Pumasok kami sa isang high class restaurant. Tama nga ako, iniwan namin ang jacket na soot sa isang waiter na kumuha at hindi malamig doon, tama lang. Mukang may heater sila at the same time, marami ‘din tao sa loob na napapatingin saamin habang nakasunod sa waiter na sumundo saamin. Hindi ko maiwasang mailang kaya napahigpit ang kapit ko sa braso ni Ryc. “Don’t mind them, inggit lang sila dahil maganda ka.” Hindi ko maiwasan na mapangiti, sa mga sinabi niya saakin ay ‘yun lang ang nagustuhan ko. Dahil doon ay taas noo akong naglakad hanggang sa nasa harap na kami ng isang table at sinalubong kami ng dalawang lalaki. “Good evening Mr.Garcia, it’s finally nice to meet you.” “Good evening too Mr.Roland, I want you to meet my wife, Isabella Garcia.” Ngumiti ako sa lalaki at kita ko ang gulat sa muka nito at ganon ‘din sa kasama nito. “Good evening,” tipid kong sabi na mukang ikinatauhan nila. “Wow! You have a beautiful wife Mr.Garcia. Hindi ko alam na kinasal ka na pala,” napaku
Huling Na-update : 2022-09-18 Magbasa pa