“ELLA are you okay?” Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Ryc at pagtingin ko ay nasa gilid ko ito at nag-aalalang nakatingin saakin. “Oo nga Ella ayos ka lang? Tulala ka nanaman,” napapikit ako at napailing pagkatapos ay ngumiti sa kanila. “Oo naman! Ayos na ayos lang, wala na kasi akong alak.” Ipinakita ko sa kanila ang malaki kong baso na lalagyan ng beer na siyang iniinom namin. “You drink too much, baka malasing ka.” Tumingin ako kay Ryc at ngumiti sa kaniya. “’Yun nga ang plano sir,” May dumaan na waiter at umorder pa ako ng isa kaya kinuha niya ang walang laman kong baso ay pinalitan ng may laman. “Ella, kanina ka pa nainom. Nakakalima ka na ata,” napatingin ako kay Hilda at umiling sa kaniya na sana pala ay hindi ko na ginawa dahil umikot ang paningin ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpanggap na hindi pa nahihilo. “Hindi pa naman ako lasing, ano na ba ang topic natin?” Kanina nang lumabas ako ng restroom ay sinubukan kong hanapin at sundan ‘yung matand
Huling Na-update : 2022-10-01 Magbasa pa