(Owen POV)“Kulang pa ba ang perang dumating sa palad mo, Mr. Owen?”Agad akong umiling.“So, bakit patuloy mong pinag-aalala ang kapatid ko sa ginagawa niya?”Tungkol ito sa career ng kapatid niya.“Sa totoo lang Master Kai, ang sinusulat niya…”“Basura.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko.“Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung basura nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? Basura. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang basura. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.”“Master Kai, di naman sa ganoon.”Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos. “Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…”Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang
Read more