All Chapters of Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog: Chapter 21 - Chapter 30

38 Chapters

Chapter 20

Janine POV Katatapos ko lang maghugas nang pinagkainan namin. Sina Rigor, Keith at mama ay kasalukuyan nasa sala at nanonood ng tv. Papunta na ako sa sala nang marinig kong magpaalam si Keith nagtext na raw kasi sa kanya si Andrew, hinahanap na raw ito ni Andrei. Kay Rigor at kay mama lang ito nagpaalam. Hindi niya yata ako napansin."Nakakatuwa talaga ang batang yan. Napaka-kwento at maganda pa. Tingnan mo Rigor parang walang asawa kung titingnan si Keith hindi ba?. Hindi kasi siya nagpapabaya sa katawan niya. Palaayos pa rin siya kahit may anak na. Ganoon dapat ang mga babae." Narinig ko ang sinabing iyon nang mama ni Rigor. Tila may laman ang salita niya. Napatingin na lang ako sa aking sarili, may kung anong pumasok sa aking isipan ngunit iniwaglit ko iyon nang marinig ko ang tawag sa akin ni Rigor. Niyayaya niya ako sa tabi niya. Ngunit sa halip na maupo ako sa kinaroroonan niya ay dinahilan ko na lamang ang aking panliligo. Nagtungo na ako sa banyo, para maligo n
last updateLast Updated : 2023-04-03
Read more

Chapter 21

Janine POV "Mama, can you buy this for me?.”Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi nang anak ko. Minsan ay nagsasalita na lang ito bigla nang ingles. Natututunan niya ito sa mga pinapanood niya sa kanyang tablet. Lumapit ako sa aking anak na ngayon ay hawak-hawak ang celphone ko. Nakakita ito nang damit sa isang online shop, nagustuhan nito iyon, kaya nagpapabili ito. "Yes baby. Bibilhan kita nyan." Nakangiti kong tugon sa aking anak. Tuwang-tuwa naman ito. "Janine, huwag mong sanayin sa luho iyan anak mo. Turuan mong magtipid." Gulat akong napalingon kay mama. Hindi ko alam na nasa likuran pala namin siya. "Alam mo bang yan si Rigor, hindi ko yan pinamihasa na bumili nang mga walang kwentang bagay, lalo na at mahal. Dapat magtipid at mag-ipon kayo." Tila masungit nitong pananalita. "Ahhh mama damit lang naman po ang gustong bilihin ni Grizelle, pangangailangan naman niya po iyon." Magalang kong sagot. Ngunit kunot noo niya akong tiningnan na ikinakaba ko. "
last updateLast Updated : 2023-04-09
Read more

Chapter 22

Janine POV "Janine, kumain na kayo dito." Bahagya akong natigilan pagkalabas ko nang kwarto namin. Nadatnan ko na kaagad sa kusina si mama. Nakaluto na ito nang almusal. Linggo ngayon, mamayang hapon pa kami magsisimba pero kahit na ganoon ay maaga pa rin akong gumising pero laking gulat ko nang naabutan ko na sa kusina si mama at ang nakapagtataka ay nakaluto na rin ito. Mula kasi noong dumating siya sa bahay ay ni minsan ay hindi ito nagluto para sa amin. Ako palagi ang gumagawa nang lahat, tanging gagawin lang nang mama ni Rigor ay ang kumain, pagdating sa pagluluto at ano mang gawaing bahay ay ako ang gumagawa, sa mga gastusin naman ay wala din itong isipin dahil inaabutan din siya ni Rigor tuwing sahod nito, noon pa man na wala siya ay pinapadalhan na siya ni Rigor nang gastusin. "Ayos ba?.” Pumaling ang mukha ko nang marinig ang boses ni Rigor, nasa likuran ko ito. At ang tinutukoy niya sa kanyang tanong ay si mama. Kung hindi ako nagkakamali ay ayos na sila. Du
last updateLast Updated : 2023-04-18
Read more

Chapter 23

Janine POV "Keith anak ano bang pinag-awayan ninyong mag-asawa?.” Narinig kong tanong ni mama kay Keith. Kasalukuyang nasa kusina silang dalawa at nagmemeryenda, ako naman ay abala sa ginagawang paglilinis nang refrigerator. "Kasi tita palagi na lang niya akong kinukwestyon sa gastusin, hindi raw ako marunong magtipid." Base sa pananalita ni Keith ay mali ang ginawang pagsita sa kanya ni Andrew. "Teka ano bang pinagkakagastusan mo at sinabihan ka niya nang ganun?.” "Mga needs lang naman po ni Andrei, tapos pagkain namin. Kaso tita minsan kasi nakakabili ako nang mga pampaganda at mga sexy na damit iyon kasi ang ikinagagalit niya masyado raw akong maluho." Naiinis na saad nito. Ang buong akala ko ay pangangaralan ni mama si Keith dahil sa sinabi nito. Akala ko ay pagsasabihan niya ito na mali ang bagay na ginagawa ni Keith. Ang pagiging maluho dahil iyon ang issue niya sa amin ni Rigor ngunit nagkamali ako. Nagulat pa ako sa narinig ko kay mama. "Naku, ayos l
last updateLast Updated : 2023-04-23
Read more

Chapter 24

Janine POV Pansamantala kong itinigil ang pagliligpit ko nang pinagkainan ni Rigor nang marinig ko ang boses ni Keith sa sala. Gising na siya at narinig ko ang pagbati nito kay Rigor. Lumabas ako nang pinto nang kusina. Kasalukuyan ng inaayos ni Rigor ang kanyang gamit para sa pag-alis niya papuntang trabaho. "Kuya Rigor papasok ka na? Anong oras ba ang umpisa nang trabaho mo?." Tanong ni Keith. Hindi sinagot ni Rigor ang tanong ni Keith bagkus ay iba ang sinabi nito. "Hindi dapat ako ang tinatanong mo ng ganyan kung anong oras ang pasok ko o kung papasok na ba ako. Dapat ay si Andrew. Hindi mo man lang ba naiisip na ipaghanda siya nang almusal tuwing papasok siya?. O kaya naitatanong mo man lang ba sa sarili mo kung nakakakain ba siya nang almusal bago pumasok?." Nakangiti si Rigor habang sinasabi ang lahat nang iyon kay Keith. Alam kong may laman ang kanyang sinabi ngunit nakangiti lang siya habang sinasabi yun para hindi maging masama ang dating noon kay
last updateLast Updated : 2023-04-30
Read more

Chapter 25

Janine POV Nang pumasok ako sa kwarto namin ay naabutan ko si Rigor na nakasabunot sa kanyang buhok ang dalawang kamay nito. Habang nakapatong naman ang magkabila nitong siko sa magkabila rin nitong tuhod. Nakatuon ang tingin nito sa sahig at tila pagod na pagod ito at malalim ang iniisip. "Mahal!." Untag ko rito. Nilingon ako nito. Nakita ko ang pagod nitong mukha. Naalarma ako nang makita iyon. Kararating niya lang galing sa trabaho ni hindi pa nga siya nakakapagpalit ng damit. Kasalukuyan kasi ako noong nasa banyo kaya hindi ko namalayan ang kanyang pagdating at nang pumasok ako ng kwarto ay ito ang naabutan kong itsura niya. Kaagad ko siyang nilapitan at tinanong kung anong problema. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Wala na akong trabaho." Malungkot at walang buhay nitong saad. Hindi ko ipinahalata sa kanya ngunit nagulat ako sa narinig at nalungkot din. Hindi ko alam kung bakit siya nawalan ng trabaho at hindi ko alam ang dahilan. Ngunit kahi
last updateLast Updated : 2023-05-01
Read more

Chapter 26

Janine POV Maagang gumayak si Rigor para sa interview niya ngayong araw. Sa Tarlac siya nakahanap ng trabaho. Sa isang construction ulit siya napunta. Nagbakasali siya na maghanap doon at sa wakas ay natawagan siya. Kung saan-saan pa siyang lugar naghanap, sa malapit rin pala siya makakatagpo. Halos dalawang oras din ang biyahe papuntang Tarlac mula sa Nueva Ecija, kaya nagpasya siya na doon na muna humanap ng mauupahang bahay kaysa uuwi siya araw-araw. Halos wala na siyang magiging pahinga at pagod na kaagad sa byahe kung gugustuhin niya ang mag-uwian. Kasabay rin natawagan ang mga kumpare niya, doon rin ang mga ito naka-apply. Hinihintay na siya nina Vincent at Jumel sa labas nang oras na iyon. Ngunit sa paglabas namin ay naroon na rin sina Andrew at Keith. Sinabi ni Keith na makikisama si Andrew sa pag-aapply. Kaagad naman ng nag-aya sina Vincent paalis at baka mahuli pa raw sila. "Mahal aalis na kami." Akma pa lang hahalik si Rigor ng ako na ang naunang humal
last updateLast Updated : 2023-05-22
Read more

Chapter 27

Janine POV Natapos na ang seremonya nang kasal nina Andrew at Keith. Ilan lang kami na pumunta sa kasal nila. Niyaya ni Andrew ang mga dumalo sa kasal nila sa isang fast food chain. Hindi ko akalaing ito ang magiging reception ng kasal nila. Sabagay walang ganoong pera si Andrew para maghanda nang engrande. Mas mabuti pa nga ang ganito na kumain sa labas. Ngunit nakikita ko sa mukha ni Keith ang pagkadismaya. Alam kong hindi ganito ang gusto niya, sabihin na natin na cheap sa paningin ng iba pero iyon lang kasi ang nakayanan ni Andrew. Nang i-serve na ng crew ang order namin ay basta na lamang tumayo si Keith sa kinauupuan at padabog na lumabas. Hindi na nakagalaw si Andrew sa kanyang kinatatayuan, matapos asalin iyon ni Keith. Alam namin napahiya siya sa inasal ng asawa. Nang matapos kaming kumain ay nag-kanya kanya na kaming uwi. "Mama, bili tayo toy." Turo ni Grizelle sa laruang nakita niya sa labas nang fast food chain. "Hindi, uuwi na tayo." Na
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more

Chapter 28

Janine POV Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga oras na ito. Malapit na kami sa lugar kung saan nagtatrabaho sina Rigor. Araw ng sabado ngayon, ngunit natanggap ko ang message ni Rigor na hindi siya makakauwi sa bahay. Ang dahilan niya ay napapagod siyang mag-biyahe at isa pa kakauwi lang niya nitong huling linggo. Ngunit nabuyo ako kay Anna nang yayain ako nito sa Tarlac para bisitahin sina Rigor. Hindi rin kasi uuwi ngayon ang asawa niya kaya nagpasya itong puntahan na lamang si Jumel. Halos mag-gagabi na ng dumating kami sa lugar. Mabuti na lamang at iniwan ko si Grizelle sa bahay. Si mama muna ang nagbantay sa kanya, ang paalam ko kasi ay magtatagpo kami ni Rigor sa Cabanatuan para dalhan ito nang damit. Pasalamat na rin ako at nagpaiwan si Grizelle, gustong-gusto kasi nito na sumama dahil miss na daw niya ang papa niya. Malayo pa lamang ay nakita na namin ang umpukan nang mga kalalakihan at kaagad namin napansin na naroroon sina Jumel, Vincent, Archie at Arv
last updateLast Updated : 2023-05-26
Read more

Chapter 29

Janine POV Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam. Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.*** Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo
last updateLast Updated : 2023-05-27
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status