“KAHIT pa na nasa katabing bahay lang si Kuya, ‘wag na ‘wag mo siyang papapasukin jan. Subukan mo lang talaga magkamali wife.” Napahilot ako sa aking sentido dahil sa pagbabanta ni Ryc. Kanina ko pa siya kausap dahil pagkauwi ko ay siya agad ang tinawagan ko dahil nga sa nalaman ko mula kay Leandro. “Oo na po, nasaan na ba si Issa? Siya naman gusto kong makausap.” Narinig ko ang pagrereklamo niya sa kabilang linya, kanina pa kasi niya ako sinesermunan mabuti nalang at inagaw agad ng anak ko ang cellphone. “Hi, mommy! I miss you so much! One-time sasama ako kay daddy para makita kita.” “Anak, alam mong hindi pwede. Hangga’t maaari ay ‘wag lang lalapit saakin.” Buntong hininga kong sabi. Kahit na gusto ko ‘din siyang makasama o makita sa opisina ay hindi pwede, bukod sa magtataka ang mga tao doon ay baka makita pa kami ng umaaligid kila Ryc. “Pwede ‘yun mommy! Basta akong bahala. Sige na po babye na, love you mommy!” bigla nalang niya akong binabaan kaya kinabahan ako sa maaari n
Last Updated : 2022-09-26 Read more