Hi! Sorry now lang nakapag-update bawi ako Kimmie's! May magbabasa pa kaya sa inyo? Well it's okay! Tatapusin ko pa 'rin ito. Maraming salamat sa inyo!
IPINAKITA saakin ni Hilda ang pinagkukumpulan nila kanina at doon ay nakita ko ang larawan namin kahapon sa mall. Kung hindi mo kami kilala ay talagang mapapagkamalan mo kaming pamilya at muka nga’ng sugar daddy ko tito Franc. “Naniniwala kayo jan?” natatawa kong sabi na ikinatingin nila ng hindi kapanipaniwala saakin. “Bakit? Alam kong alam niyo ang totoo, bakit mag-aabala pa kayo ng panahon para maniwala sa mga sabi-sabi?” nagkatinginan ang mga ito dahil sa sinabi ko at bumalik nalang saaking upuan. Hindi ko naisip na ma-iissue ako ng ganito pero anong pakialam ko? Sa sobrang dami naming problema idadamay ko pa ba ‘yan? “Pero Ella, ‘yan na ang tingin sa’yo ng lahat dito.” Napahinto ako sandali dahil sa sinabi ni Cristy. Kaya naman pala ganon ang tingin saakin ng mga katrabaho namin kanina. Nagkibit balikat nalang ako sa kanila at nginitian sila. “Mas marami pa kaming problema na malala jan, ayoko ng dagdagan pa.” hindi ko na sila pinansin matapos iyon dahil binuhay ko na ang ak
Hindi ko napigilan ang mapasigaw dahil sa sinabi niyang iyon at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi naman ako naka-angal dahil hindi pa ‘rin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. “Ella, tanggap ko na naman na wala akong laban kay boss dahil kita ko na mahalaga ka sa kaniya at ganon ka ‘din sa kaniya. Actually, nakausap ko na nga si R. Nakausap ko siya nu’ng umalis kayo ni Issa, hindi kasi ako mapakali ng araw na ‘yun at doon ko nalaman ang lahat. Unti-unti ay naka-move on naman na ako, kaya nga hindi na kita kinukulit diba? Pero hindi ganon kadali mawala ang pagmamahal ko sa’yo kaya nag pasya ako na umalis na. Itutuloy ko na ang business ko sa ibang bansa.” Napahiwalay ako sa yakap niya at napalo siya sa dibdib niya. “Nakakainis ka!” hindi ko na napigilan ang aking luha. “A-Alam mo pala hindi ka manlang nagsasabi saakin! Edi sana nagpaliwanag ako sa’yo ng maayos! Bakit mo sinarili lahat Reid?! Bakit?!” pinagpapalo ko ang dibdib niya at pilit niyang hinawakan ang magkabila k
NAGISING ako dahil sa dampi-damping halik sa aking pisnge at ang unang sumalubong sa aking paningin ay si Ryc. Ngumiti siya saakin kung kaya hindi ko na din napigilan na mahawa sa ngiti niya na iyon. “B-Bakit ka nandito Ryc?—Arghh…” sinubukan kong bumangon mula sa aking pagkakahiga ngunit sumakit ang ulo ko kung kaya napahawak ako doon. “Are you okay wife?” nag-aalala niyang tanong kung kaya napailing ako at pilit na tinago ang sakit na nararamdaman. “Y-Yes, I’m okay. Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko at maayos na akong nakaupo. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nasa kwarto ako—teka kwarto ko? Paano ako napunta dito gayong ang huling naaalala ko ay hinatid ko si Reid sa bahay nila tapos nakilala ko ang parents niya tapos… Ano ng kasunod? “Paano ako napunta dito?” nakita ko ang pagkunot ng noo nito dahil sa tanong ko na iyon at tumabi sa kinauupuan ko. “Hindi mo ba naaalala ang nangyari wife? Ano ang huli mong naaalala?” ako naman ang napakunot sa tanong niya na iyon.
Dahil sa na-curious ako ay naglakad ako papunta doon at naghanap ako ng switch ng ilaw sa may bakuna ng hallway at hindi naman ako nabigo. Nakita ko ang mahabang daan kung saan sa dulo niyon ay mayroong pinto na tila gawa sa bakal? Naglakad ako papunta doon at nang subukan ko itong buksan ay namangha ako ng kusa itong bumukas. “Welcome Mrs. Isabella Garcia.” Nanlaki ang mata ko ng mayroong biglang nagsalita mula sa loob at kitang-kita ko dito sa may pinto ang maliwanag na loob ng silid na iyon kung saan puro computer ang nasaloob at mga gamit na parang pang experiment. Katulad ito ng secret room ni Ryc sa kaniyang opisina pero ito ay parang laboratory. Napatingin ako sa hallway na dinaanan ko at walang ibang tao doon kaya pumasok ako. Namangha ako sa aking nakikita ngunit biglang sumara ang pintuan at lalabas na sana ako pero muli ay nagsalita ang computer na tinawa akong ‘Isabella Garcia’ wews di pa nga kami kasal. “As of today, the antidote is not yet affecting your body. W
“AKALA ko ba you want to talk to me? Why aren’t you talking?” Nakangisi pa ‘ring sabi saakin ng lol ani Ryc. Ngayon na nasa harapan ko na siya ay parang nagdadalawang isip an tuloy ako kung tama ba na lumapit ako sa kaniya. At isa pa paano niya nalaman na naghihintay ako sa kaniya dito? Ibig sabihin b anito ay may mata siya dito sa loob ng kumpanya ni Ryc? Kaya ‘rin ba naipasok dito sa loob ang katawan ni Amaya dahil iyon ang tinutukoy ni Ryc na kalalakihang nagdala ng katawan ni Amaya sa opisina namin? “Isabella, time is running.” Napakurap ako ng magsalita siyang muli kung kaya huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos. “H-Hindi ko na kailangan ng tulong mo.” Tumalikod na ako sa kaniya upang umalis. Kapag humingi ako ng impormasyon sa kaniya, ibig sabihin lang niyon ay parang niloloko ko si Ryc. Na tumataliwas ako sa kanila at kumakampi sa kalaban. Hindi ko gusto na sumama ang loob saakin ni Ryc kaya hindi tama na hinihintay ko siya doon. “Don’t make me laugh Isabella.
Nanigas ako sa kaing kinatatayuan dahil sa sinabi ni Hilda at maya-maya ay biglang tumawa. “W-Wag kang magbiro ng ganiyan Hilda, hindi bagandang biro ‘yan.” Ngunit imbes na sumagot saakin ay mas lalo lang itong umiyak na siyang ikinatulo na ng luha ko at dali-daling lumapit sa kaniya’t hinawakan siya sa balikat. “H-Hilda nagbibiro ka diba?! Hindi totoo ang sinasabi mo!” sigaw ko sa kaniya ngunit wala akong nakuhang sagot. Maging sila Cristy ay umiiyak na ng malakas, haharapin ko na sana ang tatlo upang magtanong ng mapatingin ako sa screen ng computer at doon ay tuluyan nang nanghina nag aking tuhod na ikinaupo ko sa sahig. “H-Hindi t-totoo ‘yan…” mahina kong sabi. Kitang-kita ko ang headline sa post na nasa screen at unang-una sa list ang pangalan ng family ni Reid, kabilang siya. “H-Hindi totoo ‘yan!” sigaw ko pa at bigla nalamang bumukas ang pinto ng office namin na ikinalitaw doon ni Dexter. Hinanap niya ako at nang makita niya ay nakita ko ang awa sa mata niya. “Pinapatawag
*** NAKATULALA akong nakatingin sa kisame ng kwarto namin ni Ryc habang tumutulo nanaman ang luha ko. Matapos akong kausapin ni Ryc ay hinatid na niya ako pauwi dito sa bahay lalo na at alam niyang hindi ko kakayanin na pumasok. T-Totoo nga. Wala na si Reid. Muli ay napaiyak nanaman ako at hindi alam kung saan ilulugar ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Naaalala ko pa ang huling usap namin, masaya pa kami. Masaya ko pang kausap ang pamilya niya, sina tito at tita, si Riva… B-Bakit nangyayari ‘to saamin? “Ella,” Hindi ko na nilingon ang tumawag saakin dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Hinayaan ko lang na umiyak ako sa aking kinahihigaan hanggang sa maramdaman ko na naupo siya sa aking gilid. “B-Bakit sobrang sakit Nicole? H-Hindi ko kaya… to the point na feeling ko mamamatay na ‘rin ako.” Umiiyak kong sabi sa kaniya. “’Wag mong sabihin ‘yan Ella, ‘wag mong isipin na mamamatay ka na. Sa tingin mo magugustuhan ni Reid ‘yan kung sakali?” napatingin ako kay Nicole dahil doo
Napapikit ako at napailing dahil doon at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. “Hindi pa ba kayo nadala sa mga babaeng tinanggal ko?! Hindi pa ba halata sa inyo na si Ella Garcia ay hindi basta-basta employee lang dahil asawa ko siya!” Hindi na ako nagulat ng sabihin niya ang totoo sa mga ito. Mukang ito na nag tamang oras para malaman nila na asawa ako ni Ryc—er di pa naman official pero parang ganon na nga. “At ang tanong negosyante na na-issue sa kaniya sa mall ay tito namin iyon! Siya si Franc, ang ama ng matalik na kaibigan ni Isabella! Si Issa! Ang batang kasama niya ay ako ang ama!” Napatingin ako kay Ryc dahil sa sinabi niyang iyon, hindi ko akalain na sasabihin niya ‘din na anak namin si Issa. Kitang-kita ko ang gulat sa muka ng mga taong nasa paligid namin lalo na si Emma na nasa tabi ko. Nagtagpo ang mata namin ni Ryc at muli ay natigilan ako ng makarinig ako ng sigaw saaking isip kung kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo palabas. Wala akong pakialam ku
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya