Elyana's Point of View"How stu—" Hindi ko na nagawang ituloy ang nais kong sambiting salita matapos mabasag ang aking tinig.I bite my lower lip upang pigilan ang panginginig ng aking baba nang sa ganoon din ay hindi kumawala ang isang hagulgol dahil sa bigat ng kalooban ko nang mga sandaling 'yon. Ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Nagbabadya na ang mga luha sa pagpatak at ayaw kong sa lugar na 'yon kung saan maraming tao umiyak.Gusto ko lang umalis sa kinauupuan ko nang sandaling 'yon. Tumakbo palabas ng kainan para iwan na roon ang taong kaharap ko, but my feet seemed so heavy at hindi ko magawang umalis mula sa pwesto ko.'Punta ka na rito, bakla,' mahina kong dalangin. Nilingon ko ang parking area kung saan ko siya iniwan. Palihim na rin akong sumenyas upang puntahan na rin niya ako. "I'm really sorry for what I did. I only did all those to save you from Diane." Naudlot ang luhang sanay papatak na nang sandaling 'yon at napalingon ako pabalik kay Finn.Napataas
"Bakit mo naman sinabi mga 'yon kay Finn, bakla? Mukhang ginalit mo. Paano kung balikan ka?" sunod-sunod na tanong ni Elyana kay Felicity nang may pag-aalala pagsakay na pagsakay nilang pareho sa sasakyan. Nasa main road na sila nang sagutin ni Felicity ang mga tanong niya. "Ano bang sinabi ko? Totoo naman na nasa mansion ninyo ako nakatira ano! At as a friend, nakikitulog din ako sa kama mo, hindi ba? Wala namang malisya iyon. Kung mayroon sa kaniya, hindi ko na kasalanan pa. My gosh!" mariin niyang sabi at ipinaikot ang mata sa labis na pagkairitang nadarama.Parang ipinagtatanggol pa kasi ni Elyana ang dati niyang asawa at parang ipinalalabas na siya ang mali, na pinalala niya lamang ang sitwasyon pagkatapos niyang ipagtanggol ito sa lalaking 'yon.Kinakabahan din naman siya. Sa dami ng pera ni Finn ay maaring makapag-hire ng hitman para patumbahin siya. Nagawa nga nitong magbayad ng tao para pasundan si Elyana. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay bigla na lamang may humaran
Elyana's Point of ViewDahil gusto kong makasigurong totoo nga na maari pang magkatotoo ang isang sa mga bagay na noonpaman ay pinapangarap ko, nagpasama ako kay bakla sa isang kakilala niyang espesyalista. Dinala niya ako isang Gynecologists sa Pasay kahit na busy siya for fertility test.Hindi niya talaga ako mahindian. Nakakatuwa si bakla na ganiyan siya ka-sweet na kaibigan. Si Florentin, ewan kung nasaan. Hindi pa nagparamdam mula kahapon sa amin. Natatakot yatang magpakita. Hindi naman ako galit sa kaniya. Kung tutuusin nga, gusto ko pang magpasalamat. Napag-alaman ko kasing pinoprotektahan ako ng dalawa. Ayon kay bakla, may inutusan daw si Finn na tao para sundan ako mula pa noong dumating ako sa Pilipinas kaya ayaw niya akong payagan na umalis mag-isa. Lalo na ngayon.Sa pagkakakilala ko naman sa ex-husband ko na ‘yon, hindi niya kayang mananakit ng tao. Hindi siya gaya ng ama niya na walang pakialam sa iba lalo na kung sakit sa ulo niya ang dala. Teka nga—bakit ko pa ba inii
"Felicity, Wake up! Triple na ang doctor's fee na sisingilin ko sa’yo kapag hindi ka pa gumising d’yan. I still have patients outside. Hoy, bayot! Gising na!" Nadatnan kong niyuyugyog ni doktora ang wala pa ring malay na si bakla habang tinatapik ang pisngi nito. Katatapos ko lang nagpalit ng damit at medyo ramdam ko pa ang pamamanhid sa maselang parte ng katawan ko dahil sa anesthesia. It really felt different, para bang wala iyong ano ko. Sounds so silly, but that was how it feels. Halata na sa boses ni doc na naiinis na siya kay bakla. Ako rin naman naiinis. Kung pwede nga lang pagsisipain ko na ang loka-loka dahil sa kalapastanganan niya kanina ay ginawa ko na. Hindi na talaga ako magiging mabait pero kawawa na si doktora. Hindi na alam ang gagawin niya kay Felicity. Hindi naman daw niya pwedeng gumamitan ng ammonia dahil sa tindi ng amoy. Baka makasama sa mga pasyente niyang papasok o sinumang makaamoy sa labas. Tama naman siya dahil sensitibo ang mga pang-amoy ng karamihan sa
Third-person's Point of View Dumaan ang dalawang araw at naging abala nang husto si Elyana sa pagsasaayos ng mga kakailanganing papremyo sa kanilang first-ever Christmas party na tinawag pa ni Daldalita na “Pabulous Night.” Required na magsuot sila ng magara dahil na rin sa hiling nila. Minsan lang daw kasi mangyari kaya lubos-lubusin na anila kaya sinang-ayunan na ni Elyana. Kung saan daw sila masaya, go lang daw siya. Nakapamili na siya ng mga regalo na palihim pa niyang ginawa lalo na ang para sa mga kasambahay na kailangan niya pang maghanap at mag-contact ng iba’t-ibang mga tao para sa courier at ang set ng date kung kailan ipadadala. Bumili na rin siya ng para sa kaniyang matalik na kaibigan na isang fashionable na bag mula sa isang mamahaling brand na tiyak siyang magugustuhan nito. Mayroon din ang buong pamilya ng Martincu at maging si Florentin ay mayroon na rin. Ang sa mga magulang niya ay hindi naman maaring ibalot pero ang susi maari dahil isang yate ang regalo niya s
"Fancy meeting you here, Mr.Generoso," bati ni Diane na binatang kaniyang nilapitan.Halos hindi siya makilala ng binata dahil sa labi nitong namumutok sa kapulahan at tila ba kinagat ng isang malaking langgam. Animo’y suction ang nguso nito na hindi naman ganoon nang huli niya itong makita na kasama si Finn. Hindi pa iyon katagalan.Naalala niyang ipinakilala pa sa kaniya na isa raw kaibigan kahit parang linta kung makakapit ang babae at nang araw na iyon ay isa ring grandiyosong event at kasama pa ni Finn ang kaniya pang asawa noong si Elyana.Pinsadahan niya ito ng tingin. Sa itsura ng babae, hindi niya maiwasan na mag-isip ng katut’wang bagay, “Kapag dinikit ko kaya siya sa salamin, didikit kaya ang nguso niya?” tanong niya sa isip at kulang na lamang ay sundan ng malutong na halakhak. Naiinis siya sa kaharap, alam niyang mapang-asar siyang tao pero nang mga oras na iyon ay pinipigilan niya ang kaniyang bibig na magsalita ng anuman na maaaring ikagagalit ni Diane. Gusto niya lang
Maingay sa loob ng bakuran ng mga Begum dahil sa lakas ng tugtogin na nanggagaling mula sa mga naglalakihang mga speaker na ipinalabas ng ama ni Elyana mula sa Entertainment room nila. May malaking flat screen TV at pares na mikropono na halos pag-agawan ng mga kasambahay para maka-score sa sinet-up na videoke. Lahat kasi ng maka-pe-perfect score ay may isang libong piso na makukuha mula sa kanilang mga amo kaya ganadong-ganado ang mga ito at todo birit ng mga paborito nilang mga kanta. Isang catering service ang naghanda ng pagkain para sa kanila kaya hindi gaanong napagod sa maghapon ang mga kasambahay at matataas pa ang mga energy kahit palalim na ang gabi. Matataas ang mga energy dahil isang oras na lamang at papatak na ang alas dose at magbibigayan na ng regalo. Walang gustong matulog. Lahat sila ay naroon at nakiki-party. Maging ang dalawang guwardiya ay naroon kaya walang bantay sa gate nang may dumating at bumusina. Halos limang minuto na siyang naroon bago niya naisip t
Nang parehong oras ng pagbibigayan ng regalo sa Pilipinas, isang namumutok sa galit naman na si Finn ang sakay ng isang private plane pabalik sa England. Tinapos niya ang event dahil wala naman siyang ibang pagpipilian dahil sa sama ng panahon. Bumalik agad siya sa England upang hanapin si Diane na hindi niya pa rin matawagan ang numero kahit ilang ulit niyang sinubukan.Una niyang pinuntahan ang tahanan ng magulang nito ngunit wala raw ito roon ayon mismo sa tagasilbi ng ama nitong doktor. Sunod niyang tinungo ang kaniyang condo unit at nadatnan niya ang roon at saktong paglabas pa lamang ito ng pinto.“F-Finn…” sambit ni Diane nang kaniya itong natanaw. Kinabahan siya agad nang makita ang tila galit na ekspresyon sa kaniyang mukha malayo pa lamang. Sa kaba ay nahulog ang susi ng kaniyang sasakyan. Yumuko siya upang kunin at sa kaniyang pagtindig ay malapit na si Finn sa kaniya. Alam na niya ang dahilan ng papunta ni Finn roon ngunit nagpanggap siyang walang alam sa bagay na ‘yon.N
“Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il
Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s
Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment
Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri
Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu
The next day, sa nursery ako tumambay habang nagbabasa ng libro. Aquia was asleep, kaya nasa kani-kanilang mga gawain ang both parents ko. Busy ako at pagbabasa nang may biglang humarang na bungkos ng mga rosas kung saan nakatutok ang mga mata ko. Damang-dama ko pa naman na rin ang eksena dahil nasa intense part na ang kwento. E kaso may istorbo.I raised my head and saw Felicity. Pinaningkitan ko ng mga mata. Ngingiti-ngiti pa."Isn't lovely? A client gave it to me kanina. Naisip kong iuwi na lang kaysa malanta sa office. If you like, sa'yo na lang," saad nito habang nakataas ang isang kilay at parang naiilang na tumitig sa akin.Na-touch na sana ako na binigyan ako ng flowers. Pero galing pala sa client at dahil manghihinayang, he decided to just give it to me. Ginawa pa yata akong trash can."T-Thank you! Kahit papaano, naalala mo ako," usal ko na medyo tunog sarkastiko pero dedma lang naman ni bakla. "You're welcome!" Patili niyang sagot. Ang sakit sa tainga dahil napakatinis ng
Elyana’s Point of ViewNang nakarating kami sa kusina tatlo, hiyang-hiya ang mga kasambahay sa presensya ng bisita namin. Binati niya pa ang mga ito samantalang hindi na nga sila magkandaugaga nang nakita nila siya. Kahit si Daldalita na likas naman talaga na walang tigil ang bibig ay parang natameme biglaan.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. I didn’t expect they would react like that sa harapan ng nagpapanggap na si Felicity. Sinakyan ko na lang ang trip nila kaysa masabihan pa akong killjoy ng dalawa. Pati si mom todo ang acting pero pasimple ang talikod at tatawa nang mahina. Kuhang-kuha niya ang baritonong boses ni Felix at pati ang kilos. Habang umaarte siya, I couldn't take my eyes of him. Hindi ko na matandaan kung kailan niya huling ginawa iyon. If I was not mistaken, way back high school pa noong huli kong nakitang lalaking-lalaki talaga ang kilos niya at iyong mga panahon pa hindi pa siya naglaladlad.Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kakambal niya kaya ma
Elyana's Point of View The night became so long dahil punong-puno ng kung ano-ano ang isip ko. I was awake until midnight at kahit napakaraming mga bagay na gumugulo sa isip ko, I felt at ease—at peace. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Walang gabi na hindi ko naiisip lahat ng mga problemang pinagdaanan ko. Iyong mga insidenteng halos nagwakas ng puso ko. But look at me, I am still standing, smiling, at sa totoo lang, I felt contented sa anumang mayroon ako sa kasalukuyan. I couldn’t deserve the happiness my son brought me. Buong akala ko noong umalis ako sa England at nagpasyahang magpag-isa na lang dahil it seemed it was my only choice pero hindi pala. May naghihintay pala sa akin na mas maganda and never in a second pinagsisihan ko na umuwi ako sa Pilipinas. Aminado naman akong malaki ang naging papel ni Felicity sa lahat. From start at hanggang sa kasalukuyan nand’yan pa rin siya to stand beside me. Ewan lang sa baklang ‘yon kung aong plano niya sa buhay niya. Hindi na