Home / Romance / The Hate List / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Hate List : Chapter 1 - Chapter 10

40 Chapters

Prologue

Matalas ang tingin ni Erin sa bawat pitik ng kamay ng wall clock sa living room. Kaunting ikot na lang at tuturo na ang mga iyon sa hatinggabi. Kaunting ikot na lang at masasaid na ang pasensiya niya. Even now, her feet couldn’t stay still. She couldn’t help but tap them, because she couldn’t move herself. Naghihintay siya, gaya ng lagi. Dahil kay Adrian, gaya ng lagi. ‘Is he cheating again? Palabas lang bang nagbago na siya? Sino na namang kasama niya ngayon? Fuck, Adrian . . . Why do you always do this to me . . .?’ Naiiyak siya sa mga tanong na maaaring bibigyan na naman niya ng boses pag-uwi ng nobyo. He would explain something that would make sense and she would believe him. Pero pagsapit ng umaga at paglipas ng maghapon, kapag naghihintay na uli siya sa gabi dahil na-late uli ito, babalik ang mga tanong. Dadalaw. Kukulitin siya. Lalasunin. Hanggang sa tuluyan na siyang mabaliw. Isang araw ay makikita na naman niya ang sariling nakasunod dito. Kinikilala mula sa malayo ang mga
Read more

Chapter 1: Revenge of the Fallen

*** “You may now kiss the bride.”Isa iyon sa pinakahihintay na tagpo sa loob ng simbahan. Naglapat ang nguso ng mga newly-weds. Nagpalakpakan ang mga tao. May sumipol. May nangantiyaw. Marami ang sumigaw ng Congratulations. At may pag-iinit at paghahalo ng dugo na nagaganap sa utak ni Erin.Si Joana De Guia ang bride. 23 years old­ na pinsan niya na may four-month na tiyan. Nag- I do ito sa 28-year old na boyfriend of two months na sa angkan ng De Guia ay may lihim na palayaw na Panot. Bago ang kasal ay pinagtalunan ng mga De Guia ang pagpapabuntis na ginawa nito para mabilis na maikasal. Game siyang makipagtalo dahil hindi rin siya gano’n kaboto kay Panot. Pero umani lang siya ng init ng ulo noong maipunto na dapat na rin siyang gumawa ng kabaliwan at magpabuntis para maikasal na rin.Patuloy ang palakpakan lalo na nang mag-part two ang kissing scene sa altar. Umismid siya. Ngayong nakita ng mga kamag-anak niya na kaya palang gumasta ni Panot sa isang engrandeng kasalan ay puro pap
Read more

Chapter 2: Hide and Seek

***‘He’s at the lobby of this building? How did he even know where I live?’Mabilis na nagpatong ng robe si Erin sa oversize t-shirt na gamit pantulog. Dali-dali niyang hiniklat ang shoulder bag na nasa sofa at humugot ng kung anong damit sa closet. Isinalaksak niya iyon sa bag. Lumabas siya ng apartment, nag-lock ng pinto, at talagang papatakbo na patungo sa elevator kung hindi lang siya nakarinig ng mga yabag mula roon. Nagmamadali siyang bumalik sa unit niya para lang lumabas uli at mangatok sa katapat na pinto.Nang mapagbuksan ay agad siyang pumasok sa loob ng katapat na apartment. May pagtataka sa mukha ng dalawang matanda na tenant doon.“May sunog ba?” tanong ni Mrs. Rima. Payat ang matanda, malaki ang mga mata, at kapag ngumingiti ay nalalaglag pa nang kaunti ang pustiso. Ngumunguya ito. Amoy-ginataan.Humihingal siya nang ngumiti. “Wala ho. Pasensiya na ho sa pagkatok ko. Emergency ho kasi.”Sumilip siya sa unit niya mula sa peephole ng pinto ng mag-asawa. Wala namang tao.
Read more

Chapter 3: Mistaken Identity

*** Malalaki ang hakbang ni Erin patungo sa escalator ng mall na hunting ground niya. Nakasuot siya ng malambot na jeans at maluwag na kamiseta para itago ang kumakapal na bilbil. Plano niyang bumili na rin ng panibagong jeans dahil humahabol ang deposito ng carrot cake sa pigi, hita, at singit niya. Kahihiga niya yata iyon habang lumalamon at nagpaplano nang mabangis na paghihiganti. Naka-shades din siya, running shoes (sakaling may makasalubong na sexy man na balak siyang dalhin sa pulis), at shoulder bag ng self-defense assortment: pepper spray, malalaking karayom na nasa sewing kit, nail file, at condoms.Naglilibot na siya sa sale ng jeans nang may mabilis na mahagip ang mata niya at 3 o’clock: lalaking may nakaiinit ng ulong side profile, naka-moss green na boyfriend shirt, at nakaakbay sa payat at makinis na balikat ng isang hindi pamilyar na babae.Nanigas ang tuhod ni Erin. Gayundin ang panga. Bago pa niya mamukhaan nang tuluyan si Adrian ay rumaragasa na sa ugat ang kumukul
Read more

Chapter 4: The Bourbon story

***Pagkatapos ng pagtatago, ng habulan, ng dalawang eskandalong kinasangkutan, nakabalik din si Erin sa apartment niya. Na malamang ay panandalian lang. Kasama niya si Sexy Man na may bitbit na pagkain, alak, at cake na panlimahang tao.Agad siyang nag-dive sa mahabang couch at yumakap sa throw pillow. Saka siya nabahing. Naramdaman niya—sa ilong at balat—ang lumilipad na alikabok sa buong silid.Nilinga niya ang paligid. Walang sapot ng gagamba sa kisame pero may manipis na latag ng alikabok sa mga muwebles. Mukhang hindi siya sinunod ni Aly sa request niya ng pagpapalinis ng apartment. O puwede ring nakalimutan nito. Ito kasi ang taong nakilala niya na sa batang edad pa lang (mga two years old) ay lumala na agad ang sakit na kalimot.Napatingin siya kay Sexy Man na alanganing nakatingin sa bakanteng couch. Mukhang pinag-iisipan nito kung mauupo roon. Probably unlike her, naramdaman agad nito ang alikabok. Bumangon siya at nagpagpag ng sarili.Tumikhim siya. Lumingon ang lalaki na b
Read more

Chapter 5: Deal or No Deal?

*** Nagising si Erin sa mainit na hita na dumampi sa hita niya. Hinawi niya pa ang nakakalat na buhok sa mukha bago nagmulat ng mga mata. Ang unang tumambad sa paningin niya ay ang nakapikit na mukha ni Adam. Tinakpan niya ang bibig sa muntik na pagtili. Pagkatapos ay sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Naka-panty at bra lang siya samantalang si Adam naman ay short na lang ang natitirang suot. Itinakip niya ang kumot hanggang sa dibdib, saka pinagmasdan ang lalaki. Nakadapa ito, nakabiling ang mukha sa gawi niya, at bahagyang nakasanday ang kanang paa sa kanya. Malaya niyang nakikita ang matigas na kalamnan nito sa braso at tagiliran. Nakagat niya ang labi. Not even Adrian looked this good half-naked. Sigurado siyang walang fats sa katawan ang lalaki. He looked firm, strong, and delicious everywhere. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nag-iinit siya, este, mainit siya dahil pa rin yata sa nainom na alak. Mukhang walang natighaw na uhaw mula sa kaibuturan ng pagkatao niya. Mukh
Read more

Chapter 6: Paasa.com

***Padabog ang paghuhugas ni Erin ng pinagkainan. Mainit ang ulo niya dahil masarap ang halik ni Adam at sa kabila ng malagkit na umaga ay wala siyang ideya kung paano sila magkakaroon ng morning coffee kiss part 2. At kapag may isang bagay siyang gusto na parang madali namang makuha pero ni hindi niya maamin o mahingi man lang, nag-iinit ang ulo niya. To its highest boiling point. "Shit. Bakit hindi na lang naging bakla?" Napapailing-iling siya habang hindi namamalayan ang sariling pagbulong. Panay ang isis niya gamit ang sponge sa walang labang plato.Intrimitidang utak: Hindi mo panghihinayangan kung maging bakla nga siya? Hindi mo panghihinayangan ang caramel eyes, biceps, long legs, at ang makatunaw-everything na halik? Bet mo talaga siyang maging bakla?Matalinong utak: Don't be dumb. Magdasal ka na lang. Kaya mo 'yan, girl.She hissed at her own thoughts."Matagal ka pa?" tanong ni Adam na tumabi sa kanya. Sandali siyang sumulyap dito. Napalunok nang magtama ang mata nila ba
Read more

Chapter 7: Intentions and Boundaries

***Alas-tres ng hapon. Siksik pa sa tiyan ni Erin ang seafood na nilantakan nila ni Adam sa isang restaurant by the bay. At ngayon, sa halip na nagpaplano siya kung paano kakalbuhin si Felicia o susundan ang bride ni Adrian, ay nasa jewelry boutique siya sa loob ng mall. Nakaharap sila ni Adam sa eskaparateng kinalalagyan ng mga kumikinang na alahas. Nakaantabay naman ang attendant sa kanila.“Ano’ng tinitingnan natin?” usisa niya. “Help me pick a present for a girl.”Nanalas ang mata niya sa lalaking nakatuon ang atensyon sa mga naka-display. Ano’ng sinasabi nito? Pumili siya ng alahas para sa ibang babae? Ang akala ba ng lalaking ito, por que at may atraso siya ay walang kaso sa kanya ang karay-karayin nito sa kung saan kahit na may iba siyang gustong gawin? Uutusan pa siyang pumili ng gagamiting pang-uto sa kung sino? Napakasuwerte naman ng tingin nito sa sarili! Guwapo na nga, kailangang may alila pa talaga?“It’s actually for Eloise,” dagdag nitong saglit na sumulyap sa kanya.
Read more

Chapter 8: Distracted

***“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot
Read more

Chapter 9: Sober conversation

***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status