Home / Romance / The Hate List / Chapter 1: Revenge of the Fallen

Share

Chapter 1: Revenge of the Fallen

last update Last Updated: 2022-07-29 10:13:25

*** 

“You may now kiss the bride.”

Isa iyon sa pinakahihintay na tagpo sa loob ng simbahan. Naglapat ang nguso ng mga newly-weds. Nagpalakpakan ang mga tao. May sumipol. May nangantiyaw. Marami ang sumigaw ng Congratulations. At may pag-iinit at paghahalo ng dugo na nagaganap sa utak ni Erin.

Si Joana De Guia ang bride. 23 years old­ na pinsan niya na may four-month na tiyan. Nag- I do ito sa 28-year old na boyfriend of two months na sa angkan ng De Guia ay may lihim na palayaw na Panot. Bago ang kasal ay pinagtalunan ng mga De Guia ang pagpapabuntis na ginawa nito para mabilis na maikasal. Game siyang makipagtalo dahil hindi rin siya gano’n kaboto kay Panot. Pero umani lang siya ng init ng ulo noong maipunto na dapat na rin siyang gumawa ng kabaliwan at magpabuntis para maikasal na rin.

Patuloy ang palakpakan lalo na nang mag-part two ang kissing scene sa altar. Umismid siya. Ngayong nakita ng mga kamag-anak niya na kaya palang gumasta ni Panot sa isang engrandeng kasalan ay puro papuri ang mga ito. Not that their clan can be bought by money, but who wouldn’t love a grand wedding?

Six to seven digits ang presyo ng bawat venue, supplier, at maging ng damit. Siguradong ilang buwang pag-uusapan ang kasal sa bawat gathering ng pamilya. She’d better snob their invitations.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at hindi sinasadyang nag-expand ang iniipit na bilbil sa fitted na damit.

“Bakit ang laki ng tiyan mo? Buntis ka ba?!” tanong ng pinsan cum close friend niyang si Aly.

Parang tinig mula sa Kaitaasan ang pag-alingawngaw ng boses nito sa loob ng simbahan. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao—ang newly-weds, ang pari na napaantanda, ang mga sakristan na nagkatinginan, at ang kamag-anakan nila na tahimik pero intense na naghihintay sa sagot niya.

“Hindi ako buntis, Aly,” gusot ang mukha na sabi niya rito. Hindi nakapagtatakang magulat ito. Siya man ay nagulat at namighati nang madiskubre niya ang bilbil kaninang umaga sa tulong ng tape measure. “Hindi po ako buntis,” baling naman niya sa mga tao na may kasamang ngiti at pagpipigil ng papalabas na pangil.

Humugong ang mga tanong at bulong-bulungan sa loob ng simbahan.

“Hindi pa rin siya buntis? False alarm?”

 “Ipa-albularyo na kaya natin?”

“Baog kaya ang batang ’yan? Pero wala naman sa lahi natin ang baog. Dios mio.”

 “Pagsayawin natin sa Obando. ’Di ba, doon nagkaanak si Stella?”

“Kaawa-awang bata. Lulutong na ang matris niyan. Painumin na natin ng halamang gamot.”

“Ano’ng ireregalo natin sa kanya? Pusa o aso? ’Yong madali lang alagaan at makakasama niyang tumanda.”

Pinipigilan ni Erin ang pag-alpas ng mura sa bibig kahit nasa boiling point na ang dugo. Pero sumusuot ang pagbubulungan ng mga ito kahit itupi niya ang sariling tainga. Nang matapos ang bulungan ay tumamlay ang simbahan.

“Cheer up po tayo. Kasal ni Joana, ’di ba po?” pilit ang ngiti at magkalapat ang ngipin na sabi niya.

Mangiyak-ngiyak ang mga tiyahin niya sa pagkakatingin sa kanya. Ang mga tiyuhin naman niya ay nag-iiwas ng mata. At ang mga pinsan niya ay nag-part two ng bulungan. Nang magsalita ang pari ay saka nawala sa kanya ang atensyon ng lahat.

“Gosh! Akala ko, good news na at talagang buntis ka, eh. Maraming naghihintay sa kasal mo,” sabi ni Aly.

Tikom pa rin ang bibig niya sa komento. Mahirap na. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at makapagwala na siya roon kapag naalala si Adrian at—

Kumanta siya ng Twinkle, Twinkle, Little Star  sa isipan para matigil ang daloy ng mga matatamis pero nakaiinis na alaala: Sila ni Adrian habang nagsusubuan over dinner sa isang fine-dining restaurant. Sila ni Adrian habang inaabutan siya nito ng stargazers na paborito niyang bulaklak. Sila ni Adrian na—

Nagkalikot siya sa inbox ng cell phone.

Sila ni Adrian habang kinakantahan siya nito ng—

‘God, paano ako mabubuntis, eh wala na kami ni Adrian? And I can’t even tell them!’

Unti-unting lumabo ang paningin niya sa mainit na luhang naiipon sa mga mata. Tumungo siya at nagkunwaring may hinahanap sa shoulder bag.

“Kawawa naman. Umiiyak na ’ata si Erin dahil hindi siya buntis.”

“Kayo kasi, eh. Hatiran n’yo ng carrot cake mamaya ’yan para mawala ang sama ng loob.”

“Carrot cake can’t solve everything.”

S******p pabalik ng tear ducts niya ang sariling luha nang marinig ang kaintrimitidahan ng tiyahin at ng dalawang pinsang babae na nasa kabilang upuan lang.

“It can solve everything. Padalhan n’yo ’ko mamaya,” sabad niya sa mga ito.

Tango lang ang isinagot ng mga ito at pagkatapos ay patay-malisya na itinuon ang pansin sa altar. Napatingala rin siya sa krus na naroon. Taimtim siyang nanalangin sa paglipol sa lahat ng mga kamag-anak niya na walang ibang ginawa kundi ang maghintay at ma-disappoint, at maghintay at umasa at ma-disappoint uli sa pagdating ng kasal niya.

‘Please,’ samo niya sa nasa krus, ‘if You’re going to send an earthquake, we both know a good place.’

Kumulog at kumidlat. Nanggulat sa loob ng simbahan. Nagtayuan ang balahibo niya sa gitna ng panalangin. Kasalukuyan nang nagpapa-group picture ang mga bagong kasal sa mga sponsors nito.

‘Ang bilis N’yo naman pong narinig ang request ko! Hindi naman po ’yon urgent. May kakakasal pa lang, Lord. Kahit na nakatikim na sila ng honeymoon, ’wag naman po Kayo ngayon magpadala ng lindol. Sana ’yong hindi po nila ako kasama. Kasi gusto ko pang maikasal man lang at makapag-honeymoon din bago matsugi.’

Sa pagitan ng pag-a-eye to eye nila ng nasa altar ay sumingit na naman si Aly. “Bakit pala hindi mo isinuot ’yong mas magandang dress na binili mo?”

Matalas ang mata na bumaling siya sa pinsan. Iniistorbo nito ang unti-unti niyang pagbabalik sa pagiging relihiyosa. At ang mga itinatanong pa talaga nito ay ang mga ayaw niyang sagutin.

“Maliit,” simpleng aniya.

“Maliit? Eh magkasama tayong bumili no’n ah. Isinukat mo pa nga. Ang ganda pa ng fit.”

Maganda ang fit niyon a month ago. Pero marami na siyang nakain sa loob ng isang buwan. At dahil tag-ulan, mas masarap matulog kaysa mag-exercise.

“I mean. . . lumiit.”

“Lumiit ang damit as in. . . tumaba ka?”

Mapait ang panlasa sa bibig niya nang sumagot. “Parang gano’n na nga.”

Humagikgik ito. “Ilang inches ang waistline mo?”

Pigil niya ang hininga. “Thirty-six.”

“Thirty-six?!”

Napatingin na naman ang ilang mga kamag-anak at kaibigan ng bride at groom na malapit lang sa puwesto nila.

“No kidding? Thirty-six talaga?”

Pumalatak si Aly, sinipat ang bandang tiyan niya. Hindi naman siya makahinga kasabay ng pagkulo ng dugo. Sumisingaw na sa bumbunan niya ang init ng ulo sa kataklesahan at kakulitan ng pinsan.

“Yes! Thirty-six. Three-six. Okay na? Malinaw na? Ipagduldulan pa natin, Alyson?”

Ni hindi ito tinablan ng talas at taas ng boses niya.

“No wonder hindi mo masuot ’yong damit. It’s a nice dress but not so nice if you’re thick in the middle,” natatawang sabi nito.

“Fuck! You’re so insensitive, Alyson! Imagine, thirty-six inches? Thirty-one lang ’to a few days ago. It’s supposed to count to thirty-two and not jump to thirty-six without my knowledge!”

“That’s too many carrot cake. Bawasan mo kasi. Ano na lang ang sasabihin ni Adrian kapag—”

Pinandilatan niya ng mata ang pinsan. Red alert. Kapag narinig ng mga kaanak niya ang pangalan ni Adrian ay—

“Nasaan nga pala si Adrian?”

“Hindi niya kasama.”

Gusto niyang itupi ang tainga.

“Break na sila, ’di ba? And the last I heard ay magpapakasal sa iba si Adrian.”

Tila malamig na tubig ang dumaloy sa gulugod niya dahil sa narinig.

Namaybay ang mata niya sa pinanggalingan ng boses—bandang likuran, sa kaliwa, tatlong hanay ang layo mula sa kanya. Si Anthony ang nagsalita. Kaibigan ito ng pinsan niyang si Vince at naging kaklase sa kolehiyo ni Adrian. Siniko ito ng pinsan niya. Umubo naman ito at sumimple sa pagtatakip ng bibig.

“What did you say?!” mataas ang tono niya rito.

Umiling ito.

“Magsasalita ka ba nang kusa o pipilitin pa kita?” Madilim na madilim ang mukha niya sa pagkakalingon dito.

Nagkatinginan sina Vince at Anthony. Tinanguan ito ni Vince.

“Magpapakasal si Adrian,” sabi nito.

“I heard that,” aniya.

“Hindi sa ’yo.”

“Obviously.”

Natahimik sa loob ng simbahan.

“Kaya. . .”

“Kaya sino-sino sa inyo ang nakakaalam na break na kami ni Adrian?” aniya sa mga nasa simbahan. “Pakitaas ang kamay.”

Nag-aalangan man ay nagsipagtaasan ng kamay ang mga kaanak niya. Iilan lang ang nanatiling nakababa (mostly ay sa pamilya lang ni Panot). Which means na alam na ng halos lahat na break na sila ni Adrian.

“So all of you knew. That explains all the carrot cakes na regular na idini-deliver sa apartment ko.”

Walang nagsasalita. Pumipintig-pintig ang ugat niya sa sentido at bumibilis ang tibok ng puso niya.

“Erin. . . we can talk about this, darling. You just be calm because there’s a wedding and—”

Matalas siyang napatingin sa Auntie Mildred niya.

“I am calm. I am—” Pumikit siya nang mariin at matalas na suminghap.

“Uh-oh. . .”

Pagmulat niya ay hindi na niya napigilan ang sarili.

“I am fucking. Damn. Calm!”

Her temper erupted. Ipinagtutulak niya ang mga upuan sa loob ng simbahan. Nagtumbahan ang nakadekorasyong mga bulaklak sa aisle. Nagusot at natupi ang red carpet. At may saliw ng magkasamang kulog at kidlat na umalingawngaw mula sa labas.

Nagtakbuhan patungo sa isang tabi ang mga kamag-anak niya habang naglayuan din ang mga kamag-anak ni Panot. Ang pari at ang mga sakristan ay mabilis namang nakapagtago sa ilalim ng krus sa altar. Hinihingal sa galit at pulang-pula ang mukha niya nang umalis sa puwesto at pagdiskitahan ang mga bulaklak na nasa aisle. Kumuha siya ng isang kumpol at initsa iyon sa ere. Sinipa niya ang mga basket na naiwang nakagulong sa red carpet. Pinirat niya sa takong ang mga naiwang buko ng bulaklak. Kinuha niya pa ang isang kumpol na nakaayos at iitsa niya sana uli nang—

“Don’t do that to the flowers, Miss,” nakikiusap na sabi ng groom.

Napasinghap ang mga kamag-anak niya sa pagpigil nito. Matalim ang mata na bumaling siya sa lalaki. Humihingal siya sa ragasa ng emosyon.

“Don’t tell me what to do!”

“But—”

“Panot!”

Nag-echo ang pantig ng salita sa simbahan na sinundan ng katahimikan. Pa-not-not-not-not until fade. Walang nakapansin nang kumunot ang noo ng bride. Wala ring nakapigil nang mabilis itong tumakbo pasugod sa kanya.

“How dare you call him that! I hate you, Ate Erin!”

Agad nahablot ni Joana ang buhok niya. Agad naman niyang nahila ang veil nito. Nagpalitan sila ng kalmot, sampal, at sabunot. Inawat sila ng iba pa nilang pinsan. Nang mapaghiwalay sila ay kapwa sila hinihingal at pulang-pula sa inis.

“Erin!” Ang Uncle Ernie niya iyon, daddy ni Joana.

“I know! You don’t have to tell me to leave!” mataray na sabi niya at nagmartsa palabas ng simbahan.

***

Sa sariling apartment tumuloy si Erin pagkatapos mag-walk out sa wedding ni Joana. Aly kept her updated sa mga kaganapan sa reception. They seemed like they were having fun.

Nang mabagot siya sa nakakalat na memories ni Adrian sa bawat sulok ng apartment niya, lumabas siya at naglakad-lakad. At nang abutan na ng dilim na nababagot pa rin, sa bar naman siya nakipag-bonding sa tequila.

Pikit-mata niyang sinimsim ang alak na nasa shot glass. It was getting late. People around her were loosening up and becoming chatty thanks to liquor.

She despised attending weddings. Lalo na ngayon. Lahat ng kamag-anak niya ay ipinagduduldulan sa kanya na malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Wala naman siyang memory gap. Alam na alam niya iyon. If thirty is not that late to be married, hindi halata. Sa lahat ng dako ay may reminder na pinaglilipasan na siya ng panahon. Lahat na halos ng mga kaklase, kaibigan, at kakilala niya ay mag-aasawa, may asawa, o may pamilya na. Ang eskandalosang biological clock niya, mas pinalalala ang pagsirko ng temper at hormones niya. Mas pinalalapad ang waistline niya.

Ang sabi, ang mga babaeng nasa late twenties ay bumibilog ang katawan. Whoever realized it should have just kept quiet about it. May medida namang ipagduduldulan iyon bawat araw sa kanya. She’s only 5 feet 6 inches. Kasalanan ang magkaroon ng thirty-six inches na waistline kahit pa malaki ang dibdib at balakang niya! Kasalanan kahit na bilbilin naman talaga siya dati pa. It looked so extra in clothes she wanted to wear.

Idagdag pa sa rason na past due na siya para mag-abay pero masyado namang maaga para mag-Ninang. Nakahihiya na ring makipila sa throwing of the bouquet. Isa na lang siyang dakilang spectator sa kung kani-kaninong wedding.

And then, there’s Adrian.

She downed another shot.

It was so unfair. They have been together for five years! Puwedeng naging makulit siya sa pagtatanong ng tungkol sa kasal pero dahil ’yon sa pressured na siya sa mga kamag-anak. At hello, 25 years old na siya nang maging sila at napahaba nila ang relasyon nila. If it was any indication, that means na hahantong sila sa kasal, hindi ba? Why did they stick together that long if it was not to marry each other? She did a lot of things for him. She gave up a lot for him. She. . .

She knocked another shot.

“Hey, Erin, easy on the tequila.”

Napatingin siya sa bartender na lagi niyang nakalilimutan ang pangalan. Is it Mike? Is it James? Is it Bryan? She bit her lip. It’s pathetic. Bartender na nga lang ang nag-aalala para sa kanya, nakalimutan niya pa ang pangalan.

“Hey, are you okay?”

Suminghot siya. Pinahid ng likod ng palad ang butil ng luha na hindi niya namalayang tumulo na pala.

“You’re drunk,” dagdag nito sa obvious.

“Yes, I am. That’s why. . . you see. . .” Itinuro niya ang mga mata na binubukalan pa rin ng luha. Iyon ang sinabi niya rito four nights ago nang humagulhol siya sa counter. That she’s the crying type when drunk.

Ngumiti ang bartender. “You need some air. Come on. Get up and get some air outside.”

Tumango siya. “Save my seat, okay. I will. . .”—sumigok siya—“be back.”

Kibit ang shoulder bag ay lumabas siya ng bar. Hindi pa naman siya ganoon kalasing. She could still feel the pavement she’s walking on. Kaya lang ay ayaw tumigil ng mga mata niya sa pagluha.

She walked from the door to the parking lot. Wala sa loob na napapatingin siya sa mga kotseng nakaparada. And then, she saw it—isang bagong-bago at kulay pulang Ford. She checked the plate number at . . . Bingo!

‘Huli ka, Adrian!’naisip niya at napasinghot. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pinlantsa ng palad ang suot na dress. Sinuklay niya rin ng daliri ang buhok bago lumapit sa sasakyan.

Sumilip siya sa bintana ng kotse. Hindi ito deeply tinted kaya aninaw pa rin niya ang nasa loob. Walang tao. Pero sa katabing upuan ng driver’s seat ay may isang brown-and-pink na shoulder bag. Obviously ay hindi kay Adrian ang bag which means na ito ay sa. . .

Nagbuntonghininga siya. How long has it been mula nang maghiwalay sila—or correction, mula nang iniwan siya? Two months? And in just two months, he found another girl that he was about to marry.

Yes. He was getting married. Iyon ang huling text na natanggap niya mula sa lalaki.

Napakapit siya sa kibit na shoulder bag. Naramdaman sa palad ang pahaba at pabilog na bagay na laging naroon. Nakahanda para kapag nakita niya ang kotse ni Adrian ay makapagbigay man lang siya ng autograph. Pero ngayong iniisip niyang gamitin ay dinadaga ’ata ang dibdib niya. She needed a little more tequila.

Luminga-linga siya. May ilan pang sasakyan na patuloy na pumapasok sa compound ng bar. At alerto pa na nakaantabay ang guwardiya sa ’di kalayuan.

‘Keep calm. Matao pa ngayon. Surely. . . maya-maya. . .’

Huminga siya nang malalim. Sinipat nang isang beses pa ang sasakyan at lumakad pabalik sa loob ng bar.

Tila nauuhaw na uminom siya ng nakatakal na tequila nang magbalik sa upuan.

“Whoa! What happened? Okay ka na?”

“I’m good, Mike. Thanks.”

Mike. Naalala na niya ang pangalan ng bartender. This might be a beginning of a good night!

She downed a couple more shots habang tahimik na hinihintay ang oras. Useless na hanapin si Adrian sa matao at maingay na bar. And she wouldn’t want to see him with his soon-to-be bride na may thirty-six inches siyang waistline. But she could make him remember her number. Aha!

After thirty minutes, kibit na niya uli ang shoulder bag. She couldn’t wait a minute longer. Matagal niyang inabangan na makadaupang-palad ang kotse na siya mismo ang pumili para sa lalaki. She likes Ford. When Adrian needed a new car, she suggested he gets Ford. Pumayag ito. Nag-ambag siya sa pambayad. And after three weeks, iniwan siya ni Adrian sa apartment niya.

“I feel good, Mike,” aniya sa bartender. Nginitian niya pa ito nang ibaba ang ilang lilibuhin sa counter.

“That’s good. Are you going home? Shall I get you a taxi?”

Iling lang ang isinagot niya sa lalaki at kinindatan ito.

Paglabas niya sa bar ay agad niyang sinuri ang paligid. Wala ang guard sa puwesto nito. Patalilis siyang lumakad sa parking lot kung saan pinaniniwalaan niyang nakaparada ang Ford ni Adrian.

Walang Ford.

Bumilis ang tibok ng puso niya at sumirko ang alak sa lalamunan niya. Hindi maaaring nakaalis ang lalaki nang wala siyang remembrance dito!

Mabibilis ang mga hindi siguradong hakbang na hinanap niya sa hanay ang sasakyan ni Adrian. Kumalma ang tibok ng puso niya nang makita uli iyon: Ford. Pula. Semi-tinted ang salamin.

Agad niyang kinuha ang bilugang lata ng dilaw na spray paint sa shoulder bag. Luminga-linga siya. Nag-check ng mga daraang tao at sasakyan. Clear.

Inalog niya ang lata ng spray paint bago malaki ang ngiti na tinanggal ang takip niyon. Pagkatapos ay wiling-wili siyang gumawa ng obra ng puso, stickmen, at swear words. Para hindi magtaka ang lalaki sa kung sino ang artist sa artwork na iiwan niya ay inilagay niya ang pangalan sa mismong salamin ng kotse: Erin De Guia. Call me. XOXO.

Pagkatapos ay inilagay rin niya ang cell phone number niya. At sa dulo, may smiley.

Tumuwid siya ng tayo nang matapos ang obra. Nakangiti niya iyong pinagmamasdan nang mapatingin sa plaka ng sasakyan. Bakit parang nagbago ang letra at numero?

Kinusot niya ang mga mata. Tiningnan uli ang plaka. Iba pa rin ang letra at numero nito sa plaka ni Adrian.

May mga dagang maharot na naghabulan sa dibdib ni Erin. Humirit at nanisi ang intrimitidang utak niya: Dapat kasi, tiningnan mo muna uli ’yong plaka. God. Kaninong kotse ito?

Samantalang ang matalinong parte naman ng utak niya ay: Burahin mo ang pangalan at number mo! Pagkatapos, takbo!

Sa buong thirty years ng buhay ni Erin, natutunan niyang matapos manisi ng intrimitidang boses sa isip niya, dapat niyang sundin agad ang matalinong ideya niya. Iniamba niya uli ang spray paint para tabunan ng pintura ang pangalan at numero na nasa windshield kaso—

Malakas ang pito ng guwardiya. Nilingon niya. Dama niya ang tensyon ng pagmamadali nito palapit. Mabilis na gumalaw ang paa niya at tumakbo palayo roon. Kagat-labi niyang iniwan ng tingin ang malalaking letra ng pangalan at cell phone number na hindi niya nabura.

***

Nagmulat si Erin sa sakit ng ulo, init ng araw, at nag-iingay na ring ng cell phone .

Napamura siya sa isip. Napipikit nang abutin ang phone at tanggapin ang tawag. “Hello? What is it? It’s too early to call!”

“Hello, sleepyhead! You finally picked up!”

Napakurap siya. Lalaki ang nasa linya. Unfamiliar. May baritonong lumalandi sa tainga niya. And what did he call her? Sleepyhead?

“I’m sorry. . . What time is it?” aniya.

“Twelve-thirty in the p.m., sleepyhead.”

“I’m sorry again. Do I know you? Wrong number ka ba?”

Tumawa nang mahina ang nasa kabilang linya. “I don’t think so. . . but I am sure you want me to call you.”

Ano raw? Wala siyang matandaang lalaki na may sexy voice na binigyan niya ng number niya nang nagdaang gabi.

“I’m sorry. I don’t understand.”

“You gave me your full name, Erin De Guia. And you want me to call you. You clearly printed your name and digits. . . on my Ford’s windshield.”

Nagtayuan ang balahibo niya nang magbalik sa alaala niya ang nagdaang gabi: Ford. Pula. Semi-tinted ang salamin. At ang artwork niya in yellow spray paint!

“Oh no. . .”

“You finally remembered!”

Nahihilo siya sa flashback ng katangahan.

“Erin?” Seryoso na ang tinig ng lalaki.

Nanatili sa lalamunan niya ang boses niya.

“Erin? Hey. . .”

Pinindot niya ang End Call button. Nang mag-ring uli ang cell phone niya ay nagtago siya sa ilalim ng kumot.

Ang kasunod ay isang text message. Halos nakapikit siya ng buksan iyon. It said: You cannot hide from me, sleepyhead. I’m at the lobby of your apartment now. #

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ylena
Sleepyhead yiiiieee ...
goodnovel comment avatar
Krisette D. Bognot
ERIIIIIN!!!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Hate List    Chapter 2: Hide and Seek

    ***‘He’s at the lobby of this building? How did he even know where I live?’Mabilis na nagpatong ng robe si Erin sa oversize t-shirt na gamit pantulog. Dali-dali niyang hiniklat ang shoulder bag na nasa sofa at humugot ng kung anong damit sa closet. Isinalaksak niya iyon sa bag. Lumabas siya ng apartment, nag-lock ng pinto, at talagang papatakbo na patungo sa elevator kung hindi lang siya nakarinig ng mga yabag mula roon. Nagmamadali siyang bumalik sa unit niya para lang lumabas uli at mangatok sa katapat na pinto.Nang mapagbuksan ay agad siyang pumasok sa loob ng katapat na apartment. May pagtataka sa mukha ng dalawang matanda na tenant doon.“May sunog ba?” tanong ni Mrs. Rima. Payat ang matanda, malaki ang mga mata, at kapag ngumingiti ay nalalaglag pa nang kaunti ang pustiso. Ngumunguya ito. Amoy-ginataan.Humihingal siya nang ngumiti. “Wala ho. Pasensiya na ho sa pagkatok ko. Emergency ho kasi.”Sumilip siya sa unit niya mula sa peephole ng pinto ng mag-asawa. Wala namang tao.

    Last Updated : 2022-07-29
  • The Hate List    Chapter 3: Mistaken Identity

    *** Malalaki ang hakbang ni Erin patungo sa escalator ng mall na hunting ground niya. Nakasuot siya ng malambot na jeans at maluwag na kamiseta para itago ang kumakapal na bilbil. Plano niyang bumili na rin ng panibagong jeans dahil humahabol ang deposito ng carrot cake sa pigi, hita, at singit niya. Kahihiga niya yata iyon habang lumalamon at nagpaplano nang mabangis na paghihiganti. Naka-shades din siya, running shoes (sakaling may makasalubong na sexy man na balak siyang dalhin sa pulis), at shoulder bag ng self-defense assortment: pepper spray, malalaking karayom na nasa sewing kit, nail file, at condoms.Naglilibot na siya sa sale ng jeans nang may mabilis na mahagip ang mata niya at 3 o’clock: lalaking may nakaiinit ng ulong side profile, naka-moss green na boyfriend shirt, at nakaakbay sa payat at makinis na balikat ng isang hindi pamilyar na babae.Nanigas ang tuhod ni Erin. Gayundin ang panga. Bago pa niya mamukhaan nang tuluyan si Adrian ay rumaragasa na sa ugat ang kumukul

    Last Updated : 2022-07-29
  • The Hate List    Chapter 4: The Bourbon story

    ***Pagkatapos ng pagtatago, ng habulan, ng dalawang eskandalong kinasangkutan, nakabalik din si Erin sa apartment niya. Na malamang ay panandalian lang. Kasama niya si Sexy Man na may bitbit na pagkain, alak, at cake na panlimahang tao.Agad siyang nag-dive sa mahabang couch at yumakap sa throw pillow. Saka siya nabahing. Naramdaman niya—sa ilong at balat—ang lumilipad na alikabok sa buong silid.Nilinga niya ang paligid. Walang sapot ng gagamba sa kisame pero may manipis na latag ng alikabok sa mga muwebles. Mukhang hindi siya sinunod ni Aly sa request niya ng pagpapalinis ng apartment. O puwede ring nakalimutan nito. Ito kasi ang taong nakilala niya na sa batang edad pa lang (mga two years old) ay lumala na agad ang sakit na kalimot.Napatingin siya kay Sexy Man na alanganing nakatingin sa bakanteng couch. Mukhang pinag-iisipan nito kung mauupo roon. Probably unlike her, naramdaman agad nito ang alikabok. Bumangon siya at nagpagpag ng sarili.Tumikhim siya. Lumingon ang lalaki na b

    Last Updated : 2022-08-04
  • The Hate List    Chapter 5: Deal or No Deal?

    *** Nagising si Erin sa mainit na hita na dumampi sa hita niya. Hinawi niya pa ang nakakalat na buhok sa mukha bago nagmulat ng mga mata. Ang unang tumambad sa paningin niya ay ang nakapikit na mukha ni Adam. Tinakpan niya ang bibig sa muntik na pagtili. Pagkatapos ay sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Naka-panty at bra lang siya samantalang si Adam naman ay short na lang ang natitirang suot. Itinakip niya ang kumot hanggang sa dibdib, saka pinagmasdan ang lalaki. Nakadapa ito, nakabiling ang mukha sa gawi niya, at bahagyang nakasanday ang kanang paa sa kanya. Malaya niyang nakikita ang matigas na kalamnan nito sa braso at tagiliran. Nakagat niya ang labi. Not even Adrian looked this good half-naked. Sigurado siyang walang fats sa katawan ang lalaki. He looked firm, strong, and delicious everywhere. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nag-iinit siya, este, mainit siya dahil pa rin yata sa nainom na alak. Mukhang walang natighaw na uhaw mula sa kaibuturan ng pagkatao niya. Mukh

    Last Updated : 2022-08-05
  • The Hate List    Chapter 6: Paasa.com

    ***Padabog ang paghuhugas ni Erin ng pinagkainan. Mainit ang ulo niya dahil masarap ang halik ni Adam at sa kabila ng malagkit na umaga ay wala siyang ideya kung paano sila magkakaroon ng morning coffee kiss part 2. At kapag may isang bagay siyang gusto na parang madali namang makuha pero ni hindi niya maamin o mahingi man lang, nag-iinit ang ulo niya. To its highest boiling point. "Shit. Bakit hindi na lang naging bakla?" Napapailing-iling siya habang hindi namamalayan ang sariling pagbulong. Panay ang isis niya gamit ang sponge sa walang labang plato.Intrimitidang utak: Hindi mo panghihinayangan kung maging bakla nga siya? Hindi mo panghihinayangan ang caramel eyes, biceps, long legs, at ang makatunaw-everything na halik? Bet mo talaga siyang maging bakla?Matalinong utak: Don't be dumb. Magdasal ka na lang. Kaya mo 'yan, girl.She hissed at her own thoughts."Matagal ka pa?" tanong ni Adam na tumabi sa kanya. Sandali siyang sumulyap dito. Napalunok nang magtama ang mata nila ba

    Last Updated : 2022-08-06
  • The Hate List    Chapter 7: Intentions and Boundaries

    ***Alas-tres ng hapon. Siksik pa sa tiyan ni Erin ang seafood na nilantakan nila ni Adam sa isang restaurant by the bay. At ngayon, sa halip na nagpaplano siya kung paano kakalbuhin si Felicia o susundan ang bride ni Adrian, ay nasa jewelry boutique siya sa loob ng mall. Nakaharap sila ni Adam sa eskaparateng kinalalagyan ng mga kumikinang na alahas. Nakaantabay naman ang attendant sa kanila.“Ano’ng tinitingnan natin?” usisa niya. “Help me pick a present for a girl.”Nanalas ang mata niya sa lalaking nakatuon ang atensyon sa mga naka-display. Ano’ng sinasabi nito? Pumili siya ng alahas para sa ibang babae? Ang akala ba ng lalaking ito, por que at may atraso siya ay walang kaso sa kanya ang karay-karayin nito sa kung saan kahit na may iba siyang gustong gawin? Uutusan pa siyang pumili ng gagamiting pang-uto sa kung sino? Napakasuwerte naman ng tingin nito sa sarili! Guwapo na nga, kailangang may alila pa talaga?“It’s actually for Eloise,” dagdag nitong saglit na sumulyap sa kanya.

    Last Updated : 2022-08-07
  • The Hate List    Chapter 8: Distracted

    ***“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Hate List    Chapter 9: Sober conversation

    ***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu

    Last Updated : 2022-08-08

Latest chapter

  • The Hate List    Special Chapter 7: Reward

    ***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya

  • The Hate List    Special Chapter 6: Someone worth the trouble

    ***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang

  • The Hate List    Special Chapter 5: Class and Patience

    ***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa

  • The Hate List    Special Chapter 4: Volcanic

    ***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&

  • The Hate List    Special Chapter 3: Promise

    ***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul

  • The Hate List    Special Chapter 2: Meeting Violet Ledesma

    ***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck

  • The Hate List    Special Chapter 1: Engaged

    ***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee

  • The Hate List    Chapter 32: For all it's worth

    ***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma

  • The Hate List    Chapter 31: To be Shameless

    ***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status