Home / Romance / Miss Misunderstood / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Miss Misunderstood: Chapter 41 - Chapter 50

95 Chapters

Chapter 41: Lies and Secrets

Elyana's Point of View"Anong pakiramdam?" Kalalabas ko lang sa isang silid after my first laser treatment nang bigla namang lapit ni Felicity para usisain ako.Kasama ko siya. Mali pala—pinilit niya akong isama siya nang araw na 'yon.Ang O.A lang ni bakla akala mo kung saan ako pupunta para samahan pa niya. Ewan ba sa baklang 'yon, mula nang lumipat sa mansion dinaig pa niya nanay ko pagdating sa pag-aalaga. Kung bantayan ako e parang may mangyayari sa akin ng masama lagi.Isang linggo ko munang pinagaling mga paso ko bago dinala sa dermatologist. Sariwa pa ang ibang may kalakihan kaya inuna ang maliliit at tuyong-tuyo na. Hindi raw kasi pwede iyong kagagaling lang dahil maaring sariwa pa sa loob."Hindi naman masakit. May anesthesia naman kasi bakla," sagot ko sa kaniya at nilapitan ko na ang lamesa ng secretary para magbayad at nang sa ganoon ay makaalis na kami."Mabuti naman pala," usal niya at mukhang nakahinga na nang maluwag.Kung titingnan, para siyang nanay na tunay na dina
last updateLast Updated : 2022-12-04
Read more

Chapter 42: Christmas Decoration

Third-person’s Point of View Buong biyahe ng dalawa pauwi sa mansion ay balisang-balisa si Felicity. Kinakabahan siya dahil tunay nga ang sinabi ni Florentin na tila may nagmamatyag kay Elyana. Nais niyang tawagan ang binata upang sabihan ito agad at nang sa ganoon ay makagawa sila ng paraan kung paano puprotekyunan ang kanilang kaibigan lalo na’t hindi sila nakatitiyak kung masama ba o mabuti ang ginagawa nitong pagmamatyag sa diborsyada. Habang nagmamaneho, panay ang tingin niya sa side at rear view mirror. Napakabilis ng kilos ng kaniyang mga mata na hindi nakaligtas kay Elyana. "Are you okay?" Nagtanong na ito nang hindi na makatiis. Naguguluhan kasi sa kinikilos ng kaniyang kaibigan dahil hindi mapakali at makapag-focus sa kanila lang dinadaanan. "Y-Yes, I am," mabilis niyang sagot ngunit kapansin-pansin na hindi dahil nautal ito nang magsinungaling. "E bakit parang natatae ka ba? Hindi ka kasi mapakali bakla. Baka mamaya madisgrasya tayo. Pwede namang ako na lang mag-drive
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

Chapter 43: Shopping Gone Wrong

Third-Person's Point of ViewInaantok pa si Florentin dahil madaling-araw na siyang natapos sa kaniyang ginagawa nang nagdaang gabi ngunit pinilit niya pa ring bumangon upang pagbigyan ang hiniling na pabor ni Felicity. May mga ideya na sumagi rin sa kaniyang isip kung anong magandang gawin.Diretso siyang nagtungo sa banyo at paghubad ng suot na damit bago pumasok na sa shower area. Okupado ang isip dahil sa mga ideyang at tinitimbang kung alin ang nararapat na hakbang sa mga iyon. Sa pagbuhos ng tubig sa kaniyang katawan ay bahagya siyang nagitla dahil nakalimutan niyang buksan ang heater at kay lamig ng tubig na bumuhos. Sa kabila niyon, laking-tulong din dahil nagising ang kaniyang buong diwa para makapag-isip ng maayos at makapagpasya kung paano lubos na matutulungan si Elyana.Mabilis siyang naligo at nagsuot ng komportableng pares ng damit dahil tiyak siyang magiging nakakapagod ang kan'yang araw. Makalipas ang ilang minuto, nasa labas na siya ng kaniyang silid dala lamang ang c
last updateLast Updated : 2022-12-12
Read more

Chapter 44: Blackmailed

Third-person's Point of View "Ang damot," naiinis na bulong ni Elyana bago talikuran si Florentin. Nagtatampo at animo'y isang batang kay haba ng nguso dahil hindi pinagbigyan sa kaniyang nais ni Florentin. Magkakaroon na sana siya ng portable coffee machine kung siya ang unang nakakita pero kamalasan lang at hindi. Habang palayo, kinumbinsi na lamang niya ang sarili na baka mayroon sa ibang mall at doon na lang siya bibili ng kaniya. Isa pa ay hindi naman iyon ang kaniyang pakay kaya sila nagpunta sa mall nang araw na 'yon. Masama man ang loob sa binata, ayaw naman niyang magalit sa kaibigan lalo na't lagi itong nand'yan kapag kaniyang kailangan. Gaya din ni Felicity, pero kung si Felicity ang kasama niya nang araw na 'yon at unang nakakita ng portable espresso machine, tiyak na hindi makikipag-agawan sa kaniya ay magpaparaya. Bigla na tuloy na-miss ang bakla. Nag-iisip na siya ng magandang iregalo sa dalawa. Di bale na kung mahal, ang mahalaga sa kaniya ay sa ganoong paraan ay
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more

Chapter 45: The Call

Isang galit na galit na Diane ang naiwan sa pool area matapos siyang talikuran ni Finn, ngunit mas pinili niyang pakalmahin ang sarili. Sa galit, isang hilam na luha ang mabilis na dumaloy mula sa kaniyang kaliwang pisngi na kaniya ring mabilis na pinunasan. Mabigat ang dibdib dahil tila wala pa rin kahit na katiting na pagtingin sa kaniya si Finn kahit ginagawa naman na niya ang lahat upang mahalin nito. Wala na si Elyana, hiniwalayan na siya ngunit parang wala pa rin sa kaniya ang atensyon ng lalaki. Patuloy lang nitong sinasaktan ang puso niya. Kaya niya pang magtiis nang kahit gaano katagal, ngunit ang makitang tila kahit anong paraan ay dehado pa rin siya ay nakapanlulumo naman talaga.Nais niyang maniwala na balang-araw ay magagawa rin ni Finn na mahalin siya. Pagmamahal na higit pa sa pagmamahal na mayroon siya kay Elyana. Bumalik na siya sa loob, dumiretso sa silid at kinuha ang mga gamit. Naisip niyang umalis muna at magpunta sa bukas na club. Nakabibingi kasi sa kaniya an
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Chapter 46: Troubled Mind

"I want her back."Paulit-ulit na naririnig ni Felicity ang mga katagang ito kahit ilang minuto na ang nakalilipas mula nang marinig niya ang pinadala ni Florentin na recording ng pag-uusap nilang dalawa ni Finn.Masaya siyang ipinagtanggol ni Florentin ang kaniyang matalik na kaibigan sa dati nitong asawa ngunit ang ipinuputok ng butchi niya ay ang nais daw nitong gawin. "Want her back? Really? As if Elyana would!" bulong ni Felicity. Hindi na siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil sa Finn na 'yon. Gigil na gigil siya sa lalaki. “Ang kapal!” Napasigaw siya nang wala sa oras dahil sa inis. Sa lakas, narinig ng sekretarya niya na nasa labas lang ng office niya ang desk. Hindi malinaw sa kaniyang pandinig kung ano ang sinabi ng matchmaker na amo ngunit pakiramdam niya ay tinawag siya nito kaya siya nagmadali sa pagtayo mula sa kinauupuan at binuksan ang pinto ng opisina ng amo."B-Boss—" Hindi na niya naituloy dahil nakita niya ang itsura nito. Halos umusok ang ilong at talaga nam
last updateLast Updated : 2022-12-19
Read more

Chapter 47: Got Hit

Felicity's Point of ViewMatapos ang mahabang araw, nakarami rin sa wakas ng natapos na trabaho. Approval na lang mula sa mga clients ang kulang at ang sekretarya ko na ang bahala roon. Tambak na tambak na talaga ang mga files sa opisina ko at naisip kong itago na ang mga iba na mission accomplished na. I wonder kung gaano karami ng mga kliyente ang nabigyan ko ng kapareha. Mukhang ito talaga ang landas na para sa akin, ang maging alagad ni kupido at mapabilis ang kaniyang trabaho sa lupa.'Okay uwian na mga bakla! Makapagpapahinga na ako! Pero wait—muntik ko ng makalimutan na kailangan ko palang balikan ang nanay ko.'Hindi pa papa tapos araw. Tiyak na magagalit sa akin 'yon kapag hindi ko pinagbigyan. Halos isang linggo na rin kasi na hindi ako nakapupunta sa bahay dahil inaalagaan ko si Elyana. Isa pa—magpapasko na. Kailangan ko ng alamin anong gusto nilang regalo para mabili at maibalot na.I quickly packed my things ay lumabas ng office. "Mauna na ako!" paalam ko sa sekretarya k
last updateLast Updated : 2022-12-26
Read more

Chapter 48: It's Finn

Third-Person's Point of ViewKahit nagtataka sa kung sino ang nagmamay-ari ng numero, sinagot pa rin ni Elyana ang tawag sa pag-aakalang si Felicity lamang iyon, na baka na-lowbat ang cellphone kaya nakitawag sa iba.Nakangiti pa siya nang pindutin ang berdeng buton upang sagutin ang tawag makalipas ng ilang segundong pagtitig sa screen ng hawak nitong cellular phone.Maliban sa mga magulang na halos araw-araw niyang kakamustahan ay wala na siyang ibang inaasahang maaring tumawag. Wala pa kasi ang bakla na madalas maaga kung umuwi at kasabay niya kung maghapunan mula nang sa kanila na ito tumutuloy. Isa pang napansin niya ay nagsisimula sa six at three ang numero kaya tiyak na sa Pilipinas iyon at hindi ang mga magulang niyang nasa ibang bansa. "Hello!" May sigla niyang pagbati at pati ang mga mata ay nakangiti.Ang nasa kabilang linya naman ay hindi magkandaugaga nang narinig na ang boses ni Elyana. Hindi niya inaasahang sasagutin nito ang tawag dahil hindi ugali ng kaniyang dating
last updateLast Updated : 2022-12-28
Read more

Chapter 49: His Attempt

10 o'clock sa isang Mexican restaurant ang oras at lugar ang napili ni Elyana. Pinadalhan lamang niya ng mensahe ang dating asawa upang iparating na payag na siyang makipagkita matapos ang pangungumbinsi ni Felicity sa kaniya. Kalakip na ng mensaheng natanggap ng lalaki ang eksaktong address ng nasabing kainan dahil batid naman ni Elyana na walang alam ito sa pasikot-sikot sa Maynila.Pinagdududahan niya ang biglaang pag-iiba ng ihip ng hangin sa di niya maipaliwanag na dahilan. Ang dahilan—tanging sina Felicity at Florentin lang ang may alam. Nagkausap ang dalawa nang pauwi na si Felicity sa mansion. Ipinarating sa kan'ya na muli silang nagkausap ni Finn sa telepono at nakiusap itong ibigay ang numero ni Elyana upang kaniya raw makausap.Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa bago nakumbinsi si Florentin na ibigay ang hinihingi nito. Marami rin siyang nalaman na kusang-loob na isiniwalat ni Finn sa kaniya. Nang marinig ni Felicity ang lahat ay hindi siya agad naniwala sa mga 'yon. Nais
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

Chapter 50: In Between

Elyana's Point of View"How stu—" Hindi ko na nagawang ituloy ang nais kong sambiting salita matapos mabasag ang aking tinig.I bite my lower lip upang pigilan ang panginginig ng aking baba nang sa ganoon din ay hindi kumawala ang isang hagulgol dahil sa bigat ng kalooban ko nang mga sandaling 'yon. Ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Nagbabadya na ang mga luha sa pagpatak at ayaw kong sa lugar na 'yon kung saan maraming tao umiyak.Gusto ko lang umalis sa kinauupuan ko nang sandaling 'yon. Tumakbo palabas ng kainan para iwan na roon ang taong kaharap ko, but my feet seemed so heavy at hindi ko magawang umalis mula sa pwesto ko.'Punta ka na rito, bakla,' mahina kong dalangin. Nilingon ko ang parking area kung saan ko siya iniwan. Palihim na rin akong sumenyas upang puntahan na rin niya ako. "I'm really sorry for what I did. I only did all those to save you from Diane." Naudlot ang luhang sanay papatak na nang sandaling 'yon at napalingon ako pabalik kay Finn.Napataas
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status