero nagawa mo nang patawan ng sapat na parusa si Daniel! Ano pa ba ang gusto mo?" "She insulted me, she provoked me-""Kilala ko si Hope, hindi siya magsasalita kung hindi ka nanguna-""And you're on her side now, ako na ngayon ang may mali?!" Ang panunuya kong sabi sa kaniya. Pinanlisikan ko siya ng mga mata pero tuwid lamang ang tingin niya sa akin, at ni walang mababakas na emosyon sa mukha niya. What is this now? He always makes me confused. Though, I was very happy and satisfied nang makitang sinaktan niya ang Hope na iyon. I was surprised. Alam kong kahit kailan ay hindi niya nagawang pagbuhatan ito ng kamay pero para sa akin ay nagawa niya. Ang pagkatao kong inapak apakan ng Hope na iyon ay b
ROCCO "Our men are moving according to the plan, Sin, you don't have to worry. Pero kailangan natin makuha agad si Tito Maximo bago makabalik si Robie." Umayos ako ng upo at sinandal ang likod sa swivel chair ko. "Two weeks daw itong mananatili sa Amerika ayon kay Helen. Good for you, medyo makakahinga ka sa presensya niya." It was Rui. We are all here now at my office, pinag-uusapan namin ang susunod na hakbang para sa mga Sandoval at sa ilang matataas na opisyal ng macro na gustong alisin sa puwesto si Sin. Ngayong araw din ang alis namin papuntang Italya upang sagipin naman si Tito Maximo na ngayon ay nakakulong sa puder ng mga Sandoval. "Huwag mo munang isipin masyado ngayon si Hope at Daniel. Alam natin hindi ka naman magagawang traydurin ng pinsan mo." It was Luis. "He likes her..." Mahinang aniya habang nakatitig sa bote ng beer nitong hawak."Noon pa raw! Inamin nga rin sa akin ni Daniel-" sabay sabay naming tiningnan ng masama si Manu. Agad na pininid nito ang sariling
HOPE Ginising ako ng malakas na kalabog sa labas kasunod ng malakas na putok ng baril. Agad akong napabangon, ano na naman ba ang nangyayari? Napuno agad ng takot ang dibdib ko. Mauulit na naman ba ang nangyari sa Isla?Nanginginig ang tuhod kong tumayo at pumunta ng walk-in closet. Agad akong nagbihis ng matinong damit. Biglang bumukas ang pinto. Umaangos at tila nag-aalalang mukha ni Daniel ang nakita ko. "Nilusob tayo, I need to get you out of here." Sa tono ng pananalita niya ay ramdam ko ang matindi niyang kaba. Hawak niya ang cellphone at parang kanina pa tumatawag sa kung kanino pero hindi ito makakontak. "Damn it, Sin! Bakit wala akong makontak ni isa sa kanila?!" Galit niyang sabi. May narinig kaming pagsabog. Napalingon siya sa pinanggalingan, sumilip siya sa bintana. "Shit. They are already in!" Agad itong naglabas ng baril. Hinawakan din niya ang isang kamay ko at hinila na ako palabas ng silid.Pigil ko ang sariling mapatili sa malalakas na palitan ng putok sa l