Share

Chapter 5

Author: Jhennie Myler
last update Huling Na-update: 2022-10-17 20:44:31

Janine POV

       Halos na late na ako sa pagpasok sa office ngayong araw. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat nang buo kong katawan. Hindi ko na naabutan si Rigor, marahil ay nakaalis na ito. Maaga kasi ang pasok niya five thirty pa lang nang umaga ay umaalis na siya nang bahay. Ayaw niya akong naiistorbo ang tulog kaya siya na lamang ang naghahanda nang kanyang agahan at baon. Nakita ko na lamang ang inihanda niyang pagkain sa mesa. Pakiramdam ko ay napakabigat ng talukap nang aking mata. Dahilan siguro iyon nang hindi ko maayos na tulog kagabi. Magdamag akong gising, hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. I still can't quite get over the fact that I'm pregnant.

      Iyon palagi ang gumugulo sa isipan ko. Ano nang mangyayari ngayong nalaman ko na buntis na ako.

      Bago pumasok ay hindi ko pa rin kinalimutan ang mag-ayos, ayoko na magmukha akong losyang. Ngunit hindi naitago ng make-up ko ang malaking itim sa gilid ng mata ko. 

      Late na ako ng ten minutes bago nakarating sa kumpanyang aking pinapasukan. May ilang nagtaka dahil sa na late ako, halos lagi kasi on time ang pasok ko. 

      Agad kong sinimulan ang aking trabaho, naisip kong kapag itinutok ko ang aking isip sa mga gawain ay mawawala ang mga bumabagabag sa aking isipan. Ngunit nagkamali ako halos hindi ako maka-concentrate sa trabaho ko. Lumipas ang oras, nagsilabasan na ang ilang empleyado para kumain nang lunch. Kapag sa oras na ganoon ay nakikisabay ako sa kanilang kumain sa labas, pero ngayon ay wala ako sa mood. 

     "Ma'am tara na po!." Sumilip si Ivy sa pinto para yayain akong kumain. 

      "Kayo na lang." Tipid kong sagot. 

      "Bakit po, hindi po ba kayo kakain ng lunch?” Alam kong nagtataka siya kaya umisip na lamang ako ng palusot.

      "Busog pa kasi ako. Saka may baon rin ako, ito na lang ang kakainin ko." Nagkibit balikat na lamang ito at hindi na nagtanong pa. Alam niya kasi na kahit may baon ako ay sumasama pa rin ako sa kanila para bumili nang ibang makakain. 

      "Ivy!. Sandali." Kaagad syang napahinto sa pagsasarado ng pinto at tumingin sa akin.

      "Bakit ma'am?.” 

"Ahmm.. Maari mo ba akong ibili nang smoothie at saka kwek-kwek." Hindi na sana ako makikisuyo sa kanya. Kaso para akong naglalaway. Gustong -gusto kong kumain ng kwek-kwek at humigop nang smoothie. Alam kong nagtataka siya sa pinabibili ko. 

     "Sige ma'am wala pong problema." Nakangiti nitong sagot.

      Iniabot ko sa kanya ang perang pambili. 

"Siya nga pala, pakilagyan ng suka iyong sauce, yung tama lang yung dami ng sauce at suka." Napakunot noo ito sa ni-request ko. Alam ko kasing hindi magkatugmang kainin ang kwek-kwek at smoothie lalo na't may suka. Pero iyon kasi ang gusto ko. Kinuha nito ang perang pambili saka nagpaalam.

 Napapalunok na kaagad ako kapag naiisip ko pa lang na makakakain ko ang dalawang yun.

     Binuksan ko ang baon ko. Inihanda iyon ni Rigor. Napakaraming kanin ang inilagay niya ganun din ang ulam, adobong manok ang niluto niya. Mukha naman masarap pero mas gusto kong kumain ng kwek-kwek. Alam kong kaya niya dinamihan iyon ay dahil nang baby sa tiyan ko. Pero iba kasi ang gustong kainin ni baby at mommy. Lihim akong napangiti nang maisip yun. Nagawa ko pang hawakan ang maliit ko pang tiyan. Mukhang magiging problemado si Daddy dahil sa pagkain namin ni baby.

      Sumandok ako nang isang kutsarang kanin at ulam, sinubo ko iyon, saka muling itinago ang aking baon sa bag. Baka kasi magtampo si Rigor kung hindi ko babawasan ang hinanda niyang baon sa akin. Kaya kahit isang kutsara lang ay binawasan ko iyon. 

     "Ma'am wala pong tindang kwek-kwek." Halos madismaya ako nang marinig ko iyon kay Ivy. Tanging smoothie lang ang nabili niya. Parang gusto ko tuloy sumigaw at sabihing iyon ang gustong kainin ng baby ko. Ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil bigla na lamang umikot ang paningin ko pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari.

       Nagising ako at tanging tunog lamang ng aircon ang naririnig ko. Ang puting kisame ang bumulaga sa paningin ko, kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang clinic ako. Bumangon ako, saktong may nagwahi ng kurtina, bumungad doon si Ma'am Vanessa at ang kasama nitong doctor. Napatingin ako sa mukha ni Ma'am, nakangiti ito sa akin. Ngunit alam kong may laman ang ngiting iyon.

        May ilang ipinagbilin ang doctor kay Ma'am bago ito umalis. 

        "Alam mo na ba?” panimulang tanong ni ma'am. Niyuko ko ang ulo ko, saka tumango. 

        "Congrats sayo." Tumingin ako sa kanya. Si ma'am Vanessa ang HR at manager nang kumpanya kong pinapasukan at siya rin ang asawa nang presidente nang kumpanya. Mabait siya, ganoon din ang asawa niya. Hindi sila kagaya nang ibang boss na matapobre. Malapit sila sa lahat ng kanilang empleyado lalong lalo na sa akin. Sinasabi kasi nila na ako ang number one na empleyado nilang mapagkakatiwalaan at iyon ang hindi ko sinisira. Halos limang taon na ako sa kumpanya nila.

        "Hindi ko alam na may boyfriend ka na pala." Nahiya ako nang banggitin niya iyon. Hindi ako nagsalita. Isa siya sa mga taong malapit sa akin, napakabait niya, noong baguhan pa lang ako at wala pa sa posisyon ko ngayon ay siya palagi ang gumagabay sa akin. Kinakausap niya ako kapag napapansin niya na may problema ako. Kahit nasa lampas trenta lang ang edad niya ay parang magulang na ang tingin ko sa kanya. Napakaganda niya maraming empleyadong lalaki ang nagpapantasya sa kanya na hindi nito alam.

      "Anong status ninyo ng boyfriend mo?” Nagbukas sara ang bibig ko, ngunit walang lumabas doon.

      "Matagal na akong may napapansin sayo. Gusto kitang kausapin pero masyadong maraming gawain ako kaya wala akong oras para kumustahin ka." Ngumiti ito na parang anghel.

      "Hanggang sa napansin ko ilang linggo na ang nakalipas na parag may iba sayo. At hindi ako nagkamali. Kailan mo nalaman na preggy ka?” Ginamit niya ang salitang iyon para gumaan ang paligid. Parang ka-tropa ang pagbigkas niya nang tanong na iyon, gusto niyang gumaan ang pakiramdam ko kaya minabuti niyang pagaanin ang pagsasalita niya.

     Doon nakakuha ako nang pagkakataon para sabihin ang lahat.

"Kung ganoon ay kagabi mo lang nalaman na buntis ka." malamyos na tono ng boses nito.

     Tumango ako.

"Para sa akin, mas mabuting sabihin mo na sa mga magulang mo ang sitwasyon niyo ngayon. Tutal ay alam na naman pala nila na nagsasama na kayo. Mas gagaan ang pakiramdam mo kapag nasabi mo na sa kanila at wala ng babagabag sa isip mo." Tila talaga siyang isang anghel na bumaba galing sa langit dahil sa mga payong sinasabi nito.

      "Natatatakot po ako. Kapag nalaman po nila na nabuntis ako, kaagad nila kaming ipakakasal. At iyon po ang inaalala ko hindi pa sapat ang perang inipon namin. At isa pa nagtiwala sila sa akin na trabaho ang pinunta ko dito. Pero ngayon heto ako at nabuntis." Tuluyan akong nanghina nang maisip iyon, noon pa man ay ayaw na nila akong magtrabaho sa malayo. Lagi kasi nilang sinasabi na mapapa-tulad lang ako sa mga ka-edad ko na magtatrabaho sa malayo at makailang buwan ay uuwing buntis at may asawa na. Ngunit para sa akin iba ako sa kanila ilang taon din ang ginugol ko sa trabaho. Sa loob nang limang taon ay trabaho bahay lamang ang naging gawain ko, at kapag day-off ay mag-gala nang solo at gawain ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Halos nagsawa ako sa ganoong bagay at naisip ko na panahon naman na siguro para magkaroon ako ng inspirasyon at nagkataong dumating si Rigor. Ngunit nanlulumo pa rin ako dahil alam kong iyon at iyon pa rin ang sasabihin ng magulang ko na katulad din ng iba ang nangyari sa akin ang makapangasawa ng maaga.

       "Janine, nasa tamang edad ka na. Oo ipagpalagay natin na bata pa ang edad na twenty four at kailangan pa ng pirma nang magulang kapag kinasal kayo, pero nagawa mo na naman ang lahat nagtrabaho ka ng matagal. Sa tingin ko naman ay matagal na rin ang five years at saka hindi ka naman siguro titigil sa trabaho kapag nagkaanak ka na." Sandali akong natigilan maging si ma'am ay natigilan din nang mabanggit niya ang paghinto sa trabaho.

       "Teka ano nga bang balak mo kapag nakapanganak ka na?.”Tanong nito. 

       "Sa ngayon ay wala pa po. Pero sinisigurado ko pong magpapatuloy ako sa pagtatrabaho." sagot ko nang may paninigurado. Oo, iyon ang gusto ko naman talaga na kahit magkaroon ako nang sariling pamilya ay hindi ako hihinto sa pagtatrabaho, gusto ko ay may sarili akong pera, at naibibigay ko ang mga pangangailangan nang anak ko gamit ang perang pinaghirapan ko.

Kaugnay na kabanata

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 6

    Janine POV Pinauuwi na ako ni ma'am sa bahay para doon mas makapagpahinga. Ipahahatid niya raw ako sa sasakyan. Ngunit tumanggi ako. Nagpumilit akong bumalik sa kumpanya, masyado pang maaga at marami pa akong magagawa. At isa pa maayos naman ang pakiramdam ko, nakatulog ako nang kaunti sa clinic kanina, marahil ay kulang lang ako sa tulog kaya ako hinimatay. Hindi na ako napilit ni ma'am na umuwi ng bahay, magkasabay kaming bumalik sa office sakay sa kanyang sasakyan. Habang nasa daan ay sinasabi niya sa akin ang mga tagubilin ng doctor na dapat kong gawin. Isa na roon ang huwag ma-stress. Ibinigay rin niya sa akin ang mga gamot na inireseta ng doctor, karamihan doon ay vitamins para sa amin ni baby. Normal lamang daw ang pagsusuka, dala daw iyon ng pagbubuntis, marami daw magiging pagbabago sa akin during my pregnancy, isa na ang pag-ayaw sa ibang mga pagkain. Ang pagbabago ng pang-amoy sa halip na mabango sa pang-amoy nang iba ay mabaho naman iyon para sa akin.

    Huling Na-update : 2022-10-19
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 7

    Janine POV "Yes.”Nagtilian ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay nagsisigawan."Kiss, kiss.." Tudyo nang mga ito. Kahit na nakakaramdam ako ng hiya ay hinayaan ko pa rin si Rigor na halikan ako sa harapan nilang lahat. He kissed me, a kiss that full of love. Kung maari lang hindi na matapos ang araw na ito ay ayoko nang matapos. Sobrang saya, lahat nang bumabagabag sa aking kalooban ay nabura. "I love you misis Esguerra." he said after we kiss.I chuckled. "Excuse me, hindi pa po tayo naikakasal Mr. Rigor Esguerra, remember kaka-proposed mo pa lang. Saka mo na ko tawaging ganyan kapag kasal na tayo." Pinisil ko ang kanyang ilong na ikinatawa nito. Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid namin. "Bakit? Ikakasal na din naman tayo kaya, pwede na kitang tawagin sa apelyido ko. Depende na lang kung uurong ka. Pero hindi mangyayari yun dahil akin ka lang Miss. Janine Mhae Santos. Akin ka lang." He kissed me again a torrid kiss. Dah

    Huling Na-update : 2022-10-25
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 8

    Janine POV "Anong sabi mo?!.”Tanong ulit nang inay sa kabilang linya. "Magpapakasal na po kami ni Rigor. Buntis po ako." Matagal nanahimik ang nanay bago nakapagsalita. "Ang sabihin mo sa boyfriend mo ay umuwi dito at kausapin ang iyong ama." Pinutol ko na ang tawag, parang hindi ko na kayang makipag-usap kay nanay. Sobrang kaba pa rin nang dibdib ko. Tumingin ako kay Rigor na nasa aking harapan. Siya ang nagsabi sa akin na tumawag ako sa aking ina para sabihin ang pagdadalang tao ko. Ngunit hindi ko iyon magawang ibalita sa kanya nang may galak dahil ramdam ko at alam ko na mali ang mga pangyayari, mas una akong nabuntis kaysa magpakasal. Alam kong gusto pa rin ni nanay na magpakasal muna ako bago gumawa nang magiging anak. Iyon kasi ang kinalakihan nila, at tama naman iyon, mali ang mabuntis nang walang basbas nang Diyos o nang simbahan, pero wala na akong magagawa, para sa akin ay pakakasalan naman ako ni Rigor at parang ganoon na rin iyon. Ngunit sa mata nang i

    Huling Na-update : 2022-10-26
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 9

    Janine POV "Wala na naman tayong magagawa. Nandyan na yan, kaya ang pakiusap ko lang sayo na magawan mo nang paraan para maikasal kayo. At saka kung maari lang isama mo ang iyong magulang para mapag-usapan kayo nang maayos." Tahimik lamang ako sa tabi ni Rigor habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay. Seryoso ang bawat pananalita nito. Tinatago nito ang kanyang nararamdaman pero nakikita ko ang pagpipigil nito nang emosyon. Ibang iba si Tatay, mas istrikto siya kay nanay, pero hindi tulad ni nanay, hindi siya nagsasalita nang maikasasakit nang kalooban nang sino man. Kahit na may hinanakit siya sa tao ay hindi niya ito ipinapakita. Kapag wala na ang taong pinaghihinakitan niya ay saka niya ibubuhos kay nanay ang mga nararamdaman niya. Ang galit na gusto niyang ilabas. Kailangan niya iyon gawin dahil sa karamdaman niya. May sakit siya sa puso at kapag hindi niya nailabas ang kanyang kinikimkim na sama nang loob ay baka atakihin siya. Pero mas pinipili niyang i

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 10

    3rd Person POV Sino nga ba hindi pangarap na maikasal?. Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal mo. Ang magsuot nang puting gown at belo habang naglalakad papuntang altar. Kung saan sa dulo noon ay naghihintay ang taong pinakamamahal mo. Kasabay nang musikang malumanay na sumasabay sa bawat mong hakbang. Habang ang oras ay nasa inyo lamang dalawa. At ang mga mata nyo ay nakatitig lamang sa isa't isa. Ang atensyon nang mga tao ay pawang sa inyo lamang rin dalawa. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam?. Ang saya'y walang paglagyan. Dahil sa wakas ang pagiisang dibdib ninyong dalawa ay masasaksihan rin ng lahat. Hindi lamang sa mata nang madla. Kung hindi, lalong lalo na sa mata nang Panginoon.Preparasyon bago ang kasal.. Nakatingin si Janine sa isang napakagandang white gown. Ang totoo ay itong ang pinapangarap niyang suotin. Ngunit sa halaga nito ay hindi nila kakayanin. Narinig pa nito ang sinabi nang kanyang magiging biyenan. "Balae mas okay siguro kung mag-h

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 11

    Janine POV Nakita ko kung paano, nasisiyahan si Rigor sa ginagawa sa kanya nang babae. Ngayon ko lang ulit nakita si Rigor na ganoon kasaya. Nakita ko na hinalikan niya sa labi ang babae. Kasunod noon ay ang pagtanggal nila nang kani-kaniyang suot. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tila sasabog na ang aking dibdib nang makita ko kung paano angkinin ni Rigor ang babaeng kasama nito. Mga manloloko!. Paano niyo nagawa sa akin ito?!. Nahihirapan na ako sa paghinga. Kung kaya't malakas kong itinulak ang pintuan. Nakita ko ang gulat na reaksyon nilang dalawa. "Mga hayop kayo!.” Sigaw ko. "Teka lang Janine magpapaliwanag ako." Awat sa akin ni Rigor. Hindi ko iyon pinakinggan. Matunog ko siyang sinampal. Pagkatapos ay akma kong susugurin ang babaeng kasama nito. Ngunit hindi ko iyon nagawa, dahil pinigilan ako ni Rigor at itinulak. Napatda ako sa ginawa niya. "Tumigil ka na Janine, hindi na kita mahal. Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Rigor. Hi

    Huling Na-update : 2022-11-04
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 12

    Janine POV "Congratulations!!... It's a girl." Saad ni Dra. Jimenez. Walang paglagyan ang saya ko nang malaman kong babae ang magiging anak ko. Maging si Rigor ay sobrang saya din. Sino kaya ang makakamukha niya sa aming dalawa?. Iyon palagi ang nasa isipan ko. Tiningnan ni Dra. ang heartbeat ng baby ko. Nanligid ang luha ko nang marinig ang tibok ng puso niya. Samantalang nakita ko kung paano mamangha ang mukha ni Rigor nang marinig ito, dama ko rin ang pagiging masaya niya. Kahit na palagi namin naririnig ang tibok nang puso ng baby namin sa bawat check-up ko sa doctor ay hindi pa rin kami makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan ko. Sa tuwing schedule nang check up ko ay hindi naliliban nang pagsama sa akin si Rigor. Gusto niya ay lagi akong may kasama. Kung tutuusin ay kaya ko naman ang mag-isa, minsan pa nga ay itinataboy ko na siyang hindi sumama. Kapag check up ko at nagkataong may pasok siya ay nakikipagpalit siya nang schedule sa iba, para lan

    Huling Na-update : 2022-11-14
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 13

    Janine POV "Ang bango naman nang asawa ko." Nakiliti ako sa ginawa sa akin ni Rigor. Kasalukuyan akong nagluluto nang yakapin ako sa likuran nang asawa ko at inamoy amoy ang ang leeg ko. Halos magtayuan ang balahibo ko sa ginawa niya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap dito. Tiningnan ko ito nang masama. "Niloloko mo naman ako. Hindi pa ako nakakaligo at amoy ulam pa ako. Paanong magiging mabango ako?.” Naiinis kong sabi. "Iyon na nga diba kaya nga ang bago mo kasi ang bango nang ulam natin." Pang-aasar nito. Nainis ako sa kanya akma ko siyang hahampasin nang sandok na hawak ko. Pero hindi ko iyon nagawa ng bigla ako nitong hapitin sa baywang. "Nagbibiro lang naman ako. Hindi ka na nasanay sa akin. Totoo naman na mabango iyong mahal ko." Saad nito. Pagkatapos ay ngumiti ito nang nakakaloko. Inirapan ko siya at nagkunwaring naiinis pa rin. Ang totoo palabas ko lang din naman na naiinis ako. Saka hindi ko naman talaga siya hahampasin. Sanay na ako sa kan

    Huling Na-update : 2023-02-23

Pinakabagong kabanata

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 37

    Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 36

    Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 35

    Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 34

    Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 33

    Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 32

    Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 31

    Janine POV Matapos ang lahat nang sa amin ni Rigor ay nagdesisyon akong umalis na sa kanilang bahay. Halos sumabog ang dibdib ko nang oras na lumabas kami sa pintuan nang anak ko na wala man lang pumigil sa amin. Alam kong mahirap, ngunit kailangan kong gawin. Hindi na kami kailangan at wala ng kwenta sa bahay na iyon. Nangingiyak rin si Grizelle nang makita nito ang pag-iyak ko. Nakita ko pa ang titig nito sa kanyang ama, na parang nanghihingi nang pagmamahal. Kahit na magsinungaling ako sa anak ko. Parang naiintindihan pa rin niya ang nangyayari. "Janine!." Mahinang tawag sa akin ni Anna. Nagtatago ito sa likod nang puno malapit sa bahay nina Rigor. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Lumapit ito sa akin. "Heto ang kaunting pera. Pamasahe niyo man lang mag-ina. Pasensya kana iyan lang ang kaya namin ibigay ni Jumel. Mag-iingat kayo nang anak mo." Hinawakan niya ang kamay ko at isiniksik ang pera. Niyakap nito si Grizelle. Hindi na nito ipinakita sa bata ang kanyang

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 30

    Janine POV Kasalukuyan kong binuksan ang wallet ko. Ngayong araw na ito ang balak kong pag-alis kasama ang anak ko. Ngunit nanlumo ako nang makitang singkwenta pesos lang ang laman ng pitaka ko. Paano kami aalis nito?. Ilang araw akong hindi nakapagtinda at araw-araw din ang gastos sa bahay kaya hindi ko namalayan na wala na pala akong natirang pera. Nagdadalawang isip tuloy ako. Ano nang gagawin ko. Itutuloy ko pa ba ang balak ko?. Nawawalan na ako ng lakas nang loob umalis. Kasalukuyan akong nasa sala ng mga oras na iyon at nagtitiklop ng mga nilikom kong damit, ng biglang dumating si Rigor. Matinding poot ang naramdaman ko nang makita ko siya. Gusto ko na siyang sugurin at saktan, ngunit nagtimpi ako. Marahil ay alam na naman niya na alam ko na ang mga ginawa niya. Mabilis itong humakbang palapit sa akin, ngunit naudlot iyon ng biglang lumabas si Grizelle ng kwarto. Patakbo itong lumapit sa kanyang ama at yumakap. "Papa, nandito ka na!. Sobrang m

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 29

    Janine POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam. Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.*** Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status