Felicity's Point of ViewI saw it in her eyes. Hindi nga siya tumawa but I saw how much she wanted to laugh nang sabihin ko sa kaniya 'yon. I swallowed my pride para roon. Para sana matulungan siya sa kakaibang craving niya, but my goodness! Bigla akong nahiya. Kulang na lang magpalamon ako sa sahig o mag-evaporate na lang nang time na 'yon mga bakla. Jusko!Sa totoo lang, nakakahiya talaga. Noong time lang na 'yon ako nakadama nang ganoon klaseng hiya sa buong buhay ko. Bigla ko tuloy natanong ng sarili kung I sounded like a perv kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. I don't know honestly, but it was a shame sa side ko pero thank God I found an excuse nang sabihin niyang the mood was off. "I don't think I still need it right now." aniya. Kita pa rin ang gulat sa kaniyang mga mata."Haha! I-I can't believe that was effective!" I commented. Faking my amusement at sinamahan ko pa ng tawa nang sa ganoon maging epektibo sa paningin at pandinig niya.Gusto kong itago ang awkwardness n
Third-person's Point of ViewHatinggabi na at nagpapahinga na ang lahat sa mansion nang mabulabog sila sa lakas ng sigaw ni Elyana mula sa kaniyang silid. Si Felicity ang unang nakarinig dahil nasa tabi lang ng guestroom ang silid ni Elyana kung nasaan siya natutulog. Kumaripas siya ng takbo na may takot sa diddib. Inisip agad na may masamang nangyari kaya napasigaw ang buntis. "F-Felicity..." mahina nitong tawag sa ngalan ng taong nakita niyang nagbukas ng pinto at agarang pumasok sa kaniyang silid. Namimilipit siya sa sakit. Hindi alam kung saan hahawak, kung sa tiyan ba o balakang dahil tila umiikot ang kirot na kaniyang nararamdaman. Nang makita ni Felicity ang itsura nito, wala ng tanong-tanong pa, binuhat niya agad si Elyana mula sa kama.Hindi alintana ang kabigatan nito o kahit ang lumagutok na likod niya nang iangat niya ito mula sa kama. Nasalubong niya ang mga nag-aatubling mga kasambahay sa hagdan. Pare-parehong naglalakihan ang mga mata at hindi makapaniwalang mayroo
Nang matapos magdasal, isang tawag naman ang kaniyang natanggap. "Sabi ko na nga ba may nangyari e. Bigla na lamang akong nagising at parang may kumalabit sa akin," anang ginang matapos mabasa ang mensahe ni Felicity sa kaniya matapos niyang maalimpungatan sa kalagitnaan ng paghimbing."N-Natatakot ako, mother Earth," malumanay na tanong ni Eugene na kahit hindi naman sabihin ni Felicity ang nararamdaman ay alam ng kaniyang ina ang takot na mayroon siya."Gusto mo bang puntahan kita, anak?" tanong ng ginang. Maging siya'y binabagabag ng damdamin."Kahit bukas na lang, Ma. Balik na lang muna po kayo sa pagtulog.""Hindi naman na ako makatutulog nito gayong alam kong may nangyari kay Elyana at sa apo ko."Wala na siyang nakuhang sagot. Ang nadinig niya na lamang ay ang malalim na pagbutong-hininga ng bunsong anak mula sa kabilang linya. Doon siya nagpasyang puntahan na lamang ito kasya ganoon na mag-isa ito sa ospital at hindi alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon. Makalipas ang higit
Dahil naroon naman na ang mga magulang ni Elyana, nagpasya ang mag-inang Eugene at Felicity na umuwi muna. Sakay sila ng magkaibang sasakyan ngunit iisa ang pupuntahan. Nang nakarating sa kanilang tahanan, hinintay ni Eugene ang kaniyang anak na siya'y lapitan. May nais lamang siyang malaman."Kailan mo balak sabihin, anak?" may pag-aalalang tanong ni Eugene. Isang malalim na pagbuntong-hininga muna ang pinakawalan nito bago sumagot. "I don't know yet, Ma." Bakas sa mukha ang wala pang kasiguraduhang plano ngunit balak naman niyang sabihin iyon dahil wala siyang balak na makulong sa kasinungalingan sa mahabang panahon.Gusto niya ring magabayan ang anak niya. Ang makilala siya nito bilang ama ngunit natatakot pa rin siya sa maaring kahantungan ng kaniyang pag-amin."Alam kong natatakot ka. Ramdam ko, anak. Pero kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Elyana, hindi ako magagalit, baka matuwa pa ako dahil kay gwapo ng ama ng anak ko. Isa pa, kilala ka na ng pamilya niya, alam nilang hin
Elyana's Point of ViewAfter the nurse announced that my son needed a blood after doc Lilia discovered he has anemia, I immediately thought of seeing him dala ng takot na nararamdaman ko na baka may iba pang problema sa kaniya.Hindi naman emergency case pero mas mainam na rin daw na masalinan ng dugo nang sa ganoon ay hindi na lumala. Anemia can turn to leukemia without proper medical attention at baby pa siya to think of that possible case scenario at ayaw kong mahirapan ang anak ko.Di bale ng ako, h'wag lang siya.Ilang ulit akong kinumbinsi ng mga magulang ko na manatili sa silid at baka bumuka na naman ang sugat ko. I tried to calm pero ang hirap lalo na't hindi ko pa nakikita ang anak ko.Ramdam ko ang kirot ng sugat ko mula sa cesarian section. ngunit mas matindi ang pagnanais kong makita ang anak ko nang sandaling 'yon. Pero wala e, talo ako. Wala akong laban dahil parehong magulang ko ang naroon.Malaki naman ang tiwala ko kay doc Lilia na hindi niya pababayaan ang baby ko. I
Felicity's Point of ViewHindi ko magawang makatingin nang diretso kay Elyana matapos ng ginawang kong pag-amin. Naghintay ako ng ng sampal, tadyak o anumang bagay na titipad sa gawi ko ngunit wala naman akong natanggap.Halos tumalon na ang puso ko palabas sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Nangangatog din ang mga tuhod at pinagpapawisan ang magkabilang palad ko, isama na ang kili-kili at singit dala ng matinding takot nang mga sandaling 'yon.Taimtim akong bumubulong ng dasal. Pakiramdam ko'y sisintensyahan na ako at iyon na ang huli kong araw sa mundo. Iba ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano nito nalaman. Kung may nagsabi ba o sadyang hindi lang lang ako maingat. Baka may nagsabing nurse o kaya...Nagpunta kaya si Florentin? Imposible naman kasing sa nanay ko galing ang impormasyon. Maaring si Lilia, pero...hindi rin. Hindi pa iyon ang tamang panahon para roon, ngunit tila may nagsasabi sa isang bahagi ng isip ko na tama lang iyon.Nakapagtataka na wala pa siyang sinasab
Elyana’s Point of View"I suggest you two get married...""D-Dad?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig mula sa ama ko ang mga salitang iyon. Isama pa na nagulat ako sa bigla nilang pagpasok sa loob at mukhang narinig nila ang pag-uusap namin ni Felicity mula sa labas ng saradong pinto.Dad looked at me with a confused look. It seemed he was shocked when I cut his words. He frowned at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Mom na tila naghihintay ng magsasalita sa amin at magpapaliwanag kung bakit at anong mali sa sinabi niya."W-What? What's wrong?" tanong niya at sa akin nahinto ang kaniyang tingin. Mukhang clueless ang ama ko.Hindi ako sumagot dahil obvious naman na that was not a good idea. It was me and Felicity he was talking about. My best friend na mas malambot pa sa akin kung kumilos. He wanted a well-known matchmaker na pakasalan ako, ni wala namang nagyaring physical intercourse sa amin. Our situation was not similar to other na couple sila at nagmamahalan. Felic
Elyana's Point of View Sa wakas, pinayagan na ako ni doktora Lilia na umuwi makalipas ang apat na araw na pamamalagi ko sa ospital. My son wasn't allowed to go home yet that time with us, but knowing his health wasn't at risk anymore, I convinced doc Lilia na sa bahay na lamang si Aquia. I bought an incubator for him and hired his personal nurse na si doktora Lilia mismo ang nanguha. Nagbiro pa siyang dinagdagan ko raw ang trabaho niya but the truth was, mas pinadali pa nga dahil on the way lang ang mansion sa clinic niya kumpara sa hospital na lagpas sa klinika. Eight months na pahinga and no heavy works ang payo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang mabigat na gawain at home. Mom and Dad told me na h'wag ko raw munang bubuhat-buhatin si Aquia lalo na ang ihele siya dahil baka bumuka ang tahi ko sa tiyan. Nabubuhat ko lang ang anak ko kapag nakaupo ako at nagpapadede. Something na noong una mga araw uncomfortable pa para sa akin pero nang lumaon, I felt so connected with my
“Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il
Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s
Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment
Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri
Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu
The next day, sa nursery ako tumambay habang nagbabasa ng libro. Aquia was asleep, kaya nasa kani-kanilang mga gawain ang both parents ko. Busy ako at pagbabasa nang may biglang humarang na bungkos ng mga rosas kung saan nakatutok ang mga mata ko. Damang-dama ko pa naman na rin ang eksena dahil nasa intense part na ang kwento. E kaso may istorbo.I raised my head and saw Felicity. Pinaningkitan ko ng mga mata. Ngingiti-ngiti pa."Isn't lovely? A client gave it to me kanina. Naisip kong iuwi na lang kaysa malanta sa office. If you like, sa'yo na lang," saad nito habang nakataas ang isang kilay at parang naiilang na tumitig sa akin.Na-touch na sana ako na binigyan ako ng flowers. Pero galing pala sa client at dahil manghihinayang, he decided to just give it to me. Ginawa pa yata akong trash can."T-Thank you! Kahit papaano, naalala mo ako," usal ko na medyo tunog sarkastiko pero dedma lang naman ni bakla. "You're welcome!" Patili niyang sagot. Ang sakit sa tainga dahil napakatinis ng
Elyana’s Point of ViewNang nakarating kami sa kusina tatlo, hiyang-hiya ang mga kasambahay sa presensya ng bisita namin. Binati niya pa ang mga ito samantalang hindi na nga sila magkandaugaga nang nakita nila siya. Kahit si Daldalita na likas naman talaga na walang tigil ang bibig ay parang natameme biglaan.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. I didn’t expect they would react like that sa harapan ng nagpapanggap na si Felicity. Sinakyan ko na lang ang trip nila kaysa masabihan pa akong killjoy ng dalawa. Pati si mom todo ang acting pero pasimple ang talikod at tatawa nang mahina. Kuhang-kuha niya ang baritonong boses ni Felix at pati ang kilos. Habang umaarte siya, I couldn't take my eyes of him. Hindi ko na matandaan kung kailan niya huling ginawa iyon. If I was not mistaken, way back high school pa noong huli kong nakitang lalaking-lalaki talaga ang kilos niya at iyong mga panahon pa hindi pa siya naglaladlad.Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kakambal niya kaya ma
Elyana's Point of View The night became so long dahil punong-puno ng kung ano-ano ang isip ko. I was awake until midnight at kahit napakaraming mga bagay na gumugulo sa isip ko, I felt at ease—at peace. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Walang gabi na hindi ko naiisip lahat ng mga problemang pinagdaanan ko. Iyong mga insidenteng halos nagwakas ng puso ko. But look at me, I am still standing, smiling, at sa totoo lang, I felt contented sa anumang mayroon ako sa kasalukuyan. I couldn’t deserve the happiness my son brought me. Buong akala ko noong umalis ako sa England at nagpasyahang magpag-isa na lang dahil it seemed it was my only choice pero hindi pala. May naghihintay pala sa akin na mas maganda and never in a second pinagsisihan ko na umuwi ako sa Pilipinas. Aminado naman akong malaki ang naging papel ni Felicity sa lahat. From start at hanggang sa kasalukuyan nand’yan pa rin siya to stand beside me. Ewan lang sa baklang ‘yon kung aong plano niya sa buhay niya. Hindi na