Janine POV Matapos ang mainit na tagpo namin ni Rigor ay nakatulog ito. Nakaunan pa ako sa kanyang dibdib habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Bilang isang tunay na mag-asawa, natutuwa akong isipin na sa loob nang dalawang taon na kasal kami ay tila hindi pa nawawala ang pananabik namin sa isa't isa. Ngunit sa kabila nang pagsasalo namin dalawa ngayong gabi ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang bumabagabag na lungkot sa akin. "Ano kayang ginagawa ni nanay?. Naiisip niya rin kaya kami?. Hindi ba niya nami-miss si Grizelle?.”Mas lalong nadagdagan ang lungkot na aking nararamdaman dahil sa mga tanong na iyon sa aking isipan. "Umalis na kayo dito. Kayo ang dahilan nang pagkawala ni Jaime, dahil sa inyo kaya maaga siyang nawala!." Iyon ang paulit ulit na salita na aking naririnig magpahanggang ngayon ang galit na galit na boses ni nanay, kung gaano katindi ang pagkamuhi niya sa amin. Lumandas na muli ang aking mga luha. Sa pagdating ko dito sa Nueva Ecija ay
Janine POV "Wow ang dami naman pinamili!!." Napatingin ako kay Keith na bagong pasok sa kusina. Karga-karga nito ang kanyang anak. Napansin ko naman sa likuran nito si Grizelle. "Anong meron?. Parang ang daming pinamili ni kuya Rigor. Pero sabagay parati naman kayong maraming pinamimili mapera kasi kayo." Saad ni Keith pagkalapit sa akin. "Anong sinasabi mong madaming pera?.” Natatawang tanong ko. "Totoo naman ate, madami kasi kayong pambili." Giit pa nito. "Hindi naman ganoon yun Keith sakto lang ang buhay na meron kami." Hindi na ito nagsalita pa nang sabihin ko iyon."Mama may pasalubong daw po sa akin si papa?.” Nagagalak na tanong ni Grizelle. "Oo anak, andito." Iniabot ko kay Grizelle ang isang supot. Sinundan iyon ng tingin ni Keith. Inilabas ni Grizelle ang lahat nang laman ng supot. "Wow ang swerte naman ni ate Grizelle may toy. Ang dami pang pagkain na pasalubong nang daddy niya. Taray meron ka rin ate Janine." Sinulyapan ako nito. Pahap
Janine POV "Gising na mahal." Mahinahong tawag sa akin ni Rigor. Napabaligwas ako ng makitang liwanag na."Anong oras na?.” Gulat kong tanong kay Rigor kaagad kong tiningnan ang orasan. Six thirty na nang umaga, lagot magluluto pa ako. Kaagad akong bumaba nang higaan para magtungo sa kusina at magluto, nang tawagin ako ni Rigor. "Mahal!.” Nilingon ko ito."Bakit ba?. Tanghali na magluluto pa ako." saad ko. Natatawang napailing si Rigor. Kunot noo ko itong tiningnan. "Mahal relax ka lang linggo ngayon, wala akong trabaho." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Rigor. Tiningnan ko ang kalendaryong nakadikit sa dingding nang kwarto. Napahawak na lamang ako sa aking ulo nang makita ko ang araw ngayon. Tama siya linggo nga ngayon. Ang buong akala ko kasi ay lunes, kailangan ko kasing magluto para sa agahan ng asawa ko. "Ano okay na?. Ang mabuti pa maligo ka na at magbihis kasi po baka ma-late pa tayo sa misa." Aniya ni Rigor. "Teka si Griz--.""Okay na kanina
Janine POV Tanghaling tapat nang marinig ko ang kumakatok sa pintuan. Sino kaya yun?. Tanong ko sa sarili. Natutulog si Grizelle sa kwarto at ako ay nanonood nang tv sa sala. Tapos na ako sa mga gawaing bahay kaya pansamantala akong nagpapahinga sa sala. Isinarado ko ang pinto kaya naman hindi ko makikita agad kung sino ang tao. Sa pagbukas ko ng pinto ay bahagya akong natigilan nang makita ko kung sino ang taong dumating. Hindi kaagad ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang pagmumukha niya. "Asan si Rigor?.” Natigil sa paglipad ang aking isip nang magsalita ito. "Ah na-nasa trabaho po mama." Naiilang kong sagot. "Tulungan ko na po kayo." Inabot ko ang mga bitbit nitong gamit at tinulungan sa pagbuhat nang mga ito. Dire-diretso itong pumasok sa bahay. "Grabe nakakapagod ang byahe." Umupo ito sa upuan sa sala at isinandal ang likod kaagad nitong nilibot ang buong kabahayan, tila sinusuri kung may nabago ba. Tumigil ang pani
Janine POV Katatapos ko lang maghugas nang pinagkainan namin. Sina Rigor, Keith at mama ay kasalukuyan nasa sala at nanonood ng tv. Papunta na ako sa sala nang marinig kong magpaalam si Keith nagtext na raw kasi sa kanya si Andrew, hinahanap na raw ito ni Andrei. Kay Rigor at kay mama lang ito nagpaalam. Hindi niya yata ako napansin."Nakakatuwa talaga ang batang yan. Napaka-kwento at maganda pa. Tingnan mo Rigor parang walang asawa kung titingnan si Keith hindi ba?. Hindi kasi siya nagpapabaya sa katawan niya. Palaayos pa rin siya kahit may anak na. Ganoon dapat ang mga babae." Narinig ko ang sinabing iyon nang mama ni Rigor. Tila may laman ang salita niya. Napatingin na lang ako sa aking sarili, may kung anong pumasok sa aking isipan ngunit iniwaglit ko iyon nang marinig ko ang tawag sa akin ni Rigor. Niyayaya niya ako sa tabi niya. Ngunit sa halip na maupo ako sa kinaroroonan niya ay dinahilan ko na lamang ang aking panliligo. Nagtungo na ako sa banyo, para maligo n
Janine POV "Mama, can you buy this for me?.”Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi nang anak ko. Minsan ay nagsasalita na lang ito bigla nang ingles. Natututunan niya ito sa mga pinapanood niya sa kanyang tablet. Lumapit ako sa aking anak na ngayon ay hawak-hawak ang celphone ko. Nakakita ito nang damit sa isang online shop, nagustuhan nito iyon, kaya nagpapabili ito. "Yes baby. Bibilhan kita nyan." Nakangiti kong tugon sa aking anak. Tuwang-tuwa naman ito. "Janine, huwag mong sanayin sa luho iyan anak mo. Turuan mong magtipid." Gulat akong napalingon kay mama. Hindi ko alam na nasa likuran pala namin siya. "Alam mo bang yan si Rigor, hindi ko yan pinamihasa na bumili nang mga walang kwentang bagay, lalo na at mahal. Dapat magtipid at mag-ipon kayo." Tila masungit nitong pananalita. "Ahhh mama damit lang naman po ang gustong bilihin ni Grizelle, pangangailangan naman niya po iyon." Magalang kong sagot. Ngunit kunot noo niya akong tiningnan na ikinakaba ko. "
Janine POV "Janine, kumain na kayo dito." Bahagya akong natigilan pagkalabas ko nang kwarto namin. Nadatnan ko na kaagad sa kusina si mama. Nakaluto na ito nang almusal. Linggo ngayon, mamayang hapon pa kami magsisimba pero kahit na ganoon ay maaga pa rin akong gumising pero laking gulat ko nang naabutan ko na sa kusina si mama at ang nakapagtataka ay nakaluto na rin ito. Mula kasi noong dumating siya sa bahay ay ni minsan ay hindi ito nagluto para sa amin. Ako palagi ang gumagawa nang lahat, tanging gagawin lang nang mama ni Rigor ay ang kumain, pagdating sa pagluluto at ano mang gawaing bahay ay ako ang gumagawa, sa mga gastusin naman ay wala din itong isipin dahil inaabutan din siya ni Rigor tuwing sahod nito, noon pa man na wala siya ay pinapadalhan na siya ni Rigor nang gastusin. "Ayos ba?.” Pumaling ang mukha ko nang marinig ang boses ni Rigor, nasa likuran ko ito. At ang tinutukoy niya sa kanyang tanong ay si mama. Kung hindi ako nagkakamali ay ayos na sila. Du
Janine POV "Keith anak ano bang pinag-awayan ninyong mag-asawa?.” Narinig kong tanong ni mama kay Keith. Kasalukuyang nasa kusina silang dalawa at nagmemeryenda, ako naman ay abala sa ginagawang paglilinis nang refrigerator. "Kasi tita palagi na lang niya akong kinukwestyon sa gastusin, hindi raw ako marunong magtipid." Base sa pananalita ni Keith ay mali ang ginawang pagsita sa kanya ni Andrew. "Teka ano bang pinagkakagastusan mo at sinabihan ka niya nang ganun?.” "Mga needs lang naman po ni Andrei, tapos pagkain namin. Kaso tita minsan kasi nakakabili ako nang mga pampaganda at mga sexy na damit iyon kasi ang ikinagagalit niya masyado raw akong maluho." Naiinis na saad nito. Ang buong akala ko ay pangangaralan ni mama si Keith dahil sa sinabi nito. Akala ko ay pagsasabihan niya ito na mali ang bagay na ginagawa ni Keith. Ang pagiging maluho dahil iyon ang issue niya sa amin ni Rigor ngunit nagkamali ako. Nagulat pa ako sa narinig ko kay mama. "Naku, ayos l
Janine POV Para akong nasa korte na pilit pinaaamin sa nagawang kasalanan. Base na lamang sa paninitig sa akin ng asawa ni Jerome. "Ako si Herona. Asawa ako ni Jerome ikaw anong pangalan mo?" Masungit na tanong nito. "Janine." Sagot ko sa mababang tono. "Tulad ng sinabi ko gusto kong malaman ang lahat sayo." "Heron, dahan-dahan ka lang naman sa pagsasalita mo. Hindi pa handang magkwento si ate. Ako nga hindi ko siya pinilit na sagutin niya ang tanong ko noon. Tapos ikaw kung makaratrat ka dyan wagas." "Pwede ba Jerome manahimik ka na lang. Sa tingin mo ganoon na lang kadali magpatira ng tao na hindi mo naman lubos na kakilala?”Asik ni Herona sa asawa. Walang nagawa si Jerome kung hindi ang manahimik. "Okay lang Jerome. Tama si Herona. Mas mabuti na alam ninyo parehas kung ano o sino nga ba ako.”Saad ko. Kahit na mahirap ay sinikap kong simulan sabihin ang lahat sa kanila. Paminsan-minsan ay humihinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong
Janine POV Kinabukasan maagang kinuhanan muli si Grizelle ng dugo ganoon na rin nang iba pang kailangan para sa laboratory nito, upang malaman kung maayos na ba siya at maaari nang lumabas ng hospital. "Base in her test mommy, maayos na po ang anak niyo at maari na po kayong lumabas ngayong araw na ito. Paalala lang po, next time po titingnan ang mga pagkain na kinakain ng anak niyo, para po maiwasan ang pagkakasakit ng bata." "Opo doc maraming salamat po." "Sige po mommy, maari na po kayong pumunta sa billing para mabayaran ang bill niyo." Tumango ako sa doctor. Matapos lumabas nang resulta ni Grizelle ay kaagad akong pinuntahan ng doctor para ipaalam na maari na kaming ma-discharge. Laking pasasalamat ko at mabuti na ang lagay ng anak ko. Isa na lang ang iniisip ko- "Mama, aalis na po tayo dito?” Nilingon ko ang aking anak na kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Maayos na ang mukha ni Grizelle kumpara kahapon. Masigla-sigla na rin it
Janine POV "Mama!!. sakit." Saad ni Grizelle, habang hawak ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit kaya ito iyak ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung paano ako kikilos. Walang akong nakikitang tao. Halos patay ang mga ilaw sa mga bahay. Niyakap ko nang mahigpit ang anak kong nag-aapoy sa lagnat at pamimilipit nang sakit ng tiyan. Bakit ito nangyayari sa kanya?. Paano na? Anong gagawin ko?. Saan ako hihingi ng tulong?. "Anak, tahan na pssshhh.. nandito lang si mama. Kaya mo yan." Pilit kong inaalo ito sa pag-iyak, kahit ako ay naiiyak na rin. Naghihintay ako ng dadaan na sasakyan. Baka sakaling may dumaan pa sa ganitong oras, hindi ako mayuyumi na parahin iyon para lamang madala ko ang anak ko sa ospital. Nasa tabing kalsada ako naghihintay habang karga si Grizelle ng biglang may dumaan na naka-bisekleta, akma ko pa lang ito paparahin ngunit kusa itong huminto. "Ate ayos lang kayo anong nangyayari sa anak mo?.” Kaagad na tanong ng lalaki. "Tulungan
Janine POV Sobrang lakas ng ulan kung kaya't may ilang patak pa rin na tumatama sa amin dahil sa kakarampot na bubong na siyang nagsisilbing silungan namin. Balak ko sana na sa loob mismo ng cr pumasok kaso ayoko naman magtagal doon kaya minabuti ko na sa labas na lang kami. Binalutan ko na lamang si Grizelle ng tuwalyang malaki, upang hindi ma-ampiyasan ng ulan. Mabuti na lamang at nakapag-baon ako ng tuwalya, kung kaya't may nagagamit kami na pangkubong. "Mama, bear ko." Nakita kong hindi hawak ni Grizelle ang teddy bear niya. Marahil ay nalaglag iyon ng patakbo kaming nagtungo dito. Ibinaba ko siya. Kinausap ko itong mabuti na dito muna at hahanapin ko ang teddy bear niya. "Anak, makinig ka huwag na huwag kang aalis dito. Hahanapin ni mama ang bear mo. Hintayin mo lang ako." Sinugod ko ang malakas na ulan para hanapin iyon, hindi ko agad ito madaling nahanap dahil madilim ang lugar. Kalaunan ay may natapakan akong malambot at nakita ko na iyon na ang teddy be
Janine POV Nagising ako dahil sa ingay nang paligid. Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Katulad ng inaasahan ko naririto pa rin kami. Pinagdarasal ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sana pag-gising ko ay hindi totoo ang lahat ng ito na nasa bahay kami at wala sa lugar na ito. Ngunit hindi, totoo itong nangyayari. Ang ikinagulat ko pa ay nang makita ko na wala sa kandungan ko ang anak ko. Naalarma ako. Kaagad akong kinabahan. Nasaan ang anak ko?!. Mabilis kong inilibot sa paligid ang paningin ko at nakita ko siya sa malapit sa playground ng mga bata. Nakaupo ito sa damuhan at nanonood sa mga batang naglalaro, nadurog na naman ang puso ko nang makita ang itsura ng anak ko. Kaagad ko siyang nilapitan. Tinawag ko ito, napalingon siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang mapansin ko na may bitbit na ito. "Saan galing ang mga yan anak?." Gulat kong tanon
Janine POV Bumalik kami ni Grizelle sa park para doon makapagpahinga. Nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng tubig at biscuit. Nakalimutan ko, dapat pala ay nagdala ako ng lalagyan ng tubig bago umalis ng bahay. Ma-uhawin si Grizelle at kung bibili ako ng bibili ng bottled water ay muubos ang pera namin. Kaya naman lumapit ako sa matandang lalaki. Nagtanong ako rito kung mayroon ba itong empty bottle para sakaling magsilbing lagayan namin ng tubig ng anak ko. Manghihingi na lang ako sa kalenderya ng tubig o kung saan man. "Tay, magandang araw mayroon po ba kayo dyan na empty bottled?.” Bahagyang nagtaka ang matanda sa tanong ko. "Bakit mo itinatanong aanhin mo ba?.” "Paglalagyan ko lang po sana ng tubig para sa anak ko." "Bakit hindi ka na lang bumili nitong tinda kong tubig. Kapag naubos ang laman nito pwede mo na siyang paglagyan ulit." "Pasensya na po kayo pang-kain na lang po kasi namin ang perang naririto, kaya hindi po ako makabili."
Janine POV Matapos ang lahat nang sa amin ni Rigor ay nagdesisyon akong umalis na sa kanilang bahay. Halos sumabog ang dibdib ko nang oras na lumabas kami sa pintuan nang anak ko na wala man lang pumigil sa amin. Alam kong mahirap, ngunit kailangan kong gawin. Hindi na kami kailangan at wala ng kwenta sa bahay na iyon. Nangingiyak rin si Grizelle nang makita nito ang pag-iyak ko. Nakita ko pa ang titig nito sa kanyang ama, na parang nanghihingi nang pagmamahal. Kahit na magsinungaling ako sa anak ko. Parang naiintindihan pa rin niya ang nangyayari. "Janine!." Mahinang tawag sa akin ni Anna. Nagtatago ito sa likod nang puno malapit sa bahay nina Rigor. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Lumapit ito sa akin. "Heto ang kaunting pera. Pamasahe niyo man lang mag-ina. Pasensya kana iyan lang ang kaya namin ibigay ni Jumel. Mag-iingat kayo nang anak mo." Hinawakan niya ang kamay ko at isiniksik ang pera. Niyakap nito si Grizelle. Hindi na nito ipinakita sa bata ang kanyang
Janine POV Kasalukuyan kong binuksan ang wallet ko. Ngayong araw na ito ang balak kong pag-alis kasama ang anak ko. Ngunit nanlumo ako nang makitang singkwenta pesos lang ang laman ng pitaka ko. Paano kami aalis nito?. Ilang araw akong hindi nakapagtinda at araw-araw din ang gastos sa bahay kaya hindi ko namalayan na wala na pala akong natirang pera. Nagdadalawang isip tuloy ako. Ano nang gagawin ko. Itutuloy ko pa ba ang balak ko?. Nawawalan na ako ng lakas nang loob umalis. Kasalukuyan akong nasa sala ng mga oras na iyon at nagtitiklop ng mga nilikom kong damit, ng biglang dumating si Rigor. Matinding poot ang naramdaman ko nang makita ko siya. Gusto ko na siyang sugurin at saktan, ngunit nagtimpi ako. Marahil ay alam na naman niya na alam ko na ang mga ginawa niya. Mabilis itong humakbang palapit sa akin, ngunit naudlot iyon ng biglang lumabas si Grizelle ng kwarto. Patakbo itong lumapit sa kanyang ama at yumakap. "Papa, nandito ka na!. Sobrang m
Janine POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam. Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.*** Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo