Home / Romance / Miss Misunderstood / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Miss Misunderstood: Chapter 71 - Chapter 80

95 Chapters

Chapter 71: Alarmed

Third-person's Point of ViewHindi na nahabol ni Felicity ang sasakyan kung saan lulan si Elyana. Tumawag siya sa mansion upang alamin kung saan dinala ito ngunit hindi raw nila alam dahil hindi pa tumatawag ang sinuman sa mga kasama ng kanilang amo sa pagsugod dito sa ospital.Dalawa ang ospital na malapit kaya hindi alam ni Felicity alin sa dalawa ang unang pupuntahan. Nagpasya na lamang siyang puntahan pareho dahil ganoon din naman ang mangyayari kung hindi pa mabalitaan ang mga nasa mansion na kaniyang binilinan na tawagan siya kung mayroon na silang balita.Halos paliparin niya ang kaniyang sasakyan sa kalsada. Hindi alintana ang mga kasalubong at nilalagpasan ang mga nakasasabay niya. Kakabog-kabog ang kaniyang dibdib habang sinisisi ang sarili. Pakiramdam niya, kasalanan niya kung bakit iyon nangyari. Na baka na-stress sa kaniya si Elyana na kabilin-bilinan pa naman ni doc Lilia na iwasan niya.Kinausap niya pa ang doktora pero hindi rin naman siya susundin. Kaya naman ganoon n
last updateLast Updated : 2023-02-23
Read more

Chapter 72: Self-doubts

Felicity's Point of View"Ma'am, bakit ang laki-laki po yata ng eyebags mo?" tanong ni Daldalita nang magkasalubong kami sa kusina nang manguha ako ng tubig na maiinom.Kaya pala iba kung makatingin sa akin, eyebags ko pala ang tinitignan. Maaga na nga akong bumangon para hindi makita ang sinuman sa kanila. Hindi ko naman akalain na maaga rin palang bumabangon ang madaldal na iyon. Sa dinami-rami rin naman nilang mga kasambahay, siya pa talaga. Siya pang walang preno ang bunganga.Inubos ko muna ang tubig na sinalin ko sa baso bago siya hinarap. Nginitian ko muna."Bakit, ano bang meron sa eyebags ko?" Nagpanggap na wala akong alam kahit nakita ko naman sa salamin kanina na malaki nga at medyo mukha akong bangag."Parang kakaiba lang ho ngayon. Medyo malaki lang, ma'am," sagot naman niya.Ramdam ko naman na nahiya siya sa part na 'yon pero iyong paraan kung paano niya ako tingnan ay nauudyok sa akin na kurutin siya sa pisngi. Parang ang cute-cute kasi ni Daldalita. NakapanggigigilPa
last updateLast Updated : 2023-02-26
Read more

Chapter 73: Blue

Sa pagdaang ng mga buwan, naging madalas ang pagbisita ni Felicity sa buntis na kaibigan. Lagi siyang kinukulit nito at kung minsan pa'y si Elyana mismo ang naghahagilap sa kaniya sa kung saan-saan. Walang kapaguran si buntis.Pumupunta siya sa opisina anumang oras gustuhin at pabalik-balik na rin sa bahay ng mga Martincu upang tumambay at makipagkwentuhan tungkol sa pag-aalaga ng bata kina Eugene at Lea lalo na kapag naroon si Felicity.Hindi na siya naiilang na iyon ang paksa, di gaya noon na iniiwasan niya at mas pinipiling lumayo kapag ganoon ang usapan nila.Gustong-gusto rin naman ni Eugene na naroon si Elyana dahil kahit papaano ay nagagawa niyang matiyak na maayos ang apong nasa sinapupunan ni Elyana. Hindi lang niya masabi ngunit excited na siyang makita ang bagong apo sa pinakabunsong anak na si Felicity.Nang limang buwan na ang tiyan ni Elyana, isang bonggang gender reveal ang inihanda ni Felicity sa kaniya. Courtesy of doc Lilia na siyang nag-tip kung anong gender ng bab
last updateLast Updated : 2023-02-28
Read more

Chapter 74: Different Craving

Sa pang-anim na buwan na pagbubuntis ni Elyana, nagsimula siyang makadama ng kakaiba. Sinabihan siya ng doktor na huwag ng masyadong nagpapapagod dahil pati ang bata sa tiyan niya ang nai-stress din at napapagod.Binawasan niya ang ang paggala, naging antukin at madalas naman siyang gutom kaya lalong bumibilog ang kaniyang katawan. Nawala na ang madalas na pagkahilo niya at pihikan sa pagkain, pero may lagi siyang hinahanap.Si Felicity. Tila ba hindi kompleto ang kaniyang araw kung hindi ito nakikita. Kaya nang hilingin nitong doon na lamang siya sa mansion ulit tumuloy, wala ng nagawa pa si Felicity. Mahirap tanggihan ang buntis at maaring hindi naman siya ang may gusto niyon, maaring ang sanggol sa loob ng kaniyang tiyan na siyang nakadarama ng kanilang matinding koneksyon. Ang problema lang nila, panay ang dikit at yapos ni Elyana. Kung pwede nga lang ay pasanin na niya ito o kargahin lagi para mabitbit kung saan-saan. Ganoon din naman ang nangyayari.Lagi kasing nakabuntot. Wa
last updateLast Updated : 2023-02-28
Read more

Chapter 75: Not Yet

Felicity's Point of ViewI saw it in her eyes. Hindi nga siya tumawa but I saw how much she wanted to laugh nang sabihin ko sa kaniya 'yon. I swallowed my pride para roon. Para sana matulungan siya sa kakaibang craving niya, but my goodness! Bigla akong nahiya. Kulang na lang magpalamon ako sa sahig o mag-evaporate na lang nang time na 'yon mga bakla. Jusko!Sa totoo lang, nakakahiya talaga. Noong time lang na 'yon ako nakadama nang ganoon klaseng hiya sa buong buhay ko. Bigla ko tuloy natanong ng sarili kung I sounded like a perv kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. I don't know honestly, but it was a shame sa side ko pero thank God I found an excuse nang sabihin niyang the mood was off. "I don't think I still need it right now." aniya. Kita pa rin ang gulat sa kaniyang mga mata."Haha! I-I can't believe that was effective!" I commented. Faking my amusement at sinamahan ko pa ng tawa nang sa ganoon maging epektibo sa paningin at pandinig niya.Gusto kong itago ang awkwardness n
last updateLast Updated : 2023-03-02
Read more

Chapter 76: Saving The Baby

Third-person's Point of ViewHatinggabi na at nagpapahinga na ang lahat sa mansion nang mabulabog sila sa lakas ng sigaw ni Elyana mula sa kaniyang silid. Si Felicity ang unang nakarinig dahil nasa tabi lang ng guestroom ang silid ni Elyana kung nasaan siya natutulog. Kumaripas siya ng takbo na may takot sa diddib. Inisip agad na may masamang nangyari kaya napasigaw ang buntis. "F-Felicity..." mahina nitong tawag sa ngalan ng taong nakita niyang nagbukas ng pinto at agarang pumasok sa kaniyang silid. Namimilipit siya sa sakit. Hindi alam kung saan hahawak, kung sa tiyan ba o balakang dahil tila umiikot ang kirot na kaniyang nararamdaman. Nang makita ni Felicity ang itsura nito, wala ng tanong-tanong pa, binuhat niya agad si Elyana mula sa kama.Hindi alintana ang kabigatan nito o kahit ang lumagutok na likod niya nang iangat niya ito mula sa kama. Nasalubong niya ang mga nag-aatubling mga kasambahay sa hagdan. Pare-parehong naglalakihan ang mga mata at hindi makapaniwalang mayroo
last updateLast Updated : 2023-03-02
Read more

Chapter 77: Wanting To See Him

Nang matapos magdasal, isang tawag naman ang kaniyang natanggap. "Sabi ko na nga ba may nangyari e. Bigla na lamang akong nagising at parang may kumalabit sa akin," anang ginang matapos mabasa ang mensahe ni Felicity sa kaniya matapos niyang maalimpungatan sa kalagitnaan ng paghimbing."N-Natatakot ako, mother Earth," malumanay na tanong ni Eugene na kahit hindi naman sabihin ni Felicity ang nararamdaman ay alam ng kaniyang ina ang takot na mayroon siya."Gusto mo bang puntahan kita, anak?" tanong ng ginang. Maging siya'y binabagabag ng damdamin."Kahit bukas na lang, Ma. Balik na lang muna po kayo sa pagtulog.""Hindi naman na ako makatutulog nito gayong alam kong may nangyari kay Elyana at sa apo ko."Wala na siyang nakuhang sagot. Ang nadinig niya na lamang ay ang malalim na pagbutong-hininga ng bunsong anak mula sa kabilang linya. Doon siya nagpasyang puntahan na lamang ito kasya ganoon na mag-isa ito sa ospital at hindi alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon. Makalipas ang higit
last updateLast Updated : 2023-03-04
Read more

Chapter 78: Overprotective

Dahil naroon naman na ang mga magulang ni Elyana, nagpasya ang mag-inang Eugene at Felicity na umuwi muna. Sakay sila ng magkaibang sasakyan ngunit iisa ang pupuntahan. Nang nakarating sa kanilang tahanan, hinintay ni Eugene ang kaniyang anak na siya'y lapitan. May nais lamang siyang malaman."Kailan mo balak sabihin, anak?" may pag-aalalang tanong ni Eugene. Isang malalim na pagbuntong-hininga muna ang pinakawalan nito bago sumagot. "I don't know yet, Ma." Bakas sa mukha ang wala pang kasiguraduhang plano ngunit balak naman niyang sabihin iyon dahil wala siyang balak na makulong sa kasinungalingan sa mahabang panahon.Gusto niya ring magabayan ang anak niya. Ang makilala siya nito bilang ama ngunit natatakot pa rin siya sa maaring kahantungan ng kaniyang pag-amin."Alam kong natatakot ka. Ramdam ko, anak. Pero kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Elyana, hindi ako magagalit, baka matuwa pa ako dahil kay gwapo ng ama ng anak ko. Isa pa, kilala ka na ng pamilya niya, alam nilang hin
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more

Chapter 79: Florentin's Confession

Elyana's Point of ViewAfter the nurse announced that my son needed a blood after doc Lilia discovered he has anemia, I immediately thought of seeing him dala ng takot na nararamdaman ko na baka may iba pang problema sa kaniya.Hindi naman emergency case pero mas mainam na rin daw na masalinan ng dugo nang sa ganoon ay hindi na lumala. Anemia can turn to leukemia without proper medical attention at baby pa siya to think of that possible case scenario at ayaw kong mahirapan ang anak ko.Di bale ng ako, h'wag lang siya.Ilang ulit akong kinumbinsi ng mga magulang ko na manatili sa silid at baka bumuka na naman ang sugat ko. I tried to calm pero ang hirap lalo na't hindi ko pa nakikita ang anak ko.Ramdam ko ang kirot ng sugat ko mula sa cesarian section. ngunit mas matindi ang pagnanais kong makita ang anak ko nang sandaling 'yon. Pero wala e, talo ako. Wala akong laban dahil parehong magulang ko ang naroon.Malaki naman ang tiwala ko kay doc Lilia na hindi niya pababayaan ang baby ko. I
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more

Chapter 80: How come?

Felicity's Point of ViewHindi ko magawang makatingin nang diretso kay Elyana matapos ng ginawang kong pag-amin. Naghintay ako ng ng sampal, tadyak o anumang bagay na titipad sa gawi ko ngunit wala naman akong natanggap.Halos tumalon na ang puso ko palabas sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Nangangatog din ang mga tuhod at pinagpapawisan ang magkabilang palad ko, isama na ang kili-kili at singit dala ng matinding takot nang mga sandaling 'yon.Taimtim akong bumubulong ng dasal. Pakiramdam ko'y sisintensyahan na ako at iyon na ang huli kong araw sa mundo. Iba ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano nito nalaman. Kung may nagsabi ba o sadyang hindi lang lang ako maingat. Baka may nagsabing nurse o kaya...Nagpunta kaya si Florentin? Imposible naman kasing sa nanay ko galing ang impormasyon. Maaring si Lilia, pero...hindi rin. Hindi pa iyon ang tamang panahon para roon, ngunit tila may nagsasabi sa isang bahagi ng isip ko na tama lang iyon.Nakapagtataka na wala pa siyang sinasab
last updateLast Updated : 2023-03-10
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status