Hello po! Sa mga nakaabot na po sa chapter na ito, maari po ba akong makahinga po ng honest rating sa inyo? Walang samaan ng loob, hehe. I will appreciate po anumang rating at komento na manggagaling po sa inyo. Marami pong salamat! ♡♡♡
Dahil naroon naman na ang mga magulang ni Elyana, nagpasya ang mag-inang Eugene at Felicity na umuwi muna. Sakay sila ng magkaibang sasakyan ngunit iisa ang pupuntahan. Nang nakarating sa kanilang tahanan, hinintay ni Eugene ang kaniyang anak na siya'y lapitan. May nais lamang siyang malaman."Kailan mo balak sabihin, anak?" may pag-aalalang tanong ni Eugene. Isang malalim na pagbuntong-hininga muna ang pinakawalan nito bago sumagot. "I don't know yet, Ma." Bakas sa mukha ang wala pang kasiguraduhang plano ngunit balak naman niyang sabihin iyon dahil wala siyang balak na makulong sa kasinungalingan sa mahabang panahon.Gusto niya ring magabayan ang anak niya. Ang makilala siya nito bilang ama ngunit natatakot pa rin siya sa maaring kahantungan ng kaniyang pag-amin."Alam kong natatakot ka. Ramdam ko, anak. Pero kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Elyana, hindi ako magagalit, baka matuwa pa ako dahil kay gwapo ng ama ng anak ko. Isa pa, kilala ka na ng pamilya niya, alam nilang hin
Elyana's Point of ViewAfter the nurse announced that my son needed a blood after doc Lilia discovered he has anemia, I immediately thought of seeing him dala ng takot na nararamdaman ko na baka may iba pang problema sa kaniya.Hindi naman emergency case pero mas mainam na rin daw na masalinan ng dugo nang sa ganoon ay hindi na lumala. Anemia can turn to leukemia without proper medical attention at baby pa siya to think of that possible case scenario at ayaw kong mahirapan ang anak ko.Di bale ng ako, h'wag lang siya.Ilang ulit akong kinumbinsi ng mga magulang ko na manatili sa silid at baka bumuka na naman ang sugat ko. I tried to calm pero ang hirap lalo na't hindi ko pa nakikita ang anak ko.Ramdam ko ang kirot ng sugat ko mula sa cesarian section. ngunit mas matindi ang pagnanais kong makita ang anak ko nang sandaling 'yon. Pero wala e, talo ako. Wala akong laban dahil parehong magulang ko ang naroon.Malaki naman ang tiwala ko kay doc Lilia na hindi niya pababayaan ang baby ko. I
Felicity's Point of ViewHindi ko magawang makatingin nang diretso kay Elyana matapos ng ginawang kong pag-amin. Naghintay ako ng ng sampal, tadyak o anumang bagay na titipad sa gawi ko ngunit wala naman akong natanggap.Halos tumalon na ang puso ko palabas sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Nangangatog din ang mga tuhod at pinagpapawisan ang magkabilang palad ko, isama na ang kili-kili at singit dala ng matinding takot nang mga sandaling 'yon.Taimtim akong bumubulong ng dasal. Pakiramdam ko'y sisintensyahan na ako at iyon na ang huli kong araw sa mundo. Iba ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano nito nalaman. Kung may nagsabi ba o sadyang hindi lang lang ako maingat. Baka may nagsabing nurse o kaya...Nagpunta kaya si Florentin? Imposible naman kasing sa nanay ko galing ang impormasyon. Maaring si Lilia, pero...hindi rin. Hindi pa iyon ang tamang panahon para roon, ngunit tila may nagsasabi sa isang bahagi ng isip ko na tama lang iyon.Nakapagtataka na wala pa siyang sinasab
Elyana’s Point of View"I suggest you two get married...""D-Dad?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig mula sa ama ko ang mga salitang iyon. Isama pa na nagulat ako sa bigla nilang pagpasok sa loob at mukhang narinig nila ang pag-uusap namin ni Felicity mula sa labas ng saradong pinto.Dad looked at me with a confused look. It seemed he was shocked when I cut his words. He frowned at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Mom na tila naghihintay ng magsasalita sa amin at magpapaliwanag kung bakit at anong mali sa sinabi niya."W-What? What's wrong?" tanong niya at sa akin nahinto ang kaniyang tingin. Mukhang clueless ang ama ko.Hindi ako sumagot dahil obvious naman na that was not a good idea. It was me and Felicity he was talking about. My best friend na mas malambot pa sa akin kung kumilos. He wanted a well-known matchmaker na pakasalan ako, ni wala namang nagyaring physical intercourse sa amin. Our situation was not similar to other na couple sila at nagmamahalan. Felic
Elyana's Point of View Sa wakas, pinayagan na ako ni doktora Lilia na umuwi makalipas ang apat na araw na pamamalagi ko sa ospital. My son wasn't allowed to go home yet that time with us, but knowing his health wasn't at risk anymore, I convinced doc Lilia na sa bahay na lamang si Aquia. I bought an incubator for him and hired his personal nurse na si doktora Lilia mismo ang nanguha. Nagbiro pa siyang dinagdagan ko raw ang trabaho niya but the truth was, mas pinadali pa nga dahil on the way lang ang mansion sa clinic niya kumpara sa hospital na lagpas sa klinika. Eight months na pahinga and no heavy works ang payo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang mabigat na gawain at home. Mom and Dad told me na h'wag ko raw munang bubuhat-buhatin si Aquia lalo na ang ihele siya dahil baka bumuka ang tahi ko sa tiyan. Nabubuhat ko lang ang anak ko kapag nakaupo ako at nagpapadede. Something na noong una mga araw uncomfortable pa para sa akin pero nang lumaon, I felt so connected with my
Third-person's Point of ViewMatapos ang gabi na maikling nakapag-usap ang mag-ama, hindi maiwasan ni Elyana na hindi paulit-ulit na sulyapan si Felicity habang sila ay nag-aagahan kinaumagahan. Tila naiilang naman ang matchmaker sa tuwing mahuhuli niya nito dahil nasa magkabilang bahagi lamang sila ng mahabang mesa. Nasa kabisera ang ginoo, nasa kanan ng haligi ng tahanan ang kaniyang maybahay habang nasa tabi nito si Elyana nakaupo Katapat ni Felicity ang ginang at nasa kaliwa siya ng ginoo kaya naman bawat sulyap na galing kay Elyana ay kaniya agad na nakikita.Hindi lamang niya magawang makapagtanong dahil kasabay nilang kumakain ang ginoo at ginang ngunit nang sandaling ‘yon, kinakati na siyang kalabitin ito gamit ang kaniyang paa mula sa ilalim ng lamesa. Ilang ulit na niya itong pasimpleng tinataasan ng kilay ngunit hindi naman ito nahinto hanggang sa napansin din ng mag-asawa ang ginagawa ng dalawa. Bahagya siyang natawa. Para tuloy silang mga hibang, mga batang wala pa sa t
Felicity’s Point of View Wala talagang matino sa pamilyang ‘to. Buong akala ko, bibigyan nila ako ng payo sa problema ko. Si mudra na lang sana ang inaasahan ko na seseryosohin nila ako pero… Jusko! Kumain na nga lang kami at binilisan ko na lang. Nakatatampo sila. Nang matapos na nga ako at handa na sa pag-alis, hinabol naman ako ng nanay ko bago pa ako makasakay sa kotse. Napangiti ako nang wala sa oras dahil mukhang iyon na, papayuhan na ako ni mudra. Mahal niya talaga ako at nagawa niya pa akong habulin para lang makausap nang pribado. "Anak, pakidala naman ito sa St. Patrick. Kahit after office na lang para hindi ka maabala.” Mabilis na nabura ang ngiti sa mga labi ko nang marinig kong uutusan lang pala ako. Bagsak ang balikat na tinignan siya at kinuha ang hindi ko napansin na hawak niyang isang sobre. Tanging pagbuntong-hininga na lang ang ginawa ko upang alisin ang pagkadismaya nang mga sandaling ‘yon. Akala ko talaga iyon na. Ang sakit lang mag-expect. “O-Okay, Ma,” mat
Felicity’s Point of ViewPakiramdam ko kahit anong gawin ko at gamiting excuse, hindi ako basta na lang paalisin ni father. Saka isa pa, parang hindi ko rin kayang umalis. Naiisip ko ngang tumakas na lang pero parang may bumubulong sa tainga ko na huwag na huwag ko raw tatangkain dahil malalagot ako kapag bumalik ako sa bahay namin.Parang nagbabanta pa nga sa isip ko. Pakiramdam ko katabi ko lang ang nanay ko na bumubulong-bulong. “Sige lang, Felipe. Subukan mo lang at hahambalusin kita nito!” Ganern habang may hawak na walis-tambo.Malakas talaga ang pakiramdam ko na gawa-gawa lang ni mudra iyong sobre e. Baka talaga walang laman 'yon.Nadala ako ng takot at hiya na rin dahil pari pa naman din ang kaharap ko. Isa pa, kailangan ko talaga ng makakausap nang araw na araw dahil imbyerna sina mudra.Niyaya ako ni father sa mismong simbahan na lang kami. Sumama naman ako nang may kaunti pang pag-aalinlangan ngunit pansin ko na parang kusang humahakbang ang mga paa ko at sumusunod lang sa k