Share

Chapter 9

Author: Jhennie Myler
last update Huling Na-update: 2022-10-27 21:33:03

Janine POV

"Wala na naman tayong magagawa. Nandyan na yan, kaya ang pakiusap ko lang sayo na magawan mo nang paraan para maikasal kayo. At saka kung maari lang isama mo ang iyong magulang para mapag-usapan kayo nang maayos."

Tahimik lamang ako sa tabi ni Rigor habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Tatay. Seryoso ang bawat pananalita nito. Tinatago nito ang kanyang nararamdaman pero nakikita ko ang pagpipigil nito nang emosyon. Ibang iba si Tatay, mas istrikto siya kay nanay, pero hindi tulad ni nanay, hindi siya nagsasalita nang maikasasakit nang kalooban nang sino man. Kahit na may hinanakit siya sa tao ay hindi niya ito ipinapakita. Kapag wala na ang taong pinaghihinakitan niya ay saka niya ibubuhos kay nanay ang mga nararamdaman niya. Ang galit na gusto niyang ilabas. Kailangan niya iyon gawin dahil sa karamdaman niya. May sakit siya sa puso at kapag hindi niya nailabas ang kanyang kinikimkim na sama nang loob ay baka atakihin siya. Pero mas pinipili niyang i
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 10

    3rd Person POV Sino nga ba hindi pangarap na maikasal?. Ang maikasal sa lalaking pinakamamahal mo. Ang magsuot nang puting gown at belo habang naglalakad papuntang altar. Kung saan sa dulo noon ay naghihintay ang taong pinakamamahal mo. Kasabay nang musikang malumanay na sumasabay sa bawat mong hakbang. Habang ang oras ay nasa inyo lamang dalawa. At ang mga mata nyo ay nakatitig lamang sa isa't isa. Ang atensyon nang mga tao ay pawang sa inyo lamang rin dalawa. Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam?. Ang saya'y walang paglagyan. Dahil sa wakas ang pagiisang dibdib ninyong dalawa ay masasaksihan rin ng lahat. Hindi lamang sa mata nang madla. Kung hindi, lalong lalo na sa mata nang Panginoon.Preparasyon bago ang kasal.. Nakatingin si Janine sa isang napakagandang white gown. Ang totoo ay itong ang pinapangarap niyang suotin. Ngunit sa halaga nito ay hindi nila kakayanin. Narinig pa nito ang sinabi nang kanyang magiging biyenan. "Balae mas okay siguro kung mag-h

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 11

    Janine POV Nakita ko kung paano, nasisiyahan si Rigor sa ginagawa sa kanya nang babae. Ngayon ko lang ulit nakita si Rigor na ganoon kasaya. Nakita ko na hinalikan niya sa labi ang babae. Kasunod noon ay ang pagtanggal nila nang kani-kaniyang suot. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tila sasabog na ang aking dibdib nang makita ko kung paano angkinin ni Rigor ang babaeng kasama nito. Mga manloloko!. Paano niyo nagawa sa akin ito?!. Nahihirapan na ako sa paghinga. Kung kaya't malakas kong itinulak ang pintuan. Nakita ko ang gulat na reaksyon nilang dalawa. "Mga hayop kayo!.” Sigaw ko. "Teka lang Janine magpapaliwanag ako." Awat sa akin ni Rigor. Hindi ko iyon pinakinggan. Matunog ko siyang sinampal. Pagkatapos ay akma kong susugurin ang babaeng kasama nito. Ngunit hindi ko iyon nagawa, dahil pinigilan ako ni Rigor at itinulak. Napatda ako sa ginawa niya. "Tumigil ka na Janine, hindi na kita mahal. Maghiwalay na tayo." Sigaw ni Rigor. Hi

    Huling Na-update : 2022-11-04
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 12

    Janine POV "Congratulations!!... It's a girl." Saad ni Dra. Jimenez. Walang paglagyan ang saya ko nang malaman kong babae ang magiging anak ko. Maging si Rigor ay sobrang saya din. Sino kaya ang makakamukha niya sa aming dalawa?. Iyon palagi ang nasa isipan ko. Tiningnan ni Dra. ang heartbeat ng baby ko. Nanligid ang luha ko nang marinig ang tibok ng puso niya. Samantalang nakita ko kung paano mamangha ang mukha ni Rigor nang marinig ito, dama ko rin ang pagiging masaya niya. Kahit na palagi namin naririnig ang tibok nang puso ng baby namin sa bawat check-up ko sa doctor ay hindi pa rin kami makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan ko. Sa tuwing schedule nang check up ko ay hindi naliliban nang pagsama sa akin si Rigor. Gusto niya ay lagi akong may kasama. Kung tutuusin ay kaya ko naman ang mag-isa, minsan pa nga ay itinataboy ko na siyang hindi sumama. Kapag check up ko at nagkataong may pasok siya ay nakikipagpalit siya nang schedule sa iba, para lan

    Huling Na-update : 2022-11-14
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 13

    Janine POV "Ang bango naman nang asawa ko." Nakiliti ako sa ginawa sa akin ni Rigor. Kasalukuyan akong nagluluto nang yakapin ako sa likuran nang asawa ko at inamoy amoy ang ang leeg ko. Halos magtayuan ang balahibo ko sa ginawa niya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap dito. Tiningnan ko ito nang masama. "Niloloko mo naman ako. Hindi pa ako nakakaligo at amoy ulam pa ako. Paanong magiging mabango ako?.” Naiinis kong sabi. "Iyon na nga diba kaya nga ang bago mo kasi ang bango nang ulam natin." Pang-aasar nito. Nainis ako sa kanya akma ko siyang hahampasin nang sandok na hawak ko. Pero hindi ko iyon nagawa ng bigla ako nitong hapitin sa baywang. "Nagbibiro lang naman ako. Hindi ka na nasanay sa akin. Totoo naman na mabango iyong mahal ko." Saad nito. Pagkatapos ay ngumiti ito nang nakakaloko. Inirapan ko siya at nagkunwaring naiinis pa rin. Ang totoo palabas ko lang din naman na naiinis ako. Saka hindi ko naman talaga siya hahampasin. Sanay na ako sa kan

    Huling Na-update : 2023-02-23
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 14

    Janine POV "Janine?.. Keith! Keith!.." Napatingin kami parehas ni Rigor nang marinig namin ang boses na tumatawag kay Keith, si Andrew. Itinigil ko ang aking pagkain, at tumayo para magtungo sa labas. Nakita kong nakatayo sa labas ng pinto si Andrew. Kitang kita sa mukha nito ang tila hindi pa naiibsan ng pagod. "Nandyan ba si Keith?." Agarang tanong ni Andrew ng makita ako. Tumango ako."Oo, nasa loob siya. Pasok ka muna at kumain ka." Pag-aya ko. Ngunit tumanggi ito."Hindi na, nakaluto na rin naman ako. Susunduin ko lang si Keith para kumain." Nakaramdam ako nang awa kay Andrew. Sa oras na ito, imbes na tapos na siyang kumain at namamahinga na lang para sumabak ulit mamaya sa trabaho ay siya pa ang nagluto pagkarating, na dapat ay nagagawa na agad ni Keith, bago pa siya umuwi. "Oh.. Bakit nandito ka?." Napalingon ako nang magsalita sa likuran ko si Keith. Naiinis pa ito, base sa tono ng pananalita nito. "Umuwi ka na. Tapos na akong magluto. Kakain na

    Huling Na-update : 2023-02-25
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 15

    Janine POV "Ayos ka lang ba?.” Mula sa aking likuran ay niyakap ako nang aking asawa. Nakahiga na kami nang mga oras na iyon. Katabi ko siya samantalang sa kabilang gilid ko naman ay ang mahimbing na natutulog naming anak na si Grizelle. Marahil ay napansin ni Rigor ang pagiging tahimik ko. Kung kaya't tinanong niya ako kung ayos lang ba ako. Tumango ako habang nakatalikod pa rin sa kanya at hindi pumipihit paharap dito. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Rigor sa tapat nang batok ko. Pinilit kong itinago ang nararamdaman ko at nakangiting humarap dito. Mula noon hindi ko na maiwasan ang minsan ay maging malungkot, mula nang ipagtabuyan kami ni nanay sa bahay sa amin sa Batangas at manirahan kami sa probinsya nina Rigor sa Nueva Ecija. Nangyari ito matapos ang lahat. Nang kabuwanan ko noon, kung saan sinundo ako nang aking kapatid sa tinutuluyan namin sa Cavite, upang sa Batangas manganak at doon maalagaan ni nanay ang baby ko. Ngunit matapos kong mang

    Huling Na-update : 2023-02-25
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 16

    Janine POV Matapos ang mainit na tagpo namin ni Rigor ay nakatulog ito. Nakaunan pa ako sa kanyang dibdib habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Bilang isang tunay na mag-asawa, natutuwa akong isipin na sa loob nang dalawang taon na kasal kami ay tila hindi pa nawawala ang pananabik namin sa isa't isa. Ngunit sa kabila nang pagsasalo namin dalawa ngayong gabi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang bumabagabag na lungkot sa akin. "Ano kayang ginagawa ni nanay?. Naiisip niya rin kaya kami?. Hindi ba niya nami-miss si Grizelle?.”Mas lalong nadagdagan ang lungkot na aking nararamdaman dahil sa mga tanong na iyon sa aking isipan. "Umalis na kayo dito. Kayo ang dahilan nang pagkawala ni Jaime, dahil sa inyo kaya maaga siyang nawala!." Iyon ang paulit ulit na salita na aking naririnig magpahanggang ngayon ang galit na galit na boses ni nanay, kung gaano katindi ang pagkamuhi niya sa amin. Lumandas na muli ang aking mga luha. Sa pagdating ko dito sa Nueva Ecija ay

    Huling Na-update : 2023-03-05
  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 17

    Janine POV "Wow ang dami naman pinamili!!." Napatingin ako kay Keith na bagong pasok sa kusina. Karga-karga nito ang kanyang anak. Napansin ko naman sa likuran nito si Grizelle. "Anong meron?. Parang ang daming pinamili ni kuya Rigor. Pero sabagay parati naman kayong maraming pinamimili mapera kasi kayo." Saad ni Keith pagkalapit sa akin. "Anong sinasabi mong madaming pera?.” Natatawang tanong ko. "Totoo naman ate, madami kasi kayong pambili." Giit pa nito. "Hindi naman ganoon yun Keith sakto lang ang buhay na meron kami." Hindi na ito nagsalita pa nang sabihin ko iyon."Mama may pasalubong daw po sa akin si papa?.” Nagagalak na tanong ni Grizelle. "Oo anak, andito." Iniabot ko kay Grizelle ang isang supot. Sinundan iyon ng tingin ni Keith. Inilabas ni Grizelle ang lahat nang laman ng supot. "Wow ang swerte naman ni ate Grizelle may toy. Ang dami pang pagkain na pasalubong nang daddy niya. Taray meron ka rin ate Janine." Sinulyapan ako nito. Pahap

    Huling Na-update : 2023-03-13

Pinakabagong kabanata

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 37

    Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 36

    Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 35

    Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 34

    Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 33

    Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 32

    Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 31

    Janine POV Matapos ang lahat nang sa amin ni Rigor ay nagdesisyon akong umalis na sa kanilang bahay. Halos sumabog ang dibdib ko nang oras na lumabas kami sa pintuan nang anak ko na wala man lang pumigil sa amin. Alam kong mahirap, ngunit kailangan kong gawin. Hindi na kami kailangan at wala ng kwenta sa bahay na iyon. Nangingiyak rin si Grizelle nang makita nito ang pag-iyak ko. Nakita ko pa ang titig nito sa kanyang ama, na parang nanghihingi nang pagmamahal. Kahit na magsinungaling ako sa anak ko. Parang naiintindihan pa rin niya ang nangyayari. "Janine!." Mahinang tawag sa akin ni Anna. Nagtatago ito sa likod nang puno malapit sa bahay nina Rigor. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Lumapit ito sa akin. "Heto ang kaunting pera. Pamasahe niyo man lang mag-ina. Pasensya kana iyan lang ang kaya namin ibigay ni Jumel. Mag-iingat kayo nang anak mo." Hinawakan niya ang kamay ko at isiniksik ang pera. Niyakap nito si Grizelle. Hindi na nito ipinakita sa bata ang kanyang

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 30

    Janine POV Kasalukuyan kong binuksan ang wallet ko. Ngayong araw na ito ang balak kong pag-alis kasama ang anak ko. Ngunit nanlumo ako nang makitang singkwenta pesos lang ang laman ng pitaka ko. Paano kami aalis nito?. Ilang araw akong hindi nakapagtinda at araw-araw din ang gastos sa bahay kaya hindi ko namalayan na wala na pala akong natirang pera. Nagdadalawang isip tuloy ako. Ano nang gagawin ko. Itutuloy ko pa ba ang balak ko?. Nawawalan na ako ng lakas nang loob umalis. Kasalukuyan akong nasa sala ng mga oras na iyon at nagtitiklop ng mga nilikom kong damit, ng biglang dumating si Rigor. Matinding poot ang naramdaman ko nang makita ko siya. Gusto ko na siyang sugurin at saktan, ngunit nagtimpi ako. Marahil ay alam na naman niya na alam ko na ang mga ginawa niya. Mabilis itong humakbang palapit sa akin, ngunit naudlot iyon ng biglang lumabas si Grizelle ng kwarto. Patakbo itong lumapit sa kanyang ama at yumakap. "Papa, nandito ka na!. Sobrang m

  • Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog   Chapter 29

    Janine POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam. Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.*** Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status