***
“Samahan mo akong mag-transform,” bungad ni Erin kay Aly nang pagbuksan ito ng pinto ng sariling apartment.
Mulagat sa kanya ang kararating lang na pinsan. “Anong transform?”
Nakangiti siya rito. Tinawagan niya ang pinsan para magpasama sa pagbabagong-buhay.
“Please, come in,” aniyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.
“Teka . . . Nagwo-workout ka?” kunot pa rin ang noo nito nang hagurin siya ng tingin. “At pumayat ka? Nang very slightly?”
Lumapad ang ngiti niya. Maluwag na kamiseta at maikling short ang suot niya. Nakapusod ang hanggang balikat na buhok. Tagaktak ang pawis niya sa pakikipagsuntukan sa punching bag na bigay ni Adam.
“Idi-discard ko ’yong very slightly na comment mo para hindi ka tamaan ng init ng ulo ko. But to answer your question, yes, I am working out. And yes, I think ay pumayat nga ako.”
Pumasok si Aly sa ap
***Narinig ni Erin ang pagbubukas ng lock ng condo ni Adam. Nasa loob siya at nakaabang. She was wearing her oversized shirt and lace panties. Hawak niya rin ang tray ng inilutong pagkain ni Aly. Pero siyempre, wala siyang balak sabihin kay Adam na hindi siya ang nagluto n’on.Akala niya, handa na siya. Simple lang naman ang iniisip niyang gawin: i-welcome si Adam mula sa pinto, iabot ang pagkain, at sabihin ang intensyong mag-thank you. Pero ilang ulit siyang nakipagtalo sa sarili sa iilang sandali ng pagtunog ng lock at pag-awang ng pinto pabukas.‘What intention? Intention to offer yourself? So cheap.’‘Thank you ba talaga ’yan? Bakit parang ikaw lang ang makikinabang? Humaba na nga ang buhok mo, mapapayapa pa nang bongga ang hormones mo dahil kay Papa Adam.’‘At pa’no kung hindi ka niya gusto? What if he rejects your offer? Kaya mo ba?’
***Erin tiptoed out of the bathroom. Sinilip muna niya ang nahihimbing na si Adam bago mapabuntonghininga. Makaaalis naman siguro siya nang hindi ito nagigising.Hindi pa klaro kung ano ang more than that na sinasabi ng lalaki, pero nanginginig na ang tuhod niya rito. Gusto niyang magpahinga. Hindi niya iyon magagawa kung lagi siyang sumisilab sa karinyo nito. His drive was unquestionable.Tahimik siyang lumabas ng banyo at patingkayad pa ring lumakad pababa na sana ng hagdanan nang—“Where are you going, sleepyhead?” makapal sa pagtulog ang boses na tanong ni Adam sa kanya.She turned around and smiled awkwardly.“Uhm . . .”Bumangon ito mula sa pagkakahiga. Dumulas naman ang manipis na kumot na nakatakip sa ibaba ng katawan nito. Walang kahihiyang inilantad ng kumot ang dapat ay nakatago.She stared at his thing. Umaga uli kaya mukhang may panibago iyong lakas mula sa paggising.
***“Hey, Erin . . . get up.”Makulit at malagkit ang boses na tumatawag kay Erin. She pouted at the voice. She was having some nice kiss in her dream—a wet, sweet, thorough kiss. A kiss that reminded her of morning coffee.“Sleepyhead . . .” Malambing ang tinig. Malambot ang labi. May flavor ng morning coffee at chocolate caramel. “Wake up.”She was being called by one sexy man. Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Marahan niyang ibinukas ang kanang mata at sinilip ang mukha ng boses—si Adam.He’s smiling brightly at her.‘Gosh. Wala naman sanang expiration ang paggising ko nang ganito . . . .’ naisip niya bago napahawak sa labi. She licked her already wet lips. She was kissed. More than that, nadama niya ang kahubdan sa ilalim ng kumot.Muntik na niyang makalimutan na ilang umaga na siyang gumigising nang hubad sa tabi ng abusadong lalaki.“Fi
***Mainit-init ang tubig sa bathtub, manipis ang bula, at amoy-vanilla. Nakasandal si Erin kay Adam sa pagkakalublob nila. May access ang lalaki sa lahat ng parte ng katawan niya. Pero dahil ngayong gabi ay dadalhin niya ito sa Tito Ernie niya, nag-usap silang walang ubusan ng lakas.Muna.“You’re tensed,” sabi ni Adam habang dumidiin ang kamay nito sa balikat at likod niya.Tama ito. Pakiramdam niya ay buhol-buhol ang bituka niya habang naninigas ang kalamnan. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat na i-expect sa pagpapakilala kay Adam sa pamilya. Pero ayaw niyang pag-usapan. Baka magkatoyo na naman siya.“Masahista ka ba dati? Bakit ang galing mong pumisil?” tanong niya rito habang nagpipigil na mapaungol sa pagmamasahe nito.Natawa nang mahina ang lalaki. “You’re asking me just now? Marami na akong napisil sa ’yo, Erin.”Inangilan niya ito. “I’m serious.&rdqu
***“Tired?”Nilingon ni Erin si Adam. Kababalik lang nila sa condo nito. At alam ni Erin kung ano’ng itsura niya kaya ganoon ang tanong nito—mukha siyang tanga. Ilang ulit siyang natulala sa barbeque party pa lang. Lumampas sa pandinig niya ang mga itinanong ni Adam kaninang nasa kotse sila nito. At nagagalit siya sa sarili kung bakit hindi siya magaling magtago ng nararamdaman o ng iniisip o ng katangahan.She was shaken by the fact na nagpunta si Adrian sa bahay ng Tito Ernie niya para magtanong tungkol sa kanya. At hindi niya kayang sabihin ’yon kay Adam. It would be so unfair to be affected by that jerk.So she lied kasama ng pilit na ngiti. “A bit, yes.”Lumapit sa kanya si Adam, hinawakan siya sa kamay, at iginiya siya patungo sa couch sa living room. Nauna itong umupo bago siya hilahin sa kandungan nito. Niyakap siya ng lalaki.“Adam . . .”“Stay still, sleepyhe
*** “You’re getting good at this.” Matamis pa sa bukayo ang ngiti ni Erin sa komento ni Adam kahit pa alam niyang malayo iyon sa katotohanan. Binobola siya at nagpapabola naman siya. At kahit nagbobolahan lang sila ay ikinaliligaya niya. “Really?” Yumapos siya sa lalaki. “Actually, no.” Makulit itong ngumiti bago halikan ang tungki ng ilong niya. “But at least, you’re not mixing three recipes in one casserole like last time. Now, we’re left with either sweet and sour or adobo.” Nagusot ang mukha niya. Bakit hindi na lang siya bolahin nito nang tuloy-tuloy? Ipagdikdikan pa talaga ang kinulang niyang talent sa pagluluto. Hinablot niya ang sandok na hawak ni Adam at tinikman ang sauce na ipinatikim niya rito. Maalat na matamis na maasim. Adobo o sweet and sour nga. Umasim ang mukha niya. “I don’t get this,” sabi niyang umalis sa braso nito at namaywang sa harap ng kaserolang nakasalang. In-off niya ang electric stove. “You don’t have to. I can cook for us,” sabi ni Adam mula sa pa
***Walang talent si Erin sa pagkukunwari. Ang nakasanayan niya ay ang man-torture, mam-blackmail, mag-inarte, manuhol, at manakot para malaman ang mga bagay na kailangan niyang malaman o paaminin ang isang tao sa katotohanan.Nang dalawang beses siyang lokohin ni Adrian noong magkasama pa sila sa iisang bubong, mata lang nito ang walang latay sa tuwing nagpapaamin siya. Bigla siyang nagiging detective—nagmamanman sa bawat kilos nito, nakasunod sa bawat puntahan, iniisip na mabuti ang bawat sasabihin.Pero nang balikan siya ni Adam sa sitting room, nang makita niya ang magandang ngiti nito, nang tawagin siya nitong sleepyhead, nang tingnan siya nito na para siyang diyosang ibinaba sa lupa, umurong ang lahat ng tapang na mayroon siya at kumurba sa isang ngiti ang labi niya. Kasabay niyon ang pagkasaksak ng puso niya.‘What are you hiding from me, Adam?’ sa isip ay tanong niya rito. Itinago ng permanenteng ngiti niya ang mga
***“He’s my ex-boyfriend. Bakit? Hindi niya ba sinabi sa ’yo?” Matigas ang ekspresyon sa mukha ni Shaniah.Maganda ang babaeng kaharap ni Erin. Pumuputok nga lang ang mukha sa taba dala marahil ng pagbubuntis nito.Sa isang coffee shop sila nagkasundong magkita. Magkaharap sila sa umuusok na kape at papanipis na pasensiya.“Ilang buwan na ’yang tiyan mo?” walang emosyon niyang tanong.“Six months,” walang emosyon nitong sagot bago, “Bakit? Gusto mong mag-Ninang?”Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito. Humigop siya ng black coffee na inorder. Matapang iyon para kabahan siya sakaling maisipan niyang manakit ng buntis.“Kailan pa kayo naghiwalay ni Adam?”“A long time ago. You want specifics? Kasi hindi ako magaling tumanda ng break-up dates. Especially, kung hindi naman natapos ang koneksyon ko sa isang tao,” anito at malisyosang ng