Home / Romance / Taming the Mafia King / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Taming the Mafia King: Chapter 91 - Chapter 100

106 Chapters

Chapter 91

(Yuki POV)Habang naghihintay ako, nakapag desisyon ako na magsulat muna. At mayamaya lumapit sa akin ang assistant ko at sinabing may binigay nang address si Cedrick kung saan kami kakain ni Kuya Kai.Napangiti ako.Sinasabi ko na nga ba hindi magagawang tangihan ni Kuya Kai ang kagustuhan ko.Kaagad ko naman iniwan ang ginagawa ko at naghanda para sa pananghalian namin ni Kuya Kai.Nang dumating ako sa isang napiling napaka-eleganteng restaurant ni Kuya Kai, wala pa siya roon, pero mayroon nang reservation para sa amin.Naghintay ako. Palaging tinatanong ang aking assistant kung anong oras na ba. Pero ng tanghali na, at nakahain na ang pagkain sa harapan ko, walang dumating kundi ang manager ang lumapit sa akin, at pinapaabot ng gumawa ng reservation, na ang pananghaliang ito ay para lamang sa akin.Hindi makakarating si Kuya Kai.Napatitig ako sa aking assistant at sakto lang dahil tumawag dito si Cedrick. Agad naman inabot ng assistant sa aking ang phone niya… At ang natatawang bo
Read more

Chapter 92

(Yuki POV)Naiyukom ko ang aking mga kamay sa inis. Nais ko siyang sampalin ngunit wala akong lakas na loob gawin yun. Huli na ang lahat kapag nalaman ni Kuya Kai na may ginawang masama sa akin si Cedrick Ma.“Tss. Ang talas talaga ng bibig mo, Cedrick. Nakakabilib ngunit duwag naman sa harapan ng kapatid ko. Bakit hindi ka magpakatotoo sa harapan niya lalo na kapag kasama ako?”“Miss Yuki, hindi lang kayo aware. Matagal nang alam ni Master Kai na allergy ako sa mga mahihinang nilalang. Saka alam niyang hindi ko gustong may pabigat sa kanya. Lalo ka na Miss Yuki, pabigat ka lamang sa kanya. Nagsasayang siya ng oras sa tuwing nais mo ng attention niya. Isa siyang Alpha at kung hindi ka marunong na rumespeto sa katayuan niya at responsibilidad sa angkan namin, asahan mo na may gagawin akong special na trabaho para mabawasan ang kanyang inaalala. Lalo na pagdating sayo Miss Yuki.”“Pagbabanta na ba yan ng patayan, Cedrick.”“Malay natin diba Miss Yuki?”Inirapan ko siya, at tinalikuran.
Read more

Chapter 93

(Yuki POV)Nanginginig sa galit ang buo kong katawan. Hindi ko ito matatangap. Hindi ako isang talunan!Ngunit halos magwala ako, ng marinig ko ang sinabi ng clerk sa store manager.“Ma’am sa tingin ko maari na nating iphase-out ang mga lumang librong ni Yuki Carter. Sa wala na pong bumibili at inaalikabok na. Sayang din ng space ng tindahan natin.”“Wag. Hayaan mo lang ang mga libro niyan dyan. Mahal ang renta niya sa section na yan, kahit hindi yan nabebenta, may pera namang nakukuha ang tindahan natin sa kanila. Kaya hayaan mo lang yan riyan.”“Malaking himala yung bago niyang libro Ma’am, kaagad naubos. Narinig ko sa mga nais bumili kanina, meron daw siyang ghost writer na nakuha, at yung iba naman may manunulat na nagbenta sa kanya ng manuscript.”“Matagal na ngang laos yang si Yuki Carter ngunit dahil may impluwensyang pamilya siya nangaling, eh natatakot ang publisher na tangalin at tangihan ang mga libro niya.”“Nakilala niyo na ba personal si Yuki Carter. Yung picture niya Ma
Read more

Chapter 94

(Dahlia POV)Hindi impossibleng sumakit ang binti ko dahil sa maghapon na tinignan ko ang kondisyon ng mga halaman. Sa laki pa naman ng gusali nang kompanya, talagang mapapalaban ang binti ko. Ngunit sa kabutihang palad natapos ko din kahit paano.Pagod akong napaupo sa isang bench. Hindi aakalain na magdadapit hapon na. Napakaganda ng malagintong sinag ng araw. Pinaglaruan ko ito sa aking mga daliri, hangang sa may narinig akong sumara ng pinto. Napalingon ako sa direksyon, at nakita ko ang mga tauhan ni Master Dryzen na dumaan. Ibig bang sabihin nito dumaan din si Master Dryzen?Umiling na lamang ako sa ideyang yun.Mamaya lang uwian na naman. Ang likuran ko hinahanap na ang higaan ko, ngunit ang mga kamay ko may nais pang gawin. Yun ang… Magsulat. Kailangan ko bumalik sa pagsusulat.Habang di pa uwian, isinandal ko na muna ang aking likuran sa upuan, saka ipinikit ang aking mga mata.Ang tahimik ng paligid, malamig rin ang simoy ng hangin, at talagang napakasarap matulog.Makakatul
Read more

Chapter 95

(Dahlia POV)Nang nasa kusina na ako, talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa librong yun. Ang tanong nasaan na nga ba ang manuscript ko?Sa tingin ko kailangan ko tangihan ang kagustuhan ni Master Dryzen na saluhan ko siya sa hapunan. At habangWala pa si Sir Venal, minadali ko ang pagluluto ko. Dalawa sa mga paborito kong putahe.Pasensya na talaga Sir Venal, ang hapunan kasama si Master Dryzen ay hindi ngayon ang aking priority. Talagang gumugulo sa aking isipan ang tungkol sa libro at hindi matatahimik ang loob ko nito.Hindi na nga ako makakaharap kay Master Dryzen, hindi rin ako maaring ihatid ni Sir Venal sa bahay. Kailangan ko dumaan sa isang bookstore. Kailangan ko makumpirma at malaman kung ano ba talaga ang nilalaman ng bagong kwento ngayon ni Miss Yuki. Sana naman, mali ako sa aking hinala.Wag naman sana. Pinaghirapan ko yun. Kung sakaling tama ang aking hinala, malaki itong problema. May influwensyang tao si Miss Yuki, at paano ko mapapatunayan na ninakaw niya a
Read more

Chapter 96

(Dahlia POV)Nakita ko ang biglang pagdagsa ng mga lalaking naka-uniporming itim. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun na ang uniporme nila ay katulad sa mga tauhan ni Kai Carter.Tumakbo ako palayo, at napadpad ako sa isang parke. Parke na may malalaking fountain at sinasabayan ng mga makukulay na ilaw.Napabuntong-hininga ako na napaupo… Ipinikit ang mga mata. Sumasakit ang tiyan ko. Senyales na hindi ako natutuwa sa natuklasan ko. Darating ba sa punto na makikipagtalo ako sa paborito kong manunulat? Na isa siyang magnanakaw? Ninakaw niya ang manuscript ko at inilathala sa pangalan niya?Nilakasan ko ang aking loob na kunin ang libro, at punitin ang balot nitong plastic… Hindi ko aakalain na mabibigyan ng magandang cover ang pamagat na akala ko ako lang ang makakapag-isip. Pero ang synopsis… kaparehong-kapareho ng akin.Nanghihina ako… Sobra.At bawat pahina na binubuklat ko, nanginginig na ang aking katawan. Dismayado ako. Ang boung aklat na ito ay ang pinaghirapan kong isinulat
Read more

Chapter 97

(Secretary Venal POV)Tahimik na kumain si Master Dryzen, tipong ninanamnam niya bawat subo. Talagang nagugustuhan niya ang niluluto ni Miss Dahlia. Hangang sa hindi ko namalayan, naubos niya ang lahat na nakahandang pagkain. Napapunas ito ng bibig, at napasandal ng likuran sa upuan. Tinitigan ako, na kaagad ko naman ikinayuko.Muli siyang napangisi.Sa totoo lang kinakabahan ako kapag ganito siya.At sa pagbukas ng kanyang bibig, hindi ko inaasahan na nakarating na sa kanya ang isang maselan na impormasyon. “The One Who Own the Deadly Gazed, sa tingin ko nabasa mo na ang laman ng librong yan.”“Master Dryzen…” May gulat sa aking boses, at ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok.“Nais kong makilala ng personal ang nagsulat ng librong yan.”Napapikit muna ako, bago ko inangat ang paningin ko sa kanya.“Gumagawa na ako ng paraan Master Dryzen. Kaya lamang kumplikado ang lahat. Ang nagsulat ng libro ay ang kapatid ng Grand Alpha. Hindi ko kaagad maihaharap sa inyo ang nagsulat ng kw
Read more

Chapter 98

(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama
Read more

Chapter 99

(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
Read more

Chapter 100

(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status