Napapikit ako at napailing dahil doon at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. “Hindi pa ba kayo nadala sa mga babaeng tinanggal ko?! Hindi pa ba halata sa inyo na si Ella Garcia ay hindi basta-basta employee lang dahil asawa ko siya!” Hindi na ako nagulat ng sabihin niya ang totoo sa mga ito. Mukang ito na nag tamang oras para malaman nila na asawa ako ni Ryc—er di pa naman official pero parang ganon na nga. “At ang tanong negosyante na na-issue sa kaniya sa mall ay tito namin iyon! Siya si Franc, ang ama ng matalik na kaibigan ni Isabella! Si Issa! Ang batang kasama niya ay ako ang ama!” Napatingin ako kay Ryc dahil sa sinabi niyang iyon, hindi ko akalain na sasabihin niya ‘din na anak namin si Issa. Kitang-kita ko ang gulat sa muka ng mga taong nasa paligid namin lalo na si Emma na nasa tabi ko. Nagtagpo ang mata namin ni Ryc at muli ay natigilan ako ng makarinig ako ng sigaw saaking isip kung kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo palabas. Wala akong pakialam ku
NAGISING ako dahil sa mumunting pag-uusap ng nasa paligid ko. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at doon ay nakita ko ang madilim na paligid na kung saan ang kinalalagyan ko lang ang tanging maliwanag. Sinubukan kong aninagin ang taong nag-uusap sa isang parte ngunit tanging anino lang nila ang nakikita ko. Anong nangyari? Sinubukan kong galawin ang kamay ko ngunit doon ko lang narealize na hindi ko iyon maigalaw dahil nakatali ito sa likod ko. Nagsimula na akong kabahan dahil doon lalo na at sunod-sunod na bumalik ang huling nangyari bago ako mapunta dito. Ang taong mga kumuha saakin, ang pagtakbo ko papalayo sa kumpanya ni Ryc dahil sa muntik ko nang pagsaksak sa kaniya gamit ang ballpen. “Gising na pala ang princessa.” Kusang napahinto ako sa pag-iyak sa pagkaka-alala sa muntik ko ng pagsaksak kay Ryc ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. Lumabas ang dalawang kalalakihan mula sa dilim at sa itsura palang nito ay halata mo ng nakakatakot dahil ang lalaki ng katawan nila at
INABOT sila ng isang oras sa paghahanap bago nila tuluyang mahanap ang kinalalagyan ni Isabella at ang nakahanap niyon ay si Ren. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil doon at nagsimula nang magpalano kung paano nila makukuha si Isabella. “Labas lang ako sandali.” Paalam ni Kim sa mga ito at dahil busy sila sa paghahanda ay hindi nila napansin na kasama ni Kim sa paglabas si Ren. Pinuntahan ng dalawa kung nasaan sila Issa na kasama ang magulang ni Nicole. Sila kasi ang nagbabantay sa bata habang sila ay busy sa pag-rescue kay Isabella. “Kim! Kumusta? Nahanap niyo na ba si Isabella?!” nag-aalalang tanong ni Rose at lumapit dito. Inalalayan ‘din ni Frank si Issa na lumapit sa dalawa. Ngumiti si Nicole kay Rose at tumango. “Yes tita, nahanap na namin si Isabella.” Nakahinga ng maluwang ang mag-asawa dahil doon at nagtatalon naman sa tuwa si Issa. “Kaso may problema po,” singit ni Ren na ikinahinto ng tatlo sa pagdiriwang. “Ano ‘yun?” kunot noong tanong ni Frank. “Ito po,” nanlaki ang mata n
(FLASHBACK SCENE TO THEIR PLANS *Hot night Twenty-Five PART TWO*) “A-ANO?” Hindi makapaniwalang sabi ni Isabella na ikinatayo pa niya habang nakatingin sa kaniyang ate Kim. “G-Gusto mo na barilin ko si Ryc? H-Hindi magandang biro ‘yan ate.” Iling na sabi niya dito ngunit tinignan lang siya ni Kim ng seryoso. Maging ang iba nilang kaibigan ay nabigla sa isinawalat ni Kim kung kaya pare-pareho silang natahamik. “’Yun ang paraan Isabella, at isa pa hindi naman talaga tatama sa kaniya ang bala dahil may panangga siya sa loob. Fake lang ang lahat at kailangan ay galingan niyong umarte.” “Kahit na ate! Bala ‘yun at sa dibdib pa mismo! Paano kung hindi gumana? Paano kung hindi na magising si Ryc dahil sa kagagawan ko?!” hindi na napigilan ni Isabella ang maiyak dahil doon habang si Ryc naman ay hinila ang babae pabalik sa kinauupuan nila at niyakap ito. “Wife gawin mo please?” gulat na napatingin ito kay Ryc. “W-What?! I can’t Ryc! Hindi ko kaya na isugal ang buhay mo! Ibang paraan nal
“WOW! Ang ganda naman po dito mommy, daddy! Look! White sand!” Napangiti si Isabell at Ryc na magkatabi habang pinagmamasdan si Issa na tumatakbo pauna sa kanila. “Parang nakawala sa hawla ah?” natatawang sabi ni Nicole. “Issa love’s beach alam niyo ‘yan.” Sagot ni Isabella habang nakangiti. Nagsimula na silang maglakad papasok at tinawag na ‘din si Issa upang makapag-ayos na sila ng gamit. Hindi naman pwede na basta-basta nalang silang maligo kaagad dahil galing pa sila ng byahe. Ilang araw na ‘rin ang nakakaraan magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila at ni Lord Franklin. Siniguro talaga ni Ryc na hindi na makakawala pa ang tiyuhin, alam niya na maaaring kunin ito ng kaniyang lola at lolo kung kaya pinabantayan niya ito sa lugar na hindi alam ng kahit na sino. Sa nakalipas na araw ay pinagplanuhan na nila ang pagpunta dito sa beach, sa palawan. Dahil na ‘rin matagal na iyong gusto ni Issa ay iyon agad ang sinabing lugar ni Isabella na ikinasangayon naman nila. Silang pa
ISABELLA MATAPOS mag propose saakin ni Ryc ay nagkaroon kami ng salo-salo sa tabi mismo ng dagat. Mayroon pala silang hinandang mga table sa gilid na hindi ko napansin kanina. Masyado kasing okupado ang utak ko ng sayang nararamdaman ko. Magkasundong magkasundo sila ngayon ng utak ko dahil finally ay ikakasal na kami ni Ryc. “Hey, wife.” Napalingon ako sa tumawag saakin at agad na napangiti. Nag-excuse kasi muna ako sa kanila para maglakad sa tabing dagat habang tinitignana ng sing-sing. Hindi pa ‘rin kasi ako makapaniwala. “Happy?” ngiti niyang tanong at niyakap niya ako mula sa likuran. Hinawakan ko naman ang kamay niya saaking tiyan at sumandal sa kaniya. “Sobrang happy. Bakit mo naisipan na mag-propose saakin ng biglaan huh? Napaiyak tuloy ako.” Natawa siya sa reklamo ko kaya napa-pout nalang ako. “Kung hindi kita bibiglain edi hindi na surprise diba? Gusto ko na maging memorable sa’yo ang pag-popropose ko. I think nagaw ako naman.” Napapikit ako sa sinabi niya at hindi nalam
“H-Hindi ko alam hija, basta bigla nalang nawala si Isabella. Tingin nga namin ay dinukot siya, sinaktan ka ba nila anak?” baling na tanong niya saakin at agad akong umiling. “Hindi po! Ang bait saakin nila mama at papa.” Agad kong dipensa na ikinangiti nito saakin. “Patawarin mo ako kung ngayon lang ako, hindi ka agad nahanap ng mga tauhan ko.” umiling ako sa kaniyang sinabi. “Okay lang po ‘yun mommy. Ang mahalaga ay ayos na po tayo ngayon at magkakasama na ‘din tayo sa wakas.” ***NANDITO kami ngayon sa hotel room namin upang magdiwang. Bukod sa engaged na kami ni Ryc ay nahanap ko na ‘din ang totoong mommy ko kaya nag-iinom kami ngayon. Si Issa naman ay nakatulog na sa kwarto dahil na ‘rin ang kulit nito kaninang umaga ay nakatulog ito agad. Nagpaalam ako sa kanila sandali para i-check kung natutulog ba ng maayos si Issa. Nang masiguro kong okay lang naman ito ay lumabas na ako. Pabalik na sana ako sa sala kung nasaan sila ngunit napahinto ako ng makita ko sa may terrace si Lea
DALAWANG linggo na ang nakakalipas magmula nang ipakilala ni Ryc si Isabella at Issa sa buong mundo. Simula niyon ay marami na ang nakakilala sa kanila pero kahit na ganon ay tinanggap pa ‘rin sila ng mga tao lalo na at malapit na ang kasal nila ni Ryc. Marami ang nag-aabang at gustong makapanood ng kanilang napipintong kasal. Ngunit sa nakalipas na mga araw ay mayroong kakaibang napapansin si Kim sa nagpakilalang tunay na ina ni Isabella. Iyon ang dahilan kung bakit ginusto niya na makausap si Ryc ng sarilinan lamang sa isang tahimik na lugar. “What it is Kim?” takang tanong ni Ryc nang makapasok sila sa loob ng office ng lalaki. Tumingin muna sa paligid si Kim para makasiguro na walang ibang tao bago siya tuluyang nagsalita. “’Yung mommy ni Isabella, tingin ko hindi siya ang tunay na ina niya.” Seryoso nitong sabi habang nakatingin ng deretsyo sa mga mata nito. “Are you sure? Or are you saying this because you cannot help but to get jealous?” “What?” hindi inaasahan ni Kim
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya