*** NAKATULALA akong nakatingin sa kisame ng kwarto namin ni Ryc habang tumutulo nanaman ang luha ko. Matapos akong kausapin ni Ryc ay hinatid na niya ako pauwi dito sa bahay lalo na at alam niyang hindi ko kakayanin na pumasok. T-Totoo nga. Wala na si Reid. Muli ay napaiyak nanaman ako at hindi alam kung saan ilulugar ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Naaalala ko pa ang huling usap namin, masaya pa kami. Masaya ko pang kausap ang pamilya niya, sina tito at tita, si Riva… B-Bakit nangyayari ‘to saamin? “Ella,” Hindi ko na nilingon ang tumawag saakin dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Hinayaan ko lang na umiyak ako sa aking kinahihigaan hanggang sa maramdaman ko na naupo siya sa aking gilid. “B-Bakit sobrang sakit Nicole? H-Hindi ko kaya… to the point na feeling ko mamamatay na ‘rin ako.” Umiiyak kong sabi sa kaniya. “’Wag mong sabihin ‘yan Ella, ‘wag mong isipin na mamamatay ka na. Sa tingin mo magugustuhan ni Reid ‘yan kung sakali?” napatingin ako kay Nicole dahil doo
Last Updated : 2022-10-15 Read more