Forty-two KRYSTAL Grabe! Isa lang talaga ang masasabi ko sa lugar na ito 'BONGGA', hindi ko akalain na sobrang laki pala ng building na kanina lang ay minamata ko dahil hindi man lang ito maayos sa labas dahil nga walang pintura, pero nang mapasok ko ang lugar grabe muntik kong malunok ang aking dila. "Grabe talaga kayong mayayaman," sambit ko habang patuloy ko pa ring ginagala ang aking mga mata sa paligid. Lahat na lang ng makikita ko sa paligid ay hindi ko maiwasang mamangha. Ngayon, nandito kami sa nag-iisang restaurant ng lugar kung saan lahat ng putahe na alam ko ay nandito, super high-tech din ng pamamaraan ng pag o-order dahil may ipad na sa mesa at kailangan na lang namin piliin mula sa ipad ang order namin, tapos otomatiko na iyon... ang lupit! "You look fascinated, Baby." Bahagya akong nag lean sa kaniya. "G*gi! Malamang puro sikat at kilalang tao ang mga nakikita ko sa paligid," saad ko sa mahinang tinig saka ako muling bumalik sa aking kinauupuan. Tumawa ito, nguni
Read more