***
Padabog ang paghuhugas ni Erin ng pinagkainan. Mainit ang ulo niya dahil masarap ang halik ni Adam at sa kabila ng malagkit na umaga ay wala siyang ideya kung paano sila magkakaroon ng morning coffee kiss part 2. At kapag may isang bagay siyang gusto na parang madali namang makuha pero ni hindi niya maamin o mahingi man lang, nag-iinit ang ulo niya. To its highest boiling point."Shit. Bakit hindi na lang naging bakla?" Napapailing-iling siya habang hindi namamalayan ang sariling pagbulong. Panay ang isis niya gamit ang sponge sa walang labang plato.Intrimitidang utak: Hindi mo panghihinayangan kung maging bakla nga siya? Hindi mo panghihinayangan ang caramel eyes, biceps, long legs, at ang makatunaw-everything na halik? Bet mo talaga siyang maging bakla?Matalinong utak: Don't be dumb. Magdasal ka na lang. Kaya mo 'yan, girl.She hissed at her own thoughts."Matagal ka pa?" tanong ni Adam na tumabi sa kanya.Sandali siyang sumulyap dito. Napalunok nang magtama ang mata nila bago bumaba sa labi nito. Masarap talaga itong humalik! It's bad for her hormones.Ibinalik niya ang paningin sa mga bula sa kitchen sink na katulad ng pag-asang mahahalikan siya uli–mabilis maglaho. Kailangan niya sigurong palitan ang dishwashing liquid niya."Bakit?" Hindi niya naitago ang bahagyang taas at inis sa tinig.Kumurba sa isang makulit na ngiti ang labi ni Adam. Sumandal ito sa kitchen counter at pinagkrus ang mga bisig sa dibdib nito. Pinag-aaralan nito ang nakakunot na noo niya, ang namumulang tainga, at ang umiiwas na mata."You seemed angry.""I am not.""Why is that?""Why what? I'm not angry," depensa niya rito.Nakarinig siya ng 'uhum' bago naramdaman ang mainit na kamay nito na nagmasahe sa tainga niya. "This is one really, really red ear."Gigil siya nang bumaling dito. May kiliti siya sa tainga! And this man was teasing her! He's definitely teasing her!Nakangiti ito. But it's not the usual playful smile. His eyes seemed... concern?"Do you hate it that I kiss you, Erin?"Napaawang ang labi niya. Nasaan si playful Adam? Ang malanding Adam? Ang hindi-bakla na si Adam? This Adam is a little different.Yumuko siya sa mga platong pang-apat na ulit na yata niyang sinasabon. Kinatok ng konsensiya ang sariling kapritso. "It's not... that.""Good. Because I'm not sorry.""What?"Sinalubong nito ang mata niya. "I said I'm not sorry. I don't want to be sorry. "She doesn't want him to be sorry, too. There were other things that she wanted people to be sorry for. But that surprise kiss, however meaningless and shallow, shouldn't be one of those things."I'm not the kind of guy who does things only to regret if what I did doesn't work. Or if what I did is hated. We're both adults here."Hindi alam ni Erin kung ano ang dapat sabihin. Ano ba ang dapat maging reaksyon kung tuwirang sinasabi ng isang lalaki na hindi nito pinagsisisihan ang kissing scene nila?"Then, did you just kiss me para patunayan na hindi ka bakla?"Sandaling napaisip si Adam. "At first.""At first?" ulit niya habang sumisilip ang pag-asa niyang nagtatago na nga."Yeah. At first, I wanted to make it clear that I'm not gay. But then..." tila sinadya nitong ibitin ang mga salita nito."But then, what?""But then as I kiss you and you started kissing me back... I admit that I like it."Nag-pompoms ang pag-asa niya para sa part 2 ng kissing scene nila."Didn't you like it?" tanong pa nito na bahagyang idinikit ang braso sa braso niya.Natuyuan siya ng lalamunan habang lalong namula ang tainga.Naghagilap siya ng sasabihin. 'Yong hindi naman siya magtutunog sabik sa halik kahit na sabihin pang may katotohanan iyon. "I was surprised. But I admit I like it. A bit." She cleared her throat. "But we're both adults here, right?"Nagbalik ang makulit na ngiti ng lalaki. "Damn right."Natahimik sila sandali."About... not regretting anything," tanong niya, "does that mean that you're prone to kissing strangers?""What stranger?""Come on. I'm a stranger."Malakas na tumawa si Adam na para bang nagbitiw na naman siya ng punchline."You're no stranger to me. May record-breaking getting-to-know bonding tayo. Something I never had with anyone before. I even cleaned up the mess we made last night in the living room. What stranger?"Napangiti siya sa sinabi nito. Strangely, in a very silly way, she feels familiar and comfortable with Adam. Totoo ang sinabi nito. Sa loob lang yata ng isang araw at isang gabi ay naipakita niya rito ang kabaliwan na mayro'n siya. And he's actually really cool about it.Sumingaw ang lahat ng init ng ulo niya."Feeling better now? You're not angry anymore?" anito.Umirap siya sa lalaki. Tumatalon ang puso niya kahit na ipinapaalala ng utak niya na dapat ay brokenhearted siya. Pero ano'ng magagawa niya? Adam makes her feel lighter. 'Yong gaan na hindi niya inakalang mararamdaman niya pa mula nang iwan siya ni Adrian. She felt deserving to be free from all the burden of being the one left for another."I'm not angry," pilit niya."Okay." Nagkibit-balikat ito. "Anyway, your cousin Aly, called a while ago. She's worried about you so I told her about what happened and how we met and where we are. She's expecting us to drop by her place later so you can fetch your things. She sounded like she's excited to meet me.""What? Aly called and you...""I talked to her, of course. Is that bad?"Bad? Hindi siya sigurado. Kung si Aly lang ang makakakilala kay Adam, wala namang problema. Pero pagkatapos ng mga phone calls na sinadya niyang hindi sagutin dahil sa Wrecking Ball video na iniimbestigahan ng mga De Guia at pagkatapos ng kumpirmadong balita ng paghihiwalay nila ni Adrian, it's not wise to let the clan see her with a new guy. Any new guy–with a shady relationship with her–will put her on a hotseat. And her set-up with Adam was shady."Oh." Lumunok si Erin. "I will be going to Aly's then.""We will go, sleepyhead. It will be odd not to let me meet her when I already talked to her over the phone and promised to drop by. And I'm available today."Kokontra sana siya. Pero hindi niya alam kung paano gayong nasisilaw siya sa simpatikong ngiti ng mapanganib na lalaki.Napailing na lang siya at napakagat-labi.***"Adam Ledesma." Naghihintay ang nakalahad na kamay ni Adam sa napangangang si Aly.Rumolyo ang mata ni Erin sa pinsan. Nakatayo sila sa bungad ng condo nito. At mula nang iawang nito ang pinto hanggang sa tuluyang masilayan si Adam ay puno ng malisya ang lahat ng reaksyon nito. Napatitig ito sa lalaki bago mapaawang ang labi at kasing-liwanag ng sikat ng araw na ngumiti sa kanya. Alam niya ang mga posibleng iniisip ni Aly matapos makumpirma na guwapo nga ang lalaking ayon sa kuwento ay nagpalipas ng magdamag sa apartment niya.But Aly should stop being so malicious dahil natulog lang sila ni Adam.Natulog. Lang. Sila."Hi. I'm... Alyson," sabi ng pinsan niya na inabot ang pakikipagkamay ng lalaki.Muntik siyang magmura. Kasingliit ng sa ipis at kasinggaan ng singaw ng aircon ang boses ng pinsan niya."Aly, may sore throat ka? O nalunok mo ang aircon?" naaasar na tanong niya.Pulut-pukyutan ang ngiti ni Aly nang bumaling sa kanya. "What do you mean, cousin?"Tumaas ang kilay niya hanggang kisame ng condo nito. Lalo na nang ipagpumilitan nitong itago sa likod ng tainga ang nawawalang bangs ng nakapusod na buhok."I'm warning you, Adam," aniya sa kasama. "Aly has a boyfriend. She's faithful to him so far. Don't flirt with her."Nagsayaw ang maliliit na ilaw sa mata ng lalaki na nakakasanayan na niya. "I have no intention to."Natawa naman ang pinsan niya rito. "Aray. Kahit kaunting intensyon, wala?" Saka ito bumaling sa kanya. "At kailangang ibuko agad si boyfie ko?""Yes. Kaya bitiw na," tukoy niya sa mahigpit pa ring hawak nito sa kamay ni Adam. "Isusumbong talaga kita kay Ram."Natawa lang uli si Aly bago bumitiw at pinaupo sila sa living room nito."So, I heard that he spent the night in your place," panimula ni Aly.Nagbalik sa alaala ni Erin ang naisnab na alindog niya sa tabi ng lalaki."Nothing happened, Aly. We were drunk because I thought I was going to jail. He"–itinuro niya ang katabing si Adam–"just slept."Humagikgik ang pinsan niya bago bumaling kay Adam. "She sounded disappointed, 'no?""Yeah. Cannot blame her," patiayon naman ng lalaki.Tinaasan niya ng kilay ang dalawang nagkakasundo. "He's... gentleman enough," aniya at pinigil ang dila sa pagrolyo pabalik sa lalamunan niya. Who would want a man like Adam to be a gentleman?Nakatawa pa rin si Aly. "She doesn't need a gentleman these days, Adam. Do you know the condom story?""Hey, Aly!""Yeah. She told me," sagot ni Adam dito. "It's quite interesting,"Interesting, my ass, naisip niya. Talagang echapuwera siya kahit siya ang pinag-uusapan? Hello? Manners!"Then, you understand why she doesn't need a gentleman these days," si Aly pa rin."I'm going to burn this condo when I get the chance," nanggigigil na sabi niya habang nakatingin sa pinsan."Oh. Okay. Relax lang." Nakaharap ang palad nito sa kanya. "I will stop. I will." Kumindat ito kay Adam bago tumingin uli sa kanya. "It's just that, you seem close with the guy. He told me all that had happened since he caught you."Napailing-iling siya. "Just get me my things, Alyson.""Okay," sabi nito at tumayo sa couch. "KJ."Dinulutan sila ni Aly ng juice at club sandwiches bago nawala uli. Pagbalik nito ay bitbit na ang may kalakihan niyang tote bag na pinaglagyan niya ng mga gamit nang mag-evacuate siya sa condo nito."Sayang. If I have the slightest idea na magdadala ka ng tanghalian ngayon, hindi ko muna sana inayos ang gamit mo para nakapag-stay pa kayo. Dahil sigurado akong sandaling oras lang ay mabubusog ako rito kay Adam," sabi ni Aly nang kaswal na iabot sa kanya ang bag.Nag-check siya ng laman ng bag. "Isusumbong talaga kita kay Ram.""Why? Am I not allowed to flirt a little? Wala namang exclusive flirting, ah."Namula ang tainga niya lalo na nang nawiwiling tumawa si Adam. Mukhang nai-enjoy nito ang mga naririnig mula sa pinsan."Are you flirting with her?" tanong ni Aly sa lalaki.Natawa muli si Adam bago sumagot, "Yeah. I am."Natigilan si Aly. Hindi yata nito inaasahan na tuwid na sasagutin ni Adam ang tanong nito. Napainom naman siya ng juice. Confirmed ngang nagpi-flirt ang malanding lalaki sa kanya! Nakakatuyo ng lalamunan!"Really?" Namimilog ang mata ni Aly na palitan ang tingin sa kanilang dalawa. "I knew it! But, akala ko, magbabayad lang siya sa nasirang kotse mo?""That's the plan. But she amuses me so much. So I'm sticking with her."Natahimik uli sa buong living room. Nasamid naman siya sa juice na iniinom pero hindi magawang umubo. Ano'ng gustong palabasin ng lalaking ito?"Hindi talaga kayo tumitigil sa pag-uusap tungkol sa'kin, 'no? Nandito rin ako, kaharap n'yo, in the flesh. I can hear both of you kaya 'wag n'yo akong pag-usapan nang ganyan." Tumikhim siya. "Ito na ba'ng lahat ng mga gamit ko? No other news? Especially about Tito Ernie?"Actually, ang concern lang naman talaga niya ay ang panganib ng pag-a-assume sa mga dialogue na binibitiwan ni Adam sa pinsan niya."Well, tumigil na sina Tito Ernie sa katatanong sa akin tungkol sa video mo. Mukhang bumalik 'yong atensyon kina Joana at Jolo." Ngumiti si Aly. "But I've got something good for you."Nagtaas lang siya ng kilay."Sa bulsa ng tote mo, may photocopy ng schedule ng bride ni Adrian. Taken directly from the calendar of their wedding organizer."Hindi nila nakita ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Adam sa narinig. Agad namang kumulo ang dugo ni Erin nang marinig ang pangalan ng ex."Great.""And Vince is trying to make up to you kaya may papers ka rin with schedules and information on where to find your ex-boss at ang traydor na si Felicia."Napangiti siya. Mapait at mapakla. Kapag sinusuwerte ka nga naman!"Tell Vince he still needs to send me cakes para maabsuwelto siya. Doon ko lang siya patatawarin sa ingay na dala ng kaibigan niya.""Kawawa naman!" natatawang sabi ni Aly.Umirap lang siya. "It's his fault.""So, what's your plan?""I'm free today. Titingnan ko kung puwede na akong magmanman sa mga target para naman matupad ko na ang mga plano ko. I've never been this excited," anunsyo niya."Not possible, sleepyhead," sabad ni Adam."Ha? Why? What is it?""I need you all day today."Umarko ang kilay niya. Pumirma na ba sila ng kontrata ng pagpapaalipin niya rito? Parang hindi pa naman."Ano? Linawin mo ang sinasabi mo," sabi niya."Sorry. I couldn't tell you earlier because you're lost in thought. But I actually need you to keep me company all day today."Wala siyang ideya kung paano kokontra. Nahahati siya sa kagustuhang samahan si Adam at sa kagustuhang magmanman para makaganti sa mga kinaiinisan niya."So please postpone your revenge for another day," dagdag nito.Nagkatinginan sila ni Aly. Malaki ang ngiti ng pinsan sa kanya. 'Yong ngiti na parang nanalo siya sa lotto at mababalatuhan ito.Naguguluhan naman siya sa mga ikinikilos ni Adam. Maaaring isang bored na mayamang malandi lang ang lalaki. But if he's going to spend time with a less gorgeous species just to kill his boredom, why is it her? Why would he when he just admitted he was flirting with her? Magpapaasa ba ito?Nag-echo sa isip niya ang sinabi nito kaninang umaga lang: I like you.Oo nga pala. Hindi dapat na lumiko ang akala niya sa mga delikadong assumptions. Malinaw na kinatutuwaan siya ni Adam. In his own words, she amuses him so he's sticking with her. Maging ang masarap na halik ay kaswal lamang dito. She liked it. He liked it. They were both consenting adults who could shrug it off. She shouldn't put more meaning in his words and overwork her brain.Tumalikod ang pag-asa niya, nag-impake, at nag-hiking pabalik sa bundok Tralala. #***Alas-tres ng hapon. Siksik pa sa tiyan ni Erin ang seafood na nilantakan nila ni Adam sa isang restaurant by the bay. At ngayon, sa halip na nagpaplano siya kung paano kakalbuhin si Felicia o susundan ang bride ni Adrian, ay nasa jewelry boutique siya sa loob ng mall. Nakaharap sila ni Adam sa eskaparateng kinalalagyan ng mga kumikinang na alahas. Nakaantabay naman ang attendant sa kanila.“Ano’ng tinitingnan natin?” usisa niya. “Help me pick a present for a girl.”Nanalas ang mata niya sa lalaking nakatuon ang atensyon sa mga naka-display. Ano’ng sinasabi nito? Pumili siya ng alahas para sa ibang babae? Ang akala ba ng lalaking ito, por que at may atraso siya ay walang kaso sa kanya ang karay-karayin nito sa kung saan kahit na may iba siyang gustong gawin? Uutusan pa siyang pumili ng gagamiting pang-uto sa kung sino? Napakasuwerte naman ng tingin nito sa sarili! Guwapo na nga, kailangang may alila pa talaga?“It’s actually for Eloise,” dagdag nitong saglit na sumulyap sa kanya.
***“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot
***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu
***May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.Napasul
*** Madaling-araw na nang mapagod sa pag-iyak si Erin. Nang humarap siya sa salamin sa banyo at makita ang mukha ay mapakla siyang napangiti. Mukha siyang emoterang rockstar. Puwedeng pamugaran ng uwak ang gulo ng buhok niya. Hulas ang mascarra. Sabog ang eyeliner. Maga ang mga mata. Namumula ang matangos niyang ilong habang nangingitim nang bahagya ang tagiliran ng labi niya mula sa wrestling kay Felicia.Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha kahit wala namang naitulong. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig mula sa ref bago lulugo-lugong nahiga sa kama.‘Narinig kaya ako ni Adam? Sana nakaalis na siya bago ako ngumawa,’ naisip niya pa habang napipikit. ‘Nakauwi kaya siya nang maayos?’ Napahikab siya. ‘I need to sleep. I have to cook. . .’ —naglapat ang mga mata niya at—‘tomorrow.’Nanaginip si Erin. A blurred and forgettable dream. Isang panaginip na kung maaalala niya ay magpapaiyak sa kanya.Ilang oras lang, naalimpungatan siya sa mainit na katawang yakap-yakap. Napangiti siya hab
***Humihingal si Erin nang sumalampak sa sahig. Nakadikit ang basa sa pawis na damit sa katawan niya at ang ilang hibla ng naka-ponytail na buhok sa mukha. Masikip ang paghinga niya sa pagod, sa init, at sa tuyot na tuyot na lalamunan. Anumang oras ay siguradong mamamatay na siya kung hindi lang—“You look like you’re dying, sleepyhead,” komento ni Adam na sumalampak sa tabi niya at idinikit sa pisngi niya ang hawak na bote ng malamig na tubig.Nilingon niya ito habang nakabuka ang bibig sa paghahabol ng hininga. Kinuha niya ang bote sa kamay nito, mabilis na binuksan, at uminom. Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan at sikmura niya.“How. . . could water. . . taste. . . so sweet?” putol-putol na sabi niya at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig ng condo. “I’m dying. Mapuputol na ang. . . mga kamay ko. Oh my God.”Malutong na humalakhak ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo at umiinom din ng tubig.“I told you not to overdo it. You’re the one throwing a storm of t
*** Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit
*** “What do you mean they’re still in my apartment? Anong oras na! Wala bang ibang mauusyoso si Tita Mildred at nakaabang pa rin siya sa apartment ko?” mataas ang boses ni Erin sa pagtatanong kay Aly na kausap sa cell phone .“Tito Ernie told her to wait for you. And they’ve been pressing me kung nasa’n ka raw. Nasa’n ka ba?” tanong ni Aly.Umirap siya at naiinis na pumalatak. May lahi talagang Paparazzi ang angkan nila.“At a friend’s house,” sagot niya sa pinsan. Nungka niyang sasabihin na nasa condo siya ni Adam. Kung malalaman nito at maidadaldal sa mga kamag-anak niya, baka tuluyang mapikot ang lalaki. Hindi naman sa hindi siya pabor kung mangyari iyon. But Adam makes her feel good about herself. Ayaw niyang maipit sa power-tripping at eksaherasyon ng pamilya niya ang bibihirang tao na nakapagpapagaan ng loob niya.“Sino’ng friend? The last time I checked, kaya ka nagtago rito sa condo ko ay dahil wala kang kaibigan,” sabi ni Aly. “Don’t tell me—”“Alyson, ’wag mong ipagdikdika
***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya
***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang
***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa
***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&
***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul
***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck
***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee
***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma
***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th