(Yuki POV)Habang naghihintay ako, nakapag desisyon ako na magsulat muna. At mayamaya lumapit sa akin ang assistant ko at sinabing may binigay nang address si Cedrick kung saan kami kakain ni Kuya Kai.Napangiti ako.Sinasabi ko na nga ba hindi magagawang tangihan ni Kuya Kai ang kagustuhan ko.Kaagad ko naman iniwan ang ginagawa ko at naghanda para sa pananghalian namin ni Kuya Kai.Nang dumating ako sa isang napiling napaka-eleganteng restaurant ni Kuya Kai, wala pa siya roon, pero mayroon nang reservation para sa amin.Naghintay ako. Palaging tinatanong ang aking assistant kung anong oras na ba. Pero ng tanghali na, at nakahain na ang pagkain sa harapan ko, walang dumating kundi ang manager ang lumapit sa akin, at pinapaabot ng gumawa ng reservation, na ang pananghaliang ito ay para lamang sa akin.Hindi makakarating si Kuya Kai.Napatitig ako sa aking assistant at sakto lang dahil tumawag dito si Cedrick. Agad naman inabot ng assistant sa aking ang phone niya… At ang natatawang bo
(Yuki POV)Naiyukom ko ang aking mga kamay sa inis. Nais ko siyang sampalin ngunit wala akong lakas na loob gawin yun. Huli na ang lahat kapag nalaman ni Kuya Kai na may ginawang masama sa akin si Cedrick Ma.“Tss. Ang talas talaga ng bibig mo, Cedrick. Nakakabilib ngunit duwag naman sa harapan ng kapatid ko. Bakit hindi ka magpakatotoo sa harapan niya lalo na kapag kasama ako?”“Miss Yuki, hindi lang kayo aware. Matagal nang alam ni Master Kai na allergy ako sa mga mahihinang nilalang. Saka alam niyang hindi ko gustong may pabigat sa kanya. Lalo ka na Miss Yuki, pabigat ka lamang sa kanya. Nagsasayang siya ng oras sa tuwing nais mo ng attention niya. Isa siyang Alpha at kung hindi ka marunong na rumespeto sa katayuan niya at responsibilidad sa angkan namin, asahan mo na may gagawin akong special na trabaho para mabawasan ang kanyang inaalala. Lalo na pagdating sayo Miss Yuki.”“Pagbabanta na ba yan ng patayan, Cedrick.”“Malay natin diba Miss Yuki?”Inirapan ko siya, at tinalikuran.
(Yuki POV)Nanginginig sa galit ang buo kong katawan. Hindi ko ito matatangap. Hindi ako isang talunan!Ngunit halos magwala ako, ng marinig ko ang sinabi ng clerk sa store manager.“Ma’am sa tingin ko maari na nating iphase-out ang mga lumang librong ni Yuki Carter. Sa wala na pong bumibili at inaalikabok na. Sayang din ng space ng tindahan natin.”“Wag. Hayaan mo lang ang mga libro niyan dyan. Mahal ang renta niya sa section na yan, kahit hindi yan nabebenta, may pera namang nakukuha ang tindahan natin sa kanila. Kaya hayaan mo lang yan riyan.”“Malaking himala yung bago niyang libro Ma’am, kaagad naubos. Narinig ko sa mga nais bumili kanina, meron daw siyang ghost writer na nakuha, at yung iba naman may manunulat na nagbenta sa kanya ng manuscript.”“Matagal na ngang laos yang si Yuki Carter ngunit dahil may impluwensyang pamilya siya nangaling, eh natatakot ang publisher na tangalin at tangihan ang mga libro niya.”“Nakilala niyo na ba personal si Yuki Carter. Yung picture niya Ma
(Dahlia POV)Hindi impossibleng sumakit ang binti ko dahil sa maghapon na tinignan ko ang kondisyon ng mga halaman. Sa laki pa naman ng gusali nang kompanya, talagang mapapalaban ang binti ko. Ngunit sa kabutihang palad natapos ko din kahit paano.Pagod akong napaupo sa isang bench. Hindi aakalain na magdadapit hapon na. Napakaganda ng malagintong sinag ng araw. Pinaglaruan ko ito sa aking mga daliri, hangang sa may narinig akong sumara ng pinto. Napalingon ako sa direksyon, at nakita ko ang mga tauhan ni Master Dryzen na dumaan. Ibig bang sabihin nito dumaan din si Master Dryzen?Umiling na lamang ako sa ideyang yun.Mamaya lang uwian na naman. Ang likuran ko hinahanap na ang higaan ko, ngunit ang mga kamay ko may nais pang gawin. Yun ang… Magsulat. Kailangan ko bumalik sa pagsusulat.Habang di pa uwian, isinandal ko na muna ang aking likuran sa upuan, saka ipinikit ang aking mga mata.Ang tahimik ng paligid, malamig rin ang simoy ng hangin, at talagang napakasarap matulog.Makakatul
(Dahlia POV)Nang nasa kusina na ako, talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa librong yun. Ang tanong nasaan na nga ba ang manuscript ko?Sa tingin ko kailangan ko tangihan ang kagustuhan ni Master Dryzen na saluhan ko siya sa hapunan. At habangWala pa si Sir Venal, minadali ko ang pagluluto ko. Dalawa sa mga paborito kong putahe.Pasensya na talaga Sir Venal, ang hapunan kasama si Master Dryzen ay hindi ngayon ang aking priority. Talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa libro at hindi matatahimik ang loob ko nito.Hindi na nga ako makakaharap kay Master Dryzen, hindi rin ako maaring ihatid ni Sir Venal sa bahay. Kailangan ko dumaan sa isang bookstore. Kailangan ko makumpirma at malaman kung ano ba talaga ang nilalaman ng bagong kwento ngayon ni Miss Yuki. Sana naman, mali ako sa aking hinala.Wag naman sana. Pinaghirapan ko yun. Kung sakaling tama ang aking hinala, malaki itong problema. May influwensyang tao si Miss Yuki, at paano ko mapapatunayan na ninakaw niya a
(Dahlia POV)Nakita ko ang biglang pagdagsa ng mga lalaking naka-uniporming itim. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun na ang uniporme nila ay katulad sa mga tauhan ni Kai Carter.Tumakbo ako palayo, at napadpad ako sa isang parke. Parke na may malalaking fountain at sinasabayan ng mga makukulay na ilaw.Napabuntong-hininga ako na napaupo… Ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang tiyan ko. Senyales na hindi ako natutuwa sa natuklasan ko. Darating ba sa punto na makikipagtalo ako sa paborito kong manunulat? Na isa siyang magnanakaw? Ninakaw niya ang manuscript ko at inilathala sa pangalan niya?Nilakasan ko ang aking loob na kunin ang libro, at punitin ang balot nitong plastic… Hindi ko aakalain na mabibigyan ng magandang cover ang pamagat na akala ko ako lang ang makakapag-isip. Pero ang synopsis… kaparehong-kapareho ng akin.Nanghihina ako… Sobra.At bawat pahina na binubuklat ko, nanginginig na ang aking katawan. Dismayado ako. Ang boung aklat na ito ay ang pinaghirapan kong isinulat
(Secretary Venal POV)Tahimik na kumain si Master Dryzen, tipong ninanamnam niya bawat subo. Talagang nagugustuhan niya ang niluluto ni Miss Dahlia. Hangang sa hindi ko namalayan, naubos niya ang lahat na nakahandang pagkain. Napapunas ito ng bibig, at napasandal ng likuran sa upuan. Tinitigan ako, na kaagad ko naman ikinayuko.Muli siyang napangisi.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag ganito siya.At sa pagbukas ng kanyang bibig, hindi ko inaasahan na nakarating na sa kanya ang isang maselan na impormasyon. “The One Who Own the Deadly Gazed, sa tingin ko nabasa mo na ang laman ng librong yan.”“Master Dryzen…” May gulat sa aking boses, at ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok.“Nais kong makilala ng personal ang nagsulat ng librong yan.”Napapikit muna ako, bago ko inangat ang paningin ko sa kanya.“Gumagawa na ako ng paraan Master Dryzen. Kaya lamang kumplikado ang lahat. Ang nagsulat ng libro ay ang kapatid ng Grand Alpha. Hindi ko kaagad maihaharap sa inyo ang nagsulat ng kw
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama