Janine POV
"Kumalma ka lang makikita rin ang anak natin, magtiwala ka lang." Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig sa takot at pag-aalala. Tanging tango na lamang ang naisagot ko kay Rigor, dahil hindi maalis ang kaba sa aking dibdib para sa anak ko. Hindi ko alam kung paano namin siya mahahanap ang alam ko lang, kailangan kong magtiwala sa kanila na walang masamang mangyayari sa anak ko. Kapag may nangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko lalo na ang taong kumuha sa kanya, si Keith. Hindi ko masasabing kaya kong magtimpi oras na makita ko ang anak ko na sinaktan niya, baka hindi ko mapigilan at makapatay ako ng tao.
Ano pa bang gusto niya, inagaw na niya nga ang asawa ko sa aming dalawa ng anak ko. Bakit ngayon kailangan pa niyang kuhanin si Grizelle. Nababaliw na ba siya?
"Mahal" napatda ako nang marinig galing sa kanya ang salitang iyon. Tiningala ko siya, mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko, alam ko naman nagsisisi na siya sa nagawa niya. Alam ko rin na pinipilit niyang maibalik ang lahat sa dati mula nang magtagpo muli ang landas namin. Ngunit hindi ganoon kadali ang lahat ayokong ipagdamot sa kanya si Grizelle, anak namin siya, alam ko at ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Grizelle pero--
"Janine" naagaw ang atensyon ko sa nag-aalalang boses na tumawag sa akin. Lumingon ako. Nakita ko si Liam, napansin ko pa ang pagtaas baba ng balikat nito, senyales na hinihingal ito, dahil sa pagmamadali.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Rigor sa kamay ko. Alam kong ayaw niya akong bitawan, tinitigan niya ako. Bago tuluyang lubayan ang kamay ko.
Hingal na hingal na nakalapit sa akin si Liam.
"Are you okay?” hinawakan niya ako mula ulo pababa sa aking pisngi. Hinagod niya ng tingin ang buong mukha ko, tinitingnan mabuti kung maayos lang ba ako.
Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay.
"Huwag kang mag-alala ayos lang ako. Nag-aalala lang ako para sa anak ko."
"Don't worry I find her. I'm sorry if I'm late." Umiling ako, balewala iyon sa akin. Halos ang bilis ng pangyayari kaya minabuti kong maunang tawagan si Rigor kaysa kanya, dahil anak namin ang pinag-uusapan dito.
"May lead na ba sila kung saan dinala ni Keith si Grizelle?”
"Wala pa."
He sighed.
"Don't worry everything will be okay" paninigurado nito. Tumingin ito sa dako ni Rigor, alam kong may ibig sabihin ang titig niya. Nilingon ko si Rigor, nakita ko rin na nakatitig siya kay Liam. Ngunit hindi ko mabasa ang awra ng mukha nito. Tila naghahalo ang lungkot at poot.
"Ma'am nalaman na po namin ang kinaroroonan ni Miss Keith at ng anak niyo." Napadasal ako ng marinig ang sinabi nang lumapit sa aming pulis.
Sana ayos ka lang anak ko. Wala sana mangyari sayo na masama. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman kong nasaktan ka.
"Halika na" mahinahong tawag sa akin ni Liam. Nagpatianod ako sa kanya. Ramdam ko ang presensya ni Rigor sa aming likuran. Narinig ko pa ang pagtunog nang celphone nito at pagsagot niya.
"Walang hiya ka Keith anong ginawa mo sa anak ko?”
Nagimbal ako sa narinig kay Rigor, kung ganun si Keith ang tumatawag sa kanya. Inagaw ko sa kamay ni Rigor ang celphone ng malaman na si Keith ang nasa kabilang linya.
"Hello Keith, please nagmamakaawa ako sayo wag mong sasaktan ang anak ko." pagmamakaawa ko dito sa nanginginig na boses.
Tumawa ito ng nakapang-aasar. Pinilit ko magtimpi imbis na magalit dito.
Ginawa ko ang magmakaawa kaysa magalit sa kanya dahil hindi ko alam ang nasa sa isip niya. Baka mas lalo niya saktan ang anak ko.
"Pumunta ka sa lugar na sasabihin ko, doon makikita ninyo ang anak niyo." Napatingin ako kay Rigor, nakita ko ang pag-igting ng panga nito at ang pagkuyom ng kamao.
"Oo, pupunta ako" sagot ko kay Keith. Pagkatapos ay naputol na ang tawag.
"Anong sabi niya?”maagap na tanong ni Rigor. Pinapupunta niya ako sa lugar na sinabi niya.
"Sasama ako." Hindi na ako nagprotesta pa ng sabihin iyon ni Rigor. Iginiya ako ni Liam sa sasakyan niya, doon niya ako niyayang sumakay. Samantalang seryosong nakasunod lamang sa amin si Rigor, ngunit ramdam ko ang masamang hangin sa pagitan nang dalawa. Nagkibit balikat na lamang ako at isinantabi ang nasa isip ang mahalaga sa ngayon ay mapuntahan namin ang anak ko.
Janine POV "Good Morning mahal" iyan ang mga katagang lagi kong naririnig sa kanya tuwing magigisnan ko siya sa umaga. Ang napakagwapo niyang mukha ang bumubuo ng araw ko. Ginigising niya ako sa pamamagitan ng pagpapaulan niya ng halik sa mukha ko. Mahal niya ako iyon ang pinaparamdam niya sa akin sa araw-araw. "Gumising ka na mahuhuli ka na sa trabaho mo." malambing na tono ng boses nito habang dinadampian ng halik ang buong mukha ko. Nag-inat ako, at tila parang bata na umingit dahil sa pagkakagising nito, hindi ko pa maimulat nang maayos ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay mabigat pa ang talukap ng mga mata ko. "Ahhhh.." Napahiyaw ako dahil sa sunod niyang ginawa, kiniliti niya kasi ako sa aking tagiliran, dahilan para magising ang diwa ko. Hindi niya tinigilan ang pagkiliti sa akin at halos manghina ako sa ginagawa niya. "Ayoko na please. Stop na mahal." aniya ko habang nauutas sa pagtawa. Itinigil niya ang ginagawa at pumaibabaw sa akin.
Janine POV Palabas na ako nang company na aking pinapasukan nang marinig ko na may tumatawag sa aking celphone. Kaagad ko iyon dinukot sa aking bag at nakita kong sino ang tumatawag 'Mahal Rigor'. Mabilis kong sinagot iyon ng makitang si Rigor ang tumatawag. "Hello" "Hello, Mahal!” may halong excitement ang tono ni Rigor nang marinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya. "Umuwi ka nang maaga. Kakain tayo sa labas." sambit nito. "Oo mahal, ang totoo tatawagan pa nga kita, para sabihin na magkita tayo doon sa paboritong kong fast food chain." "Mahal may sasabihin ako sa---" Bigla na lamang naputol ang tawag ni Rigor may sasabihin siya ang pagkakarinig ko, ano naman kaya iyon? Nagkibit balikat na lamang ako. Natanggap ko ang text nito. Binasa ko iyon. "Mahal magkita tayo." Sinabi nito ang isang sikat na fast food chain kung saan kami magkikita. Muling tumunog ang celphone ko may text ulit si Rigor. "May sasabihin ako sayo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kung kaya'
Janine POV Pagkarating ko, galing trabaho napansin ko na tila malalim ang iniisip ni Rigor, kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanungin siya kung anong nangyari. "Mahal, may problema ka ba?” tila nagulat pa siya nang magsalita ako. Matagal siya bago nakasagot, nakita ko ang pagbuntong hininga niya. "Mahal?” muling tawag ko. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-iisip. "May problema sa bahay." walang buhay nitong sagot. "Bakit? Anong problema sa inyo?" nag-aalalang tanong ko. "Pina-check up ni mama si papa, masama daw kasi ang pakiramdam ni papa." "Ganun. Anong sabi ng doctor?" "Kailangan daw i-confine si papa." Natigilan ako at nalungkot sa narinig kay Rigor, hindi man niya sabihin alam ko na namomroblema siya sa financial. Tiningnan niya ako at nginitian, alam kong pilit na ngiti iyon dahil pinipilit niya na hindi ipadama sa akin ang nararamdaman niya. Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ko ang kanyang kamay ay ipinatong sa ibabaw ng aki
Janine POV "Talagang lalo kayong blooming sa araw-araw ma'am, iba talaga kapag may boyfriend." Napatingin ako kay Liezel nang marinig ko ulit ang sinabi niya noon. Inirapan ko ito. Minsan napapansin kong masyado na itong pakialamera, ang lahat na lang ay napupuna niya. Tumayo ako at nagtungo sa restroom. Pinasadahan ko ang aking mukha sa malaking salamin nito. Ang totoo ay may pinag-iba nga ang awra ko. Nagtataka rin ako, dati ay hindi ako mahilig sa make-up. Pero nitong nagdaang araw ay malimit ang pagbili ko ng mga pampaganda. Hindi ako palaayos, sa face powder ay okay na ako, ngunit ngayon, araw - araw akong may make-up kapag pumapasok sa office. Gusto kong maganda palagi ako at presentable sa paningin ng ibang tao, lalo na kay Rigor. Nagre-touch muna ako bago lumabas ng restroom, inayos ko ang aking damit at umikot pa para makita ang aking likuran ko saka ako tuluyang lumabas. Sa ngayon ay kailangan ko munang tumutok sa marami kong gawain sa trabaho. Ayoko
Janine POV Halos na late na ako sa pagpasok sa office ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat nang buo kong katawan. Hindi ko na naabutan si Rigor, marahil ay nakaalis na ito. Maaga kasi ang pasok niya five thirty pa lang nang umaga ay umaalis na siya nang bahay. Ayaw niya akong naiistorbo ang tulog kaya siya na lamang ang naghahanda nang kanyang agahan at baon. Nakita ko na lamang ang inihanda niyang pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap nang aking mata. Dahilan siguro iyon nang hindi ko maayos na tulog kagabi. Magdamag akong gising, hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I still can't quite get over the fact that I'm pregnant. Iyon palagi ang gumugulo sa isipan ko. Ano nang mangyayari ngayong nalaman ko na buntis na ako. Bago pumasok ay hindi ko pa rin kinalimutan ang mag-ayos, ayoko na magmukha akong losyang. Ngunit hindi naitago ng make-up ko ang malaking itim sa gilid ng mata ko. Late na ako ng ten minutes bago nak
Janine POV Pinauuwi na ako ni ma'am sa bahay para doon mas makapagpahinga. Ipahahatid niya raw ako sa sasakyan. Ngunit tumanggi ako. Nagpumilit akong bumalik sa kumpanya, masyado pang maaga at marami pa akong magagawa. At isa pa maayos naman ang pakiramdam ko, nakatulog ako nang kaunti sa clinic kanina, marahil ay kulang lang ako sa tulog kaya ako hinimatay. Hindi na ako napilit ni ma'am na umuwi ng bahay, magkasabay kaming bumalik sa office sakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa daan ay sinasabi niya sa akin ang mga tagubilin ng doctor na dapat kong gawin. Isa na roon ang huwag ma-stress. Ibinigay rin niya sa akin ang mga gamot na inireseta ng doctor, karamihan doon ay vitamins para sa amin ni baby. Normal lamang daw ang pagsusuka, dala daw iyon ng pagbubuntis, marami daw magiging pagbabago sa akin during my pregnancy, isa na ang pag-ayaw sa ibang mga pagkain. Ang pagbabago ng pang-amoy sa halip na mabango sa pang-amoy nang iba ay mabaho naman iyon para sa akin.
Janine POV "Yes.”Nagtilian ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisigawan."Kiss, kiss.." Tudyo nang mga ito. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya ay hinayaan ko pa rin si Rigor na halikan ako sa harapan nilang lahat. He kissed me, a kiss that full of love. Kung maari lang hindi na matapos ang araw na ito ay ayoko nang matapos. Sobrang saya, lahat nang bumabagabag sa aking kalooban ay nabura. "I love you misis Esguerra." he said after we kiss.I chuckled. "Excuse me, hindi pa po tayo naikakasal Mr. Rigor Esguerra, remember kaka-proposed mo pa lang. Saka mo na ko tawaging ganyan kapag kasal na tayo." Pinisil ko ang kanyang ilong na ikinatawa nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid namin. "Bakit? Ikakasal na din naman tayo kaya, pwede na kitang tawagin sa apelyido ko. Depende na lang kung uurong ka. Pero hindi mangyayari yun dahil akin ka lang Miss. Janine Mhae Santos. Akin ka lang." He kissed me again a torrid kiss. Dah
Janine POV "Anong sabi mo?!.”Tanong ulit nang inay sa kabilang linya. "Magpapakasal na po kami ni Rigor. Buntis po ako." Matagal nanahimik ang nanay bago nakapagsalita. "Ang sabihin mo sa boyfriend mo ay umuwi dito at kausapin ang iyong ama." Pinutol ko na ang tawag, parang hindi ko na kayang makipag-usap kay nanay. Sobrang kaba pa rin nang dibdib ko. Tumingin ako kay Rigor na nasa aking harapan. Siya ang nagsabi sa akin na tumawag ako sa aking ina para sabihin ang pagdadalang tao ko. Ngunit hindi ko iyon magawang ibalita sa kanya nang may galak dahil ramdam ko at alam ko na mali ang mga pangyayari, mas una akong nabuntis kaysa magpakasal. Alam kong gusto pa rin ni nanay na magpakasal muna ako bago gumawa nang magiging anak. Iyon kasi ang kinalakihan nila, at tama naman iyon, mali ang mabuntis nang walang basbas nang Diyos o nang simbahan, pero wala na akong magagawa, para sa akin ay pakakasalan naman ako ni Rigor at parang ganoon na rin iyon. Ngunit sa mata nang i
Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong
Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it
Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan
Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be
Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon
Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."
Janine POV Matapos ang lahat nang sa amin ni Rigor ay nagdesisyon akong umalis na sa kanilang bahay. Halos sumabog ang dibdib ko nang oras na lumabas kami sa pintuan nang anak ko na wala man lang pumigil sa amin. Alam kong mahirap, ngunit kailangan kong gawin. Hindi na kami kailangan at wala ng kwenta sa bahay na iyon. Nangingiyak rin si Grizelle nang makita nito ang pag-iyak ko. Nakita ko pa ang titig nito sa kanyang ama, na parang nanghihingi nang pagmamahal. Kahit na magsinungaling ako sa anak ko. Parang naiintindihan pa rin niya ang nangyayari. "Janine!." Mahinang tawag sa akin ni Anna. Nagtatago ito sa likod nang puno malapit sa bahay nina Rigor. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Lumapit ito sa akin. "Heto ang kaunting pera. Pamasahe niyo man lang mag-ina. Pasensya kana iyan lang ang kaya namin ibigay ni Jumel. Mag-iingat kayo nang anak mo." Hinawakan niya ang kamay ko at isiniksik ang pera. Niyakap nito si Grizelle. Hindi na nito ipinakita sa bata ang kanyang
Janine POV Kasalukuyan kong binuksan ang wallet ko. Ngayong araw na ito ang balak kong pag-alis kasama ang anak ko. Ngunit nanlumo ako nang makitang singkwenta pesos lang ang laman ng pitaka ko. Paano kami aalis nito?. Ilang araw akong hindi nakapagtinda at araw-araw din ang gastos sa bahay kaya hindi ko namalayan na wala na pala akong natirang pera. Nagdadalawang isip tuloy ako. Ano nang gagawin ko. Itutuloy ko pa ba ang balak ko?. Nawawalan na ako ng lakas nang loob umalis. Kasalukuyan akong nasa sala ng mga oras na iyon at nagtitiklop ng mga nilikom kong damit, ng biglang dumating si Rigor. Matinding poot ang naramdaman ko nang makita ko siya. Gusto ko na siyang sugurin at saktan, ngunit nagtimpi ako. Marahil ay alam na naman niya na alam ko na ang mga ginawa niya. Mabilis itong humakbang palapit sa akin, ngunit naudlot iyon ng biglang lumabas si Grizelle ng kwarto. Patakbo itong lumapit sa kanyang ama at yumakap. "Papa, nandito ka na!. Sobrang m
Janine POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam. Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.*** Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo