***
Alas-tres ng hapon. Siksik pa sa tiyan ni Erin ang seafood na nilantakan nila ni Adam sa isang restaurant by the bay. At ngayon, sa halip na nagpaplano siya kung paano kakalbuhin si Felicia o susundan ang bride ni Adrian, ay nasa jewelry boutique siya sa loob ng mall. Nakaharap sila ni Adam sa eskaparateng kinalalagyan ng mga kumikinang na alahas. Nakaantabay naman ang attendant sa kanila.
“Ano’ng tinitingnan natin?” usisa niya.
“Help me pick a present for a girl.”
Nanalas ang mata niya sa lalaking nakatuon ang atensyon sa mga naka-display. Ano’ng sinasabi nito? Pumili siya ng alahas para sa ibang babae? Ang akala ba ng lalaking ito, por que at may atraso siya ay walang kaso sa kanya ang karay-karayin nito sa kung saan kahit na may iba siyang gustong gawin? Uutusan pa siyang pumili ng gagamiting pang-uto sa kung sino? Napakasuwerte naman ng tingin nito sa sarili! Guwapo na nga, kailangang may alila pa talaga?
“It’s actually for Eloise,” dagdag nitong saglit na sumulyap sa kanya.
At Eloise pa talaga ang pangalan ng babaeng walang kaabug-abog na reregaluhan ng talanding lalaking ito ng diamonds?
“What are you thinking about?” kunot-noong anito. “She’s my younger sis.”
At sis pa talaga—
Napatanga siya kay Adam. Sis daw? As in sister?
“Kapatid mo?” tanong niyang napatikhim.
“Yes. It’s her birthday soon and I wanted to give her diamonds. Help me pick.”
Sumingaw ang init ng ulo ni Erin. Ang akala niya ay paasang malandi lang ang lalaki. Sweet naman pala itong kapatid. Who in her right mind would say no to a sweet request? Surely, hindi siya ’yon.
“Okay. What do you have in mind?”
“She likes earrings but. . . she just bought a pair from Paris so I don’t know.” Nagkibit-balikat ang lalaki. “I actually want to get her a gun so she can protect herself from goons and suitors. But she’s always spacing out so I doubt she would remember to carry it with her.”
Napatango-tango siya. ’Ayan, sigurado na talaga siya na nagiging close na sila nito. Isa iyon sa mga palatandaan ng pagiging close: kapag naikukuwento na sa kanya at nakikilala na niya ang mga miyembro ng pamilya.
Intrimitidang utak: Ano ngayon ang gusto mong palabasin sa closeness na ’yan? Akala ko ba, naiintindihan mo nang talanding paasa lang ang lalaking ’yan na naa-amuse sa ’yo. Hindi por que inamin niyang pini-flirt ka niya, aasa ka na. Flirting is not feelings, Erin. You’re just deprived of romance these days that any likelihood to it excites you. Right now, he’s just randomly telling you things. Don’t put more colors to it.
Matalinong utak: Shut up. May sinasabi pa si Adam.
Nakagat ni Erin ang sariling labi. Masamang senyales kapag nagkakabaligtad ang dialogue ng intrimitidang parte at matalinong parte ng utak niya. Baliw siya pero hangga’t nagpa-function nang maayos ang dalawang maliliit na boses ng lohika sa tuktok ng ulo niya, may maaasahan pa siyang pipigil sa kanya sa mas estupidong mga bagay. Pero kapag ganitong nagkakalituhan na, kailangan na niyang mag-ingat at maglagay ng boundaries—sa sarili at sa lalaki.
“You sound like a protective brother.”
“I can’t help it. Eloise is our baby. And that’s my job as the older brother.”
Napangiti siya. Hindi niya naranasan ang protektahan ng isang nakatatandang kapatid na lalaki. Masaya siguro kung laging may mag-aalala para sa kanya o mag-iisip ng para sa kapakanan niya—someone reliable and trustworthy she could tell things to. “I can’t relate. I’m an only child so I don’t know how to be protected like that.”
Nakangiti lang din sa kanya ang kausap. “Maybe that’s why you’re prone to revenge. You protect yourself because no one protects you.”
Natigilan siya bago napalunok. People—even her clan—don’t see it that way. Para sa ibang tao ay kapritsosa, mapaghiganti, at topakin lang siya. “That’s a very nice way of saying it. Thank you.”
Puwede na rin ba nitong lagyan ng paliwanag kung bakit cheap siya at madaling umasa sa romance? O kung bakit baliw siyang naghahanap kay Adrian? He might have an answer or an explanation that is unknown to her.
“Yeah,” ani pa ni Adam. “Or it could also be that you’re just really dangerous and crazy.” Humalakhak ito nang malakas pagkatapos.
Napailing siya. Ang ganda na ng ngitian nila, eh. Lumambot na ang puso niya sa interpretasyon nito sa topak niya. Bakit kailangan pa nitong ipaalala na baliw rin ang tingin nito sa kanya? Still, she couldn’t stop smiling at the way he laughs. “You are crazier to put up with me. No one does that. Everyone goes away once they see that I’m on my fit. May sira ka rin sa tuktok.”
Nakipagtitigan nang malagkit sa kanya si Adam. “I won’t argue with that. I enjoy putting up with you. I wonder why too.”
If she would also wonder why, would the answer be favorable?
Hinayaan ni Erin ang mainit na pagbugso ng dugo sa katawan at pagpaso niyon sa tainga niya. Sa ibang bagay niya itinuon ang isip. Gaya ng, may tutorial na ba ngayon ng epektibong paglalandi? Dahil iba ang talento ng lalaki sa pag-overdrive sa hormones niya.
Simple lang ang equation sa pagitan nilang dalawa: Adam’s way too sexy. She’s too hormonal and in need of romance. They’re a bad combination but he makes her feel really good.
***
“You’re not going to the office today, aren’t you? Sinabi mo lang na pupunta ka para hindi kita i-nag and you can get your way—”
“Are you really angry right now?” putol ni Adam kay Elaine na kausap sa hawak niyang cell phone . Nakakurba sa isang ngiti ang labi niya sa paglilitanya ng panganay na kapatid. Nakapagkit ang mga mata niya kay Erin na kasalukuyang nagsasalawahan sa pagpili sa pagitan ng diamond studded earrings at diamond studded brooch.
“What’s that flirty tone? Don’t use that tone on me, young man. I’m not your girlfriend,” banta nito.
Muntik siyang humalakhak pero pinigil niya ang sarili. “Okay, I won’t. Just cover for me again today. I’m busy.”
Ngayon ay nakatingin na sa kanya si Erin at nakakunot ang noo. Kinindatan niya ang mukhang sinusumpong na naman na babae. Mabilis na nagusot ang tungki ng ilong nito. Lumapad naman ang ngiti niya.
“Hey, Adam! Are you there?” sita ng nasa kabilang linya.
“What?”
Hindi niya namalayan nang nawala ang atensyon niya sa kapatid. Bakit ba kasi mukhang highblood na naman ang babaeng kasama niya?
Nagbuntonghininga si Elaine. “You’re busy? What kind of busy are you talking about?”
“I’m buying a present for Eloise’s birthday,” simpleng sagot niya.
“That’s six weeks pa. You never buy gifts this early. Ano’ng sumapi sa ’yo?”
“Can’t I change?” nawiwiling tanong niya. Patindi nang patindi ang pagkunot ng noo ni Erin sa tuwing mapapasulyap sa kanya. Napapaisip tuloy siya kung ano na naman ang ipinagmamaktol nito.
“No. Tumanda ka na nang ganyan na laging late magregalo. Hindi ka biglang mahihipan ng hangin para lang—Wait. Don’t tell me. . .” Nagbago ang tono ng kapatid. Sumeryoso. “Adam. Are you busy because of a girl? Again?”
“Yes,” amin niya.
“Is this girl taken?”
“No. What do you take me for?”
“Brokenhearted?”
“Very.”
“Sane?”
Natigilan siya bago nangiti. Mahirap sagutin ang tanong nito. “Not really sure.”
“Are you already flirting with this girl?”
Pinigil niyang humalakhak. Masyado siyang kilala ng kapatid. “A little, maybe?”
“And she doesn’t know that you are talking to your sister right now, hence, the weird short answers.”
“Yes.”
“And she’s pissed. And you’re teasing her.”
Halakhak ang isinagot niya. Dalawang babae ang naha-highblood sa kanya ngayon: isang parang patalim ang tingin sa paghalakhak niya at isang naririnig niya ang angil sa kabilang linya.
“What a flirt! Gosh, you’re such a flirt! Ang landi mo!”
Humalakhak lang siya uli. It’s not his fault that he’s enjoying Erin’s reactions too much. She’s amusing.
“Wait! Is this girl. . . that Erin?”
Itinago niya ang muntikang pagseryoso ng ekspresyon. “Yes.”
Natahimik sandali ang nasa kabilang linya.
“Adam, are you playing superhero again?” Mas tamang sabihing deklarasyon at hindi tanong ang tono ni Elaine.
Superhero. Elaine always describes him that way. He never really gets what she means.
“No,” he said but failed to sound firm.
“Your voice kind of cracked a little there.”
“No. Believe me,” ulit niya.
“Mama called and asked me about the medical expenses I paid for your date yesterday. She’s worried you’re beating women because of what happened—”
Tumalikod siya sa nakatingin pa ring si Erin at lumakad palabas ng boutique para maitago ang pagseryoso ng mukha. “You know that’s not the case at all. I won’t do that. I won’t even dare. That girl was mistakenly attacked. And. . . thank you for fixing it for me.”
“That girl is a good girl. She settled and accepted payments for damages to avoid a scandal. I assured and convinced her that it won’t ever happen again. Pero ’yong attacker ng date mo at ’yong nag-vandal sa kotse mo, it’s that girl with you, right?”
Hindi na siya umimik.
“Why are you doing this, Adam? Why are you with her?”
“Elaine. . .” May rason ba siyang puwedeng sabihin dito? Dahil hindi niya rin maipaliwanag ang mga ginagawa niya mula nang makilala niya si Erin at marinig ang kuwento nito. “She’s just. . . she’s going to pay for the wrecked car.”
Sandaling nanahimik ang kausap niya bago, “She’s related—”
“Yes. She’s the casualty.”
“Adam, you better know what you’re doing. Because if you’re going to ask my opinion about it, I don’t like it.”
“I’m not doing anything wrong, Elaine. Trust me on this one,” sabi niya. Pero maging siya ay hindi kumbinsido sa sinasabi.
“Are you sticking with her because she’s the casualty? Or do you have other reasons?”
“Well, she’s great company. I enjoy being with her. That’s it. I’m not acting like a superhero.”
“I don’t know whether to believe you. I know that you have a tendency to be soft to people who are in need of. . .” Nagbuntonghininga si Elaine. “Just stop before it gets bad. I don’t know what you’re thinking but. . . please be smart about it.”
“I know what I’m doing, Elaine.”
“Just don’t get involved too much. . .”
Pero maiiwasan niya pa ba ’yon?
“I’m hanging up,” sabi na lang ni Adam. I’ll come by the office tomorrow.”
Nagbuntonghininga lang ang kapatid bago ibaba ang linya.
The conversation left a bad taste in his mouth. Pero totoo naman ang mga sinabi niya. Nawiwili siyang kasama si Erin—maybe a little too much. He’s acting too familiar with her considering the fact that they’ve just met. It’s crazy, he knows. But what’s the use of using too much logic when he could just enjoy her company? It’s not like he’s courting her, sexing her, or using her. He’s just making her pay for the wrecked car.
Inulit niya sa sarili ang huling rason: I’m just making her pay for the car.
Ibinulsa niya ang cell phone . Nalingunan niya si Erin na nakasunod na pala sa kanya sa labas at nakapamaywang. Idagdag na ring madilim ang mukha nito.
“Done?” tanong niya. Sinikap ngumiti.
Salubong ang kilay ng babae. “I think you should get the earrings. Kahit pa bumili siya ng nakakasilaw na hikaw sa Paris.”
Napatango-tango siya. If it’s settled. . . why does she looked pissed?
“Thanks. Let’s get it, then.”
“You get it. I’m going to wait here,” matabang na sabi nito at nag-iwas ng tingin.
Natural siyang napangiti. Everything Erin does amuses him, especially her tantrums. Alam na niya noon pa na mabilis magpalit ng mood ang mga babae. But Erin’s the embodiment of moods changing.
“Okay. I won’t be long.”
Irap ang sagot nito.
***
Kasinghaba ng ilong ni Pinnochio ang nguso ni Erin. Ang lakas ng loob ni Adam na makipag-flirt sa cell phone habang kasama siya! Kung makahalakhak pa talaga ito ay para bang aliw na aliw sa kausap. She’s hating it more that she minds it. Gusto niyang kalmutin ang mukha ng talipandas na lalaki. Kung walang exclusive flirting, pasintabi man lang sana sa kanya na pini-flirt din nito, hindi ba?
Intrimitidang utak: Asa ka pa. Tumitilapon ka na naman sa Paasa.com, girl.
Sa kaiirap niya pakaliwa at pakanan ay tumama ang mata niya sa isang kuwadradong mukha na kilalang-kilala niya. Ang mukhang parang picture frame ay pagmamay-ari ni Felicia. At malapit lang ang mukha sa kanya. Mga limang hakbang. Late na para umiwas.
“Erin?” luluwa ang mata na tanong nito.
Maganda si Felicia. Big eyes na masarap tusukin, manipis na lips na masarap suntukin, straight na buhok na masarap sabunutan, at kuwadradong panga na nakasusugat banggaan. Pangit ito ngumiti, lalo na kung siya ang nginingitian. Gaya ngayon.
“Felicia,” nakatago ang pangil na sabi niya. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang gusto niyang makita para kalbuhin, lumilitaw na lang sa harapan niya.
Dumako ang mata niya sa tagiliran nito. Dumugo slightly ang puso niya. May katabi itong guwapo. First love niya.
“Hi Erin! Kumusta?” May salamin sa mata si George. Yummy kahit nakapormal na polo. Sigurado siyang flat ang tiyan. Minsan na niyang nasilip.
Pumulupot ang kamay ng traydor na si Felicia sa braso ng asawa nito. “Oo nga. What are you doing here?”
“Ako?” aniya sabay turo sa sarili at nakalolokong ngumiti. “Nagja-jogging.”
“Nang ganitong oras sa hapon?” tanong ng babae sa kanya sabay tingin sa tiyan niya.
Nag-inhale siya. Walang exhale.
“Parang hindi tumatalab? ’Di ba, honey?” Saka ito bumaling sa asawa at humagikgik with matching hampas sa braso ng first love niya.
Napangiti nang matamis si George at apologetic ang mukha nang tumingin sa kanya. “You look good, Erin.”
Patuloy siya sa paghigop ng bilbil na ayaw niyang mahalata nito. Bakit ngayon sila nagkita ni George? Past is past at wala na siyang feelings dito kahit na may naiwan pang kilig. Pero bakit ngayon sila nagkita kung kailan naka-jeans lang siya? Hindi akma ang outfit niya sa paghihiganti. Wala man lang siyang stilleto.
“That’s a joke. Who would jog at this hour?” buwelta niya kay Felicia. “Can’t you tell it’s a joke?”
“No. Hindi kasi nakakatawa.”
Nakangiti siya kay Felicia. Nakangiti rin ito sa kanya. Alam nilang isang maling galaw lang at may isa sa kanila na magku-kung fu. That’s the one thing they both have: kung fu ’pag galit, cat claws ’pag kinakailangan, at matapang na pag-iisantabi sa kahihiyan. So, they were best friends.
“Whoa. Hi. What did I miss?” ani Adam na lumitaw sa tabi niya. Casual na nakangiti ang lalaki, nagpapapalit-palit ang tingin sa kanya, kay George, at kay Felicia.
Nalaglag nang bahagya ang panga ng dati niyang kaibigan. At sigurado siyang hinigop nito pabalik ang laway na muntik nang tumulo dahil sa ngiti ni Adam. Napaismid siya.
Isa pa iyon sa pagkakapareho nila ng babae: they know how to appreciate male beauty.
‘’Yan! Maglaway ka! Malaglag sana’ng lahat ng ngipin mo!’ sa isip ay sabi niya bago bumaling kay Adam. “She’s Felicia,” simpleng sabi niya rito bago, “And this is George. Co-teacher ko before.”
Dumaan ang hangin ng Manila Bay sa pagitan nila ni Adam. Dumaan ang ingay ng mga mall goers. Hindi niya makuha ang pananahimik nito.
Tumikhim siya bago bumaling sa mag-asawa. “And this is Adam. “
Wala pa ring imik si Adam nang makipagkamay sa dalawa. Bumulong ito nang bumaling sa kanya. “Teacher ka dati?”
“Yes. Bakit? May problema ka rin?” buwelta niya rito. Lahat yata ng nakaalam ng background niyang iyon ay na-shock.
Nagsayaw ang kutitap sa mga mata nito. “Just surprised. Saan ka nagturo?”
“Daycare,” ganting bulong niya. Ninanamnam niya ang eksaheradang ikot ng mga mata ni Felicia sa bulungang nakikita.
“How are the kids? Are they all. . . still normal?”
Inirapan niya ang lalaki.
“Mukhang may mahalaga pa kayong pag-uusapan ng kaibigan mo kaya mauuna na kami ng asawa ko, Erin. Nice bumping into you after so long,” singit ni Felicia sa kanila at hinila si George. Nagsimula ang mga itong lumakad bitbit ang mga shopping bags.
“How do you know he’s just a friend?” hindi niya napigilang habol ng tanong dito.
“Come on.” Nakangisi ito nang lumingon at rumolyo ang mata. “I can tell. Or am I wrong?” tanong nitong kay Adam nakatingin.
“Not at all. We’re friends,” nakangiting sagot ng lalaki.
Pinigilan ni Erin ang pagsabog ng init ng ulo.
“Friends,” wala sa loob na bulong niya.
“Mauna na kami, Erin. Let’s catch up next time,” sabi ni George.
Tumango siya sa lalaki. Pinilit na itaas ang kamay para kumaway. “Nice seeing you.”
Nang mawala sa paningin niya ang dalawa ay mabilis niyang hinarap si Adam.
“What did you say? We are friends?” tanong niya rito.
Tumango ito. “Yeah. Why?”
“Sinabi ko sa ’yo na siya si Felicia! That’s the snake of a woman who. . .” Malakas siyang umangil. What’s the point of reminding him something that’s not important to him? “You could have lied! You could have told her something like we’re dating, or flirting, or whatever! Nakita mo ba kung pa’no tumulo ang laway no’ng talandi sa ’yo? Gosh! She could have lost her mind if you just lied!”
Nakangiti lang sa pagdadabog niya ang lalaki. “But that’s better than telling her that we just met over a wrecked car, right? And what’s the point of lying? Pa’no kapag nalaman niyang nagsinungaling ka lang? You will look petty and desperate.”
“I am desperate!” angil niya. Pumapadyak habang hindi alam kung saan titingin.
“But certainly you’re not petty.”
“I am petty! Gosh!” Pulang-pula ang mukha niya sa inis sa lalaki.
“Hey. . . it’s okay,” sabi ni Adam sa kanya.
“It’s not!” mataas ang tinig na sabi niya bago namaywang. “Magkalinawan nga tayong lalaki ka!”
Pormal ang mukha ni Adam sa kanya. “I’m listening.”
“If we’re just friends, then stop with the flirting, okay? I’m not that good in telling flirts pero damang-dama ko ang bawat paglalandi mo! So, don’t dare tell me that I’m just hallucinating or assuming.”
Napangisi ito sa sinabi niya. Napakagat-labi pa.
“And don’t ever give me surprise morning-coffee kiss ever again! Friends don’t do that.”
Hindi maalis ang ngiti nito habang siya naman ay sasabog nang bulkan.
“Gets mo?!”
“Yes, Ma’am!” alertong anito.
“Good!” ngitngit na sabi niya.
“Shall we shop for dinner now?”
Napapadyak siya. Gusto niyang manakal ng guwapo! Bakit hindi man lang ito maapektuhan ng pagmamaktol at paghahalimaw niya? Bakit lagi lang itong nakangiti? Unfair lang, gano’n? Habang nagmumukha siyang balyenang hindi maanak sa inis, mukha lang itong supermodel na nakikinig sa kanya? Nasaan ang justice sa creation?
‘I’ll give you the best dinner, ever!’ naisip niya bago umirap.
***“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot
***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu
***May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.Napasul
*** Madaling-araw na nang mapagod sa pag-iyak si Erin. Nang humarap siya sa salamin sa banyo at makita ang mukha ay mapakla siyang napangiti. Mukha siyang emoterang rockstar. Puwedeng pamugaran ng uwak ang gulo ng buhok niya. Hulas ang mascarra. Sabog ang eyeliner. Maga ang mga mata. Namumula ang matangos niyang ilong habang nangingitim nang bahagya ang tagiliran ng labi niya mula sa wrestling kay Felicia.Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha kahit wala namang naitulong. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig mula sa ref bago lulugo-lugong nahiga sa kama.‘Narinig kaya ako ni Adam? Sana nakaalis na siya bago ako ngumawa,’ naisip niya pa habang napipikit. ‘Nakauwi kaya siya nang maayos?’ Napahikab siya. ‘I need to sleep. I have to cook. . .’ —naglapat ang mga mata niya at—‘tomorrow.’Nanaginip si Erin. A blurred and forgettable dream. Isang panaginip na kung maaalala niya ay magpapaiyak sa kanya.Ilang oras lang, naalimpungatan siya sa mainit na katawang yakap-yakap. Napangiti siya hab
***Humihingal si Erin nang sumalampak sa sahig. Nakadikit ang basa sa pawis na damit sa katawan niya at ang ilang hibla ng naka-ponytail na buhok sa mukha. Masikip ang paghinga niya sa pagod, sa init, at sa tuyot na tuyot na lalamunan. Anumang oras ay siguradong mamamatay na siya kung hindi lang—“You look like you’re dying, sleepyhead,” komento ni Adam na sumalampak sa tabi niya at idinikit sa pisngi niya ang hawak na bote ng malamig na tubig.Nilingon niya ito habang nakabuka ang bibig sa paghahabol ng hininga. Kinuha niya ang bote sa kamay nito, mabilis na binuksan, at uminom. Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan at sikmura niya.“How. . . could water. . . taste. . . so sweet?” putol-putol na sabi niya at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig ng condo. “I’m dying. Mapuputol na ang. . . mga kamay ko. Oh my God.”Malutong na humalakhak ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo at umiinom din ng tubig.“I told you not to overdo it. You’re the one throwing a storm of t
*** Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit
*** “What do you mean they’re still in my apartment? Anong oras na! Wala bang ibang mauusyoso si Tita Mildred at nakaabang pa rin siya sa apartment ko?” mataas ang boses ni Erin sa pagtatanong kay Aly na kausap sa cell phone .“Tito Ernie told her to wait for you. And they’ve been pressing me kung nasa’n ka raw. Nasa’n ka ba?” tanong ni Aly.Umirap siya at naiinis na pumalatak. May lahi talagang Paparazzi ang angkan nila.“At a friend’s house,” sagot niya sa pinsan. Nungka niyang sasabihin na nasa condo siya ni Adam. Kung malalaman nito at maidadaldal sa mga kamag-anak niya, baka tuluyang mapikot ang lalaki. Hindi naman sa hindi siya pabor kung mangyari iyon. But Adam makes her feel good about herself. Ayaw niyang maipit sa power-tripping at eksaherasyon ng pamilya niya ang bibihirang tao na nakapagpapagaan ng loob niya.“Sino’ng friend? The last time I checked, kaya ka nagtago rito sa condo ko ay dahil wala kang kaibigan,” sabi ni Aly. “Don’t tell me—”“Alyson, ’wag mong ipagdikdika
*** ‘Will I see you this time? Maaabutan ba kita? Maipapaliwanag mo ba nang maayos sa akin kung bakit ka umalis?’Panay ang tulo ng luha ni Erin habang ipit sa traffic ang taxi na sinasakyan niya. Napatingin siya sa tagiliran. Napasulyap sa unahan. Bumper to bumper ang mga sasakyan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.‘Shit. Pang-teleserye talaga? Dapat siksik na siksik ng traffic ang sasakyan ko para may thrill ang habulan sa airport?’ asar na naisip niya habang maingay ang kalabog sa dibdib.Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng isang teleserye. Ito ang ending scene. Nawala nang matagal ang bidang lalaki pero tumawag sa bidang babae. Nagsabi ng maraming kalokohan para mawala ang sama ng loob ng ka-love team. Nag-I love you. ’Tapos, paalis na pala ’yong lalaki kaya naisipang tumawag. Nasa airport na para dramatic. Mag-iisip ang bidang babae kung susundan niya ang bidang lalaki—kung worth it ba’ng humabol at magbigay ng second chance. Malilito at magpapalit ng isip mula is
***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya
***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang
***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa
***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&
***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul
***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck
***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee
***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma
***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th