***
“Tired?”
Nilingon ni Erin si Adam. Kababalik lang nila sa condo nito. At alam ni Erin kung ano’ng itsura niya kaya ganoon ang tanong nito—mukha siyang tanga. Ilang ulit siyang natulala sa barbeque party pa lang. Lumampas sa pandinig niya ang mga itinanong ni Adam kaninang nasa kotse sila nito. At nagagalit siya sa sarili kung bakit hindi siya magaling magtago ng nararamdaman o ng iniisip o ng katangahan.
She was shaken by the fact na nagpunta si Adrian sa bahay ng Tito Ernie niya para magtanong tungkol sa kanya. At hindi niya kayang sabihin ’yon kay Adam. It would be so unfair to be affected by that jerk.
So she lied kasama ng pilit na ngiti. “A bit, yes.”
Lumapit sa kanya si Adam, hinawakan siya sa kamay, at iginiya siya patungo sa couch sa living room. Nauna itong umupo bago siya hilahin sa kandungan nito. Niyakap siya ng lalaki.
“Adam . . .”
“Stay still, sleepyhe
*** “You’re getting good at this.” Matamis pa sa bukayo ang ngiti ni Erin sa komento ni Adam kahit pa alam niyang malayo iyon sa katotohanan. Binobola siya at nagpapabola naman siya. At kahit nagbobolahan lang sila ay ikinaliligaya niya. “Really?” Yumapos siya sa lalaki. “Actually, no.” Makulit itong ngumiti bago halikan ang tungki ng ilong niya. “But at least, you’re not mixing three recipes in one casserole like last time. Now, we’re left with either sweet and sour or adobo.” Nagusot ang mukha niya. Bakit hindi na lang siya bolahin nito nang tuloy-tuloy? Ipagdikdikan pa talaga ang kinulang niyang talent sa pagluluto. Hinablot niya ang sandok na hawak ni Adam at tinikman ang sauce na ipinatikim niya rito. Maalat na matamis na maasim. Adobo o sweet and sour nga. Umasim ang mukha niya. “I don’t get this,” sabi niyang umalis sa braso nito at namaywang sa harap ng kaserolang nakasalang. In-off niya ang electric stove. “You don’t have to. I can cook for us,” sabi ni Adam mula sa pa
***Walang talent si Erin sa pagkukunwari. Ang nakasanayan niya ay ang man-torture, mam-blackmail, mag-inarte, manuhol, at manakot para malaman ang mga bagay na kailangan niyang malaman o paaminin ang isang tao sa katotohanan.Nang dalawang beses siyang lokohin ni Adrian noong magkasama pa sila sa iisang bubong, mata lang nito ang walang latay sa tuwing nagpapaamin siya. Bigla siyang nagiging detective—nagmamanman sa bawat kilos nito, nakasunod sa bawat puntahan, iniisip na mabuti ang bawat sasabihin.Pero nang balikan siya ni Adam sa sitting room, nang makita niya ang magandang ngiti nito, nang tawagin siya nitong sleepyhead, nang tingnan siya nito na para siyang diyosang ibinaba sa lupa, umurong ang lahat ng tapang na mayroon siya at kumurba sa isang ngiti ang labi niya. Kasabay niyon ang pagkasaksak ng puso niya.‘What are you hiding from me, Adam?’ sa isip ay tanong niya rito. Itinago ng permanenteng ngiti niya ang mga
***“He’s my ex-boyfriend. Bakit? Hindi niya ba sinabi sa ’yo?” Matigas ang ekspresyon sa mukha ni Shaniah.Maganda ang babaeng kaharap ni Erin. Pumuputok nga lang ang mukha sa taba dala marahil ng pagbubuntis nito.Sa isang coffee shop sila nagkasundong magkita. Magkaharap sila sa umuusok na kape at papanipis na pasensiya.“Ilang buwan na ’yang tiyan mo?” walang emosyon niyang tanong.“Six months,” walang emosyon nitong sagot bago, “Bakit? Gusto mong mag-Ninang?”Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito. Humigop siya ng black coffee na inorder. Matapang iyon para kabahan siya sakaling maisipan niyang manakit ng buntis.“Kailan pa kayo naghiwalay ni Adam?”“A long time ago. You want specifics? Kasi hindi ako magaling tumanda ng break-up dates. Especially, kung hindi naman natapos ang koneksyon ko sa isang tao,” anito at malisyosang ng
***“Erin!”Gulat si Adam nang pagbuksan siya ng pinto. Mabilis siyang niyakap nito.Kumikirot naman ang puso ni Erin—sa init ng katawan nito, sa higpit ng yakap nito, sa amoy nito na nagpapapikit sa kanya. It felt like she really did come home. But it also felt like running towards a knife.Today is the day she’s going to break his heart and save whatever is left of her—her pride.Lahat ng bakit na itinanong niya kahapon sa sarili, iniligo na niya kanina. Halos pakuluan ni Erin ang sarili sa hot shower ni Aly. Lahat ng sakit ng loob, pinalipas na niya nang nagdaang gabi. She has to face Adam somehow. Para makalaya rito.Hinagod siya ng tingin ng lalaki mula sa ulo hanggang sa paa. Pagkatapos, tumigil ang mata nito sa benda na nasa kamay niya. Inabot nito ang kamay niya at masuyong hinawakan. “What happened? Saan ’to galing?”Ipiniksi niya ang kamay para mabitiwan nito. “Noth
***“Hey, magsalita ka na, Erin. Wala ka rin namang ibang mapagsasabihan, ’di ba?”Napatanga si Erin sa kaharap na si Felicia. Dinala siya nito sa isang karaoke box matapos siyang damputin sa labas ng mall. Akala nito ay patay na siya dahil sa hindi pagkilos mula sa pagkakasalampak sa hagdanan. Nang makita nito ang namamagang mata niya, hinila siya nito papasok sa kotse nito.At ngayon ay nasa loob sila ng malamig at madilim na silid. Masakit sa mata ang iilang guhit ng ilaw. Hininaan ni Felicia ang paulit-ulit na tumutugtog na musika.How did it come to this? Hindi siya makauwi kay Aly. Kinatatakutan niyang mangulit na ito sa pagtatanong. At ayaw niyang ikuwento ang tungkol sa kanila ni Adam. Dati-rati naman, madali lang ang magsumbong at kumuha ng kakampi sa kasawian niya. But right now, she didn’t care if she was alone in her misery. Ayaw niyang may sumugod kay Adam o magalit dito.Ayaw niya rin namang umuwi sa apar
***“Why are you here?” matigas ang tinig na tanong ni Adam sa dumating na si Shaniah.Nasa living room siya at umiinom ng vodka. Madilim ang buong condo. He didn’t want to see things that reminded him of Erin, but everything in his condo is Erin’s.Mapula ang mata niya sa pag-iyak. He never cried before for losing someone or making someone cry. But his Erin cried while cursing at him. Hindi na siya kaya pang tingnan o mahalin nito.“I asked . . . why are you here?!” sigaw niya.Nagitla ang babae. Namutla.“Adam . . . I—I wanted to apologize.” Mababa ang boses ni Shaniah.“Apologize?” Umarko ang kilay niya kasabay ng pag-angat mula sa pagkakasandal sa couch. Madiin ang bitiw niya sa bawat salita. “You lied to Erin about that goddamn flight! I stopped helping you when I started seeing her! I said you were on your own! But you told her that?! Why?! Why?!
***“Did they find it?” walang interes na tanong ni Erin kay Aly.Kausap niya ang pinsan gamit ang telepono sa apartment. Itinawag nito sa kanya ang pagsadya ni Mrs. Almasen sa bahay ng Tito Ernie niya. Ikinuwento ng bruhang negosyante ang paglalagay daw niya ng ipis sa kapeng iniinom para manghiya. Humihingi ito ng bayad sa nasirang mga gamit at sa reputasyong nabahiran dahil sa insidente. In return, her Tito Ernie asked for any evidence. Like the CCTV footage of her.She couldn’t care less if she will be imprisoned. Wala rin naman siyang maisip na matinong magawa sa buhay niya nitong nakalipas na mga araw kundi ang magpagutom, magwala, at umiyak.“No. They checked the CCTV but there was nothing of you on it. No record at all that you’ve been there,” sagot ni Aly.“No footage, huh?”Ilang segundong tumigil sa pagtibok ang puso niya. Isa lang ang kilala niyang nangongoleksyon ng
***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th
***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya
***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang
***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa
***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&
***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul
***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck
***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee
***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma
***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th