*** “BYE sir! Bye Ella! Ingat po kayo!” Hindi ko alam kung nangitian ko ba sila nang magpaalam kami sa isat-isa. Pero ang alam ko lang ay matapos sabihin ni Ryc ang pangalan ng anak namin ay tumahimik na ang table at wala nang muling nagsalita pa. Hindi na ‘rin binitawan ni Ryc ang kamay ko kaya tinutok ko nalang ang sarili ko sa pag-inom ng alak at eto nga ako ngayon nahihilo na. Alam kong gusto nila akong tanungin ng tanungin lalo na tungkol saamin ni Ryc pero hindi nila ginawa. Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan at muling paghawak ni Ryc sa aking kamay. Wala muling nagsalita saaming dalawa. Napakatahimik, nakakabinging katahimikan ngunit mas okay na siguro ‘yun dahil pareho kaming malalim ang iniisip. Naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa higaan ko at mayroong nagtatanggal ng sandals ko. Ganoon ba ako ka-occupied para hindi malaman kung ano nang ginagawa ko? O sadyang lasing na ako? Feeling ko ay pagod na pagod ang katawan ko, gusto ko nalang matulog at kalimutan ang
“ELLA may anak ka?” Napatingin ako sa nagtanong at nakita ko ang nagtatakang muka ni Helen habang may bitbit na tray ng pagkain. Nasa likod nito sila Leandro na nagtataka ‘ring nakatingin kay Issa. I’m too stunned to answer that question. “Yes po! Anak niya po ako! Ang pangalan ko po ay Issa, Issa Garcia!” napakurap ako’t nabaling ang tingin ko kay Issa ng magsalita ito. “Issa, what are you doing here? Hindi allowed ang bata dito.” Hinawakan ko ang isang braso niya upang kahit papaano ay mahiwalay siya saakin. “Hindi niyo po ba ako miss mommy?” natigilan ako ng makita ko ang naiiyak nang mata nito kaya agad kong binaba ang tray sa may lamesa at nakaluhod na hinarap siya. “Of course, I miss you, but mommy have to work. You know that right? It’s for your future,” palihim akong tumingin kay Leandro na natatawa na malamang dahil sa pinagsasabi ko. Bigla akong niyakap ni Issa na ikinatigil ko. Nag-aalala ako sa mga matang nakatingin saamin ngayon ngunit ng maramdaman ko ang yakap
BUONG hapon kami nasa loob ng secret room ni Ryc at nalaman ko na galing na pala doon si Issa dahil doon siya dinala ni Ryc noong hinahanap pa nila ako. Sinubukan kong magtanong kay Issa tungkol sa nakaraan namin at kung sakaling totoo ba ang sinasabi ng matanda ngunit hindi ito sumasagot. Hindi ko na naman siya pinilit dahil bata pa siya. Natutulog na si Issa sa sofa nang dumating si Ryc, masyado kasing bibo ang anak ko kaya ayun napagod at nakatulog. Sabagay anong oras na ‘din kasi, pasado eight na ata. Nakakain na kami ewan ko lang si Ryc, pero sana kumain na siya. “Ako na ang magbubuhat sa kaniya,” tumango lang ako sa sinabi niya at lumabas na kami doon. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Ryc. Maayos naman kaming dalawa pero hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba kay Ryc. Nang makalabas kami ng office niya ay naabutan namin doon si Dexter na naghihintay. “Dex, may problema ba kayo ni Ryc? Sa organization? Kakaiba kasi siya ngayon.” Nilingon ako ni Dexter at ngumiti
NAPAILING ako dahil sa sinabing iyon ni Amaya. “W-Wag kang magsalita ng ganiyan Amaya.” Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit mas hinigpitan niya lang ang kapit doon. “M-Maniwala ka saakin Ella! Hindi ba nawala ang ala-ala mo? Katulad ‘din kita Ella, katulad ‘din kita!” tulyan na akong napatayo dahil sa takot sa kaniya. Napatingin ako sa kape na nasa ibabaw ng lamesa at kinuha iyon. “A-Amaya kung ano man ang nangyayari sa’yo ay sana maging maayos ka na.” tumalikod na ako upang umalis ngunit hinawakan niya ang aking braso at halos tumayo ang balahibo ko ng magsalita siya sa gilid ng aking tenga. “Hindi kayo kasal ni Ryc, Ella. Niloloko ka lang nila mula simula. Pero bakit nga ba? Kailangan mo ng ibalik ang ala-ala mo bago pa man mahuli ang lahat.” Dali-dali akong lumabas ng coffee shop pagkasabi niya niyon at walang lingon akong tumakbo pabalik sa kumpanya. Nang nasa loob na ako ng elevator ay napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. A
Mabilis pa sa alaskwatro na tumakbo ako papunta sa gawi nila Ryc at Dexter upang pigilan si Amaya. Hinarang ko ang sarili ko sa gilid ni Ryc at hinawakan ang magkabilang balikat ni Amaya dahilan upang hindi niya matuloy ang pagsaksak kay Ryc. “A-Amaya! Anong ginagawa mo?!” naiiyak kong sigaw sa kaniya at ang kaninang walang buhay niyang mata ay napalitan ng takot at pangamba. Anong nangyayari sa kaniya? “E-Ella? T-teka… H-Hindi…” tumingin siya sa kamay niyang nanginginig kung saan nabitawan niya ang ice pick na may dugo. M-May dugo? “Kyahh!” “Ella!” “Nasaksak siya!” “E-Ella h-hindi ko sinasadya!” Napatingin ako kay Amaya na mabilis na umalis sa kaniyang kinalalagyan at tumakbo. “Fvck! Habulin mo Dexter!” naramdaman ko ang paghawak saakin ni Ryc sa magkabila kong balikat at hinarap ako sa kaniya. “W-Wife bakit mo sinalo?!” ngumiti ako sa kaniya at umiling. “Nasa harap tayo ng maraming tao Ryc, ‘wag mo akong tawaging wife. At isa pa mababaw lang naman ang sugat ko.” “An
“E-ELLA alam ko ang tungkol sa inyo ni Mr.Garcia. A-Alam ko ‘din na isa siyang mafia. Layuan mo siya Ella, lumayo ka sa kaniya dahil nasa panganib ang buhay mo.” “M-Maniwala ka saakin Ella! Hindi ba nawala ang ala-ala mo? Katulad ‘din kita Ella, katulad ‘din kita!” “E-Ella h-hindi ko sinasadya!” NAPAPIKIT ako ng mariin dahil sa pagbalik ng mga ala-ala ko tungkol kay Amaya. Hindi ko akalain na ganoon ang kahihinatnan niya. After ng ilang araw na hindi namin pagkikita at hindi ko pagpasok sa trabaho ay talagang masasaktuhan pa kung kailan ako pumasok at talagang sa upuan ko pa siya nawalan ng buhay. Anong nangyari sa kaniya? Noong nasaksak niya ako ay para siyang wala sa sarili na biglang natauhan ng makilala ako. Ano bang nangyari Amaya? Bakit ka tila takot na takot? Bakit ka nalang biglang namatay? Bakit sa table ko pa mismo? ‘Ella…’ Napatakip ako sa aking magkabilang tenga ng marinig ko ang boses ni Amaya. “Ella…” “H-Hindi! Layuan mo ako!” hindi ko na napigilan ang sumig
HUMIWALAY siya saakin ng kaunti at hinawakan ang aking balikat na lalong nagpatayo sa aking balahibo. “I’m warning you Isabella,” binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti pagkatapos ay humakbang na palayo saakin ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay nagsalita ako. “B-Bakit naman ako maniniwala sa’yo?” napatigil siya sa paghakbang at lumingon saakin. “Dahil ako lang ang nakaka-alam ng lahat Isabella. Kung may tanong ka ay ako ang hanapin mo. I know everything about you.” Napailing ako sa sinabi niya at napaatras ng napalitan ng ngisi ang kaniyang ngiti. Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad papunta sa dulo nitong hallway. Teka saan siya dadaan samantalang andoon ang elevator sa kabila? Saan nga ba siya dumaan? Nasa loob ‘din siya ng stock room kanina? Siya ‘din kaya ‘yung feeling ko nakasunod saakin? Sinusundan niya ba ako? “Ella!” “Ay kalabaw!” nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko doon ay nakita kong kalalabas lang ni Hilda sa elevator at p
ISANG linggo na ang lumipas simula nang pumunta si Ryc sa apartment ko at nanatili kaming dalawa na magkasama. Hindi ako pumasok kinabukasan nu’n at ganon ‘din siya. Hindi kami lumabas ng bahay basta maghapon lang kaming nag-bonding na dalawa. Para saakin iyon na ang pinakang masayang araw ng buhay ko. Sa sumandaling oras ay nakalimutan naming dalawa na mayroon kaming malaking problema na dapat kaharapin. How I wished that would last forever, but it’s not. Hiram na sandali lang iyon para saaming dalawa ni Ryc dahil ngayon nga ay bumalik na ulit kami sa dati. Siya sa pagiging CEO ng Motorific Company, ako naman bilang nagpapanggap na employee niya. Maayos naman ang mga nakaraang araw, walang gulo. Uwian na nga pala ngayon, wala si Leandro dahil busy ‘daw siya’t mayroon na silang nakuhang clue sa pagkamatay ni Amaya. Aalamin ko nga iyon pero hindi pa sa ngayon. “Mommy!” Napatigil kaming lima sa paglalakad ng makarinig kami ng malakas na boses ng isang batang babae. Pagtingin ko s
ISANG buwan ang lumipas at nasa simenteryo sila ngayon upang bisitahin ang puntod ni Grace at ng anak nito na si Mark sa pangunguna ni Yvonne. Hindi niya pa ‘rin maitatanggi na ina niya si Grace kung kaya dinalaw nila ito. “Mommy, kung ano man ang ginawa niyo saamin ay sana maisip mo na mali ang lahat ng iyon. Hindi ko masasabi kung mapapatawad ka namin pero sigurado naman kami na si God na ang bahala doon. Time will heal our wounds mommy.” Hinagod ni Richard ang balikat ng asawa dahil naiiyak nanaman ito. Kasama nila ngayon sina Ryc at Isabella, Dexter at Nicole, Leandro at Glaiza, si Parker at ang magulang ni Isabella na hawak si Issa. Maayos na nag lagay ni Vienna ngayon hindi katulad noong isang buwan na halos hindi siya makatayo dahil sa pag-opera sa kaniya. Isang buwan na ‘din nag lumipas magmula ng matapos ang gulo sa pagitan nila ng lola ni Ryc ay bumalik na sa ayos ang lahat. Napatunayan na si Grace at Mark ang may kagagawan ng illegal business ni Parker na matagal na ni
Natahimik ang buong paligid dahil sa eksenang nasa harapan. “M-Mama! Mark! Ano ito?!” kunwaring natatakot na tanong ni Isabella habang hawak ang balikan ng lalaki. Napuno na ‘din ng bulungan ang paligid dahil sa pag-aresto ng mga ito. “Sumama nalang kayo para wala ng gulo.” Hinawakan na sila ng mga pulis sa kanilang braso ngunit nagpumiglas si Mark. “H-Hindi! Hindi niyo kami pwedeng kunin!” “’Wag na po kayong lumaban para walang gulo.” Kalmadong sabi ng mga pulis. “Mommy ngayon na!” ngunit nagulat sila ng kalabanin sila ng mag-ina at sinuntok sa muka ang dalawang pulis. Agad na naglabas ng baril ang mga pulis na ikinatili ng mga tao sa paligid habang si Mark at Grace ay mabilis na kinuha si Isabella at May. “Kyahh!” tili ng mga tao sa paligid at nagsimula ng tumakbo palabas. “Subukan niyong sumunod papatayin namin ang dalawang babaeng ‘to!” mayroon ng baril na nakatutok sa ulo ni Isabella at May kung kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang hayaan ang mga ito. “Isabella!” sig
NGAYON ang araw kung kailan ipakikilala ako ni Mark bilang asawa niya. Nasa loob kami ngayon ni ate May at inaayusan ng kung sino. Parang bumalik tuloy saakin ang araw na ibebenta kami ni ate May lalo na at pula ang suot ko habang si ate May ay naka-itim na dress kung saan kitang-kita ang malaki niyang tiyan. Panaka-nakang tingin ang binibigay namin sa isa’t-isa dahil alam namin na iyon na ang araw para kumawala kay Mark. Maayos ang plano namin ni ate May at sana lang ay gumana iyon mamaya. Maayos na nakapune ang buhok ko na pa-bun habang si ate May naman ay nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot. Bagay na bagay sa kaniya, feeling ko tuloy babae ang baby ni ate May dahil sa pagkablooming niya. Ganoon kasi ang sabi nila, kapag blooming ang nagbubuntis ay babae ‘daw. Ako naman ay wala pa atang dalawang buwan ang tiyan ko, hindi ko ‘din alam dahil wala pa akong check-up. “Wow! Ang gaganda niyo namang dalawa!” napalingon kami sa nagdalita at pumasok si Grace, ang lola ni Ryc. No
ISABELLA “ATE May wala na si Mark. Pwede na tayong tumakas!” Yugyog na tawag ko kay ate May nang makapasok ako sa kwarto nila ni Mark. Ilang araw na ang nakaraan magmula nang magpanggap kami na gumana ang tinurok saamin ni Mark. Ang totoo kasi niyan ay simpleg tubig lamang ang inilagay ni ate May sa syringe na mabuti nalang dahil maging siya ay tinurukan ni Mark. Nalaman ko na aware siya sa gagawin ni Mark at wala siyang magagawa kundi sundin ang lalaki dahil mahal niya ito. Marami na siyang na kwento saakin, kung anong nangyari sa kaniya matapos naming mapag benta hanggang sa mapunta siya sa puder ni Mark at sa batang nasa sinapupunan niya. Sa kaniya talaga ako nag-aalala dahil mukang mababa ang kaniyang tiyan ibig sabihin maaaring may mangyaring masama sa anak niya. Hindi ko siya masisisi, sobrang dami niyang stress kay Mark. Samahan mo pa na nagdadala ng babae si Mark, kanina nga lang ay nakita ko siya na may ka-make out sa sala. Doon ko ‘din narinig ang pakikipag-usap nito
“KANINA pa kita hinihintay Mark, nasaan ka na ba?” Naiiritang sabi ni Grace sa telepono habang kausap ang kaniyang anak. Matapos niyang mahuli si Parker ay itinali niya ang kamay nito sa habang nasa-upuan at agad na sinabihan ang anak na sunduin sila doon upang magtago. Alam niya kasi na hahanapin ito ng apo niya si Ryc kaya kailangan niyang gamitin ito laban sa kanila. “Mommy, wait, okay? May inaasikaso pa ako dito.” “Ano bang inaasikaso mo?! Babae?! Punatahan mo na ako dito ngayon ‘din!” pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang tawag at inis na nilingon si Parker na nakapikit habang nakasandal sa kinauupuan nito. “Bakit kalamado ka lang?! Anong pinaplano mo?!” Napadilit ang lalaki dahil sa sigaw ng kaniyang asawa. Nang makita niya ang muka ni Grace ay hindi niya akalain na ang babaeng lagi niyang kasama ay magagawa iyon sa kaniya. Bumabalik sa kaniyang isipan na parang isinugal niya ang sariling mahal na si Tiffany para lang makasama niya ang isang sinungaling na si Grace.
“AALIS ka sweetheart?” Napalingon si Grace kay Parker ng pumasok ito sa kailang kwarto. Ngumiti siya dito at inayos ang kaniyang bag. “Oo, sweetheart. Alam mo namang matagal ko ng hindi makikita ang mga amiga ko. Nang malaman nilang nandito ako nag arrange agad sila ng schedule ngayon. Nakakahiya naman kung tatangihan ko eh.” Ngumiti si Parker at lumapit sa asawa pagkatapos ay hinalikana ng ulo nito. “Sige, basta mag-iingat ka, okay? Ilang oras ka ba doon? Iintayin kita,” napatingin si Grace sa kaniyang orasan at nagsalita. “Siguro after five hours, alam mo naman ‘yung matatandang ‘yun.” “Nagsalita ang hindi matanda,” natawa sila pareho dahil sa kanilang kakulitan at nagpaalam na si Grace. Naiwan mag-isa si Parker na napapangiwi dahil sa kaniyang pagpapanggap na ginagawa. Binuhay niya ang kaniyang laptop at nag send ng email kay Issa. “Pupunta na ako after an hour…” ***NAGHIHINTAY si Parker sa isang restaurant sa loob ng mall na kanilang napa-usapan. Ang buong akala niya ay s
“KAILANGAN mo lang pala ng pahinga sweetheart, bakit ka ba na-stress? Anong iniisip mo huh?” Hindi nakasagot si Parker sa sinabi ni Grace. Hindi naman niya magawang sabihin dito ang totoo dahil hindi pa siya handa na kumprontahin ito sa kaniyang mga nalaman. Gusto pa niya ng patunay, gusto pa niyang malaman ang totoo. “Tungkol ba ito sa pagbitaw natin sa negosyo?” napahinto si Parker sa sinabi ni Grace. “Sweetheart naman… sige ganito nalang. Papayag ako sa gusto mo basta mayroon tayong pagmamanahan ng negsyo? Hindi ako papayag na mabaliwala lahat ng efforts natin!” napalingon siya sa asawa dahil doon. ‘Ganito mo ba kagusto ang pera ko Grace?’ mapait na tanong niya sa kaniyang isipan. Ngumiti siya sa asawa at tumango. “Okay sige, papayag na ako. Gusto ko na talagang malagay sa tahimik at bumalik sa Pilipinas.” Nanalaki ang mata ni Grace sa huling sinabi ni Parker at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “W-What?” “Bakit? May problema ba sweetheart? Gusto ko na talagang umuwi lal
“YOU did what?!” Mahina ngunit may gulat na bulalas ni Grace matapos marinig ang sinabi ng kaniyang anak na si Mark sa telepono. Tinawagan nalang siya nito bigla at alam niya na iyon na ang signal upang sabihin sa kaniya na nagawa na nito ang kaniyang pinapagawa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagturok ng kanilang experiment sa dalawang babaeng kasama nito sa bahay. “Nasisiraan ka na ba ng ulo Mark?! May is pregnant with your child! Paano kung maapektuhan ang bata sa tyan nito?! Serious types of chemicals ang nakalagay doon!” napapasabunot na sabi ng ginang sa telepono at alalang-alala.Kilala niya si May. Nakilala niya ito dalawang taon na ang nakakaraan at ito na ang naging kasama ng anak niya si Mark simula niyon at hindi na ito iniwan, noong una ay akala niyang isang simpleng s*x slave lang ng anak ang babae ngunit nang makita niya ang kakaibang kilos nito gawi sa babae ay nalaman niyang hindi. Ngunit dahil na ‘rin pareho silang may sakit sa pag-iisip ay hin
“Tama si Ryc, ‘wag kayong mag-alala. Maayos na ang lagay ng asawa ko, akala ko ‘rin ay iiwan na niya ako ngunit hindi. Lumaban siya para saamin ni Isabella,” Napangiti sila sa sinabi nI Kenneth. “Speaking off, mayroon kaming magandang balita sa inyo.” Natigilan sila sa sinabi ni Eda. Napatingin ito sa kaniyang asawa na tila nagtatanong kung dapat ba niyang sabihin ngunit nakangiti lang ‘din itong tumango. “Ano po iyon tita?” “Buntis si Isabella Ryc! Magiging daddy ka na ulit!” nagulat sila sa isinawalat ni Eda habang si Leandro at Dexter ay napasuntok sa balikat ni Ryc dahil sa narinig. “Kailangan na talaga nating mahanap ang anak ko…” wala sa sariling sabi ni Kenneth na maging siya ay nabigla sa balitang iyon. “Y-Yeah, kailangan ako ni Isabella.” Ani Ryc. ***“GISING ka na pala Isabella,” Nabaling ang paningin ni Isabella sa nagsalita at doon lang bumalik s akaniya ang buong pangyayari bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. Agad siyang napaupo sa kaniyang hinihigaan at napaya