"I want her back."Paulit-ulit na naririnig ni Felicity ang mga katagang ito kahit ilang minuto na ang nakalilipas mula nang marinig niya ang pinadala ni Florentin na recording ng pag-uusap nilang dalawa ni Finn.Masaya siyang ipinagtanggol ni Florentin ang kaniyang matalik na kaibigan sa dati nitong asawa ngunit ang ipinuputok ng butchi niya ay ang nais daw nitong gawin. "Want her back? Really? As if Elyana would!" bulong ni Felicity. Hindi na siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil sa Finn na 'yon. Gigil na gigil siya sa lalaki. “Ang kapal!” Napasigaw siya nang wala sa oras dahil sa inis. Sa lakas, narinig ng sekretarya niya na nasa labas lang ng office niya ang desk. Hindi malinaw sa kaniyang pandinig kung ano ang sinabi ng matchmaker na amo ngunit pakiramdam niya ay tinawag siya nito kaya siya nagmadali sa pagtayo mula sa kinauupuan at binuksan ang pinto ng opisina ng amo."B-Boss—" Hindi na niya naituloy dahil nakita niya ang itsura nito. Halos umusok ang ilong at talaga nam
Felicity's Point of ViewMatapos ang mahabang araw, nakarami rin sa wakas ng natapos na trabaho. Approval na lang mula sa mga clients ang kulang at ang sekretarya ko na ang bahala roon. Tambak na tambak na talaga ang mga files sa opisina ko at naisip kong itago na ang mga iba na mission accomplished na. I wonder kung gaano karami ng mga kliyente ang nabigyan ko ng kapareha. Mukhang ito talaga ang landas na para sa akin, ang maging alagad ni kupido at mapabilis ang kaniyang trabaho sa lupa.'Okay uwian na mga bakla! Makapagpapahinga na ako! Pero wait—muntik ko ng makalimutan na kailangan ko palang balikan ang nanay ko.'Hindi pa papa tapos araw. Tiyak na magagalit sa akin 'yon kapag hindi ko pinagbigyan. Halos isang linggo na rin kasi na hindi ako nakapupunta sa bahay dahil inaalagaan ko si Elyana. Isa pa—magpapasko na. Kailangan ko ng alamin anong gusto nilang regalo para mabili at maibalot na.I quickly packed my things ay lumabas ng office. "Mauna na ako!" paalam ko sa sekretarya k
Third-Person's Point of ViewKahit nagtataka sa kung sino ang nagmamay-ari ng numero, sinagot pa rin ni Elyana ang tawag sa pag-aakalang si Felicity lamang iyon, na baka na-lowbat ang cellphone kaya nakitawag sa iba.Nakangiti pa siya nang pindutin ang berdeng buton upang sagutin ang tawag makalipas ng ilang segundong pagtitig sa screen ng hawak nitong cellular phone.Maliban sa mga magulang na halos araw-araw niyang kakamustahan ay wala na siyang ibang inaasahang maaring tumawag. Wala pa kasi ang bakla na madalas maaga kung umuwi at kasabay niya kung maghapunan mula nang sa kanila na ito tumutuloy. Isa pang napansin niya ay nagsisimula sa six at three ang numero kaya tiyak na sa Pilipinas iyon at hindi ang mga magulang niyang nasa ibang bansa. "Hello!" May sigla niyang pagbati at pati ang mga mata ay nakangiti.Ang nasa kabilang linya naman ay hindi magkandaugaga nang narinig na ang boses ni Elyana. Hindi niya inaasahang sasagutin nito ang tawag dahil hindi ugali ng kaniyang dating
10 o'clock sa isang Mexican restaurant ang oras at lugar ang napili ni Elyana. Pinadalhan lamang niya ng mensahe ang dating asawa upang iparating na payag na siyang makipagkita matapos ang pangungumbinsi ni Felicity sa kaniya. Kalakip na ng mensaheng natanggap ng lalaki ang eksaktong address ng nasabing kainan dahil batid naman ni Elyana na walang alam ito sa pasikot-sikot sa Maynila.Pinagdududahan niya ang biglaang pag-iiba ng ihip ng hangin sa di niya maipaliwanag na dahilan. Ang dahilan—tanging sina Felicity at Florentin lang ang may alam. Nagkausap ang dalawa nang pauwi na si Felicity sa mansion. Ipinarating sa kan'ya na muli silang nagkausap ni Finn sa telepono at nakiusap itong ibigay ang numero ni Elyana upang kaniya raw makausap.Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa bago nakumbinsi si Florentin na ibigay ang hinihingi nito. Marami rin siyang nalaman na kusang-loob na isiniwalat ni Finn sa kaniya. Nang marinig ni Felicity ang lahat ay hindi siya agad naniwala sa mga 'yon. Nais
Elyana's Point of View"How stu—" Hindi ko na nagawang ituloy ang nais kong sambiting salita matapos mabasag ang aking tinig.I bite my lower lip upang pigilan ang panginginig ng aking baba nang sa ganoon din ay hindi kumawala ang isang hagulgol dahil sa bigat ng kalooban ko nang mga sandaling 'yon. Ramdam ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Nagbabadya na ang mga luha sa pagpatak at ayaw kong sa lugar na 'yon kung saan maraming tao umiyak.Gusto ko lang umalis sa kinauupuan ko nang sandaling 'yon. Tumakbo palabas ng kainan para iwan na roon ang taong kaharap ko, but my feet seemed so heavy at hindi ko magawang umalis mula sa pwesto ko.'Punta ka na rito, bakla,' mahina kong dalangin. Nilingon ko ang parking area kung saan ko siya iniwan. Palihim na rin akong sumenyas upang puntahan na rin niya ako. "I'm really sorry for what I did. I only did all those to save you from Diane." Naudlot ang luhang sanay papatak na nang sandaling 'yon at napalingon ako pabalik kay Finn.Napataas
"Bakit mo naman sinabi mga 'yon kay Finn, bakla? Mukhang ginalit mo. Paano kung balikan ka?" sunod-sunod na tanong ni Elyana kay Felicity nang may pag-aalala pagsakay na pagsakay nilang pareho sa sasakyan. Nasa main road na sila nang sagutin ni Felicity ang mga tanong niya. "Ano bang sinabi ko? Totoo naman na nasa mansion ninyo ako nakatira ano! At as a friend, nakikitulog din ako sa kama mo, hindi ba? Wala namang malisya iyon. Kung mayroon sa kaniya, hindi ko na kasalanan pa. My gosh!" mariin niyang sabi at ipinaikot ang mata sa labis na pagkairitang nadarama.Parang ipinagtatanggol pa kasi ni Elyana ang dati niyang asawa at parang ipinalalabas na siya ang mali, na pinalala niya lamang ang sitwasyon pagkatapos niyang ipagtanggol ito sa lalaking 'yon.Kinakabahan din naman siya. Sa dami ng pera ni Finn ay maaring makapag-hire ng hitman para patumbahin siya. Nagawa nga nitong magbayad ng tao para pasundan si Elyana. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay bigla na lamang may humaran
Elyana's Point of ViewDahil gusto kong makasigurong totoo nga na maari pang magkatotoo ang isang sa mga bagay na noonpaman ay pinapangarap ko, nagpasama ako kay bakla sa isang kakilala niyang espesyalista. Dinala niya ako isang Gynecologists sa Pasay kahit na busy siya for fertility test.Hindi niya talaga ako mahindian. Nakakatuwa si bakla na ganiyan siya ka-sweet na kaibigan. Si Florentin, ewan kung nasaan. Hindi pa nagparamdam mula kahapon sa amin. Natatakot yatang magpakita. Hindi naman ako galit sa kaniya. Kung tutuusin nga, gusto ko pang magpasalamat. Napag-alaman ko kasing pinoprotektahan ako ng dalawa. Ayon kay bakla, may inutusan daw si Finn na tao para sundan ako mula pa noong dumating ako sa Pilipinas kaya ayaw niya akong payagan na umalis mag-isa. Lalo na ngayon.Sa pagkakakilala ko naman sa ex-husband ko na ‘yon, hindi niya kayang mananakit ng tao. Hindi siya gaya ng ama niya na walang pakialam sa iba lalo na kung sakit sa ulo niya ang dala. Teka nga—bakit ko pa ba inii
"Felicity, Wake up! Triple na ang doctor's fee na sisingilin ko sa’yo kapag hindi ka pa gumising d’yan. I still have patients outside. Hoy, bayot! Gising na!" Nadatnan kong niyuyugyog ni doktora ang wala pa ring malay na si bakla habang tinatapik ang pisngi nito. Katatapos ko lang nagpalit ng damit at medyo ramdam ko pa ang pamamanhid sa maselang parte ng katawan ko dahil sa anesthesia. It really felt different, para bang wala iyong ano ko. Sounds so silly, but that was how it feels. Halata na sa boses ni doc na naiinis na siya kay bakla. Ako rin naman naiinis. Kung pwede nga lang pagsisipain ko na ang loka-loka dahil sa kalapastanganan niya kanina ay ginawa ko na. Hindi na talaga ako magiging mabait pero kawawa na si doktora. Hindi na alam ang gagawin niya kay Felicity. Hindi naman daw niya pwedeng gumamitan ng ammonia dahil sa tindi ng amoy. Baka makasama sa mga pasyente niyang papasok o sinumang makaamoy sa labas. Tama naman siya dahil sensitibo ang mga pang-amoy ng karamihan sa
“Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il
Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s
Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment
Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri
Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu
The next day, sa nursery ako tumambay habang nagbabasa ng libro. Aquia was asleep, kaya nasa kani-kanilang mga gawain ang both parents ko. Busy ako at pagbabasa nang may biglang humarang na bungkos ng mga rosas kung saan nakatutok ang mga mata ko. Damang-dama ko pa naman na rin ang eksena dahil nasa intense part na ang kwento. E kaso may istorbo.I raised my head and saw Felicity. Pinaningkitan ko ng mga mata. Ngingiti-ngiti pa."Isn't lovely? A client gave it to me kanina. Naisip kong iuwi na lang kaysa malanta sa office. If you like, sa'yo na lang," saad nito habang nakataas ang isang kilay at parang naiilang na tumitig sa akin.Na-touch na sana ako na binigyan ako ng flowers. Pero galing pala sa client at dahil manghihinayang, he decided to just give it to me. Ginawa pa yata akong trash can."T-Thank you! Kahit papaano, naalala mo ako," usal ko na medyo tunog sarkastiko pero dedma lang naman ni bakla. "You're welcome!" Patili niyang sagot. Ang sakit sa tainga dahil napakatinis ng
Elyana’s Point of ViewNang nakarating kami sa kusina tatlo, hiyang-hiya ang mga kasambahay sa presensya ng bisita namin. Binati niya pa ang mga ito samantalang hindi na nga sila magkandaugaga nang nakita nila siya. Kahit si Daldalita na likas naman talaga na walang tigil ang bibig ay parang natameme biglaan.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. I didn’t expect they would react like that sa harapan ng nagpapanggap na si Felicity. Sinakyan ko na lang ang trip nila kaysa masabihan pa akong killjoy ng dalawa. Pati si mom todo ang acting pero pasimple ang talikod at tatawa nang mahina. Kuhang-kuha niya ang baritonong boses ni Felix at pati ang kilos. Habang umaarte siya, I couldn't take my eyes of him. Hindi ko na matandaan kung kailan niya huling ginawa iyon. If I was not mistaken, way back high school pa noong huli kong nakitang lalaking-lalaki talaga ang kilos niya at iyong mga panahon pa hindi pa siya naglaladlad.Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kakambal niya kaya ma
Elyana's Point of View The night became so long dahil punong-puno ng kung ano-ano ang isip ko. I was awake until midnight at kahit napakaraming mga bagay na gumugulo sa isip ko, I felt at ease—at peace. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Walang gabi na hindi ko naiisip lahat ng mga problemang pinagdaanan ko. Iyong mga insidenteng halos nagwakas ng puso ko. But look at me, I am still standing, smiling, at sa totoo lang, I felt contented sa anumang mayroon ako sa kasalukuyan. I couldn’t deserve the happiness my son brought me. Buong akala ko noong umalis ako sa England at nagpasyahang magpag-isa na lang dahil it seemed it was my only choice pero hindi pala. May naghihintay pala sa akin na mas maganda and never in a second pinagsisihan ko na umuwi ako sa Pilipinas. Aminado naman akong malaki ang naging papel ni Felicity sa lahat. From start at hanggang sa kasalukuyan nand’yan pa rin siya to stand beside me. Ewan lang sa baklang ‘yon kung aong plano niya sa buhay niya. Hindi na