Home / Romance / The Hate List / Chapter 10: Ang pagkalbo kay Felicia

Share

Chapter 10: Ang pagkalbo kay Felicia

Author: TheCatWhoDoesntMeow
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

***

May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.

Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.

Napasulyap siya sa screen ng cell phone  habang nakatayo sa labas ng bridal shop. Inayos niya pa nang kaunti ang buhok na inilugay para lang maitakip sa mukha niya. Naka-shades siya at mala-payong na summer hat. Nakaabang sa mangilan-ngilang pares na dumarating. She couldn’t just barge in. Dahil paano kung magkasama si Adrian at ang bride nito? Paano ang confrontation? Ayaw niyang maghisterya sa loob ng shop na nagmamay-ari ng pinapangarap niyang wedding gown. Hayun nga at naka-display pa rin ang gown sa harap ng shop—untouchable sa loob ng tatlong buwan na pagpapabalik-balik niya para mangarap.

‘That Aly! What’s taking her so long?’ napapapadyak na naisip niya. Nag-text siya sa pinsan para tawagan siya sa resulta ng impormasyong ipinapatanong niya.

Nang tumunog ang cell phone  niya ay agad niya iyong sinagot. Ni hindi natapos ang unang ring.

“Are you really in that bridal shop?” usisa ni Aly sa kabilang linya.

“Of course, silly! You gave me a photocopy of the bitch’s schedule. Of course, I will check her out,” sagot niya, iniingatang tumaas ang boses. “So? What’s her full name?”

“Sana nagpasama ka sa’kin! I want to see her too.”

Umikot ang eyeballs niya. Sinadya niyang hindi isama si Aly dahil ayaw niyang may saksi at ebidensiya ang pagmamanman. Isa pa, paano kung makita nila na payat na nga ang bride ni Adrian, mas maganda pa kaysa sa kanya? Ano’ng gagawin niya sa walang prenong bibig ng pinsan na malamang sa malamang ay ididikdik sa kanya ang gano’ng katotohanan?

“What’s her name?” ulit ni Erin sa tanong.

“Shaniah Robles,” sabi ni Aly. “Ang hirap i-torture si Vince para lang makuha niya ’yang pangalan na ’yan, ha? You should tell me everything that will happen!”

May pares na lumabas mula sa bridal shop. Napalingon si Erin sa salaming pinto.

Shaniah Robles. Parang naulinig niyang nabanggit ang pangalang iyon mula sa bumukas at nagsarang pinto ng shop.

Wala sa loob na napatingin siya sa mukha ng nakangiting babae na nakikipag-usap sa shop assistant. Bumaba ang mga mata niya sa braso nito. Maliit. Inusisa niya ang tabas ng buhok. Katulad ng sa babaeng nakita niyang kasama ni Adrian. Bumalik ang paningin niya sa mukha nito. Maganda. Mukhang mabait. Pati ang ngiti, maaliwalas.

Hindi pa naman niya nasisiguro na ang babaeng tinitingnan ay si Shaniah Robles nga, pero bakit nangangatog ang tuhod niya? At bakit may malakas na bundol sa dibdib niya habang nakatitig dito?

Hindi niya namalayang pinutol niya ang koneksyon mula sa tawag ni Aly. Hindi niya rin namalayan ang awtomatikong paghakbang para maitago nang kaunti ang sarili sa tagiliran ng shop, maging ang tuluyang pagtalikod sa lugar na iyon at paglakad palayo.

Napangiti siya nang mapait. She knows why she’s sure about that girl being the bride. Minsan na niyang nakita ang babae. Dating officemate ni Adrian sa advertising firm. Ipinakilalang dating kaibigan. That’s the girl she secretly caught kissing with her boyfriend one night.

Silly her. Paanong nangyari na wala siyang ideya kung sino ang babaeng kapalit niya sa buhay ni Adrian? She even asked the girl kung alam nito kung nasaan ang nobyo. That girl told her she didn’t know. Alam niyang tanga at desperada siya. Pero ilang ulit bang kailangang idikdik iyon sa kanya?

Lumunok si Erin at napapikit.

Tumitigil ang ikot ng mundo.

***

Six hours later . . .

“Felicia, let’s talk.”

Napalingon ang tinawag niya. Nasa parking lot sila ng branch office ng advertising firm kung saan sila magkasamang nagtrabaho. Inabangan niya ang paglabas ng dating kaibigan mula sa opisina.

“Are you drunk?” kunot-noong tanong sa kanya ni Felicia. Nahinto ito sa dapat sanang pagsakay sa kotse nito.

Maganda ang ayos nito. Deadly ang high heels. Sexy ang maikling pencit cut skirt. Nang-aasar ang manipis na braso na litaw sa sleeveless na blusa. Balik-ayos ang buhok na nakatakip sa panga.

“I’m not. I just sipped a little vodka,” sagot niya at nasinok. Kaunti lang ang ininom niya. Half a bottle of vodka na nakatago sa cabinet sa apartment niya. Who gets drunk with half a bottle?

“Go home, Erin. I’m not in the condition to talk to you,” sabi nitong umangil at akmang isusuot ang hawak na susi sa pinto ng kotse.

Tumaas ang kilay niya. Inangilan ba siya nito samantalang wala pa siyang sinasabi?

“Did you just growl at me?” tanong niya rito.

“Yeah, I just did,” asar na buwelta ni Felicia sa kanya at namaywang. “Bakit? Ano’ng problema mo pati sa pag-angil ko, ha?”

Namaywang din siya. “Wala naman. It’s just that. . . you don’t do that to me.”

“Oh yeah?” anitong nanliit ang mga mata sa kanya.

“Oh yeah!” galit na sagot ni Erin.

Umangil ito. Umangil din siya. Mas malakas. Pero hinigitan lang nito ang angil niya.

“You stop doing that, you bitch!” sigaw ni Erin. Ano’ng karapatan ng babaeng ito na makipagpalakasan ng angil sa kanya? Hindi lang ang panga nito ang makapal! Mukha rin!

“You stop growling at me, you pest!”

And she actually called her pest? A pest?!

“Ikaw ang peste! Bitch! Traydor! Mang-aagaw na higad!” sunod-sunod na sabi niya. Lumalabas ang ugat niya sa leeg sa bawat pagsigaw. Mainit ang dugong mabilis na bumubugso sa buong katawan niya.

“I’m a bitch? You’re the stuck-up illusionary bitch! Hindi ka maka-move on, girl! And you actually wanted to fucking talk?! Gosh! It’s been years!” malakas din na sabi nito. May diin sa bawat salita at kumukumpas.

Nagpanting ang tainga niya sa narinig.

Move on? Ito pa talaga ang nagsasabi sa kanya na mag-move on? Por que at asawa na nito ang inagaw na lalaki sa kanya? Por que at promoted na ito gamit ang proyektong pinaghirapan nila? Por que at maayos ang buhay nito, siya na hindi, dapat mag-move on na lang? Nang gano’n lang?

“The fuck about moving on! Yes, it’s been years and you never apologized!” sigaw niya. Dinidiinan din ang bawat salita. “Apologize, you bitch!”

“Apologize? You’re here picking a fight! It’s not for an apology, Erin! Gosh, you should start working with your life instead of being here bitching at me!”

Ano’ng sabi nito? Wala siyang love life? Wala siyang love life?! Ipinagdidikdikan?

“What?! You. . .” Nagsimulang tumayo ang balahibo niya habang umiikot ang paningin sa init ng ulo. “Ano’ng sabi mo?! Wala akong love life?!”

“What?!” malaki rin ang matang sabi nito. Namumula na rin ang mukha sa pinipigilang galit.

“You!” Tumakbo siya palapit dito at sumigaw bago hinablot ang buhok nito. “Bitch!”

***

Two hours later . . .

Sa Taguig City Police Station ay halos magkatabing nakaupo sina Felicia at Erin. Mainit ang pakiramdam ni Erin sa buong mukha, lalo na sa pisngi at panga na ilang ulit na hinambalos ng kamay ni Felicia. Masakit din ang tagiliran ng labi niya nang maingudngod sa kotse nito. At mahapdi ang anit niya sa pagkakahablot ng buhok.

Doble ng lahat damage niya ang nakuha ni Felicia. Hindi lang sabunot ang inabot nito. Putok ang labi nito nang gamitin niyang wiper sa windshield ng kotse. May pasa ang panga na ginamit niyang pangkalang sa side mirror. Pikit ang isang mata na binaunan niya ng kamao. At malamang na mag-wig ito kinabukasan sa trabaho sa dami ng binunot niyang buhok. Muntik na rin niyang maputol ang kamay nito.

Sira ang manggas sa blouse na suot niya. Punit naman ang sleeveless ng babae na maya’t maya ay iniipit nito sa kilikili at bra.

Pero triple ang inabot ng lalaking umawat sa kanila—si Jeff. Creative director nila ito sa advertising. Daig nito ang nakipagsuntukan sa isang gang sa dami ng pasa at maga sa mukha. Pikit ang isang mata. Punit ang dati ay kagalang-galang na terno ng slacks at long sleeves.

Ito ang nagdala sa kanila sa police station dahil hindi sila maawat.

Halos hindi sila nagsusulyapan ni Felicia habang panay ang iyak ni Jeff sa mga pulis.

Pero ugong lang ang lahat ng bagay sa pandinig ni Erin. Nagrereklamo sa sakit ang pisikal niyang katawan pero absent ang isip niya. Manhid ang kalooban. Wala siya roon. Wala sa harap ng pulis na nagtatanong at sa harap ng nagsusumbong na si Jeff.

She needs someone—anyone—to make her feel.

Bumukas ang pinto ng istasyon at magkasabayang pumasok ang dalawang mukhang kilala niya. Una si George. Kunot ang noo nito nang tumama ang paningin sa kanya bago mabilis na lumipat sa tagiliran niya—sa asawa nito. Madali itong nakalapit kay Felicia. Naulinig niya nang kaunti ang pag-aalala nito sa asawa. Narinig din niyang umiyak si Felicia. Nagsusumbong.

Something broke inside her—na para bang mayroon pang maaaring basagin sa dati nang basag na damdamin. Something heavy stirred inside, kaya napahinga siya nang malalim.

How nice. . .

How nice would it be to have someone to tell your troubles to? Someone na pagsusumbungan  that you had a bad day; that you fought with someone crazy; that you just wanted to go home. Someone who will listen and will tell you not to worry. Someone who will say that it’s okay to have a bad day because tomorrow might be good. That it’s okay to catfight with a crazy girl but at least dodge the damage. That it’s okay because you’re going home.

How nice would it be to have someone—anyone? Naipon ang mainit na luha sa mga mata niya pero hindi bumabagsak.

Ikalawang mukha si Adam.

Bakit nandito si Adam? Ah. . . Oo nga pala. Wala kasi siyang ibang matawagan kanina to bail her out. Hindi siya puwedeng tumawag sa amang nasa L. A. para lang mangunsumi ito. Hindi siya puwedeng tumawag kay Aly dahil ayaw niyang ikuwento kung ano ang puwersang sumapi sa kanya para matripang bugbugin si Felicia. Wala siyang puwedeng matawagan sa mga kamag-anak na hindi siya pagagalitan. She has no friends to call too. Lahat kasi, kaibigan din ni Adrian. And they all stopped being friends with her after niyang i-delete ang account sa f******k.

So, she called Adam.

“Erin? Are you alright? Pupunta ba tayo sa ospital?” tanong nito.

Nakasunod lang ang mga mata niya sa lalaki. His caramel eyes glinted of worry and concern. May pag-alo sa mahigpit na hawak nito sa magkabilang balikat niya. Sinipat nito ang mukha niya, tinititigan ang mga posibleng pasa at pamamaga. Pagkatapos, niyakap siya nito.

He’s warm. Napipikit siya. Malapad at komportable ang dibdib nito para sandalan at pagtaguan. Kung puwede lang umuwi nang gano’n—nang nasa yakap nito.

“Hey, Erin. . . are you okay? Tell me,” anito.

Tumango siya. Nilunok ang sunod-sunod na bara sa lalamunan niya. Pigil na pigil niya ang napupunong luha sa mga mata. But she could hear Felicia crying beside her. Umiiyak kay George. Gaya nito, alam niya. . . if she let the tears out, she will feel better. If someone comforts her, she will feel better. Kaso. . . napapagod na siya.

“You want to go home?” tanong ni Adam.

Pinilit niyang ngumiti. “Yes. Badly.”

“Okay. I’ll take you home. Let me fix this first, okay? It won’t be long,” malamlam ang matang sabi nito sa kanya.

Tumango siya.

They stayed for another hour at the station before they were released. Hindi nag-file ng kaso si Felicia at George laban sa kanya. Napakiusapan din nila ang direktor na si Jeff. Then as promised, Adam drove her home.

Tahimik sila nang pumasok sa loob ng apartment niya. Erin clicked the lights on. Sinilaw at inasar siya sandali ng liwanag. Unang napako ang mga mata niya sa center table sa living room kung nasaan ang bote ng vodka na ininom.

“Do you want coffee?” tanong niya kay Adam.

Hinawakan nito ang kamay niya para pigilan siya sa paglakad patungo sa kusina. “Tell me what happened.”

Nakatitig ito sa mga mata niya kaya nag-iwas siya ng tingin. “It’s on my list, ’di ba? Number one, kalbuhin si Felicia. That’s what I did.”

“Is that everything?” he asked.

“No.”

Paano ba niya sasabihin ang katangahan at kagagahan niya?

“You can tell me, Erin.”

Mainit ang kamay nito na hindi binibitawan ang kamay niya. Nakagat-kagat niya ang labi.

“I stalked Adrian’s bride,” amin niya. “Kanina, sa bridal shop.”

“And?”

“She’s pretty,” sabi niyang nagkibit-balikat. Saka napalunok.

“Erin. . .”

Nagbuntonghininga siya. “It’s petty, Adam.”

“Yeah. And I don’t care. I want to know.”

Sa bote ng vodka siya tumingin. “She’s pretty wearing my dress. ’Yong gown na pangarap kong suotin. . . sana. . . kung ikakasal ako.”

Pumagitan ang katahimikan sa kanila. Sinasakal siya. Sinasaktan. Ipinamumukha sa kanya kung gaano siya kaliit.

“And she’s pregnant,” dagdag niya at lumunok.

That’s what she saw. Matapos tumirik ang mundo, matapos niyang mag-isip-isip, matapos niyang maglakas-loob na bumalik sa bridal shop para kausapin si Shaniah, nakita niyang wala na sa mannequin ang wedding gown na pangarap niya. Wala na rin doon ang babaeng sadya niya. Pumasok siya sa loob at nagtanong sa attendant. May gagamit na raw kasi no’ng design ng gown kaya tinanggal na sa display. Si Shaniah Robles daw ang gagamit. Magrereklamo sana siya pero narinig niyang nagkomento ang designer na very fitting ang gown sa babae since sa araw ng kasal nito ay five months na ang laki ng tiyan nito.

At marunong siyang magbilang.

Two months ago lang sila naghiwalay ni Adrian. Ayon sa kopya ng schedule ng wedding coordinator, one month na lang ay ikakasal na ito. Then, it hit her. Iyon ang rason kung bakit bigla siyang naiwan. Nabuntis si Shaniah. Nalaman ni Adrian. And the only option left was to break every promise he made to her and marry that other girl. Walang proper apology. Walang paliwanagan.

And being the petty and desperate girl that she already is, nang kailangan niyang manabunot at magbunton ng sama ng loob, tinambangan niya si Felicia. That’s unreasonable but she doesn’t care. She could have picked a fight with anyone. Kahit siguro taxi ay paparahin niya para makipagsuntukan sa driver.

“Are you. . . okay?” alanganing tanong ni Adam.

“I. . .” Nag-isip siya ng maglalarawan sa nararamdaman niya. Walang dumarating. She could barely hold her emotions in. Ang gusto niyang gawin ay, “I just want to be alone for a while.”

“Do you want to drink?” tanong ng lalaki.

“Uminom na ’ko kanina. I just want to wash myself and sleep. I’ll be okay, Adam. I released all my stress kay Felicia.”

“Are you really, really sure?” maingat na ulit nito.

“Yes. And thank you for fetching me. I know you’re busy,” aniya. “Coffee?”

Umiling ito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat na parang hindi alam ang gagawin. “No. You better rest.”

Tumango siya. Pinisil naman nito ang balikat niya at nagbuntonghininga habang nakatitig sa kanya.

“I’ll go now,” sabi ni Adam. Ngumiti ito sa kanya. “Rest, okay?”

Pilit siyang ngumiti hanggang makalabas ito. Pero taksil ang luha niya na nakipag-unahan sa paglalapat ng seradura ng pinto. Nanlalambot ang tuhod na bumagsak siya sa carpet sa paanan ng couch.

The girl is pregnant. At inaatake siya ng konsensiya sa ginawa kay Felicia.

She sunk too low. She’s petty, desperate, and crazy. Tanga rin. How can she redeem herself?

Sumigaw siya at umatungal ng iyak.

***

Bago pa tuluyang sumara ang pinto ay narinig na ni Adam ang paghikbi ni Erin. Walang magawa na sumandal siya roon. He could hear things breaking inside her apartment, pero hindi na niya magawang bumalik sa loob para samahan ang babae.

He saw it in her face—she was faking it so he could go and she could cry alone. Iba ang Erin na umiiyak habang lasing sa babaeng iniuwi niya ngayon sa apartment. Mas basag ito kapag umiiyak nang walang alak. He would have wanted her to drink up and cry like crazy with less of her logic and less of her thoughts.

Dumidilim ang mukha niya habang naririnig ang mga ingay sa loob. Pinilit niya ang sariling humakbang paalis, patungo sa parking lot, sa sariling kotse.

Once inside the car, he dialled a number on his phone. Hinintay niyang may mag-pick up sa ring.

“Hey, Noonie, I have a favor to ask,” simula niya sa kaibigan habang minamaniobra ang kotse. Madilim ang mukha niya. Maningas ang mga mata. He gritted his teeth and almost hissing, he said, “Tell me where the fucking hell that Adrian is!” #

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ylena
go Adaaaammmmmm!
goodnovel comment avatar
Ylena
naiimagine ko yung iyak at sigaw ni Erin, it hurts huhu
goodnovel comment avatar
Ylena
Eriiiinnnn .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Hate List    Chapter 11: Fix and Hide

    *** Madaling-araw na nang mapagod sa pag-iyak si Erin. Nang humarap siya sa salamin sa banyo at makita ang mukha ay mapakla siyang napangiti. Mukha siyang emoterang rockstar. Puwedeng pamugaran ng uwak ang gulo ng buhok niya. Hulas ang mascarra. Sabog ang eyeliner. Maga ang mga mata. Namumula ang matangos niyang ilong habang nangingitim nang bahagya ang tagiliran ng labi niya mula sa wrestling kay Felicia.Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha kahit wala namang naitulong. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig mula sa ref bago lulugo-lugong nahiga sa kama.‘Narinig kaya ako ni Adam? Sana nakaalis na siya bago ako ngumawa,’ naisip niya pa habang napipikit. ‘Nakauwi kaya siya nang maayos?’ Napahikab siya. ‘I need to sleep. I have to cook. . .’ —naglapat ang mga mata niya at—‘tomorrow.’Nanaginip si Erin. A blurred and forgettable dream. Isang panaginip na kung maaalala niya ay magpapaiyak sa kanya.Ilang oras lang, naalimpungatan siya sa mainit na katawang yakap-yakap. Napangiti siya hab

  • The Hate List    Chapter: 12 Not yet

    ***Humihingal si Erin nang sumalampak sa sahig. Nakadikit ang basa sa pawis na damit sa katawan niya at ang ilang hibla ng naka-ponytail na buhok sa mukha. Masikip ang paghinga niya sa pagod, sa init, at sa tuyot na tuyot na lalamunan. Anumang oras ay siguradong mamamatay na siya kung hindi lang—“You look like you’re dying, sleepyhead,” komento ni Adam na sumalampak sa tabi niya at idinikit sa pisngi niya ang hawak na bote ng malamig na tubig.Nilingon niya ito habang nakabuka ang bibig sa paghahabol ng hininga. Kinuha niya ang bote sa kamay nito, mabilis na binuksan, at uminom. Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan at sikmura niya.“How. . . could water. . . taste. . . so sweet?” putol-putol na sabi niya at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig ng condo. “I’m dying. Mapuputol na ang. . . mga kamay ko. Oh my God.”Malutong na humalakhak ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo at umiinom din ng tubig.“I told you not to overdo it. You’re the one throwing a storm of t

  • The Hate List    Chapter: 13 Beer

    *** Iniisip ni Erin kung panahon na ba para sumandal siya sa malapit na pader at dahan-dahang dumausdos habang nagdadrama. Kitang-kita niya kasi ang mahigpit na yakapan ng babaeng bagong dating at ng talanding si Adam. May nalalaman pa itong speech sa kanya pagkatapos ay bigay-todo namang makikipagyapusan sa iba! Wala pa man silang relasyon ay nagtataksil na ito!“Oh, you have company,” tila nahihiyang sabi ng babae nang mapansin siyang nakatayo malapit sa punching bag.‘Hindi. Extra lang ako rito. Taga-score at tamang timer lang sa higpit ng yakapan n’yo. Mamaya siguro puwede na ring killer,’ sagot niya sa isip. Sa halip na isatinig ang lahat ng iyon, kumurba sa nakatatakot na ngiti ang labi niya. Iyon ang ngiting nagsasabing dapat nang magtago ang babaeng nakadikit kay Adam ngayon kung ayaw nitong maospital.Nakipagngitian sa kanya ang babaeng walang pakiramdam sa madugo niyang balak. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at hinatulan. Kulot: salot. Maputi: glutathione. Singkit

  • The Hate List    Chapter 14: Speaking of the Devil

    *** “What do you mean they’re still in my apartment? Anong oras na! Wala bang ibang mauusyoso si Tita Mildred at nakaabang pa rin siya sa apartment ko?” mataas ang boses ni Erin sa pagtatanong kay Aly na kausap sa cell phone .“Tito Ernie told her to wait for you. And they’ve been pressing me kung nasa’n ka raw. Nasa’n ka ba?” tanong ni Aly.Umirap siya at naiinis na pumalatak. May lahi talagang Paparazzi ang angkan nila.“At a friend’s house,” sagot niya sa pinsan. Nungka niyang sasabihin na nasa condo siya ni Adam. Kung malalaman nito at maidadaldal sa mga kamag-anak niya, baka tuluyang mapikot ang lalaki. Hindi naman sa hindi siya pabor kung mangyari iyon. But Adam makes her feel good about herself. Ayaw niyang maipit sa power-tripping at eksaherasyon ng pamilya niya ang bibihirang tao na nakapagpapagaan ng loob niya.“Sino’ng friend? The last time I checked, kaya ka nagtago rito sa condo ko ay dahil wala kang kaibigan,” sabi ni Aly. “Don’t tell me—”“Alyson, ’wag mong ipagdikdika

  • The Hate List    Chapter 15: Memories

    *** ‘Will I see you this time? Maaabutan ba kita? Maipapaliwanag mo ba nang maayos sa akin kung bakit ka umalis?’Panay ang tulo ng luha ni Erin habang ipit sa traffic ang taxi na sinasakyan niya. Napatingin siya sa tagiliran. Napasulyap sa unahan. Bumper to bumper ang mga sasakyan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.‘Shit. Pang-teleserye talaga? Dapat siksik na siksik ng traffic ang sasakyan ko para may thrill ang habulan sa airport?’ asar na naisip niya habang maingay ang kalabog sa dibdib.Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng isang teleserye. Ito ang ending scene. Nawala nang matagal ang bidang lalaki pero tumawag sa bidang babae. Nagsabi ng maraming kalokohan para mawala ang sama ng loob ng ka-love team. Nag-I love you. ’Tapos, paalis na pala ’yong lalaki kaya naisipang tumawag. Nasa airport na para dramatic. Mag-iisip ang bidang babae kung susundan niya ang bidang lalaki—kung worth it ba’ng humabol at magbigay ng second chance. Malilito at magpapalit ng isip mula is

  • The Hate List    Chapter 16: Back to zero

    ***“The number you have dialled is out of coverage area. Please try your call later.”Halos ibato ni Erin ang cell phone sa paulit-ulit na mensaheng iyon. Napapikit siya nang mariin, nalulunod sa sariling pag-iyak. Sinisinghot niya ang sipon na makulit na bumababa. Kagat-labi siyang lumabas ng NAIA at tumayo sa tagiliran ng isang coffee shop.Hindi niya magawang masalubong ang mata ng mga taong sigurado siyang nakatuon sa kanya. Takaw-tingin ang bagong biling dress niya na nagtutulo sa tubig-ulan. Pudpod ang takong ng sapatos na sumadsad sa kalsada sa paghahabol. Magulo ang buhok niya. Kalat ang make-up. Namumula ang mata. At kipit niya nang mahigpit ang basa ring shoulder bag.Hindi niya inabutan si Adrian. Ayon sa departure ay napaaga ang alis ng eroplanong bound to Madrid. Ampalaya ang ngiti niya. Nasaan ang Filipino time kung kailan kinakailangan? Bakit maagang umalis ang eroplano? It could have been delayed!Pinagmasdan niya ang langit na nagbubuhos ng sama ng loob. Brokenhearte

  • The Hate List    Chapter 17: Distance as you call it

    *** Pagdating sa sariling apartment ay sinapian si Erin ng espirito ng alak. Noong una, ang gusto niya lang sanang gawin ay magmukmok at mag-isip. Magse-senti sana siya at ngangawa nang walang humpay hanggang anurin ng luha niya ang lahat ng pait na kinikimkim. Pero matapos makipag-bonding sa tequila at magmulto ang mga alaala nila ni Adrian, pina-tumbling niya ang mga patungan, dekorasyon, sofa, mesa, magazine rack, telebisyon, kama, kabinet, at iba pa.Sa loob lang ng dalawang oras ay parang dinaanan ng delubyo ang apartment niya. At dahil napagod siya, nakatulog siyang luhaan sa sahig.Nang hapon na ay nagising siya sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya. True enough, nang magmulat siya ay nakatutok nga ang malaking mata ng katarungan ng Tito Ernie niya. Kasama nitong nakatanghod sa kanya ang Tita Mildred niya at si Aly.“Bangon! We will talk,” sabi ng Tito niya.Napapakamot siya sa pisngi nang tumayo sa nilugmukan. Ano na naman kayang trip ng mga ito at nandoon na naman sa apart

  • The Hate List    Chapter 18: The Way to a Man’s heart

    ***“Samahan mo akong mag-transform,” bungad ni Erin kay Aly nang pagbuksan ito ng pinto ng sariling apartment.Mulagat sa kanya ang kararating lang na pinsan. “Anong transform?”Nakangiti siya rito. Tinawagan niya ang pinsan para magpasama sa pagbabagong-buhay.“Please, come in,” aniyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.“Teka . . . Nagwo-workout ka?” kunot pa rin ang noo nito nang hagurin siya ng tingin. “At pumayat ka? Nang very slightly?”Lumapad ang ngiti niya. Maluwag na kamiseta at maikling short ang suot niya. Nakapusod ang hanggang balikat na buhok. Tagaktak ang pawis niya sa pakikipagsuntukan sa punching bag na bigay ni Adam.“Idi-discard ko ’yong very slightly na comment mo para hindi ka tamaan ng init ng ulo ko. But to answer your question, yes, I am working out. And yes, I think ay pumayat nga ako.”Pumasok si Aly sa ap

Pinakabagong kabanata

  • The Hate List    Special Chapter 7: Reward

    ***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya

  • The Hate List    Special Chapter 6: Someone worth the trouble

    ***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang

  • The Hate List    Special Chapter 5: Class and Patience

    ***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa

  • The Hate List    Special Chapter 4: Volcanic

    ***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&

  • The Hate List    Special Chapter 3: Promise

    ***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul

  • The Hate List    Special Chapter 2: Meeting Violet Ledesma

    ***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck

  • The Hate List    Special Chapter 1: Engaged

    ***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee

  • The Hate List    Chapter 32: For all it's worth

    ***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma

  • The Hate List    Chapter 31: To be Shameless

    ***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th

DMCA.com Protection Status