Home / Romance / Taming the Mafia King / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Taming the Mafia King: Chapter 81 - Chapter 90

106 Chapters

Chapter 81

(Yuki POV)“Kuya Kai, parang maganda ngang ideya yan.” Mga mapapait na pagsang-ayon na lumabas sa aking bibig. Hindi ko aakalain na hindi ko maipapakita kay Kuya Kai ang tunay kong nararamdaman. Dahil natatakot ako na baka tuluyan niya akong talikuran. “Pero sa ngayon, hahayaan na muna natin siya. Mas magandang nakatanim ang isang bulaklak kesa pinuputol ito at nilalagay sa isang maganda ngang vase ngunit kalaunan mamatay ang bulaklak. Sa tingin ko kailangan ko munang amuhin siya, Yuki.”At may sapat akong oras upang gawin ang plano ko… Ang planong patayin ang babaing yan.“At kapag naging sister-in-law ko siya Kuya Kai, may taga gawa na ako ng tsaa sa buong buhay ko. Ang paggawa ng tsaa, gawain din ng mga eleganteng babae pangpalipas ng kanilang oras.” Pagtatama ko sa una kong sinabi.Pero napatitig ng madiin sa akin si Kuya Kai. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, kahit nga mayroon akong idinagdag na paliwanag. “Magiging asawa ko siya Yuki, uulitin ko, hindi magiging utusa
Read more

Chapter 82

(Yuki POV)“Lady Yuki, kanina pa pong naghihintay sa inyo ang paliguan.” Lakas loob na nagsalita ang isang utusan at kanina ko pa silang napansin na nakatayo sa may harapan ko ngunit dahil nawili ako masyado sa pagbabasa hindi ko sila pinansin.Tsk. “Ganoon ba?” At nilapag ko sa mesa ang manuscript na hawak ko. Kinuha ko ang isang vase at binato ito sa harapan nila. “Wag na wag niyo akong iniistorbo! Kung gusto kong maligo, maliligo ako ng kusa. Magsilayas kayo!”Kaya naman nagmadali silang lumabas sa aking silid. Tsk. Mga walang kwentang utusan.At muli akong napasandal sa upuan at bumalik sa pagbabasa. Sa totoo lang nakuha talaga ang interest ko ng kwentong ito. Naiingit tuloy ako sa kung sino man ang sumulat nito. Kung sino man siya parang nais ko siyang makausap ng personal. Sino nga ba ang nagsulat ng kwentong ito? Pati ang handwritten niya napakaganda. Hindi mo aakalain na sulat kamay. Napaka-tiyaga niya magsulat gamit ang mumurahing panulat at papel. Pero wala akong masabi sa
Read more

Chapter 83

(Venal POV)Pagdating namin sa kompanya, kaagad siyang bumaba ng sasakyan at nagmamadaling nagpasalamat sa akin. Nangako pa na lilinisin niya ang aking sasakyan at tumalikod na. Dahil hindi niya ako pinagsalita, kaagad akong lumabas din ng sasakyan at hinayaan ang tauhan ko na ipark ang sasakyan. Hinabol ko si Miss Dahlia. Dadaan sana ito sa elevator na para sa Maintenance department ng natigilan ito dahil senenyasan ko na ang aking tauhan na harangin siya.Humarap si Miss Dahlia sa akin. Parang nais na niyang iwasan ako kaagad.“Sir Venal…” May protesta sa kanyang mukha at naguguluhan siya.“Sumunod kayo sa akin Miss Dahlia.”“Pero Sir Venal, sinabi ni Madam Lilith na itong elevator na ‘to ang magiging daanan namin sa paglabas at pagpasok sa kompanya.”“Nauunawaan ko Miss Dahlia, ngunit sumunod na muna kayo sa akin.”“Ngunit Sir Venal, mahigpit na sinabi ni Madam Lilith na ito…” Matigas din ang ulo niya. Alam ni Master Dryzen na mahihirapan ako kumbinsihin siya. At ngayon pa lamang s
Read more

Chapter 84

(Secretary Venal POV)Tension ang namumuo sa pagitan ni Master Dryzen at Miss Dahlia.“Fiancée? Lahat ba ng empleyado niyong babae dito binabastos niyo Master Dryzen?” Matapang na tanong ni Miss Dahlia. Pero hindi niya hinayaan na sumagot si Master Dryzen dahil… Umiling na siya na nagpapahayag na sumusuko siya sa bagay na pinaghirapan ko kahit paano. “Ikaw nga ang may ari ng kompanyang ito. Ngunit hindi ibig sabihin lahat ng tauhan mo dito ay maari mong bastusin. Hawakan ang parte ng ilang katawan na labag sa kalooban nila. Bastos, ang tawag doon Master Dryzen. Sa normal ata sa mga mayayaman na katulad niyo na gawin yan. Kung wala kang respeto sa mga empleyada mo, pwes hindi ako magtatagal dito. Aalis ako mismo ngayon. Iyong-iyo ng pera mo!”Saka tumalikod si Miss Dahlia na galit nga ang mga mata nito. Sinubukan maglakad patungo sa elevator ng senenyasan ko ang mga tauhan ko na harangin ito bago pa man si Master Dryzen ang gumawa.Lihim akong napabuntong-hininga. Ginagawang kumplikado
Read more

Chapter 85

(Venal POV)“Sir Venal, sadyang… Hindi ko lang talaga kinaya ang ginawa niyang pagbabastos. Hindi ako yung klase ng babaing hahayaan lang na bastusin ako ng ganoon. Sino ba siya para gawin yun? Hindi naman siya hari o may-ari ng mundo ito. Hindi naman diba?”Napabuntong-hininga ako bilang sagot kay Miss Dahlia. Nang i-angat ko ulit ang paningin ko sa kanya, ngumiti ako. Palaging mayroong nakadikit na ngiti sa aking labi sa tuwing kausap ko siya. Ang ngiti ko ay para sa mga taong mahahalaga at priority para kay Master Dryzen, at siya yun.“Sa tingin ko Miss Dahlia, mas makakabuti na manatili muna kayo. Hindi ideal ngayon na mawalan kayo ng trabaho at bayaran ang kailangan niyong panagutan kapag pinag-usapan na natin ang biglaan ninyong pag-alis ng kompanya. Alam namin kung sino kayo. Wala kayong pagkukunan ng pang-araw-araw, matapos nga maibenta ang maliit ninyong negosyo. Ang teashop. Kaya kung ano man ang nangyari kanina, rest assure na ituturing namin na aksidente yun at hindi na ma
Read more

Chapter 86

(Venal POV)“Nagsusulat kayo?” Ulit ko. “Oo.” Masaya niyang tugon sa akin. “Nakakahiya nga sabihin. Pero may mga manunulat riyan na kumikita dahil sa kanilang sinusulat. Hindi naman sa akin impossible na sumikat din ang sinusulat ko. Saka ang pinakagusto ko talagang mangyari, yung pinaghirapan kong isulat na kwento ay maging isang pelikula.” Napangisi siya. “Nababaliw na ata ako no, Sir Venal. Napakataas ng pangarap kong yan.”“Masaya ako na marinig yan Miss Dahlia. Hindi impossible na mangyari ang minimithi mo kung mananatili kayo sa kompanyang ito. Maari ka naming supportahan sa talento niyo. Magkakaroon kayo ng sapat na oras upang magsulat, kung tatangapin ninyo ang special na trabahong binibigay namin sa’yo.”Napabuntong hininga si Miss Dahlia. Napatitig sa akin… Hindi man lang kumurap ng sabihin niyang… “Ang special na trabaho bang yan, ang maging haliparot ng may ari ng kompanyang ito?”Diretso niyang tanong.“bas on your perception Miss Dahlia, I don’t think so.” Dahil hindi k
Read more

Chapter 87

(Dahlia POV)Hinila na ni Sir Venal ang isang upuan para sa kanya. Tinalikuran ako, at naupo sa upuan nito.“Marami pa tayong gagawin ngayon Venal.” Na ikinasandal niya sa upuan at muling ipinikit ang mga mata. Napatango sa akin si Sir Venal, at saktong dumating ang kailangan ko sa paggawa ng tsaa. Iba’t-ibang sangkap ang dinala, at gaya ng sinabi ni Master Dryzen, ayaw niya ng pinaghihintay siya kaya kumilos na ako. Kahit nga sobrang kaba ang aking nararamdaman.Nang magawa ko ang tsaa, lumapit sa akin si Sir Venal upang tikman ito. Napatango siya bilang kumpirmasyon na papasa ang lasa kay master Dryzen.Nilapag nga ito sa harapan niya. Nang hinila naman ni Sir Venal ang upuan at ang titig niyang binibigay sa akin, kailangan ko maupo roon. Inalis ang mga pagkain, at ng maupo ako, nagsidatingan ang bagong lutong mga pagkain. Akala ko maiiwasan kong kumain sa mesang ito kapag ginawa ko ang tsaa. Lumapit sa akin si Madam Lilith at siya mismo ang naghain ng pagkain sa harapan ko. Mapait
Read more

Chapter 88

(Dahlia POV)Special job? Promoted sa mataas na position na trabaho?Haist. Ang tanong, anong klaseng special job ba ang nais na tangapin ko ni Secretary Venal? Bakit ako ang napipisil niyang kausapin na tangapin ang trabahong yun. Saka bakit masyadong confidential? Sa totoo lang gustong-gusto ko nang magtanong sa mga katrabaho ko tungkol sa inaalok na special na trabaho sa akin ni Sir Venal. Kung sakali bang inalok din sila, o may detalye ba silang maaring sabihin sa akin. Masyado kasi akong kinukulit ni Sir Venal tungkol sa bagay na yun. At bakit niya ginagawa ang mga bagay na hindi dapat, gaya na lamang na kumain ako ng agahan sa harapan ni Master Dryzen.Teka? Hindi kaya tama naman yung sinabi ko na maging pokpok ni Master Dryzen? Sa manyak din ang may-ari ng kompanyang it. Ang akala ko talaga seryoso siya sa pagpapatakbo ng kompanya at walang alam pagdating sa kabastusan. Pero totoo naman atang seryoso siya sa pagpapatakbo ng kompanya. Special na trabaho… Ang maging secretarya
Read more

Chapter 89

(Yuki POV)“Miss Yuki may tawag po kayo. Galing kay Mr. Owen.” Kaagad akong nakabangon sa aking pagkakaupo, at nilapitan nga ang butler bago pa man ito makalapit sa akin. Kinuha ko ang phone, at masayang binati si Mr. Owen. Impossibleng reject yung manuscript na ipinadala ko sa kanya. Tsk. Iba na ang iisipin ko niyan sa kanilang kompanya. Discrimination laban sa akin.“Mr. Owen, napatawag kayo. Magandang balita ba ang dahilan?”“Miss Yuki, ano pa nga ba. Natutuwa ako sa nagawa niyong masterpiece. Napakaganda ng kwentong inyong isinumite kahapon. Hindi ko nga mapigilan na ipasa kaagad ito da chief editor namin. At tinapos ko kaagad basahin ang kwento. Saka ngayong umaga mayroon na kaaga na approval na ilathala kaagad yun, at priority. Masaya ako para sa inyo Miss Yuki.”Boses nga niya obvious ngang masaya.Akala ko matutuwa ako sa maririnig ko, ngunit bakit medyo nainis ako? Dahil ba ang kwentong yun ay hindi ko naman isinulat at kaagad nagustuhan at na-approbahan? Parang pinapahiwatig
Read more

Chapter 90

(Yuki POV)“Ngunit Miss Yuki…”“Tss. Kapag naging pelikula ba, hindi kaya maraming magnanakaw ng ideya ko, at gagawa sila ng ibang version para hindi paghahalataan na nangupya sila?”At ang talagang dahilan, ay hindi ko magugustuhan na maraming magkakagusto sa kwentong hindi ko naman isinulat. Kapag hinayaan ko, at nagustuhan nga ng marami, parang napatunayan ko rin sa sarili ko na may mas magaling sa akin.Hindi ako magpapatalo sa pipitchuging babaeng yun!Dahlia… Sino ka ba para agawin ang lahat sa akin?!“Miss Yuki… Pag-isipan niyo ng maigi. Saka sasabihin ko na ito sa inyo, parte din yun ng kontratang pinirmahan niyo sa kompanya namin.” “Tss. Wag mo akong pangunahan Mr. Owen. Kaya kong bayaran kahit ang mga buhay ng lahat nang empleyado ninyo. Ang liabilities ko pa kaya kapag na breach ko ang kontrata? Wala akong pakialam. Pag-igian ninyo ang pagtatrabaho para maging top one publisher kayo sa buong mundo.” Saka ako ngumiti at kinuha ang tasa ko. Napahigop at… Naibato ko ang tasa
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status