Lahat ng Kabanata ng Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog: Kabanata 1 - Kabanata 10

38 Kabanata

Prologue

Janine POV "Kumalma ka lang makikita rin ang anak natin, magtiwala ka lang." Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig sa takot at pag-aalala. Tanging tango na lamang ang naisagot ko kay Rigor, dahil hindi maalis ang kaba sa aking dibdib para sa anak ko. Hindi ko alam kung paano namin siya mahahanap ang alam ko lang, kailangan kong magtiwala sa kanila na walang masamang mangyayari sa anak ko. Kapag may nangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko lalo na ang taong kumuha sa kanya, si Keith. Hindi ko masasabing kaya kong magtimpi oras na makita ko ang anak ko na sinaktan niya, baka hindi ko mapigilan at makapatay ako ng tao. Ano pa bang gusto niya, inagaw na niya nga ang asawa ko sa aming dalawa ng anak ko. Bakit ngayon kailangan pa niyang kuhanin si Grizelle. Nababaliw na ba siya? "Mahal" napatda ako nang marinig galing sa kanya ang salitang iyon. Tiningala ko siya, mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko, alam ko naman nagsisisi na siya sa nagaw
last updateHuling Na-update : 2022-08-30
Magbasa pa

Chapter 1

Janine POV "Good Morning mahal" iyan ang mga katagang lagi kong naririnig sa kanya tuwing magigisnan ko siya sa umaga. Ang napakagwapo niyang mukha ang bumubuo ng araw ko. Ginigising niya ako sa pamamagitan ng pagpapaulan niya ng halik sa mukha ko. Mahal niya ako iyon ang pinaparamdam niya sa akin sa araw-araw. "Gumising ka na mahuhuli ka na sa trabaho mo." malambing na tono ng boses nito habang dinadampian ng halik ang buong mukha ko. Nag-inat ako, at tila parang bata na umingit dahil sa pagkakagising nito, hindi ko pa maimulat nang maayos ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay mabigat pa ang talukap ng mga mata ko. "Ahhhh.." Napahiyaw ako dahil sa sunod niyang ginawa, kiniliti niya kasi ako sa aking tagiliran, dahilan para magising ang diwa ko. Hindi niya tinigilan ang pagkiliti sa akin at halos manghina ako sa ginagawa niya. "Ayoko na please. Stop na mahal." aniya ko habang nauutas sa pagtawa. Itinigil niya ang ginagawa at pumaibabaw sa akin.
last updateHuling Na-update : 2022-09-02
Magbasa pa

Chapter 2

Janine POV Palabas na ako nang company na aking pinapasukan nang marinig ko na may tumatawag sa aking celphone. Kaagad ko iyon dinukot sa aking bag at nakita kong sino ang tumatawag 'Mahal Rigor'. Mabilis kong sinagot iyon ng makitang si Rigor ang tumatawag. "Hello" "Hello, Mahal!” may halong excitement ang tono ni Rigor nang marinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya. "Umuwi ka nang maaga. Kakain tayo sa labas." sambit nito. "Oo mahal, ang totoo tatawagan pa nga kita, para sabihin na magkita tayo doon sa paboritong kong fast food chain." "Mahal may sasabihin ako sa---" Bigla na lamang naputol ang tawag ni Rigor may sasabihin siya ang pagkakarinig ko, ano naman kaya iyon? Nagkibit balikat na lamang ako. Natanggap ko ang text nito. Binasa ko iyon. "Mahal magkita tayo." Sinabi nito ang isang sikat na fast food chain kung saan kami magkikita. Muling tumunog ang celphone ko may text ulit si Rigor. "May sasabihin ako sayo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kung kaya'
last updateHuling Na-update : 2022-09-14
Magbasa pa

Chapter 3

Janine POV Pagkarating ko, galing trabaho napansin ko na tila malalim ang iniisip ni Rigor, kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanungin siya kung anong nangyari. "Mahal, may problema ka ba?” tila nagulat pa siya nang magsalita ako. Matagal siya bago nakasagot, nakita ko ang pagbuntong hininga niya. "Mahal?” muling tawag ko. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-iisip. "May problema sa bahay." walang buhay nitong sagot. "Bakit? Anong problema sa inyo?" nag-aalalang tanong ko. "Pina-check up ni mama si papa, masama daw kasi ang pakiramdam ni papa." "Ganun. Anong sabi ng doctor?" "Kailangan daw i-confine si papa." Natigilan ako at nalungkot sa narinig kay Rigor, hindi man niya sabihin alam ko na namomroblema siya sa financial. Tiningnan niya ako at nginitian, alam kong pilit na ngiti iyon dahil pinipilit niya na hindi ipadama sa akin ang nararamdaman niya. Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ko ang kanyang kamay ay ipinatong sa ibabaw ng aki
last updateHuling Na-update : 2022-09-19
Magbasa pa

Chapter 4

Janine POV "Talagang lalo kayong blooming sa araw-araw ma'am, iba talaga kapag may boyfriend." Napatingin ako kay Liezel nang marinig ko ulit ang sinabi niya noon. Inirapan ko ito. Minsan napapansin kong masyado na itong pakialamera, ang lahat na lang ay napupuna niya. Tumayo ako at nagtungo sa restroom. Pinasadahan ko ang aking mukha sa malaking salamin nito. Ang totoo ay may pinag-iba nga ang awra ko. Nagtataka rin ako, dati ay hindi ako mahilig sa make-up. Pero nitong nagdaang araw ay malimit ang pagbili ko ng mga pampaganda. Hindi ako palaayos, sa face powder ay okay na ako, ngunit ngayon, araw - araw akong may make-up kapag pumapasok sa office. Gusto kong maganda palagi ako at presentable sa paningin ng ibang tao, lalo na kay Rigor. Nagre-touch muna ako bago lumabas ng restroom, inayos ko ang aking damit at umikot pa para makita ang aking likuran ko saka ako tuluyang lumabas. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumutok sa marami kong gawain sa trabaho. Ayoko
last updateHuling Na-update : 2022-10-11
Magbasa pa

Chapter 5

Janine POV Halos na late na ako sa pagpasok sa office ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat nang buo kong katawan. Hindi ko na naabutan si Rigor, marahil ay nakaalis na ito. Maaga kasi ang pasok niya five thirty pa lang nang umaga ay umaalis na siya nang bahay. Ayaw niya akong naiistorbo ang tulog kaya siya na lamang ang naghahanda nang kanyang agahan at baon. Nakita ko na lamang ang inihanda niyang pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap nang aking mata. Dahilan siguro iyon nang hindi ko maayos na tulog kagabi. Magdamag akong gising, hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I still can't quite get over the fact that I'm pregnant. Iyon palagi ang gumugulo sa isipan ko. Ano nang mangyayari ngayong nalaman ko na buntis na ako. Bago pumasok ay hindi ko pa rin kinalimutan ang mag-ayos, ayoko na magmukha akong losyang. Ngunit hindi naitago ng make-up ko ang malaking itim sa gilid ng mata ko. Late na ako ng ten minutes bago nak
last updateHuling Na-update : 2022-10-17
Magbasa pa

Chapter 6

Janine POV Pinauuwi na ako ni ma'am sa bahay para doon mas makapagpahinga. Ipahahatid niya raw ako sa sasakyan. Ngunit tumanggi ako. Nagpumilit akong bumalik sa kumpanya, masyado pang maaga at marami pa akong magagawa. At isa pa maayos naman ang pakiramdam ko, nakatulog ako nang kaunti sa clinic kanina, marahil ay kulang lang ako sa tulog kaya ako hinimatay. Hindi na ako napilit ni ma'am na umuwi ng bahay, magkasabay kaming bumalik sa office sakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa daan ay sinasabi niya sa akin ang mga tagubilin ng doctor na dapat kong gawin. Isa na roon ang huwag ma-stress. Ibinigay rin niya sa akin ang mga gamot na inireseta ng doctor, karamihan doon ay vitamins para sa amin ni baby. Normal lamang daw ang pagsusuka, dala daw iyon ng pagbubuntis, marami daw magiging pagbabago sa akin during my pregnancy, isa na ang pag-ayaw sa ibang mga pagkain. Ang pagbabago ng pang-amoy sa halip na mabango sa pang-amoy nang iba ay mabaho naman iyon para sa akin.
last updateHuling Na-update : 2022-10-19
Magbasa pa

Chapter 7

Janine POV "Yes.”Nagtilian ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisigawan."Kiss, kiss.." Tudyo nang mga ito. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya ay hinayaan ko pa rin si Rigor na halikan ako sa harapan nilang lahat. He kissed me, a kiss that full of love. Kung maari lang hindi na matapos ang araw na ito ay ayoko nang matapos. Sobrang saya, lahat nang bumabagabag sa aking kalooban ay nabura. "I love you misis Esguerra." he said after we kiss.I chuckled. "Excuse me, hindi pa po tayo naikakasal Mr. Rigor Esguerra, remember kaka-proposed mo pa lang. Saka mo na ko tawaging ganyan kapag kasal na tayo." Pinisil ko ang kanyang ilong na ikinatawa nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid namin. "Bakit? Ikakasal na din naman tayo kaya, pwede na kitang tawagin sa apelyido ko. Depende na lang kung uurong ka. Pero hindi mangyayari yun dahil akin ka lang Miss. Janine Mhae Santos. Akin ka lang." He kissed me again a torrid kiss. Dah
last updateHuling Na-update : 2022-10-25
Magbasa pa

Chapter 8

Janine POV "Anong sabi mo?!.”Tanong ulit nang inay sa kabilang linya. "Magpapakasal na po kami ni Rigor. Buntis po ako." Matagal nanahimik ang nanay bago nakapagsalita. "Ang sabihin mo sa boyfriend mo ay umuwi dito at kausapin ang iyong ama." Pinutol ko na ang tawag, parang hindi ko na kayang makipag-usap kay nanay. Sobrang kaba pa rin nang dibdib ko. Tumingin ako kay Rigor na nasa aking harapan. Siya ang nagsabi sa akin na tumawag ako sa aking ina para sabihin ang pagdadalang tao ko. Ngunit hindi ko iyon magawang ibalita sa kanya nang may galak dahil ramdam ko at alam ko na mali ang mga pangyayari, mas una akong nabuntis kaysa magpakasal. Alam kong gusto pa rin ni nanay na magpakasal muna ako bago gumawa nang magiging anak. Iyon kasi ang kinalakihan nila, at tama naman iyon, mali ang mabuntis nang walang basbas nang Diyos o nang simbahan, pero wala na akong magagawa, para sa akin ay pakakasalan naman ako ni Rigor at parang ganoon na rin iyon. Ngunit sa mata nang i
last updateHuling Na-update : 2022-10-26
Magbasa pa

Chapter 9

Janine POV "Wala na naman tayong magagawa. Nandyan na yan, kaya ang pakiusap ko lang sayo na magawan mo nang paraan para maikasal kayo. At saka kung maari lang isama mo ang iyong magulang para mapag-usapan kayo nang maayos." Tahimik lamang ako sa tabi ni Rigor habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay. Seryoso ang bawat pananalita nito. Tinatago nito ang kanyang nararamdaman pero nakikita ko ang pagpipigil nito nang emosyon. Ibang iba si Tatay, mas istrikto siya kay nanay, pero hindi tulad ni nanay, hindi siya nagsasalita nang maikasasakit nang kalooban nang sino man. Kahit na may hinanakit siya sa tao ay hindi niya ito ipinapakita. Kapag wala na ang taong pinaghihinakitan niya ay saka niya ibubuhos kay nanay ang mga nararamdaman niya. Ang galit na gusto niyang ilabas. Kailangan niya iyon gawin dahil sa karamdaman niya. May sakit siya sa puso at kapag hindi niya nailabas ang kanyang kinikimkim na sama nang loob ay baka atakihin siya. Pero mas pinipili niyang i
last updateHuling Na-update : 2022-10-27
Magbasa pa
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status